MAS MAAGA akong nagising kay Yvo. Since wala naman siyang pasok sa opisina, hinayaan ko na lang siya na magkaroon pa ng mas mahabang tulog. Maingat kong inalis ang kamay niyang nakapulupot sa akin at lumabas ng silid niya. Pumunta ako sa kusina upang maipaghanda siya ng umagahan. Habang nasa may ref ako at nag-iisip kung anong lulutuin ko ay tumunog ang telepono. Lumapit ako sa telepono na naririto sa kusina upang sagutin ito. “Hello, si Yollie ito. Si Yvo ba itong kausap ko?” bati ng nasa kabilang linya. “Good morning po, Manang Yollie. Si Chiara po ito. Natutulog pa po kasi si Sir Yvo. May ipapasabi po ba kayo?” magalang ko namang tugon dito. “Chiara, ikaw pala iyan. Itatanong ko lang kung kakailanganin ako ni Yvo sa condo niya? Kasi kung oo, pupunta na ako.” Napatingin ako sa pang