PANIMULA
TANGING iyak lang ang nagawa ni Faith habang nakakulong siya sa isang madilim na kuwarto. Sapo-sapo niya ang tiyan niya habang may iniindang sakit sa kaniyang p********e. Kakatapos lang siya galawin ng matanda. Kakatapos lang siya nitong parausan. Sa tuwing iniisip iyon ni Faith, sa tingin niya'y hindi niya deserve ang mabuhay sa mundong ito. Sirang-sira na siya at pakiramdam niya'y napakamalas niyang tao.
Kung hindi siya pinang-bayad utang ng hindi niya totoong mga magulang, wala siya sa sitwasyong ngayon. Napakawalang-hiya nila, pati siya'y dinamay. Napag-alaman niya kasing nakalaban ng tatay niya ang matandang gumagalaw sa kaniya sa isang sugal na malaki ang tayaan. Naturingang mahirap lang sila, nagawa nitong umutang sa isang matandang mayaman kaya nang hindi makapagbayad, siya ang naging sentro ng matanda at dahil masasama ang mga magulang niya, binigay siya ng mga ito. Kung ganito lang din naman ang magiging buhay niya sa mundong ito, mas maiging patayin na lang siya ng matanda dahil kung siya'y tatanungin, hirap na hirap na siya sa sitwasyon niya.
Dahil sa pag-iyak, unti-unting nanghina si Faith. Unti-unting dumadausdos ang katawan niya sa lapag at nang tuluyan nang makahiga, bigla na lang siya nilamon ng kadiliman. At nagising na lang siya bigla dahil pakiramdam niya'y umaangat siya. Nang buklatin niya ang kaniyang mga mata, hindi nga siya nagkamali sa iniisip. Hawak-hawak siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso habang inaangat siya paalis sa kama na hindi na niya magawa pang gumalaw. Nang lumapat ang mga paa niya sa sahig, binitawan siya ng mga lalaki.
"Anong gagawin niyo sa akin?" tanong niya sa mga ito.
"Ililipat ka namin ng kuwarto dahil inutusan kami ni boss. Mas maganda ang kuwartong iyon, mas maganda pa sa kuwartong ito. May aircon at maraming pagkain. Kung ayaw mong masaktan, huwag ka nang magpumiglas!" saad ng isang lalaki saka hinawakan muli siya sa braso at sumunod naman ang isa pang lalaki.
Katulad ng sinabi nito, hindi siya nagpumiglas. Hinayaan niyang hilahin siya ng mga ito patungo kung saan. Iba ang pakiramdam ni Faith ng mga sandaling iyon, mas lalong sumakit ang kaniyang p********e dahil ilang beses siyang ginalaw ng hayuk na matanda sa loob lang ng araw na iyon. Kung nitong mga nagdaang araw ay isang beses lang, matindi ito ngayon, animo'y tuluyan na siya nitong tutuyuin.
Nang makapasok sila sa isang kuwarto, itinulak siya ng dalawa sa kama dahilan para bahagya siyang tumalbog. Kapagkuwan ay inayos niya ang upo at humarap sa dalawa.
"Nasaan si Mason?" walang buhay niyang tanong sa mga ito.
"Wala siya rito dahil umalis siya. Bakit mo naman siya hinahanap? May kailangan ka ba?" tanong ng isang lalaki.
"Masama bang magtanong? Umalis na nga kayo, iwan niyo na ako rito mag-isa!" iirap-irap niyang wika sa dalawa.
Nakangisi naman ang mga itong lumabas sa kuwarto at sinaraduhan ang pinto, narinig niya pa ang paglagitik ng padlock tanda nang ni-lock ng mga ito ang pinto. Mga hayuk, mga walang awa!
