NAALIMPUNGATAN SI FAITH nang biglang may tumama sa kaniyang mukha. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at kaagad na napapikit. Tinatamaan ng sinag ng araw ang mukha niya. Kinamot niya ang ulo at nakapikit na umupo sa kinahihigaan. Kasabay noon ay ang pagkirot ng ulo niya. Parang pinipiga ang utak niya ng mga sandaling iyon. Bakit ba ganito? Ano bang nangyari? Inisip niya iyon at rumihistro ang nangyari kagabi. May dinaluhan silang party ni Calvin, birthday party ng kaibigan nitong si Jerico. Nag-inom siya kasama sina Dasha, Cecily, at Nathania. Matapos noon, hindi na niya alam ang nangyari. Magpahanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang pait ng alak sa dila niya at ang init noon sa lalamunan niya. She opened her eyes and yawned.
"Good morning, honey..."
Halos mapapitlag siya nang marinig iyon kung saan. Hinanap ng mga mata niya kung sino iyon at mula sa may pinto, nakatayo roon ang isang guwapo, matipuno, at matangkad na lalaki. Si Calvin, naka-ayos ito, mukhang papasok na yata sa trabaho.
She smiled. "Good morning din, Calvin. Ano nga pala ang nangyari kagabi?"
"Marami, honey," nangingiting sagot ni Calvin saka naglakad patungo sa kaniya.
Umupo ito sa tabi niya, isang dangkal lang ang agwat nila kaya hindi niya maiwasang maamoy ang mabango nitong amoy. Matapang ang pabango ni Calvin na nagpalunok sa kaniya. Attract na attract siya sa mga lalaking ganoon, wala siyang ideya kung bakit. Medyo nahihiya siya kay Calvin dahil pakiramdam niya'y mabaho siya. Gusto niyang lumayo pero hindi niya magawa, kaya naman madiin na lang niyang tinikom ang kaniyang bibig. Hindi pa naman din siya nagto-toothbrush, nakakahiya kung maamoy nito ang hininga niyang hinaluan ng alak.
"What do you mean, Calvin?" naiiling niyang tanong.
"Hindi ko na kailangang sabihin pa, honey. Pero may isa kang sinabi sa akin kagabi na hindi maalis sa utak ko. Hindi ako nakatulog nang dahil doon."
Nangunot ang noo niya at bahagyang kinabahan. May sinabi siya rito? Kung oo, ano iyon? Parang gusto na niyang putulin ang dila niya para hindi na siya makapagsalita kailanman.
"Ano iyon?" kakaba-kaba niyang tanong.
"You said you're just pretending. Iyan ang sinabi mo kagabi sa akin. After that, you fell asleep. Anong ibig mong sabihin, honey? I'm confused and curious at the same time."
Gustong sapakin ni Faith ang kaniyang sarili ng mga oras na iyon. Talagang sinabi niya iyon dito? Diyos ko, hindi kaya'y alam na nito ang lihim nila ni Hazel? No, it can't be. Hindi nito dapat malaman iyon dahil malalagot siya kay Hazel. Medyo natakot na siya sa babae dahil sa banta nito kagabi. Paano nga kung sirain nito ang mukha niya? Hindi siya papayag. Pero roon sa sinabi niya kay Calvin, sana'y ayon lang ang nasabi niya at wala nang iba. Puwede naman siyang gumawa ng alibi tungkol doon, madali lang namang magsinungaling.
Bago siya magsalita, lumunok muna siya nang ilang ulit. "Don't mind it, Calvin. Ang ibig kong sabihin ay, nagpapanggap lang ako bilang ano... ano, nagpapanggap lang ako bilang lasing. Yes, that's true. Ano kasi, I-I'm tired that's why when I said that to you, I fell asleep. Sorry, Calvin if I made you confused. It will never be happened again..." kabado niyang sagot.
Tumango ito, mukha namang naniwala sa sinabi niya. "It's okay, Hazel. Sana'y sinabi mo sa akin para nakauwi na tayo nang mas maaga pa. By the way, I have to go."
Hinalikan siya nito sa tuktok ng kaniyang ulo kapagkuwan ay tumayo at umalis na. Nang makalabas ito ng kuwarto, marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig. Bakit parang hindi ito naniwala sa kaniya? Gusto niyang habulin ito at muling magpaliwanag pero ayaw makisama ng mga paa niya. Sana naman ay hindi kaagad malaman ni Calvin ang tinatago nila ni Hazel. Dahil kung oo, baka lalo pang magalit ito sa kaniya. Baka hindi lang nito sirain ang mukha niya, baka patayin na rin siya nito.
