Naisipan kong isama si Mico sa reunion na pupuntahan ko kung saan ako kinuhang photographer'. Napapataas ang kilay ko tuwing parang kiti-kiting kinikilig iyong mga teenagers na nadadaanan namin tuwing mapapatingin kay Mico. Sadyang takaw pansin talaga ang kakisigan ng lalaking ito. "Mico, ayaw kong pumatol sa mga kabataan kaya please lang...pakisara ng mga butones niyang suot mo," nakangiti pero nanggigigil kong sabi sa kanya. Mukha pa itong nagtataka sa sinabi ko kaya ako na mismo ang nagsara ng mga butones ng Hawaiian polo shirt na suot niya at masamang tiningnan ang mga kababaihang lantaran ang paglalaway sa katawan ni Mico. For my eyes only lang ang abs ni Mico kaya dapat ay makuha sila sa matalim kong tingin dahil kung di nila lulubayan si Mico ay handa akong mapa- bantay bata d