HINDI pa kami nakakalayo sa pinto ng silid kung saan kami lumabas ay muli kaming napatigil sa paglalakad nang marinig namin itong bumukas at muling magsara. “I never saw you this tense, Sylvio. Hindi mo ba kakayanin na mapahiwalay kay Chiara kahit na para naman sa kaligtasan niya iyon?” Ang pamilyar na boses ni Sir Mattheus ang bumungad sa amin. Nilingon namin siya at binati kami ng nakangisi niyang mukha. Nakahalukipkip din ito habang nakasandal sa pinto. “Pissed off, Mattheus. I don’t f*****g need your lectures or your opinion.” Hinarap ni Yvo ang brother-in-law niya. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko. Napatingin si Sir Mattheus sa kamay naming dalawa ni Yvo at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang nakita ko siyang ngumisi. “You sure need someone’s opinion