Malalim na napabuga ng hangin sa bibig si Faith at pinakatitigan ang kabuuan ng kuwarto. Tama nga, maganda ito kumpara sa kuwartong kinaroroonan niya nito lang. May aircon, may ref, maganda ang kama, maganda ang banyo— kita niya ang loob noon dahil nakabukas ang pinto, at mula sa bukas na bintana, nakita niya roon ang magandang tanawin— kagubatan iyon.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama saka nagtungo sa bintana. Umupo siya roon na nasa loob ang kaniyang mga binti. Tumingin siya sa ibaba at halos malula siya dahil sa tarik noon. Naalala niya nga pala, mansiyon pala ang kinatitirikan niya. Kapagkuwan ay nakabusangot niyang ipinalibot ang tingin sa kagubatan.
Gusto na niyang umuwi, ngunit paano? Tatalon siya? Pero alam niyang may kapalit iyon at iyon ay kamatayan niya. Puro puno ang nasa ibaba, baka humampas siya sa matitigas na kahoy. At kung bibigyan man siya nang pagkakataong makauwi, hindi na siya uuwi sa walang puso niyang mga magulang. Tatakas siya at tatakbo hanggat kaya niya.
"You look sad, Faith."
Natigilan na lang siya nang marinig ang isang pamilyar na boses, nang balingan niya iyon, nakita niya si Mason. Sinamaan niya ito ng tingin saka bumalik sa kama at doon umupo nang tahimik. Hindi niya pinansin ito, tingin pa lang niya sa mga mata nito, may masama na kaagad itong balak sa kaniya.
"I said you look sad. Why? Bakit malungkot ang baby ko?"
Halos masuka siya sa huling narinig. Baby? Tanginang matanda, ginawa pa siyang bata. Kung may pamalo nga lang siya'y baka nahambalos na niya ito. Kung maaari nga'y patayin na niya ito bilang parusa sa kasamaang ginawa nito sa kaniya. Mayamaya pa ay naramdaman niyang umakyat ito sa kama at nagtungo sa likod niya. Naging manhid siya ng mga sandaling iyon.
"I have something for you, Faith. Accept this gift of mine," wika nito saka inabot sa kaniya ang isang bugkos ng pulang rosas.
Wala sa sariling tinanggap niya iyon saka padaskol na itinapon kung saan. "Hindi ko kailangan ng regalo mo, Mason! Ang gusto ko'y makalaya sa mga kamay mo!" naiinis niyang sabi saka lumayo rito at humarap.
Mula sa mga mata ng matanda, kita niya roon ang matinding gulat. Wala pa mang isang minuto, kaagad na dumapo ang kamay nito sa pisngi niya. Lumagitik ang kamay nito dahilan para maluha-luha siyang sinapo ang pisnging sinampal nito.
"How dare you, Faith?! How dare you to do that?" nanggagalaiting tanong nito saka umalis sa kama at galit na humarap sa kaniya. "One more time, Faith and I will hurt you!" asik nito.
Natatawa siyang umiling. "Sige, Mason, saktan mo ako nang paulit-ulit! Lumpuhin mo na ako tapos patayin mo na rin ako. Pagod na pagod na ako, Mason! Pagod na pagod na ako!" umiiyak niyang sabi rito.
"You're tired? Ask yourself, Faith. May pakialam ba ako kung pagod ka? Wala, wala akong paki. Sige, sabihin na nating papatayin kita pero hindi muna ngayon. Soon, I will kill you pero hayaan mo muna akong kainin at angkinin ka nang paulit-ulit," nakangising wika nito saka tumalikod na.
Dahil sa inis, iginala niya ang kaniyang mga mata at naghanap ng kung anong panlaban kay Mason. Nang makita ang lamp shade na nasa tabi lang niya, kaagad niyang kinuha iyon at tumayo saka pinukpok sa ulo ng walang hiyang matanda. Kaagad itong natumba at nawalan ng malay.