Naiinis siyang humiga sa kinauupuan niya at tumitig sa kisame. Inaantok pa siya at kailangan niya pang matulog. Kaya naman mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng kadiliman. Ilang segundo lang ang nakalipas, tuluyan na siyang nawala sa ulirat.
NAGISING SI FAITH nang makarinig na sunod-sunod na ingay. Iminulat niya ang mga mata at hinanap ang nag-iingat. At mula sa beside cabinet, nakita niya roon ang kaniyang cellphone. Iyon pala ang nag-iingay. Ginapang niya iyon at kinuha saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Hazel. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ba ito o hindi, pero sa huli, wala siyang ibang nagawa kundi ang sagutin ito.
"So, what happened?" Bumungad agad ang baritonong boses ni Hazel, mukhang wala ito sa mood.
Lumunok siya. "Saan?" inosente niyang tanong.
"What? Don't be innocent, you b***h! Tell me what you did last night. Hindi puwedeng hindi ka nalasing. May sinabi ka ba kina Dasha? May sinabi ka ba kay Calvin, huh? Tell me, Faith!" saad nito sa kabilang linya.
"Oo, nalasing ako. May nasabi ako kay Calv—"
"What?! Are you freaking serious, huh? Don't tell me alam na niya ang sikreto natin. Kung oo, pasensyahan na lang tayo pero gagawin ko ang mga sinabi ko sa iyo kagabi. So, now, tell me!"
"Nasabi ko na nagpapanggap lang ako. But, don't you worry dahil, I already explained it to him. Naniwala naman siya sa akin."
Wala siyang alam kung naniwala ba ito o hindi. Dahil parang walang buhay itong umalis sa kuwarto nito. Hindi siya sigurado pero sinabi na niya dahil wala na siyang ibang maisip. Kung sasabihin naman niya ang totoo, baka humangos na si Hazel at buhusan na siya ng asido. Habang tumatagal, unti-unti na niyang nakikita ang tunay nitong kulay. Noong una silang magkakilala, maayos ang pakikitungo nito sa kaniya. Hindi na siya nagulat, nagbabago naman ang mga tao.
"Mabuti naman. Dahil kung mas malala pa ang sinabi mo sa kaniya, hindi lang kita bubuhusan ng asido, baka ipapatay pa kita o worst, baka ibalik kita sa matandang tinakasan mo!"
"Hindi na ako iinom para hindi ako makapagsalita ng kung ano na may kinilaman sa sikreto natin," aniya.
"Just make sure na gagawa ka ng alibi. Faith, kilala akong malakas uminom ng alak. I agreed, pero tandaan mo iyong sinabi ko. Make an alibi. Make sure it's acceptable."
"I will. Nga pala, nag-s*x kami ni Calvin. Kung mabuntis ba ako, ayos lang sa iyo?"
Narinig niyang tumawa ang kausap. "Pakialam ko, huh? Mag-s*x kayo magdamag, magparami kayo ng anak at wala akong paki riyan. Nga pala, I deposited money in your bank account."
"Salama—"
Hindi na siya nito nagawang patapusin, Hazel ended the call. Pero seryoso kaya iyong sinabi nito? Talaga bang hindi na nito mahal si Calvin? Ang laking tanga ni Hazel, sinayang lang si Calvin. Napailing siya at ibinalik ang cellphone sa beside cabinet at tumayo na saka nagtungo sa banyo para maligo dahil nangangati na siya.
"DASHA TOLD ME last night that your wife is acting very weird."
Hindi muna pinansin ni Calvin ang kaibigan. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makapasok silang dalawa sa opisina niya. Ipinatong niya ang hawak na shoulder bag sa desk at umupo sa swivel chair. Samantalang si Jerico naman ay umupo sa visitor's chair.
"I told you. Kahapon ko pa siyang napapansing ganoon. Dumating siya, nagbago na siya. Hindi na siya iyong dating Hazel na nakilala ko. You know Hazel, madaling maiinis sa bagay, pero iyong kasama ko, hindi. Tapos kagabi, lasing siya at sinabi niyang nagpapanggap lang siya. I don't know, bro, I'm really confused. If could get back the time, nagawa ko na para makita ko ang katotohanan."
"Hindi kaya'y hindi si Hazel ang kasama mo ngayon? As what you said, hindi na siya iyong dating nakilala mo. It's possible, bro."
