"TINATAWAGAN KITA PERO hindi ka naman sumasagot. Your phone is ringing naman."
Nagulat si Faith nang sabihin iyon ni Dasha sa kaniya. Pumunta ba ito rito para sabihin ito? Oo nga pala, hindi pa pala niya nasasabi na nanakaw ang cellphone niya. Nagri-ring ang number na tinatawagan nito dahil ginagamit pa iyon ng may-ari. Marahil ay ang totoong Hazel ang tinatawagan nito. Ayaw namang ibigay ni Hazel ang sim sa kaniya kaya naman kailangan na naman niyang magsinungaling.
"Oh, ninakaw kasi ang phone ko kaya hindi kita nasagot," nakangiti niyang sabi.
"But it's still ring—"
"Maybe ginagamit nang nagnakaw sa akin," putol niya rito.
"I don't think so, Hazel. Kasi kung ninakaw man ang isang bagay lalo na ang cellphone, tatanggalin na nang nagnakaw ang bagay na maaaring maging dahilan para mahanap ang phone. Just like the sim, we can trace the number."
Lumunok siya dahil hindi na niya alam ang kaniyang sasabihin. Bakit naman kasi ang daming sinabi nito? Hindi lang nasagot ang tawag, kung ano-ano na kaagad ang mga sinabi. Hindi lang niya maiwasang mairita. Halos oras-oras na siyang nagsisinungaling. Dahil ginusto naman niya, kailangan niyang tanggapin ang lahat. Kailangan niyang magsinungaling alang-alang sa sikreto nila ni Hazel.
"Huwag na nating pag-aksayahan iyan ng panahon, Dasha. Nga pala, bakit mo ba ako tinatawagan? May problema ba?" nakangiti niyang tanong saka dumikuwatro. Sadyang iniba na niya ang usapan dahil baka mamaya'y humaba pa.
"Nathania called me yesterday, iniimbitahan niya tayong pumunta sa bahay nila dahil birthday ng daddy niya."
"Ganoon ba? Kailan naman?"
"Mamayang gabi. It's a birthday party katulad lang din ng kay Jerico. Are you in, Hazel?"
Kaagad siyang tumango. "Yes, I'm in. Kaunin niyo na lang ako mamayang gabi," nakangiti niyang sabi kapagkuwan.
"Wait, kaunin? Kailan mo pa natutunan iyan, Hazel? I mean, you hate it kasi sabi mo noon, naiirita ka. Kaya naman my kotse ka, right?"
Nalunok siya yata ang kaniyang dila ng mga sandaling iyon. Oo, alam niyang may kotse si Hazel at nasa garahe nga iyon ngayon. Ang problema niya'y hindi siya maalam magmaneho. Kaya paano niya magagamit iyon kung hindi siya maalam? Baka wala pang isang kilometro ang tinatakbo niya, baka nadisgrasya na siya. Kailangan niyang mag-isip ng kasinungalingan. Kung magpahatid na lang siya kay Calvin? Mamayang gabi pa naman ang party, kaya mahahatid siya nito. Gusto man niyang mag-commute, pero bawal. Sa rangya ni Hazel, hindi ito sumasakay sa mga pampublikong mga sasakyan. Magka-iba talaga silang dalawa.
"Yes, pero nasira siya. Don't you worry, kay Calvin na lang ako magpapahatid tutal at gabi pa naman ang party," nangingiti niyang sabi.
"Ah, sige. 8 PM dapat nasa bahay na nina Nathania. Kasama rin natin si Cecily. Hihintayin kita roon, ha, Hazel?"
"Yes, I will come."
"Sige, I have to go. Magkita na lang tayo mamayang gabi. Bye, Hazel."
Tumayo ito kaya naman tumayo rin siya. Nakipagbeso pa ito bago tuluyang umalis. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig at dinako ang pinto saka sinaraduhan iyon. Sumandal siya roon at sinapo ang dibdib na bahagyang tumitibok. Party na naman, kailangan niyang makausap kaagad si Hazel para sa ibang impormasyon. Muwang niya ba na may iba pa pala itong kaibigan, e 'di nayari na.
Sunod-sunod siyang napailing saka nagtatakbo patungo sa kuwarto para tawagan si Hazel. Nang makarating, kaagad niyang kinuha ang cellphone saka pumunta sa balkonahe. She locked the sliding door para walang makalapit sa kaniya o makarinig ng pag-uusap nila ni Hazel. Kahit na dalawa lang silang tao rito sa loob— sila ni Manang Doris, gusto lang niyang mag-ingat.
