AKALA KO talaga ay mamamatay na ako. Akala ko, hindi ko na makikita ang aking pamilya. I was wishing, in my so-called last breath, na sana ay makita ko man lang sila kahit sa huling pagkakataon. Nang magmulat ako ng aking mga mata, naamoy ko kaagad ang amoy ng ospital. Sinalubong ako ng kulay puting kisame ng hospital room na kinaroroonan ko. “Don’t worry, Mr. Montecalvo, we will do everything for your son. If you’ll excuse us.” Narinig ko ang boses ng isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Tinangka kong igalaw ang aking kamay but I am too numb to feel anything. “What happened to Yvo, Daddy? Is he going to be okay?” Narinig ko ang boses ni Ate Maxine. Kasabay ng pagsasalita niya ay ang paaghikbi nito. “He’s going to be fine, bella.” Hindi ko alam kung anong sunod nilang pinag-usapan