Natulala si Faith nang makitang walang malay si Mason. Nagkalat ang basag na lamp shade sa ulunan nito at may nakita siyang dugo na umaagos mula sa likod ng ulo nito. Dahil doon, kaagad siyang humangos palabas ng kuwarto. Nang pihitin niya ang seradura, napamura siya sapagkat naka-lock iyon. Naiinis siyang lumapit kay Mason at kinapkapan ito at nang may makapang susi, kaagad niya iyong kinuha at mabilis na bumalik sa pinto. Laking pasalamat niya nang bumukas iyon kaya agad-agad siyang lumabas sa naturang kuwarto.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta ng mga sandaling iyon dahil ang laki ng tinutuluyan niya. Pero kahit ganoon pa man, tumakbo siya pababa sa matarik na hagdan. Hindi niya alintana kung nakayakap man siya at bahagyang nadudulas. Ang gusto lang niya ay makatakas mula kay Mason. Ito ang hinihintay niya, ang matakas ang hayuk na iyon dahil pagod na siyang gamitin nito. Madilim na ang buhay niya, at ayaw niyang madagdagan pa iyon sa patuloy na pang-aalipusta nito sa kaniya. Nang makababa sa ikaunang palapag, luminga-linga siya at nang walang makitang tao, nilakad niya ang direksyon ng malaking pinto.
Kakaba-kaba siya dahil pakiramdam niya'y ano mang oras ay masasalubong niya ang mga tauhan ni Mason. Huwag naman sana, huwag naman sanang mangyari ang iniisip niya.
"Hoy, saan ka pupunta?" isang sigaw ang namutawi sa kamansiyunan.
Nang balingan niya iyon, nakita niya ang dalawang lalaki kanina at may kasama na itong isa pa. Tumatakbo ito patungo sa kaniya kaya naman dinalian niya ang pagtakbo. Nang marating ang pinto, binuksan niya iyon na nagawa niya kaagad. Lumabas na siya at hindi na alintana ang mabatong daan. Kung ito lang ang magiging dahilan para siya'y mahuli, hindi siya magpapatalo. Kahit masakit, kakayanin niya.
"Bumalik ka rito kung ayaw mong masaktan!" rinig niya pang sigaw.
Patuloy lang siya sa ginagawa. Tinatakasan niya ito dahil kapag nahuli siya, muli niyang mararanasan ang lupit ni Mason. Sobrang sakit na ng mga paa niya pero hindi siya tumigil... ipanagpatuloy niya lang ang pagtakbo. Mayamaya pa ay binalingan niya ang likod niya at laking tuwa niya nang matakasan na niya ang mga lalaki.
Nakatakas na siya, kailangan na lang niyang humingi ng saklolo. Malapit na siya sa kalsada at may nakita siyang mangilan-ngilang mga sasakyan. Sana'y makatulong siya para makaalis na siya sa impyernong kinalalagpakan niya. Nang makaapak sa kalsada, humarap siya pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang may paparating na isang kotse sa dako niya. Huli na para siya'y maka-iwas dahil tuluyan na siyang nabundol ng sasakyan. Tumalsik siya sa damuhan at nawalan ng malay.
"SHE IS SAFE. Walang damage sa katawan niya. We should be thankful dahil sa damuhan siya tumalsik kaya ni isang damage ay wala. But, I saw some bruises. Those bruises weren't from the accident she had encountered. I don't know where, but I promise you, Dra. Vasquez, walang kinalaman ang mga pasa niya sa pagkakabangga mo sa kaniya. I need to go, may mga pasyente pa kasi akong naghihintay sa hospital."
"Thank you, Doc. Dela Rosa. I just want to say this, do not call me Vasquez!"
"Bakit naman?"
"It's none of your business. Can you leave?"
"Okay, I will."
Narinig si Faith na iyon ang mga napakinggan ng kaniyang mga tainga. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame. Iginala niya ang kaniyang paningin at bumungad sa kaniya ang isang magandang babae. Anong ginagawa niya rito? Inisip niya kung ano ang dahilan at napalunok na lang siya nang maisip. Nabangga siya ng sasakyan. Buhay pa kaya siya? Mukhang oo naman dahil nararamdaman niya pa ang sarili niya. Dahil sa tinuturan niya, napasin yata iyon ng magandang babae.
