KABANATA 5

2593 Words
HABANG TUMATAGAL AY lumalalim ang gabi. Hindi na namalayan ni Faith ns nakailang baso na siya ng matapang na alak. Hindi pa siya lasing ng mga oras na iyon kasi hindi siya sumasabay kina Nathania at Cecily na pulang-pula na ang mga mukha. Si Dasha naman ay sinunod ang asawa, nang maka-shot ito ng isa, hindi na ito umilit pa. "Nathania and Cecily, you two are drunk," mayamaya pa'y sabi ni Dasha. Kaagad na kumunot ang noo ni Cecily at tinuro ang sarili. "Ako, lasing?" Tumawa ito saka nagpakawala ng hangin sa bibig. "I'm not drunk, Dasha. Baka ikaw ang lasing diyan, 'di ba, Nathania?" Kapagkuwan ay bumaling ito kay Nathania na kakatapos lang uminom. "You're right, we're not drunk yet," sagot ni Nathania. "Ako pa ang lolokohin niyo? Nandito si Hazel, o. Kita niyang lasing na kayo. Am I right, Hazel?" Si Dasha saka pinalig ang ulo sa kaniya. "Yes, you're right," sang-ayon niya. "Tse. Bakit ba hindi kayo umiinom? Kami nga nakarami na tapos kayo, wala pa yata sa kalahati ng bote ang naiinom. Ang daya niyong dalawa," nakangusong wika ni Nathania. "I'm pregnant at hindi dapat ako mag-inom. It may affect my baby in my tummy," sagot ni Dasha saka sinapo ang tiyang hindi pa naman kalakihan. "It's weird, guys. You, Hazel, nawala ka lang ng maraming buwan, nagbago ka na kaagad?" Humagalpak ng tawa si Cecily matapos sabihin iyon. Napailing siya. "What do you mean?" she asked and looked at Cecily intently to wait her respond. "Malakas ka mag-inom, 'di ba? Ano ito, umikot ba ang mundo o sadyang nabulungan ka lang ng anghel? Na 'hoy, Hazel, tumigil ka na sa pag-iinom mo'. Like that," tatawa-tawang sabi nito saka inangat ang isang kamay kay Nathania. "Are you agree with me, Nathania?" kapagkuwan ay tanong nito ngunit hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mukha nito. "I'm agree." Si Nathania at nakipag-apir pa kay Cecily. Mga lasing na talaga. At doon sa sinasabi nila, hindi siya nabulungan ng anghel o umikot man ang mundo dahil hindi naman talaga siya nainom. Hindi niya gustong uminom ngunit wala siyang ibang magawa kundi gawin iyon dahil nagpapanggap siya bilang si Hazel. Kung sino at ano ang ginagawa ni Hazel, malamang ay gagayahin niya dahil impostora siya. Gusto na niyang talikuran ito pero natatakot siya na baka ibigay siya ni Hazel kay Mason. Ayaw niyang maging impyerno muli ang buhay niya. Kung papipiliin siya, mas pipiliin na lang niyang ipagpatuloy ang pagpapanggap dahil dito, hindi mala-impyerno ang nararanasan niya kundi takot at pangamba na baka isang araw ay may makalaam ng lihim nila ni Hazel. Kampante siya dahil halos sila lang dalawa ang nakakaalam ng lahat-lahat. Mas masahol pa rin ang naging buhay niya kay Mason kaysa rito na walang ibang ginawa kundi ang magpanggap at isa pa, malaya siya. "Stop bullying Hazel, you two!" ani Dasha saka ipinatong ang kamay sa kaniyang balikat dahilan para mapatingin siya rito. "Are you alright?" tanong pa nito. Ngumiti siya saka kinuha ang kamay ni Dasha at marahan iyong minasahe. "Huwag kang mag-alala, I'm alright. Sanay na naman ako sa ginagawa ng dalawa," sagot niya kahit na wala siyang kaalam-alam sa ginagawa ng dalawa kapag ang totoong Hazel ang kasama nila. "May napansin lang ako, Hazel," mayamaya pa'y bigkas ni Dasha. Napailing muli siya. "What's that, Dasha?" "Bakit paran—" Natigilan na lang si Dasha nang biglang may mag-ring na cellphone. Kaagad niyang kinuha ang handbag niyang dala na nasa mga hita niya at binuksan iyon. Nakakasigurado siyang ayon ang tumutunog at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya ang pangalan ni Hazel sa screen. Lumunok at ngumiti siya saka binalingan ang tatlo. "Excuse me, I have something important to talk," sabi niya saka hindi na hinintay pang makasagot ang mga ito, she walked out without