PARANG hinangin ang oras sa klase ni Yvo. Hindi ako makapaniwala na siya ang substitute professor namin ngayon. Hindi ko akalain na makikita ko siyang nagtuturo. Inaalala ko ang mga kilos niya noong nakaraang linggo. Sobrang busy niya at tila tinatapos ang lahat ng trabaho niya. Dahil ba rito? Magaling magturo si Yvo. Lahat nga kami ay nakikinig sa kanya. He’s giving this nice but strict professor vibe. Hindi ko lang mapigilang ma-distract kapag nakakarinig na ako ng bulungan, praising his physique. “Ang gwapo ni Sir. Kahit siya na lang maging professor natin, hindi ako magrereklamo.” Sanay ako na makarinig ng ganito noon. Kapag ako ang guard ni Yvo, madalas kong marinig na purihin nila ang gandang lalaki nito, pero hindi ko pinapansin. Kaya bakit ngayon, parang gusto kong tumayo at h