"It's official, starting today you are a free man Mr. Alvarez. Congratulations!" Malaki ang ngiti ni Mico na nakipagkamay sa bisita niyang abogado bago nagpaalam na umalis ang huli. "Narinig mo iyon Kulot? Wala ng bisa ang kasal ko kay Dinah," agad nitong baling sakin pagkaalis ng abogado. " Tss...kasama mo kaya ako mula pa kanina kaya narinig ko ang sinabi ni Attorney. Anong akala mo sakin bingi," pairap kong sagot sa kanya but deep inside ay nag-somersault sa tuwa ang mga lamang-loob ko. "Pwede na akong mag-asawa uli!" Bigla akong napaubo sa sinabi niya. "Siraulong 'to! Hoy tumigil ka nga! Kaka-annul lang ng kasal mo nagbabalak ka na agad mag-asawa?" nandidilat kong asik sa kanya. " Ano naman ngayon? Simula pa naman noon ay hindi na maayos ang pagsasama namin ni Dinah. Masaya nga