any hesitation. Naglakad pa siya ng ilang minuto hanggang sa namataan na lang niya ang sarili na nasa isang garden. Maliwanag doon dahil may ilaw. At laking tuwa niya dahil walang tao. Umupo na siya sa isang bench saka sinagot ang cellphone niyang kanina pa nag-iingay. "Hello," aniya saka bumuga ng hangin mula sa bibig. "I waited for two minutes, Faith. Bakit hindi mo kaagad sinagot?!" sigaw ni Hazel sa kabilang linya dahilan para bahagya niyang mailayo ang cellphone sa tainga niya. "Gusto mong sagutin ko ang telepono nang nasa harap ko ang mga kaibigan mo?" Natawa siya. "Malamang hindi, baka paghinilaan pa tayo," aniya saka dumikuwatro sa kaniyang kinauupuan. "Sinisigawan mo ba ako, Faith?" inis na tanong ng nasa kabilang linya. She rolled her eyes in irritation. She didn't shout at her nor speak loud. Bakit ba ganito ang mindset ng babaeng iyon? Bakit hindi nito magawang maging humble sa kaniya kahit kaunting oras man lang? Baligtad, she should ask her that kind of question hindi na ito pa ang magtatanong. "Hindi kita sinisigawan, Hazel. Natagalan lang dahil lumayo ako sa tatlo. Alam ko namang hindi mo gusto na marinig nila ang tungkol sa sikreto natin. Mag-isa lang ako ngayon kaya kung ano ang sasabihin mo, sabihin mo na." Inangat niya ang mukha sa madilim na kalangitan. Ayaw niyang pagsalitaan ng masama si Hazel. Hindi niya alam kung bakit. Marahil ay epekto na rin ng alak kung bakit ganoon na lang siya makapagsalita rito. Para ngang tinatamaan na siya ng alak dahil nakakaramdam siya ng antok. "Nevermind, Faith. I forgot to say this. May kasama ka ba riyang babae na may kulay dilaw na buhok?" mayamaya pa'y tanong ni Hazel. "Yes, si Cecily? Bakit?" "Don't be nice at her, act like you don't know her. Huwag mo siyang pansinin." Kaagad siyang napamulagat nang marinig iyon mula sa linya. Nabibingi ba siya o sadyang tama ang pagkakarinig niya? Ito na nga ba ang problema, e. Wala siyang kaalam-alam kina Nathania at Cecily. Kaya nang pinansin niya ang mga ito at nakakausap niya pa nga lalo na si Cecily. "Bakit ngayon mo lang sinabi, Hazel? Nag-uusap na kami... nagkukuwentuhan na. Bakit ngayon lang?" pagalit niyang asik dito saka sinapo ang noo at dinako ang tingin sa posisyon ng tatlo. Nakita niya ang mga ito, masayang nagkukuwentuhan. "What the hell, Faith? Did you even use your empty brain? Ang tanga-tanga mong babae ka!" bulyaw sa kaniya ni Hazel na ikinakuyom ng isa niyang kamao. Ang kapal din naman ng mukha nitong sabihan siya ng tanga. E, sa totoo lang ay ito naman ang tanga. Si Hazel ang tanga sa kanilang dalawa dahil ni hindi nito nabanggit ang tungkol sa dalawa. Pati nga kay Rafael, e, wala itong nabanggit kaya naman nabati at nayakap niya ito kahit na hindi naman nito kaarawan. Tapos ang dahilan lang ng bruha ay nakalimutan? Nakakainis! "Mas tanga ka, Hazel. Kung sinabi mo, malamang hindi na tayo magtatalo pa ng ganito. Kung tutuusin ay ikaw ang may kasalanan. Alam mo namang nagpapanggap lang ako. Akala ko nasabi mo na sa akin noon pero hindi, marami pa pa lang kulang. Bakit hindi mo subukang magpanggap? Alam ko at alam mong mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko ngayon," maluha-luha niyang sabi. "You are stupid, Faith. You are stupid! Bakit hindi mo ako tinawagan nang makita mo silang dalawa? For sure nagkamali ko kung sino si Cecily at Nathania. Tama ba ako?!" "Oo, tama ka!" pag-amim niya. "Ang tanga-tanga mo talang babae ka. Baka wala pang isang linggo, malaman na kaagad ang sikreto natin." Madiin siyang pumikit. "Hindi ko iyon kasalanan, Hazel. Ikaw ang may makasalan kung bakit mabubuko agad tayo. At huwag mo akong tawaging tanga dahil sa ating dalawa, ikaw ang tanga!" Alam niyang sobra na siya. Hindi siya ganitong tao at hindi siya naging ganito kahit kailan at ngayon lang. Si Hazel