Pagdating sa capitol ay halos magkumahog ako sa pagbaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng pinto ni Top. "Isuot mo ito, Miss Lucinda." Ibinigay ni Top ang suot n'yang subrelo sa akin. Nang tinitigan ko lang iyon ay ito na ang kusang nagsuot sa akin. "Hindi ka kilala ng mga tao. Sa tingin ko po'y mas mabuting hindi ka nila makilala para sa safety mo---" "Wala akong pakialam kung makilala nila ako, Top. Anak ako ng papa ko. Hindi ako mahihiyang ipangalandakan iyon. Tara na." Nilagpasan ko ito at nagsimulang tahakin ang daan patungo sa gusaling may apat na palapag. Puting-puti ang gusali kung saan para tuloy itong kastilo. Pero bago pa kami makalapit ay naglabasan na ang mga tauhan ng gusali. Pero hindi naman nakatakas sa aking mga mata ang lalaking huling lumabas ng