HINDI ko alam ang mararamdaman ko. Naguguluhan ang isipan ko kung ano bang dapat unahing pakiramdam: ang pananakit ng aking paa at ibang parte ng katawan ko dahil sa masamang pagkakabagsak ko sa lupa, ang panlalabo ng mata ko at pagkahilo, or the fact that Yvo is in front of me. “Chiara!” Bumalik ako sa ulirat ko nang marinig ko ang boses na iyon—si Christian. Muntikan nang mawala sa isipan ko ang tungkol sa kanya dahil sa biglaang pagpapakita ni Yvo. Mula sa akin ay nagtaas ng tingin si Yvo kina Christian. Base sa boses nito kanina, hindi sila kalayuan sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ni Yvo. He’s calm, but there’s danger in his aura. Ramdam mo ang malamig, nakakakilabot, at galit na bumabalot kay Yvo. Tinangka kong tumayo ngunit agad kong naramdaman ang kirot ng aking b