KABANATA 7

2139 Words
GALIT SI YVO. Hindi man niya sabihin, nararamdaman ko. Dahil ba iyon sa ginawa ni Rocco? Bakit siya magagalit sa akin kung si Rocco naman itong bigla akong hinawakan? Hindi man ako nagpapakita ng emosyon, hindi rin naman ako manhid. Nakakaramdam pa rin ako at ngayon ay naiirita ako. Natawagan ko na ang assistant ni Yvo at sinabi ang pinapasabi nitong pagbili ng regalo para kay Terina. Tinanong pa ako kung ano raw regalo ang gusto ni Terina. “Hindi ko alam.” Masyado na akong bad trip para isipin pa ang tono ng pananalita ko. I was never rude, pero dahil sa hindi pagpansin sa akin ni Yvo simula kanina at pag-uutos niya sa akin ng ganito para sa fiancée niya, hindi ko mapigilang mag-alburuto. Ito ang unang pagkakataon na ipinamukha ni Yvo sa akin kung sino si Terina sa kanya at hindi iyon ikinatutuwa ng puso kong tanga sa kanya. “Sa tingin mo? Parati kang kasama ni Sir Yvo, hindi ba? May nababanggit ba siyang gusto ni Miss Terina—” “Guard ako ni Sir Yvo, hindi kami friends para sabihin niya sa akin ang tungkol sa mga hilig ni Miss Terina.” Ngayon na dumaan sa dila ko ang mga salitang iyon, masakit pala ‘no? Inilugar ko lang naman ang aking sarili sa tamang posisyon ko. “Ay sige, pasensya na. Aasikasuhin ko na iyon. Salamat.” Hindi ko na nagawang makapagpaalam. Binaba ko ang telepono at bumuntong-hininga. This is not me. Hindi ganito ang karkater ko pero dahil kay Yvo…nagkakaganito ako. In the past, Yvo would not involve me to his business with Terina. Naisip ko na baka kahit papaano ay nirerespeto niya ang arrangement namin at ang maaaring nararamdaman ko, pero ngayon, hindi ko na alam. Inayos ko na ang gamit ko, nag-shower na ako at uuwi sa apartment. Mukha namang hindi ako kailangan ni Yvo ngayong araw kaya papasok na lang ako sa school nang maaga at mag-aaral sa library. Mahirap kapag isang taon na lang, ga-graduate ka na. “Hello, Chi!” Ginulo nina Teo at Nero ang buhok ko nang makalapit sila sa akin. Agad nilang tiningnan ang paligid at nakabungisngis na tumingin sa akin. “Himala! Wala si Sir Yvo na nakabuntot sa ‘yo at parati kang pinapanood. Busy?” “Hindi ko alam,” sagot ko at mabilis na kinuha ang gym bag na mayroon ako para isiksik ang lahat ng gamit ko roon. Ang ganda ng nangyari sa amin kagabi para lang masira ngayong umaga. Great! Napatitig sa akin sina Nero at Teo, mukhang napansin nila ang pagbabago sa disposisyon ko. Matagal ko na rin silang kilala kaya basang-basa rin nila kapag nagiging out of character ako. “Okay ka lang? Galit ka ba sa amin?” tanong ni Nero, nakataas ang kanyang kilay. Umiling ako. “Hindi ako galit. Ganito naman talaga akong magsalita.” Nagkatinginan silang dalawa bago tumawa si Teo. Inakbayan niya ako. Ang una kong naisip ay tabigin ang kamay niya dahil magagalit si Yvo kapag nakita niya ito, pero nang maalala ko kung paano niya iutos sa akin ang sabihin sa assistant niya na regaluhan si Terina, hindi ko ginawa ang iniisip. Pakealam ko sa nararamdaman niya? Wala naman siyang pakealam sa akin. Sigh, ganito pala talaga ang nadudulot ng matinding selos. Mabuti na lang at hindi halata sa mukha ko, sa boses ko lang. “Himala kasi talaga na wala rito si Sir at binabantayan ka—ay oo nga pala, umalis sila ni Gianni kanina, ‘no?” Hindi ako sumagot. Naalala ko lang kung paano niya ako kausapin at ang huling inutos niya. “Hindi ako ang dapat binabatanyan ni Sir Yvo, ako ang dapat nagbabantay sa kanya.” Umalis ako sa tabi ni Teo at naglakad na papaalis pero hinabol ako ng dalawa. “Papasok ka na ba sa school mo? Gusto mo ihatid kita ulit?” tanong ni Teo. Tiningnan ko siya, gusto kong malaman kung seryoso ba siya. Matapos ang nangyari kahapon ay gusto niya pa rin akong ihatid? “Gago! Kapag nalaman ni Boss ‘yan, yari ka talaga, Teo,” natatawang sambit ni Nero at hinampas pa si Teo. “Hindi ‘yan! Alam mo naman si Boss. Ganyan lang siya sa atin pero hindi niya rin tayo kayang mawala. Ang tagal na natin siyang kasama, parang hindi mo pa lubos na kilala iyon.” Tumawa