KABANATA 14

1751 Words

MAKALIPAS ang ilang araw na pahinga ko, pinayagan na akong pumasok sa school. Tinawagan pa ako ni Angeline at kinumusta. Hindi ko alam paano niya nakuha ang telephone number ko. Halata sa boses niya ang pag-aalala at sinabi sa akin na pahihiramin niya ako ng notes niya. Sinabi sa akin ni Yvo na okay lang na makipagkaibigan ako kina Angeline. He did a background check to all of them and they’re clear, si Christian lang ang hindi. Napangiti ako. At least, may matitira pa ring kaibigan ko sa akin kung sakaling talikuran ulit ako ng iba dahil sa nangyari kay Christian. Walang sinabi si Yvo kung anong ginawan niya sa lalaki. Iniisip ko na baka binura niya na rin sa mundo. Inihatid ako nina Yvo at ang driver namin ngayon ay si Teo. Nagpasalamat ako sa kanila bago pumasok sa loob ng campus.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD