NAGISING ako nang may marinig akong pagkatok sa pinto ng apartment ko. Bumangon ako at wala sa sariling nagtungo roon. Iniisip ko pa na isa kina Yvo o baka kina Teo ang nagpunta rito. Matapos kong makapagpahinga, bigla kong pinagsisihan ang nangyari kanina. Anong pagdadrama iyon, Chiara? Pero siguro sobrang na-drain lang din ako. Mabuti pang bukas na lang ako bumalik sa trabaho ko kay Yvo. Pero gusto kong subukang dumistansya sa kanya. Baka sakaling mas makabuti iyon sa aming lahat. “Paano kung wala rito si Chiara?” Bago ko pa mabuksan ang pinto, narinig ko na ang pamilyar na boses ng babae. “Naandiyan siya. Sabi ng asawa ko, hindi kasama ng magaling kong kapatid. Kaya nakakasigurado ako na naririto siya.” Binuksan ko ang pinto at gulat kong sinalubong ang dalawang babaeng nasa labas