si Teo at tumingin sa akin. Kinindatan ako ni Teo. “Isa pa, ang sarap kayang asarin ni Boss. Minsan mo lang makita na tunay siyang affected sa isang bagay. All thanks to Chiara.” Hindi ko man gawain, napairap ako sa sinabi niya. Sa normal na araw, baka kinikilig na ako sa sinabi niya ngunit bad trip talaga ako. “Uuwi na ako. Maghahanda pa ako sa school.” “Okay!” sigaw ni Teo. “Mag-chat ka lang sa group chat o hindi kaya ay sa number ko para masundo kita. Huwag pala sa chat, may spy si Sir Yvo roon. Baka magsumbong si Gianni. Masira agad plano ko.” Malakas na tumawa ito habang ako ay naiiling na lang. Walang malisya iyon sa amin. Para ko na talagang mga kuya ang tatlong iyon. Kilala ko rin kung sino ang mga pinopormahan nila. Pinorpormahan lang dahil alam ko naman na allergic sila sa commitment, parang boss nila—namin pala. Napasilip ako sa cellphone ko. Umaasa ako na baka sakaling mag-text si Yvo pero wala. Lalo lamang nag-init ang ulo ko. Doon na lang siya kay Terina. Tutal sila naman talaga sa huli. Sino ba ako para mag-demand ng atensyon sa kanya? Pero bakit siya? Nagde-demand sa akin? Ay oo nga, kasi binabayaran niya ako at malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya sumusunod ako. Mahal ko rin. Nag-text ako kay Teo. Me: Magko-commute na lang ako. Hindi ko rin naman alam kung darating ba ang driver ni Yvo para ihatid ako sa school dahil wala namang sinabi si Yvo. Naglakad na ako palabas at sumakay sa jeep. Malapit lang din naman ang school ko rito. Mga 15 minutes na byahe lang kapag walang traffic kaya lamang, mahirap kapag commute ngayon dahil malayo-layo ang lakarin. May ginagawa kasing kalye malapit sa school kaya hindi nakakapasok ang mga pambublikong sasakyan. Dahil maaga pa nga, dumiretso ako ng library. Nagbasa na lang ako ng libro. I can’t slack off. Pinapaaral lang ako ng mga Montecalvo kaya kailangan kong suklian iyon sa pamamagitan ng magagandang marka. Kung tutuusin ay dapat graduate na ako sa edad na ito, pero dahil nga tumigil ako sa pag-aaral noon dahil sa nangyari sa mga magulang ko, na-late ako. Ganoon man, okay lang sa akin. Life is not a race. Kahit anong edad mo pa matapos ang pag-aaral mo, okay lang naman. Basta hindi ka sumuko at pinagpatuloy mo. “Chiara, right?” Nagtaas ako ng tingin para makita ang isang babae. Alam ko na kaklase ko siya sa majority ng klase ko pero hindi kami nag-uusap. “Angeline.” Nakipagkamay siya sa akin at tinanggap ko naman. “Nabalitaan ko ang nangyari kahapon sa ‘yo at ang ginawa mong pagre-report kina Stacey. I heard na nag-take action na sina Dean. Suspended ata sila.” Tinuro niya ang isang upuang bakante sa table ko. “Can I sit here?” Tumango ako at naupo naman siya. “Sorry, alam ko nagtataka ka bakit kita biglang in-approach. Binu-bully rin kasi ako nina Stacey. Sinabi nila noon na kung sino man ang lumaapit sa ‘yo, madadamay sa bullying nila. Natakot lang din ako. Kaibigan kasi nila iyong nanligaw sa ‘yo na bigla na lang nawala. Kaya nagpapakalat sila ng mga kung ano-anong istorya tungkol sa ‘yo.” Tinaasan ko siya ng kilay. “And you’re approaching me now dahil wala na sila, ganoon ba iyon?” Nahihiya siyang ngumiti sa akin. “Matagal na kitang gustong maging kaibigan. Ang strong kasi ng personality mo tapos unbothered ka pa. Wala kang pakealam sa ibang tao o sa sinasabi nila. I admire you from afar, really. Natakot lang ako na ma-bully kapag in-approach kita. I mean, unlike you, hindi ko kayang protektahan ang sarili ko.” Titinigan ko siya. Wala akong masabi. Nagkibit-balikat na lang ako. Siya naman ay ngumiti sa akin, tila ginawang imbitasyon ang pananahimik ko. Bahala siya riyan. “Miss Serrano.” Ipinikit ko ang mga mata ko. Ano bang nangyayari ngayon at todo kausap sa akin ang mga tao? Come to think of it, wala rin masyadong nagbubulungan nang pumasok ako kanina. Actually, nginitian ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Ikinagulat kong makita iyong isang lalaking kasama ng mga babaeng nam-bully sa akin kahapon. Siya