"I don't think so, Jerico. Alam naman niya ang lahat, if she's not the real Hazel, sana'y hindi niya alam ang bagay na kami lang ni Hazel ang nakakaalam. Pero kagabi, napagkamalan ni Hazel si Rafael na ikaw. She hugged Rafael and greeted him."
"Bro, you know impostora?" tanong ni Jerico.
Tumango siya. "Yes, I know that. Bakit mo natanong? Don't tell me may kinilaman iyon dito?"
"Exactly, bro! Baka ang kasama mo ngayon, impostora lang. Nagpapanggap bilang si Hazel. Tapos iyong totoong Hazel, baka nasa malayo. Pero ito ang naisip ko, bro. Paano kung ang totoong Hazel ay nakipag-usap sa impostora? Bro, Hazel is a plastic surgeon at kaya niyang magpabago ng mukha. What if ganoon? I know it's hard to think, those are just my thoughts. It depends on you kung maniniwala ka o hindi. I have a suggestion. Paano kung kausapin mo si Hazel, tanungin mo siya ng mga tanong na kayong dalawa lang ni Hazel ang nakakaalam ng sagot. Kapag mali ang sagot niya, confirm, she's just pretending. Pero kung tama, maaaring si Hazel talaga iyon. Pero huwag ka pa ring magpaniwala sa kaniya, sabi ko nga, baka kinausap ni Hazel ang impostora. Baka ibinigay niya ang mga impormasyon na kayo lang ni Hazel ang nakaalam. Magulo ito, bro. Pero kung gusto mong malutas kaagad ito, you should talk to Hazel para mawala na ang mga nararamdaman nating pagkawirdo sa asawa mo..." mahabang lintaya ng kaibigan niya.
Mariin niyang napapikit kapagkuwan ay marahas na napabuga ng hangin sa bibig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa kaibigan. Paanong impostora ang kasama niya ngayon, e alam na alam nito ang lahat. Iyong sinabi lang nito kagabi ang hindi niya naintindihan. Na nagpapanggap lang ito. Iniisip niya na wala lang iyon since Hazel was drunk. Argh! He's overthingking too much! His head might be exploded in an instant because of this. Kung ayon ang gusto ng kaibigan niya, he has no choice but to do it.
"I will do it, bro," tatango-tango niyang sagot.
"That's good to now. Weird nga ang asawa mo. Pero kung walang impostora, baka naman naengkanto ang asawa mo. Hindi ba't naikuwento mo na galing siya sa bundok, baka roon, napaglaruan siya ng engkanto. Baka pati engkanto, nagagandahan sa asawa mo," natatawang sabi ni Jerico.
"Hindi totoo ang mga iyon, bro. They are just urban legends."
"Yeah, you're right. Sige na, aalis na ako. My wife is waiting me, may check-up kasi siya. Update mo na lang ako sa mangyayari, bro."
Tumango lang siya kaya naman umalis na ang kaibigan. Kaya naman naiwan na siyang mag-isa sa kaniyang opisina. Marahas muli siyang nagpakawala ng hangin sa bibig at tumingin sa kawalan. Mamaya, uuwi siya para gawin ang sinabi ni Jerico sa kaniya.
MATAPOS MALIGO NI Faith, nagbihis na rin siya. Bumaba na siya sa ikalawang palapag ng bahay para kumain dahil nakaramdam siya ng gutom kanina habang naliligo. Nang makababa, dumako ang mga mata niya sa sala at mula roon, may nakita siyang isang matandang babae. Ang ina ni Calvin. She's busy reading a magazine. Inalala niya ang sinabi ni Hazel sa kaniya. Hindi niya kailangang lapitan ito para kausapin o ano man. She needs to ignore her as soon as possible. Kaya naman nagpatuloy na siya sa paglalakad pero nakatatlong hakbang pa lamang siya nang biglang tinawagan siya nito. Kinakabahan niyang binalingan ito, nakababa na ang hawak nitong magazine habang nakatingin sa kaniya.
"Where the hell are you going, Hazel?" nakataas kilay nitong tanong.
"In the kitchen, mamá."
Tumayo ito at naglakad patungo sa kaniya. Masama ang awra nito na bahagya niyang ikinatakot. Paanong nalalampasan ng totoong Hazel ito? Parehas lang yata ng ugali ang mga ito— si Hazel at ang ina ni Calvin. Nang makalapit ito sa harap niya, she crossed her arms in front of her chest.
"Where's Calvin?"