ang nagturo sa kaniya para maging palaban. At kahit na ito ang tumulong sa kaniya para hindi na siya makita ni Mason habang-buhay, kung pagsasalitaan siya nitong masama, aba'y wala na siyang pakialam. Hazel is too much and she needs to stop. "I'm regretting it all, b***h!" singhal ni Hazel. "Pareho lang tayo, Hazel... pareho lang tayong pinagsisisihan ang mga ito." "Huwag ko lang makikita ang pagmumukha mo dahil kapag nangyari iyon, I'm sorry, pero ibabalik ko ang mukha mo... bubuhusan kita ng asido para lalo kang pumangit. Tandaan mo iyan, Faith. Mali na ikaw ang pinili ko... mali na ikaw ang ginawa kong kamukha ko kasi in the first place, you don't deserve that face. Babalik ka sa pinanggalingan mo... babalik ka sa matandang obsessed sa iyo. Remember my words, Faith!" nanggagalaiting asik ni Hazel saka pinatay na ang tawag. Maluha-luha niyang ibinaba ang cellphone sa tabi niya. Napakasama ni Hazel, lumabas talaga ang tunay nitong ugali. Hinding-hindi niya hahayaang bumalik siya sa dating buhay na parausan ng matandang hayuk sa kaniya. Kung kailangan lumaban ay gagawin niya... para sa dignidad niya. Tahimik niyang pinunasan ang mga mata at kinuha ang cellphone sa tabi niya saka naglakad na pabalik sa puwesto kanina. Ayaw niya ng alak, pero parang ngayon ay gusto niya... gusto niya para pansamantalang mawala itong problema niya kay Hazel. "Where have you been, Hazel?" tanong kaagad ni Nathania nang makaupo siya sa upuan niya. "It's just nothing," aniya saka kinuha ang bote ng alak at naglagay sa baso niya. Inisang lagok niya ang laman ng baso niya na nagpangiwi sa kaniya. The bitterness of the alcohol roamed in her throat. Napakapait niyon na nagpapikit din sa kaniya. Bakit ganito ba ang alak? Wala bang alak na parang tubig lang? O parang juice? She doesn't like alcohol, but this time, even she does not like it, she wants to drown herself. Iyong tipong hindi na siya makakatayo sa kinauupuan niya. Kasalanan ito ni Hazel, e— kasalanan ng totoong Hazel. Kung kahapon pa sinabi nito ang closeness nila ni Cecily, e 'di baka kaayawan niya sa alak. Hazel is a definition of b***h, Hazel is a freaking b***h! "Nagbago na naman ba ang desisyon mo sa buhay, Hazel?" natatawang tanong ni Cecily sa kaniya. She rolled her eyes. "Paki mo ba?" inis niyang tanong saka pinagkrus ang mga braso at tumingin sa kawalan. At dahil sinabi ni Hazel na huwag pansinin si Cecily, gagawin niya. Kung hindi pa sinabi nito ay baka kanina niya pa ito sinasagot o kaya maman pinapansin. At kanina pa siyang parang tanga rito. Malamang sa malamang, gulat si Cecily sa inakto niya rito. Bahala na, parte ito ng pagpapanggap niya ang magpanggap at gayahain ang kailangan gayahin. "May engkanto bang sumapi sa iyo, Hazel?" Nathania asked her. Without looking at her, she answered. "Wala, I just remembered something." "Something like?" Si Nathania. "Something that I need to pursue." "Hindi kita ma-gets, Hazel. Bye, I'm leaving, I'm tired and I want my husband." Tumayo na si Nathania pero ilang segundo pa ay napaupo rin dahil yata sa kalasingan. But Nathania stood up again and she made it. Pasuray-suray itong umalis sa puwesto nila na nagpailing sa kaniya. "Aalis na rin ako. I'm not in the mood." Si Cecily at walang paalam na umalis kaya naman sila na lang ni Dasha ang naiwan. "Mga luka-luka," rinig niyang sabi ni Dasha dahilan para mapatingin siya rito. "They really are." "Nga pala, sino iyong kinausap mo kanina? I saw the name on the screen and it says, Hazel. Hazel ang nakalagay na pangalan sa screen. I'm just curious. Sino iyong Hazel na nasa caller?" nagtataka nitong tanong at kumuha pa ng chips saka inilagay sa bibig. Napalunok siya dahil doon. Did she see the name? Peste naman kasi. Nakalimutan niyang palitan ng pangalan nito. Hindi niya kailangang matakot