"Inda, pasensya ka na talaga kung hindi ka namin matulungan ngayon. Kasalukuyan kasing asawa ko ang may hawak nang malaking project ni governor dito sa Santa Dominga. Hindi kami pwedeng makialam o gumawa nang hakbang para matulungan ka." Pang-ilan na itong isa ko pang ninang na tinawagan ko at talagang may dahilan para tanggihan ang pakiusap ko. Masyado na akong desperada.
Nauunawaan ko naman. Hindi naman sarado ang utak ko sa mga dahilan nila. May mga possible silang maisasakripisyo kung piliin nilang tulungan kami ni papa, at nauunawaan kong hindi nila kayang isakripisyo iyon.
Sinubukan ko lang. Pero lahat talaga sila ay hindi kami kayang tulungan ngayon.
Pagkatapos kong ibaba ang tawag nang magpaalam ang ninang ko ay agad kong pinatugtog ang music na naghihintay sa laptop ko. Hindi ako pwedeng okupahin nang katahimikan. Ngayon ay pumapailanglang na ang malakas at medyo nakakairita sa tengang tunog.
Pabagsak kong inihiga sa kama ang sarili ko. Ilang araw pa lang ako rito sa Santa Dominga. Pero parang drain na drain na ako.
Sa oras nang kagipitan... makikita mo talaga iyong mga taong hindi ka tatalikuran. Unfortunately, sa oras nang kagipitan namin ni papa. Parang 95% ng mga taong kakilala namin ay tinalikuran kami.
Ilan lang iyong hindi. Bodyguard ko, iyong abogado, iyong mga kasambahay. Iyong mga kasama ni papa no'ng namamayagpag siya sa business world. Parang bulang naglaho. Nasaan na sila? Hindi naman nila obligation na tulungan kami... hindi nila responsibility. Pero kailangan ba'y tumalikod sila? Iniisip ba nilang criminal talaga ang papa ko?
Kahit man lang moral support. Kahit man lang silipin nila si papa sa kulungan at kumustahin. For sure gagaan ang dibdib ni papa kung may mga kaibigan siyang dadalaw.
Naisipang kong tawagan ang isa sa kaibigan n'ya.
"Tito Charles?" banggit ko agad.
"Inda?" takang ani ng lalaki.
"Tito, available ka po ba kahit saglit lang? May favor lang po---"
"I'm busy. Pero sige, makikinig ako. What is it?" seryosong tanong ng lalaki.
"Pwede n'yo po bang bisitahin si papa sa kulungan. Baka po pwede kayong sumaglit para kumustahin siya---"
"Ineng, sinabi ko naman sa 'yo busy ako. Halos hindi na nga ako umaalis dito sa upuan ko sa dami ng trabaho. Bumisita pa kaya sa ama mong nasa kulungan. Hija, malas sa negosyo iyan."
"Po?"
"Bakit ko bibisitahin iyong mamamatay tao na iyon? Paano kung malaman ng mga client ko na bumisita ako... baka isipin nila na supporter ako ng isang mamamatay tao."
"Tito Charles," hindi ko napigilang bulalas. Hindi talaga ako makapaniwala na ganito magsalita ang lalaki na noon ay sobrang gentle kung i-approach ako. Minsan nagkakasalubong kami sa mall sa Metro. Nakukuha pa nga nila akong yayaing kumain sa mga restaurant doon. Nakukuha ko pang makipagkwentuhan sa kanila.
Ngayon... ibang-iba na sila.
Saka kung makapag-akusa ay parang ito na ang naghatol sa kaso ni papa.
Inosente ang papa ko.
"I'm sorry, Inda. Hindi talaga ako makakatulong sa ama mo. Unang-una ay nakapatay siya. Pangalan ay hindi ko kayang banggain si Governor Colton Andreras. Masisira at mawawala sa akin ang lahat oras na gawin ko ang favor na hinihingi mo. Pasensya ka na, pinoprotektahan ko lang din ang kinabukasan ko na possible masira kapag tumulong ako sa isang criminal." Pinatol na rin nito ang tawag. Napatitig ako sa phone ko nang mawala na ang kausap ko roon.
"Hindi criminal ang papa ko. Patutunayan namin sa inyong lahat na mabuting tao siya. Hindi siya mamamatay tao." Luhaang ani ko. Nakaka-drain ng lakas ang sitwasyon kong ito. Pero kaya ko ito.
Pinunasan ko ang luha ko. Saka ako tumayo. Pupuntahan ko sa capitol si Governor Colton Andreras. Kailangan naming makapag-usap nito. Sinubukan kong tawagan iyong numero na ibinigay ni Top. Pero walang sumasagot. Nag-send na rin ako ng mensahe para rito. Ngunit walang tugon mula sa governador.
Nagbihis muna ako nang pang-alis. Hindi na nag-ayos pa ng mukha. Putlang-putla na ang mukha ko. Pati nga iyong alon-alon kong buhok ay stress na rin.
Pero siguro kung nasa siyudad ako at walang inaalalang problema ay tiyak na nasa salon na ako para i-pamper ang sarili ko. Ngayon... mas mahalagang maayos ko ang problema ni papa. Kaysa isipin ang itsura ko ngayon.
Lumabas ako ng silid. Si Top na paakyat at may dalang pagkain na nasa tray ay natigilan nang makita ako.
"Miss Lucinda, saan po tayo pupunta?" magalang nitong tanong sa akin.
"Pupunta tayo sa capitol. Hindi sumasagot sa tawag at text ko si Governor Colton Andreras. Pupuntahan ko na lang siya roon para personal na makita at makausap."
"Hindi tayo tiyak kung haharapin n'ya tayo. Mas mabuting magpa-appointment tayo sa kanya."
"No. Hindi papayag ang governador na iyon na isingit ako sa schedule n'ya. Mas mabuting puntahan na natin."
"Ikaw ang bahala. Tara na po." Bumaba na lang ulit ito ng hagdan. Si manang na nakasalubong namin ay nagulat pa lalo't sa kanya biglang ipinasa ni Top ang dala nitong tray.
Sumunod din ako sa lalaki na naglakad na palabas ng mansion. Nang tuluyang makalabas ay bukas na ang pinto ng backseat. Sumenyas na ito sa akin na lumulan ako roon. Hapon na. Siguro naman ay maaabutan pa namin si Governor sa capitol.
Pagsakay ko ay agad ko ring isinalpak sa tenga ko ang earphones ko. Saka ako nag-play ng music para walang katahimikan na mangyari. Nang makalulan si Top sa driver seat ay nag-seatbelt muna ito bago n'ya pinausad ang sasakyan.
"Ano naman ang sasabihin mo sa kanya kung sakaling magkaharap kayo?" tanong nito sa akin. Hininaan ko ang volume ng music ko. Bago nagsalita.
"Makikiusap ako na huwag na siyang makialam sa kaso. Kung hindi sila makikialam ay may chance na manalo si papa. May chance na mapatunayan naming inosente ang papa ko."
"Sa tingin mo sa gagawin mong pakiusap ay makikinig siya?"
"Dapat lang naman siyang makinig. Inosente ang papa ko, Top." Giit ko rito. "Hindi nga dapat nakakulong ang ama ko kasi hindi naman siya ang pumatay kay Dominador Abwerbos. Hindi maunawaan ng mga tao iyon dahil isinara na nila ang utak nila at imbes na hintayin ang desisyon ng korte ay sila na ang humatol sa kanya."
"Miss Lucinda, malilinis din ng iyong ama ang pangalan n'ya. Tutulungan natin siya. Isa itong pakikipag-usap kay Governor Colton sa hakbang natin para matulungan ang ama mo." Tumango ako, kahit hindi naman ako kita ni Top. Bumaling ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan at tahimik na napausal nang panalangin.
"Sana ay makausap kita, Governor Colton Andreras. Para sa papa ko. Sana'y makinig ka. Lord, ikaw na po ang bahala."