Umupo siya sa bakal na upuan saka tinawagan ang numero ni Hazel. Ilang segundong nag-ring iyon bago nito sinagot. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makarinig na sunod-sunod na ungol at pag-umpugan ng mga katawan. Kung hindi siya nagkakamali, nakikipag-s*x ang babaeng iyon. Bakit nagawa nito iyon kay Calvin? Bakit hindi na lang sabihin na hindi na nito mahal si Calvin? Ah, kasi gawang nangako ito! Nangako, hindi naman tinutupad! Tsk!
"Wait, babe. Kakausapin ko lang itong babaeng ito. We will continue in a minute, okay?" ani Hazel. Narinig niya ang paghahalikan ng dalawa na ikinadiri niya. "Why did you call me, Faith?!" parang inis nitong tanong.
"May party mamayang gabi— birthday party ng daddy ni Nathania," nakangiwi niyang sabi.
"Then?"
"Gusto kong malaman ang iba pa dahil ayaw kong magaya ang nangyari nitong nakaraang araw."
"Okay, let's talk in video call. Call me."
Matapos noon, pinatay na nito ang tawag. Nagpakawala siya ng hangin sa bibig ay tinawagan si Hazel through video call. Kaagad din naman nito iyong sinagot. Hawak niya ang cellphone habang nakadantay ang braso niya sa lamesang nasa harap lang din niya. Nakita niya si Hazel, nagsisigarilyo habang nakahubad. Kita niya ang may kalakihan nitong mga dibdib. Parang tumitingin lang siya sa salamin ng mga sandaling iyon dahil magkamukhang-magkamukha sila ni Hazel. Well, magaling si Hazel mag-opera kaya nagaya nito ang mukha sa kaniya.
"Naninigarilyo ka?" wala sa sarili niyang tanong.
"Yes, at alam mo na ang gagawin mo. If you are mad, you should take cigarette. O kaya naman after niyong mag-s*x ni Calvin, magsigarilyo ka."
"Pero hindi ko kaya."
Inikot nito ang mga mata. "Whatever, Faith. Do what you want. Basta't may alibi ka, it's fine. Sinabi ko na sa iyo, make sure, your alibis are acceptable."
"Natuto akong magsinungaling nang pinasok ko ito," anas niya.
"Did I ask?" mataray na tanong ni Hazel.
Umiling lang siya. "Doon pala sa birthday party ng daddy ni Nathania, ano dapat ang iakto ko?"
"Greet him."
"Tapos?"
"Nothing, you should greet him. And enjoy, uminom ka ng alak, hindi puwedeng hindi."
"Akala ko ba'y okay lang kahit hindi basta't makagawa ako ng alib—"
"No, you should drink."
Napalunok siya. Ang sabi nito, ayos lang kahit hindi siya mag-inom basta't makagawa lang siya ng alibi. Pero ano na ang nangyari? Ayaw na niya ng alak at baka kung ano na naman ang masabi niya. Nadismaya siya at kinabahan. Mayamaya pa ay biglang may lumabas na isang matandang lalaki sa likod ni Hazel. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mamukhaan ito. Totoo ba ito? Nananaginip lang ba siya?
"M-Mason..." nahintatakutan niyang sabi.
"Hi, Faith. Did you miss me?" nakangisi nitong tanong saka hinalikan sa pisngi ni Hazel.
"P-Paano nangyari ito? Hazel, kilala mo si Mason?" maluha-luha niyang tanong kay Hazel.
Nginisian siya nito. "Matagal na, Faith. At alam kong alipin ka niya. Iyong pagbangga ko sa iyo, it wasn't an accident. It's a plan. Mahabang usapan ito, Faith. Sasabihin ko sa iyo sa susunod. Pero ito ang tandaan mo, hindi-hindi ka makakatakas dahil kakampi ko si Mason, magkamukha nga tayo, pero kilala ka niya. Hindi bilang ako, kilala ka niya bilang Faith," sabi ni Hazel saka nakipaghalikan pa sa matanda.
Nandiri siya ng mga sandaling iyon. Maluha-luha niyang pinatay ang tawag saka itinaob ang cellphone. Hinilamos niya ang mga palad sa kaniyang mukha dahil doon. Kilala ni Hazel si Mason? At kilala siya ni Mason bilang Faith? Diyos ko, akala niya'y ligtas siya pero hindi pala. Paano na, baka kung makagawa siya ng mali, baka makabalik siya sa matandang gustong-gusto siya. Hindi, hindi ito maaari. Kailangang niyang pag-igihan ang trabaho niya bilang isang impostora dahil kung hindi, baka muli niyang maranasan ang naranasan niya nitong nakaraan.
Bigla na lang natigilan si Faith nang may marinig na sunod-sunod na katok. Kaagad na dumako ang mga mata niya sa sliding door at mula sa loob, nakita niya roon si Calvin. Tumalikod siya saka pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Siniguro niya munang wala nang bakas ng luha ang mukha niya bago niya nilapitan si Calvin. Binuksan niya ang sliding door at mula sa mukha ni Calvin, nakita niya roon ang pagtataka.
"Are you crying, honey?" nag-aalala nitong tanong saka sinapo ang kaniyang pisngi.
Pilit siyang ngumiti. "No, I'm not. Bakit naman ako iiyak?" nakangiti niyang tanong dito.
"Kanina pa kasi kitang napapanood. I saw you crying. May kausap ka sa cellphone mo. Sino iyon? Iyon ba ang dahilan kaya ka umiyak?" malumanay na tanong ni Calvin sa kaniya.
Lumunok siya. "Kausap ko lang iyong ka-batchmate ko noong college. I cried because she's happily married now," pagsisinungaling niya.
Ayon kaagad ang naisip niya. Hindi niya maaaring sabihin na ang totoong asawa nito ang kausap niya. Mabuti na lang at na-lock niya ang sliding door dahil kung hindi, baka nabuko na sila. Hindi niya kailangang matakot sa sinabi nito na kanina pa siyang pinapanood. Ang dapat niyang katakutan ay kung narinig nito ang pag-uusap nila ni Hazel o ang mas malala, baka makita nito ang isa pang Hazel.
"Is that so?"
Tumango siya. "Tears of joy iyon, Calvin. Masaya ako dahil sa wakas, kasal na siya. Siya kasi iyong babaeng mahinhin sa batch namin. Kaya ayon, masaya ako. You don't need to worry, okay? Walang masamang nangyari, masaya lang talaga ako," nangingiti niyang sabi saka niyakap ito. Naamoy niya ang mabango nitong amoy. Nakadantay ang ulo niya sa matigas nitong dibdib. Ang bango talaga ni Calvin. Napakasuwerte niya. "Nga pala, bakit napaaga ang uwi mo? Tanghali pa lang. Kumain ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong at binalingan ito.
"I need you now, honey..." mahina nitong sabi saka biglang inilapit ang bibig sa kaniyang tainga saka dinilaan iyon.
Napapikit si Faith dahil sa ginawa nito. Nakagat na rin niya ang ibabang labi. He needs her again? Inangkin siya nito kagabi, tapos ngayon, gusto pa nito? Hindi pa ba ito kuntento sa ginawa nila kagabi? Hindi niya mapigilang mag-isip ng kung ano. Manyak kaya si Calvin? Pero hindi, hindi niya nakitaan ng pagkamanyak ang mukha nito. That's impossible.
"Again?" natatawa niyang tanong.
"Honey, ilang buwan kang nawala, ilang buwan din akong nagtiis."
Sabi na, e. Bakit ba naman kasi umalis ng ganoong katagal si Hazel? Kasama ba nito si Mason ng mga panahong iyon? Naiintindihan niya si Calvin. Bilang may asawa, kailangan nito ang magpapasaya rito katulad na lang ng p********k. Hindi niya mahindian si Calvin dahil sabi niya nga, naiintindihan niya ito. Isa pa'y nag-e-enjoy na rin siya. Nagustuhan na rin niya ang ginagawa nilang dalawa.
"Nagtiis ng ano?" inosente niyang tanong.
"Nagtiis ng wala ka."
"Nasubukan mo na bang mambabae?" kuryos niyang tanong.
"What?" natatawang tanong ni Calvin. "Bakit ko naman gagawin iyon, honey? I'm not a womanizer, so why would I do that? Isa pa'y hindi ko iyon gagawin sa iyo. You're my wife and I love you much. Loyal ako sa iyo, honey. Kahit wala ka, hindi ko magagawang mambabae. Ganoon kita kamahal, Hazel. Kaya kong tiisin ang lahat hindi lang masira ang pagmamahalan natin," seryoso at nakangiti nitong sagot.
Napangiti siya nang malapad. Sinayang talaga ni Hazel si Calvin, kaya nitong magtiis. Ano bang utak ang mayroon si Hazel? Napakatanga lang nito. Mas pinili pa ang matandang madali nang mamatay. Matanda na si Mason, baka nga kapag inatake ito sa puso, tigok agad.
"Mahal mo talaga ko, Calvin?"
Tumango ito at hinalikan siya sa kaniyang mga labi. "Oo, Hazel. Mahal na mahal kita. Ako ba, mahal mo?"
"Oo naman. May tanong lang ako, kapag ba hindi ako si Hazel, mamahalin mo pa rin na ako?"
Sandali itong nag-isip. Pero kalaunan, ibinuka rin ang bibig. "No, honey," sagot nito. "Why? Dahil ikaw ang babaeng pinangarap ko. Natandaan mo ba iyong ginawa ko noong college tayo? Nanligaw ako, pero b-in-usted mo lang ako. Sa school pa ako nanligaw, ginamit ko pa ang school, but still, you rejected me. Do you still remember that, honey?"
Tumango siya kahit hindi niya alam. "Oo naman. I rejected you kasi study first ako. At ayaw nina mommy at daddy na makipagrelasyon ako," nakangiti niyang sagot.
"Wait, what? What did you say? Tinanggihan mo ako kasi pag-aaral mo muna ang inuuna mo? I'm sorry, Hazel, pero hindi iyan ang sinabi mo sa akin," nakangiwi nitong saad.
Kaagad na dumagundong ang dibdib niya. Bahayang siyang lumayo rito at sunod-sunod na napalunok. Diyos ko, marami pa talaga siyang hindi alam. Anong gagawin niya? Hindi na niya alam kung paano siya magsisinungaling.
"Ano bang sinabi ko?" natatakot niyang tanong pero hindi niya ipinahalatang takot siya.
"May boyfriend ka kasi that time."
"Tapos niligawan mo ako?"
"Oo, mahal kita, e."
"Puwede bang huwag na naging pag-usapan ang nakaraan, Calvin? Matagal na iyon," nakangiti niyang sabi saka nilapitan ito at sinapo ang pisngi. Kailangan niyang ibahin ang usapan dahil baka mamaya'y lumalim pa. "I thought you need me?" nang-aakit niyang tanong saka ipinadausdos ang kamay sa leeg nito pababa sa matigas nitong dibdib.
"Yes, honey. I really need you right now!"
Binuhat siya ni Calvin saka mapusok na hinalikan. Wala siyang ibang nagawa kundi ang patulan ito. Mapusok ang bawat halik ni Calvin sa kaniya. Sapo-sapo nito ang pang-upo niya habang nanggigigil iyong pinipisil. Napaungol na siya sa loob ng bibig nito. Sanay na siya kapag ginagawa nila ito sa hindi niya malamang dahilan. Parang matagal na nilang ginagawa ito. Ni hindi siya nakaramdam nang pagkailang sa lalaki.
Hanggang sa bigla itong humiwalay sa kaniya. Naglakad ito patungo sa kama at nang makarating, marahan siya nitong inihiga roon. Samantalang si Calvin ay nakaluhod sa gitna niya at hinubad ang suot na coat. Nang mahubad, nakita niya ang nag-uumbukan nitong mga pandesal. Isama pa ang dibdib nitong may mga maliliit na buhok. Calvin is so hot. Napakaperpekto nitong lalaki. Mayamaya pa ay inangat niya ang kaniyang mga kamay at sinapo ang mga pandesal ni Calvin. Sobrang tigas ng mga pandesal nito. Bakat na bakat iyon.
"Like it?" nangingising tanong ni Calvin sa kaniya.
"Matagal ko nang gusto ito, Calvin. Can I lick it?" nakakagat-labi niyang tanong nito at nagnanasang tumingin.
Hindi na naman niya alam ang ginagawa niya. Sinapian na naman siya ng kabaliwan.
"Okay, honey. Make me happy..."
Humiga si Calvin sa tabi niya samantalang siya'y tumayo at umupo sa gitna nito. Naramdaman niya ang matigas nitong ari sa loob ng pantalon. Ngumisi siya saka hinubad ang damit na suot at sinunod ang bra kaya naman lumantad na kay Calvin ang mga naglalakihan niyang mga dibdib.
"s**t, honey..." mahina nitong anas pero sapat na para marinig niya.
Ngumiti lang siya saka dumukwang sa tiyan nito. Inilabas niya ang dila niya at nang-aasar na ginapang iyon pataas. Kasabay noon ay ang paghalinghing ni Calvin.
AFTER THEIR STEAMY s*x, natulog na silang dalawa. Magkatabi sila sa kama. Hindi na alintana kung tanghali pa. Naalimpungatan na lamang si Faith nang biglang may umihip na hangin sa kaniyang mukha. Binuksan niya ang mga mata at bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame. Iginala niya ang kaniyang paningin, katabi niya si Calvin at mahimbing itong natutulog and they are still naked. Natatakluban lang ng kumot ang kanilang mga katawan. Inaatok siyang tumayo at nilingon ang wall clock. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang oras. 7:30 PM na. At kailangan ay nasa bahay na siya nina Nathania ng 8 PM. Ganoon ba sila katagal na nakatulog ni Calvin? Isama pa ang p********k nila ng halos dalawang oras. Dahil yata sa pagod kaya ganoon sila katagal na nakatulog.
"Calvin, wake up!" sigaw at umikot sa puwesto nito. "Gising, Calvin!" At inalog niya ang katawan nito.
Unti-unti naman nitong iminulat ang mga mata. "What, honey?" inaantok nitong tanong saka kinamot ang isang mata.
"Aalis nga pala ako. Ihatid mo ako sa bahay nina Nathania. Birthday ng daddy niya. Please? Sige, maliligo na ako." Hinalikan niya ito sa noo saka humahangos na nagtungo sa banyo.
Saktong pagpasok niya ay ang paghinga ni Calvin nang malakas. Napailing siya at mabilis na tinungo ang shower. Nang makarating, kaagad siyang naligo. Minadali na niya ang paliligo. Nang matapos, nakatapis ang katawan niyang lumabas ng banyo.
"Gabi na pala?" bungad ni Calvin sa kaniya.
"Oo. Matagal tayong nakatulog kaya baka hindi na tayo makatulog mamaya. Ikaw kasi, masyado mong pinagod ang isa't-isa. Akala mo kasi'y iiwanan kita," natatawa niyang tanong saka lumapit sa closet.
"Did you enjoy it?" kapagkuwa'y tanong nito.
Humarap siya rito. "Yes, I enjoyed it, pero kamuntikan na akong hindi makadalo sa party ng daddy ni Nathania. So now, kailangan kita para ihatid mo ako sa bahay nila," nakangiti niyang sabi saka inikot ang katawan sa closet.
Wala nang imik si Calvin ng mga oras na iyon. Samantalang siya'y kinuha ang isang dark red dress sa loob ng closet. Nang humarap siya sa kama, hindi na niya nakita si Calvin. Binalingan niya ang banyo at nakabukas iyon, mula sa loob, nakita niya si Calvin habang abala sa paliligo. Napailing siya at inilapag ang dress sa kama saka bumalik sa closet. Hindi puwedeng dress lang ang suot niya, kailangan niyang sapinan iyon. Kumuha siya ng bra at panty saka sinuot iyon. Nang matapos, sinuot na niya ang dress. Kinuha niya ang isang stiletto sa shoe racks. Nandoon lahat ang mga magagandang sapatos ni Hazel na mukhang mamahalin. Kalaunan ay inayos niya ang buhok niya. She then put light make up on her face. Pula ang lipstick niya na pumares sa suot niya. Well, she's beautiful. Parang siya ang may pa-party.
"Damn, my wife is so beautiful." Mula sa likod, sumulpot doon si Calvin.
"I am, Calvin. Magbihis ka na," aniya.
"I will, ma'am," nakangiti nitong sabi saka pumunta na sa sariling closet.
Samantalang siya'y lumapit sa kama at kinuha roon ang clutch bag na kulay gray. Binuksan niya iyon at kinuha roon ang pabango. Nag-spray siya sa katawan niya para maging mabango siya. Nang matapos, ibinalik niya rin ang pabango sa bag at binalingan si Calvin. Kaagad siyang natawa nang makita ang suot niya. He's wearing a jersey short and a plain white t-shirt. Kahit simple lang ang suot nito, napakaguwapo nito.
"I'm not invited, right?" tanong ni Calvin at sinuklay ang buhok gamit ang kamay.
"I think so. Si Jerico ba, pupunta rin?"
"No, nabanggit niya sa akin iyong party kanina. Sabi niya, mga kaibigan lang ni Nathania ang puwede. Hindi ko naman kaibigan si Nathania kaya ihahatid na lang kita. After that, uuwi na rin ako rito."
"Baka naman invited din naman kayo. Bilang mga asawa namin, puwede rin kayong pumunta. Pero kung iyan ang gusto mo, hindi na kita mapipigilan."
"Yes, ma'am!" Sumaludo ito at lumapit sa kaniya. "Ready?" tanong nito.
Tumango siya. "Yes, I am!"
Inangat ni Calvin ang isang braso. Nahinuha niya kaagad ang gusto nito. Ipinulupot niya ang braso sa braso nito at tinungo na ang pinto palabas. Calvin is so funny!