"Oh God," may nginig sa boses kong bulalas kasabay ng panlalamig ng paligid ko. Walang kurap akong nakatitig kay Dinah na pinakilalang asawa ni Mico. Shit lang! Ganito ba ang feeling ng isang kabit sa harap ng original wife? Nanlamig ako at medyo nanlait din ng konti para kahit papano naman ay magkalakas loob akong humarap sa babaeng nagmamay-ari kay Mico-sa mata ng batas at Diyos. Gaano man kaamo at katuwid ang buhok niya ay walang-wala naman siya sa katawan ko. May dibdib ako na mas malusog sa dibdib niya at medyo petite iyong pangangatawan niya kaya walang-wala siya sa katawan kong kinababaliwan ng asawa niya. " Well... para isang bagsakan na lahat, bakit di mo iharap sakin ngayon iyong Sheena mo?" sinundan ko ng napipilitang tawa ang sinabi ko. Agad din akong napatigil nang wa