"Pumasok na siya sa trabaho, mamá. Why did you ask? Alam mo namang nasa trabaho siya ng ganitong oras, still, you asked me!" nakangisi niyang sagot saka itinirik ang mga mata.
She doesn't like it, but she need to do it.
"E, ikaw, hanggang dito ka na lang ba sa bahay, huh? Hindi ka ba magtatrabaho? Pinapahirapan mo ang anak ko! Tigilan mo na ang pagiging spoiled brat mo at kung hindi ka pa titigil, isusumbong kita sa ina mo. You know, me and your mother are close!"
Naikuwento nga ni Hazel iyon sa kaniya. Magka-close ang ina ni Calvin at ina ni Hazel. Naikuwento rin ni Hazel sa kaniya na kahinaan nito ang ina niya kaya naman kapag nadamay ang ina nito sa usapan nila, kailangan niyang magpanggap na takot.
"I'm not a plastic surgeon anymore," malumanay na wika niya.
"Kaya mag-i-stay ka na lang dito sa bahay habang-buhay?"
"Not really, mamá dahil may itatayo akong business. Huwag kang mag-alala, hindi ako aasa kay Calvin."
"Aba't tama lang. Hindi porke siya ang lalaki, siya na ang magtatrabaho."
"Are you done?" walang buhay niyang tanong.
Nginiwian lang siya nito bago bumalik na sa sala samantalang siya'y naglakad na patungo sa kusina. Nang makarating, sinaraduhan niya ang pinto at sumandal doon. Sinapo niya ang kaniya dibdib. Mabuti na lang at hindi siya tinanong nito ng marami dahil kung sakali, baka hindi na niya alam ang isasagot niya.
GABI NA AT abala si Faith sa paliligo. Hindi niya pa rin maiwasang maisip ang nangyari kaninang umaga. Nakausap niya ang ina ni Calvin. Mabuti na lang talaga at hindi humaba ang usapan nila. Malapit na nga pa lang umuwi si Calvin kaya naman minadali niya ang paliligo dahil gusto niyang paghandaan ito ng pagkain. Matapos maligo, nagpatuyo na siya gamit ang tuwalya, at nagbihis ng pantulog. Bumaba na siya patungo sa ibaba habang nagsusuklay ng buhok. Dadakuin na sana niya ang kusina nang biglang bumukas ang main door at bumungad doon si Calvin. Bukas pa naman ang ilaw kaya kita niya ito at bahagya itong namumula. Tapos nang maglakad ito, sumusuray ito. What happened to this man? Is he drunk? Umiling siya at nilapitan ito.
"Calvin, are you drunk?" tanong niya.
Umiling ito. "No, honey. Just follow me, I have something important to ask," wika nito at naglakad na— nilagpasan na hindi man lang siya hinahalikan.
Nakasanayan na niyang hinahalikan siya ni Calvin bago umalis. Nagbago na ito pero sa anong dahilan? Muli siyang napailing at sinundan ito. Malayo na ito, nasa hagdan na habang marahang umaakyat. Madiin ding nakakapit ito sa hawakan para hindi mahulog. She wants to approach him and help him, but she can't. Iba ang utak niya ngayon, parang kapag nilapitan niya ito, bubulyawan siya nito. Hindi pa man din niya alam ang bad side nito.
Nnag makaayat sila sa ikalawang palapag, pumasok na sila sa kanilang kuwarto. Tinanggal ni Calvin ang shoulder bag sa balikat saka inilapag iyon sa kama. Kapagkuwa'y sinunod nitong hubadin ang coat na suot. Nang mahubad, sinunod nito ang pantalon at brief. So now, she looking at his nakedness. Calvin is totally naked. Kita niya ang maumbok nitong pang-upo. Hindi na niya namalayan na naglakad na ito at pumasok sa banyo. Bakit naman kaya ganoon si Calvin? Imbes na pansin pa iyon, inayos niya ang kalat nito. Inilagay niya sa couch na nasa kuwarto nila ang shoulder bag nito at ang mga hinubad nito at inayos niya. Umupos siya sa kama at marahas na huminga. Calvin is acting really weird. Mayamaya pa'y narinig na niya ang paglagaslas ng tubig sa sahig, naliligo na ito.
