PAPUNTA kami ngayon kay Leonardo Esposito. Siya iyong kasabwat ng isa sa mga kalabang pamilya ng mga Montecalvo na nahuli ko noon. Hindi ko alam kung dinalaw na siya ni Yvo nang una ko siyang mahuli pero ngayon niya lamang ako isinama. Bumukas ang pinto at nakita ko kaagad ang lalaki. Bugbog sarado at malayo na ang itsura sa dating itsura nitong natatandaan ko. May ilang daliri rin siyang nawawala at ang buto niya sa calf ay bahagyang nakalabas na. It was gruesome. Mabuti na lamang at sanay na ako sa mga ganitong scenario dahil sa nature ng trabaho ko kay Yvo. “Magsasalita na ba iyan?” tanong ni Yvo sa mga tauhan niyang pinagbabantay niya kay Esposito. “Ayaw pa rin, Sir. Tikom pa rin ang bibig.” Pagkatapos nito, may isang topic akong gustong buksan kay Yvo. Matagal na simula nang h