“HINDI MO man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo, Miss?” tanong sa akin ng head security. Ang mga mata ng mga taong naririto ay nakatingin sa akin na akala mo ay hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Tumingin ako sa head security. Napatikhim siya nang magtama ang paningin namin. “Kanina pa ako nagpapaliwanag pero hindi naman kayo naniniwala sa akin. I don’t care anymore, paniwalaan ninyo kung anong gusto ninyong paniwalaan.” Hinampas ng head security ang kanyang mesa. Some flinches due to his actions, I don’t. “Bastos kang bata ka, ah?” I even demanded to check the CCTV footage pero wala na raw kwenta dahil nakuha sa akin ang lipstick. I don’t even wear one, bakit nila naisip na kukuha ako ng bagay na iyon? I am anything but a thief. Lalapitan na sana ko ng isang staff ng store nang