"Are you okay now?" tanong nito.
Sandali niya itong tinitigan saka umupo sa kaniyang kinahihigaan. "S-Sino ka? Bakit ako nandito?" tanong niya at iginala ang paningin sa kabuuan. Mangilan-ngilan lang ang mga bagay, mabibilang lang iyon sa kaniyang mga daliri.
"I'm Hazel Solomon, a plastic surgeon. Nandito ka dahil nabundol kita kanina. Bakit ka nga pala tumatakbo? I-I'm just curious," nakangiting sabi nito.
"May tinatakasan kasi akong matanda. Kailangan ko nang umalis, b-baka mahanap niya ako rito," aniya saka bumaba sa kama pero hindi pa man niya naiilapat ang kaniyang mga paa sa sahig nang bigla siyang pigilan ng babae.
"Don't. Huwag kang mag-alala, you're safe in here. May tinatakasan ka? Gusto mo bang hindi niya mahanap habang-buhay?"
Kaagad na nangunot ang noo niya. Anong ibig nitong sabihin? "Oo, p-paano?" takang tanong niya rito.
"What is your name?" tanong nito.
"Faith," sagot niya.
"Hi, Faith, I already introduced myself."
Inangat nito ang sariling kamay at hinarap sa kaniya. Nahinuha na kaagad niya ang ibig nitong sabihin, kaya naman nakipagkamay siya rito.
"Gusto kong hindi na ako mahanap ng matanda, paano? Anong gagawin mo?"
Hindi niya alam kung bakit niya gusto ng sagot sa tanong na iyon. Pero kung tutulungan siya ng babae, magpapatulong siya lalo pa't mukha naman itong mabait.
"Kaya kong baguhin ang buhay mo, Faith," nakangiting sabi nito.
"Sa paanong paraan?"
"Simple lang, magpanggap ka bilang ako. Yep, ikaw ay magiging ako..."
"Ang ibig mo bang sabihin ay babaguhin mo ang mukha ko? M-M-Magiging kamukha kita, ganoon ba?" nagtataka niyang tanong.
"Exactly, Faith. Ako mismo ang magbabago ng mukha mo. Hindi ba't gusto mong hindi ka na mahanap ng matandang humahabol sa iyo? There's only one way, Faith. Babaguhin kita, babaguhin ko ang mukha mo, at ikaw, babaguhin mo ang sarili mo sa pamamagitan nang pagpapanggap bilang ako. I am a wife, and I have a husband."
Hindi siya makaimik dahil sa mga narinig. Kung gayon, magiging impostora siya para lang matakasan ang panganib na humahabol sa kaniya? Anong dapat niyang sabihin? Dapat ba siyang pumayag? Kapag pumayag siya, para na rin iyon sa kaniyang kaligtasan.
"Sigurado ka ba riyan?" pagkaklaro niya.
"Sigurado ako, Faith— matagal na. Kung tatanungin mo kung bakit ko ito ginawa, isa lang ang sagot ko, iyon ay hindi ko na mahal ang asawa ko, si Calvin. Hindi ko siya mahiwalayan dahil nangako akong hindi ko siya iiwan. I was wrong, hindi ko pala siya mahal. I'm happy with my new husband, not Calvin, but my new. Ano, tatanggapin mo ba? You should choose? Be an impostora or the old man will continue to chase you. Madali lang ito, after the operation, tuturuan na kita kung paano ako gumalaw, paano umupo, at marami pang iba. Mamili ka, Faith. Your safetiness or your danger?" nakangising lintaya nito sa kaniya.
Sunod-sunod siyang napalunok dahil doon. Gusto niyang makatakas kay Mason kaya naman tatanggapin na niya ang alok ng babae. Magiging iba siya matakasan si Mason. Kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, kaagad niya itong sinagot.
“Oo… payag na ako!”