iyong pumigil sa pambabato sa akin. “I’m Christian Herrera. I was with Stacey and her friends yesterday. I testified at the Dean’s office for their wrong conduct, and they got suspended this morning.” Ngumiti siya sa akin. “I want to apologize for what they did yesterday. Pasensya na rin kung hindi ko nagawang pigilan sila.” Umiling ako. “It’s okay.” “No, bullying is never okay, Miss Serrano. Kaya gusto kong humingi ng paumanhin dahil sa nangyari. Sincerely, I apologize.” Hindi ko alam bakit bigla akong nahiya. Ngayon lang ako naka-encounter ng gentle na lalaki. Lahat kasi ng nakakasalamuha ko ay brusko at pataasan ng ihi. Palibhasa sinanay silang lahat na ganoon. Napayuko ako dahil hindi ko kayang tumitig sa mga mata niya. He has such gentle eyes, pero bakit parang pamilyar iyon? Matalas ang alaala ko pero para bang hindi ko maalala saan ko nakita ang ganoong mga mata. “That’s fine. As long na naparusahan na ang may mga kasalanan, okay na sa akin.” Tumango si Christian at ngumiti. Namamangha ako dahil sobrang genuine ng ngiti niya. Nakakapanibagong makakita ng ganito. “Chris, gym daw sabi ni coach.” Nagpaalam na si Christian sa amin at umalis. Hinabol ko pa siya ng tingin bago ako kuhitin ni Angeline. “Grabe, Captain iyan ng basketball team natin. Kinausap ka! Haba ng hair mo, girl.” Bumungisngis si Angeline. “Wait, bago ko kayo i-ship. Matanong ko nga lang kung may boyfriend ka ba?” “Boyfriend?” Unang pumasok sa isipan ko ay si Yvo pero agad akong sinampal ng katotohanang hanggang pisikal lang ang relasyon na mayroon kami. “Wala.” Tinitigan ko ang librong binabasa ko. Wala na akong maintindihan dahil paulit-ulit ang aking isipan sa salitang boyfriend at kay Yvo. Ano ko nga ba si Yvo? Boss, Chiara. Itatak mo sa isipan mo ‘yan. “Ay ‘te! Ship ko na kayo ni Captain! Bagay kayo. Kinikilig ako kanina habang nag-uusap kayo.” Lumapit siya sa akin. “Alam mo ba na pinagtanggol din ako niyan dati nang ma-bully ako nina Stacey. Ang gentleman ‘no?” Hindi ko magawang makasagot dahil wala akong ideya sa dapat sabihin. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng ganitong conversation sa ibang tao, ‘no? Kapag kasi sina Yvo ang kausap ko, hindi kami nakakapag-usap ng ganito. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Sa group chat namin nina Teo nagmula. Binuksan ko ito at binasa ang mga mensahe nila. Nagpadala si Gianni ng picture at may message na: Gianni: Ganito pala ang feeling ng third wheel? Kumalabog ang puso ko nang makita ang picture na pinadala niya. Si Terina iyon at si Yvo. Nakatalikod sila at nakasunod lamang si Gianni sa kanila. Hawak ni Terina ang isang regalo na mukhang iyong inutos ni Yvo kanina. He’s not contacting me since morning, tapos ganito ang makikita ko. Lalong nag-umapaw ang aking inis. Ang iritasyon ko simula kaninang umaga ay nadagdagan lamang. Teo: Pustahan sa condo na iuuwi yan ni Sir Nero: Hindi pa rin. Teo: Ano? Pupusta ako 5k. Gianni: Ako ang mediator. Haha. Nero: Call. 5k. Hanggang date lang sila pero iuuwi ni Sir si Miss Terina sa bahay nila. Gentleman kaya ‘yang bossing ko. Humigpit ang aking pagkakahawak sa cellphone pero itinaob iyon sa lamesa. “Gusto mong manuod ng practice nina Christian? Isa lang naman ata ang klase mo ngayon, hindi ba?” Hindi sana ako papayag pero nang tumunog ulit ang cellphone ko at nakita ko ang mensahe ni Gianni, nagbago ang lahat. Gianni: Gago! Sa condo kami ni Miss Terina papunta. My heart constricted. Pupunta sila sa condo ni Terina. Anong gagawin nila roon? Kung ano-anong pumapasok sa isipan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at tumingin kay Angeline. Hindi ako mahilig manatili sa school dahil wala naman akong ginagawa pero ayoko ring umuwi ngayon. “Sige, sasama ako. Manuod tayo ng basketball practice.” Hindi ko gawain ang gumanti, pero masyado akong irita sa nangyayari ngayon na mas gugustuhin kong manuod ng basketball practice kaysa ang umuwi at makita si Yvo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD