"Kumain ka na muna." Kasama ni Top ang mga kasambahay na naghatid ng pagkan sa kwarto ko. Hindi ko iyon pinansin. Nakaupo lang ako sa couch. Tulala. Bukod sa init ng ulo ko sa katatapos lang na tawag sa mga fake friends ko, nangingibabaw rin ang pag-aalala ko sa sitwasyon ng aking ama. "Kain na. Para may lakas ka. Iiwan namin ito rito. Mamaya pababalikan ko kay manang."
Lumapit ito sa TV at binuksan iyon. "Magbibigay ng speech si Governor Colton Andreras sa media. Hintayin mo. Pero kain ka rin ha."
Parang kapatid ko na itong si Top. Kaya no'ng nagpasya akong sa siyudad na manatili ay si Top ang pinagkatiwalaan ni papa na magbantay sa akin.
Nang makalabas sila ay nagpasya akong kumain. Kailangan malakas ang katawan ko, hindi birong laban itong kinahaharap namin ng aking ama.
Nakalahati ko na ang pagkain nang magsimula ang news.
"I'm Governor Colton Andreras." Pakilala ng isang gwapong lalaki na nasa podium. Governor ba talaga ito? Siya ba talaga si Governor Colton Andreras?
"Gov, salamat sa invitation ninyo para ma-cover namin ang pagkakataong ito."
"I'm thankful din naman na dumating kayo." Halata sa boses ng lalaki na sanay na sanay ito sa gano'n sandali. Ang makipag-usap sa media, ang humarap sa maraming tao.
Hindi ko siya kilala. Kahit dito ako ipinanganak sa Santa Dominga ay wala akong kilalang mga politoko rito.
"Gov, kumusta na nga po pala ang pamilyang naulila sa pagkawala ni Dominador Abwerbos?" tanong ng unang reporter na binigyan nang pagkakataon makapagtanong sa gobernador.
"Hindi matanggap ni Mrs. Abwerbos ang sinapit ni Domeng. Malapit akong kaibigan ng pamilyang iyon. Nang mabalitaan ko ang nangyari ay agad akong nagtungo sa kanila para tiyakin ang kalagayan nila. Ang dalawang anak ni Domeng ay masyado pang bata, kaya hindi pa masyadong nauunawaan ang sitwasyon. Pasan-pasan ngayon ni Mrs. Abwerbos ang sitwasyonng ito. Hindi sila okay. Sobrang sakit para sa kanila ang pagkawala ng kanilang Padre de pamilya." Politikong-politiko kung magsalita, I mean iyong public speaker na gugustuhin nino man na pakinggan habang nagsasalita ito.
"Ano na po ba ang naipahatid na tulog sa pamilya?"
"Nagpahatid na ang aming tanggapan ng tulong pinansyal sa pamilya. Nagtalaga na rin kami nang magbabantay para proteksyonan sila. Hindi lang simpleng tao ang involve sa pagkamatay ng kaibigan at tauhan kong si Domeng. Kaya naman kailangan talaga nila ng proteksyon."
"Gov, sa tingin n'yo ba ay matitiyak ang pagkabulok sa kulungan ni Aio Re Vinci?"
"I'll make sure na mabubulok sa kulungan ang may sala. Pero dadaan pa rin tayo sa proseso. Alam n'yo, si Domeng ay mahal ko talaga iyan. Kaya nagkasundo kami ng asawa n'ya na tutulong ako sa kaso."
"Gov, iyong mga witness---"
"They are safe and fine." Hindi na pinatuloy pa ni gov ang pagsasalita ng reporter.
Marami silang tanong na nasagot naman nang maayos ni Governor Colton Andreras. Siguradong-sigurado talaga sila na si papa ang may sala sa pagkamatay ni Dominador Abwerbos.
May mga detalye raw na hindi pwedeng ilabas sa publiko kaya iyong iba ay hindi sinagot ng gobernador.
"Last words, gov."
Muling nagsalita ang gobernador. Maingat ito sa mga binibitiwan n'yang salita. Gano'n talaga siguro kapag sanay sa public speaking.
