Naging malamig ang pakikitungo ko kay Mico sa sumunod na mga araw. Tagumpay ang wedding celebration at masasabi kong perfect iyong mga kuha ko kahit wasak iyong pakiramdam ko sa loob. Kasi naman mula noong huli kaming nakapag-usap ni Mico ay parang okay lang sa kanya na iniiwasan ko siya. Pakiramdam ko nga di niya pansin kasi wala naman siya palagi. Di ko alam kung saan siya nagpupunta pero palagi siyang maagang umaalis. Dahil nga iniiwasan ko siya ay di ko na rin siya tinatanong dahil mukha namang nasa dating level ng katinuan pa rin siya dahil tuwing gigising at uuwi ako ay mayroon nang nakahandang pagkain kahit wala akong Mico na nadadatnan. Ewan ko kung ano ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ito kay Sheena. Ilang araw