HINDI naging madali ang imbestigahan ang nangyari sa pamilya ni Chiara. Una sa lahat, matagal na ang nangyari. Pangalawa, walang masyadong available na impormasyon para roon. Lahat ng taong involved, napatay ko nang gabing tulungan ko si Chiara. Pinagmamasdan ko ang mga impormasyon na nakuha ni Raffaele tungkol sa pagkatao ni Chiara. Walang nakasaad doon kung ano ang maaaring dahilan bakit tinarget ang pamilya niya ganoong mukha naman silang mga ordinaryong mamamayan lamang. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang isang salaryman at ang kanyang ina ay isang housewife. Hindi marangya ang buhay nila, kaya bakit sila gagawing target? Unless, may nakaaway ang mga magulang niya. Still, there’s something off about the Serrano family that I need to know. Hangga’t walang sapat na impormasyon, I