Nang matapos ay nabago na agad ang palabas. Nahinto na pala ako nang tuluyan sa pagkain ko. Masyadong na focus ang buo kong atensyon sa palabas sa TV.
Iyon ang makakalaban namin. Iyong lalaking katatapos lang magbigay ng statement sa media ang makakabangga namin ni papa sa kasong ito.
"Top!" tawag ko sa lalaki. Alam ko namang nasa labas lang ito ng pinto ko. "Top." Ulit kong tawag. Saka bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki.
"Miss Lucinda?" ani ng lalaki.
"Kailangan ko ng information tungkol sa gobernador na iyan. Kahit anong information na pwede kong magamit."
"Hindi ba't si attorney na ang bahal---"
"Alam kong mayroon ka ring hawak na information, Top. Alam kong hindi ka lang basta uupo at maghihintay. Gusto kong makilala ang makakalaban ko sa kaso ng ama ko. Hindi pwedeng humarap ako na walang bala laban sa kanila."
"Sige. Pero ubusin mo muna iyang pagkain mo." Iyong matapang na expression ng mukha ko habang nagsasalita kanina ay bahagyang lumamlam. "Sige na. Mag-aalala ang papa mo kapag nangayayat ka. Sanay siyang makita ka sa maayos na pangangatawan. Healthy. Mukha ka ng zombie. Para kang hindi natulog ng buong magdamag."
"Kakain ako. Uubusin ko ito. Tiyakin mo lang na maibibigay mo ang information na kailangan ko."
"Sige. Sige." Sang-ayon nito sa akin. Saka siya lumabas. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko. Inubos ko gaya nang bilin ni Top.
Nang bumalik ito ay tapos na ako. Ipinakuha muna nito ang pinagkainan ko sa kasambahay. Saka n'ya inilapag ang laptop n'ya na mukhang may presentation pa.
"Ito pa lang ang mga information na mayroon ako." Mukha ni governor ang tumambad. "He's Governor Colton Andreras, 31 years old. Single. Siya ang nanalong gobernador nang katatapos na election. Pero bago siya naging gobernador ay naging mayor muna siya. Maganda ang record n'ya kaya siya ang nag-landslide sa botohan bilang governor. Anak ni Tony Andreras na kilalang negosyante at politiko sa batang ito. Malapit na magkaibigan ang pamilya Andreras at Buenve."
"Sino naman ang mga Buenve?"
"Pamilya ng mga negosyante rin dito sa Santa Dominga. Pamilya na karamihan ay abogado. May bali-balitang mapanganib sila. Kaya umiwas ka sa kanila." Tumango-tango ako. Nauunawaan ko. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi ko ma-gets ang gusto nitong iparating sa akin.
"Malapit na magkaibigan si Colton Andreras at si Dominador Abwerbos. Mayor pa lang si Andreras ay bodyguard na n'ya si Dominador. Malapit din si gov sa pamilya ni Dominador. Kaya tiyak na 100% ang support n'ya sa laban nila para makamit ang hustisya."
Nakinig pa ako sa mga baon nitong information. Tahimik lang ako pero itinatatak ko na sa utak ko ang mga nakalap na information ni Top.
"Iyon na iyon? Wala ka bang baho na nakalkal sa kanila? Baka pwede nating magamit."
"Miss, kilala ang mga Andreras sa buong Santa Dominga. Malinis magpatakbo ang mga Andreras. Lahat ng mga negosyo nila ay legal. Walang bahid nang dumi ang kanilang pangalan."
"Parang hindi naman kapani-paniwala iyon." Nagkibitbalikat ang lalaki.
"Huwag kang mag-alala, Miss Lucinda. Mag-iimbestiga rin ako. Baka may makuha akong lead para maituro sa atin kung sino talaga ang may sala."
"Pero sino kaya talaga ang may sala? May nagawa bang kasalanan ang ama ko sa kanya para i-setup n'ya ito sa gano'n sitwasyon? Nakakaawa si papa, Top."
"Alam ko po iyon, miss. Hindi deserve ni Sir Aio ang sitwasyon n'ya ngayon. Pero malay natin, marinig ng Diyos ang dalangin natin na lumabas ang katotohanan. Tiyak na makalalabas agad ang ama mo."