Baka matagalan pa ito kaya naman tumayo siya at nagtungo sa balkonahe na nasa kuwarto rin nila. Oo, may balkonahe ang kuwarto nila ni Calvin. Kita niya ang madilim na kalangitan habang may nagniningning doong mga bituin. Isama pa ang malaking buwan na kay liwanag. She sat on the metal chair and closed her eyes. Bakit ba ganoon ang inakto ni Calvin? Kinakabahan at natatakot siya. Baka kasi alam na nito ang lihim nila ni Hazel. No, it can't be. Walang maaaring makaalam ng lihim nila ni Hazel.
Hindi na namalayan ni Faith ang oras, basta't narinig niya mula sa loob ang pagbukas ng pinto ng banyo. Binalingan niya iyon at hindi nga siya nagkamali. Lumabas doon si Calvin habang may tapis ang katawan ng tuwalya. Tumayo na siya at bumalik na sa loob. Si Calvin naman ay naglakad patungo sa sariling closet nito at kumuha roon ng maisusuot. Hindi man lang siya nailang habang pinapanood itong magbihis. Kahapon lang sila nagkasama, pero hindi na niya magawang ilayo ang mga mata rito. Kahit kita niya ang ari nito, hindi man lang niya iniiwas ang mga mata. Parang sanay na sanay na siya. Siguro'y ganito talaga ang utak niya, na kapag malapit na sa isang tao, pagkakatiwalaan na niya.
"I'm done, honey. Can we talk now?" biglang sabi ni Calvin.
Hindi na niya namalayan na tapos na itong magbihis. Nakatayo na ito sa harap habang nakakunot ang noo. Simple lang ang suot ni Calvin, naka-sando ito na kulay puti at naka-short.
"Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" tanong niya.
"Tungkol sa iyo," nakangiti nitong sabi saka hinawakan siya sa kaniyang kamay.
Hindi siya nakaimik ng mga oras na iyon. Inalayan na siya ni Calvin na makaupo sa couch na malapit lang sa kanila. Magkaharap silang dalawa at tinitingnan ang mga mata ng isa't-isa. Hawak-hawak pa rin ni Calvin ang kamay niya at marahan nito iyong minamasahe.
"Ano iyon, Calvin? Anong pag-uusapan natin? At tungkol pa sa akin?" gulong-gulo niyang tanong dito.
"Ilang taon ka na, Hazel?" tanong nito.
"27. Bakit, Calvin?"
"You're right. Anong apelyido mo?"
"Madri— oh, Solomon pala," nakangiwi niyang sagot.
Solomon ang apelyido ni Hazel. Madrigal naman ang apelyido niya. Kamuntikan niya pang makalimutan na nagpapanggap nga lang pala siya.
"Not Vasquez?"
"Sana naman ay nilinawan mo, Calvin. Solomon ang apleyido ko nang dalaga pa ako. Vasquez naman nang ikasal tayong dalawa. Why did you ask me such questions? May problema ba, Calvin?"
Kaagad naman itong umiling. "Wala naman, honey. Kailan tayo ikinasal?"
Mabuti na lang at alam niya iyon. Kaya hindi na niya kailangang mangamba.
"May 5, 2017. Tama ba ako, Calvin?"
Ngumiti ito. "Yes, you're right."
"I know that day. Because that day was the special day in my life."
"Ako rin, honey," nangingiti nitong sagot. "Kailan ako nag-propose sa iyo at saan iyon nangyari?"
Natutop niya ang kaniyang dila. Bakit naman ang daming tanong nito sa kaniya? Mabuti naman at nasabi ni Hazel ang tungkol sa mga tanong nito. Dahil kung hindi, baka una pa lang, nabuko na sila.
"You proposed to me the day after my birthday, right? Ahm, I think it was September 27, 2016. And that was happened at the park— sa paborito nating pasyalan noon."
"You still remember that, honey?"
"Oo naman. I'm your wife and I could answer your questions without any mistake."
Tumango-tango ito at hinalikan ang likod ng kaniyang palad. Kapagkuwan ay binuhat siya nito at inupo sa lap nito. Hindi siya makakibo nang naramdamang naninigas na ang ari nito.
"Ikaw nga si Hazel. I wasn't wrong, ikaw nga ang asawa ko."
"Of course, I am. Lasing ka, Calvin kaya kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo. Kumain ka na, mas inuna mo pa ang ala—"
Hindi na siya natapos nang biglang idinikit nito ang hintuturo sa kaniyang mga kabi. Kaya naman natahimik siya. Samantalang gumuhit sa mukha nito ang nakakalokong ngisi.
"Mas gusto kong ikaw na lang ang kainin ko, honey..."
Comment your thoughts about the story hihi.