o magamba dahil parang madali lang maniwala si Dasha sa kasinungalingang sasabihin niya. Nawa'y sa langit sana siya mapunta kahit na nagsisinungaling siya ngayon. Aniya nga, ang pagsisinungaling niya ay parte ng ginusto niya. "It's my cousin from U.S." "Ah, Hazel din ang pangalan?" "Yes. Don't ask me, I'm not in the mood right now," sambit niya rito saka muling uminom ng alak. Sa tuwing lumalagok siya, napapangiwi siya dahil sa pait noon. But, it doesn't matter. Gusto niya munang alisin ang problema sa utak niya ngayon. Thank God Dasha didn't ask her, nag-usap lang sila ng kung ano-ano hanggang sa lumipas ang oras. Saktong ibinaba ni Faith ang basong hawak, bigla siyang nahilo. Naituon niya ang kaniyang mga siko sa lamesa at ipinikit ang mga mata. Marahil ay lasing na siya. Hindi niya alam ang gagawin niya dahil wala na siya sa sarili. Pakiramdam niya ay matutumba siya kahit nakaupo siya. Pakiramdam niya ay iikot ang paningin niya kahit nakapikit siya. Ganito pala ang epekto ng alak sa katawan at utak. Hindi niya mapigilan ang mag-isip ng kung ano-ano. She needs to shut up her mouth, she won't let their secret expose. "Lasing ka na yata, Hazel. Let me call Calvin," rinig niyang sabi ni Dasha na nasa tabi niya. She just nodded. She needs Calvin to carry her. Ilang minuto pa ang nakalipas, biglang may malamig na kamay ang humawak sa balikat niya. She faced it and saw Calvin. "Are you drunk, Hazel?" nag-aalalang tanong nito at hinawakan ang magkabila niyang braso. Tumayo siya at hindi siya natumba dahil sa tulong nito. "I'm not, Calvin, I'm not drunk," nakanguso niyang sabi saka sinapo ang pisngi ng lalaki. "You're so handsome, Calvin..." aniya pa rito. "I know, but you're drunk, honey. Mabuti na lang at hindi ako uminom ng marami dahil alam kong mangyayari ito. Let's go home." Nang akmang hahawakan na nito ang baywang niya, bahagya siyang lumayo rito. "Ayaw ko pang umuwi, Calvin." Ngumuso siya habang hindi pa rin inaalis ang mga kamay sa pisngi nito. "But, you're drunk, honey," sabi nito. She shooked her head. "I said, I'm not, okay?" "Lasing ka na, honey. Umuwi na tayo, please. Huwag mo akong hayaang lu—" Natigilan na lang si Calvin nang bigla siyang dumukwang sa dibdib nito at sumuka roon. Nang matapos, nangingiti siyang humarap dito at mula sa mukha nito, kita niya roon ang pagkagulat at diri dahil sa ginawa niya. "S-Sorry..." nangingiti niyang sabi. "Lasing ka na talaga! Let's go!" Wala na siyang nagawa nang hilahin na siya nito. Nagpaubaya na siya dahil baka naiinis na sa kaniya ang lalaki. Nang makadaan sila sa maraming tao, doon ay may nakita siyang stage at may mga nagsasayaw. Natawa siya dahil doon. Birthday party ba ito? Bakit may paganito? JS prom ba ito tapos adult edition? Gustong humagalpak ni Faith pero hindi niya magawa at baka kung ano pa ang sabihin ng mga taong nadadaanan nila. Iyong mata ng mga ito, nakatutok sa kaniya lalo na iyong mga lalaki. Wala man siya sa gitna, pero masasabi niyang siya ang sentro ng atraksyon ngayon. Nagkaroon din ng silbi ang pagsusuot niya ng gown. Nang makalabas sila sa venue, sumakay na sila sa kotse. "Sinukahan mo ako, honey," ani Calvin. Ipinikit niya ang mga mata saka isinandal ang ulo sa headboard. "I'm sorry, Calvin, I'm sorry if I'm just pretending..." sabi niya ngunit wala siyang alam na sinasabi niyang iyon. Maybe because of intoxication. Nangunot naman ang noo ni Calvin. "Pretending? What do you mean, honey?" naiiling na tanong nito. "I'm so sorry..." Hindi na niya alam ang sinasabi niya, wala na siyang kaalam-alam sa inilalabas ng bibig niya. "Bakit ka humihingi ng pasensya?" tanong ni Calvin. "I'm sorry..." aniya ulit at hinayaang lamunin ng kadiliman ang sarili. At ilang minuto pa lang ang nakalipas, tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD