Lumaki ako sa poder ng Lolo Daniel ko kaya sanay ako sa karangyaan pero akala ko lang pala iyon dahil laglag ang panga ko sa karangyaang taglay ng pamilya Alvarez, ang pamilya ni Mico. Kung alam ko lang na ganito sila kayaman sana pinatubos ko nalang si Mico sa pamilya niya. Piste, mahiya naman ang Malacañang palace sa laki ng mansion nila! Pagpasok ko naman sa loob ay halos lumubog ang suot kong sapatos sa carpeted na sahig. Grabe, chandelier palang ay pwede nang ipambili ng isang buong bahay na may kasama pang kotse! Akala ko exaggerated lang iyong mga movies na napapanood ko na nakahilera iyong mga unipormadong katulong habang binabati ang papasok na amo pero my gosh, totoo pala ang ganun dito sa bahay ng mga Alvarez!! Halos humigit kumulang tatlumpong mga unipormadong katulong an