"Salamat, Top."
"Ito pa nga po pala iyong contact number at address ni governor. Kung balak n'yong makipag-usap sa kanya ay ipaalam n'yo sa akin para masamahan ko po kayo."
"Sige. Kapag ready na ako ay personal kong pupuntahan si governor."
Pinakatitigan ko ang papel na ibinigay ni Top. Naroon ang mga information na kailangan ko.
Nang maiwang mag-isa sa silid ay muli kong pinag-aralan ang mga information patungkol sa governor.
Nakuha ko na ring mag-search sa internet. Pero puro magagandang article lang patungkol dito ang laman. Inubos ko ang maghapon ko sa kwarto.
Nakatulog din ako kahit papaano. Pero siyempre sa tulong iyon nang malakas na tugtog sa silid ko.
Hinding-hindi ako makakatulog kung tahimik ang lugar, pwera na lang kung lasing ako. Medyo magaan ang pakiramdam ng katawan ko nang magising ako.
"Ma'am, gising ka na po?" dinig ko ang tinig ng kasambahay. Agad akong bumangon at pinagbuksan ito ng pinto.
5 pm na.
"Bakit, manang?"
"May bisita po kayo sa baba. Kaibigan po ng inyong ama." Takang sumunod ako rito. Pagbaba ko'y inabutan ko ang pamilyar na mukha ng isang matandang babae. Kaedad ni papa.
"Ninang!" agad akong lumapit dito at mahigpit na yumakap dito.
"Thank God at nakita rin kita, Inda." Best friend ito ni mama. Ang huling kita ko rito ay no'ng inilibing ang aking ina. "Nabalitaan ko ang nangyari sa papa mo. Kaya dali-dali akong umuwi ng Santa Dominga dahil iniisip kita."
"Ninang, ang laki ng problema namin ni papa." Para akong nakakita ng taong pwedeng paglabasan ng bigat sa dibdib ko, bukod kay attorney at Top.
"Alam ko, hija. Nakuha ko nang makibalita sa sitwasyon." Malungkot na ani ni Ninang Nadja. "Hija, kaibigan ng asawa ko ang mga Andreras."
"Talaga po, ninang? Baka naman po matulungan n'yo ako na makapagpa-set up ng appointment kay Governor Colton Andreras. Si Governor Colton po ang tutulong sa pamilya ng mga Abwerbos sa kasong ito. Kailangan ko po siyang makausap."
"Sige, susubukan kong makapagpa-set up ng appointment. Alam mo hija, kung talagang makikialam ang mga Andreras sa kasong ito ay malaking problema talaga sa part ninyo... nang daddy mo. Kung makikialam sila, kahit pa inosente ang ama mo ay kayang-kaya nilang gawing guilty."
"Ninang, iyan po ang ikinatatakot ko. Iyong lalong madiin si papa sa kasong wala siyang kinalaman. I'm so scared sa safety ng papa ko, ninang."
"Oh my poor Inda." Niyakap ako nitong muli. "Sandali... tatawagan ko ang asawa ko." Kumalas ako sa pagkakayakap at pinanood ito nang ilabas n'ya ang phone n'ya. Tinawagan nga n'ya si ninong.
Ilang saglit kaming naghintay bago iyon nasagot.
"Hon, nandito ako sa bahay nila Aio Re Vinci. Kasama ko ngayon si Inda. Iyong inaanak ko. Hon, baka naman pwedeng tulungan mo kaming makapagpa-schedule para ma-meet si governor?" pakiusap ng ginang sa asawang nasa kabilang linya.
"Nadja, sinabi ko na sa 'yo na hindi tayo makikialam sa kasong iyan. Umuwi ka na rito. Huwag mo akong bigyan ng problema. Andreras at Buenve ang makakabangga natin kung makikialam tayo. Uwi na rito, Nadja. Kahit kailan talaga. Wala kang magandang magawa sa buhay mo. Idadamay mo pa ako."
"Hon, hindi naman sa gano'n. Kawawa lang din naman kasi si Aio. Pareho nating kilala ang kaibigan natin iyon. Alam natin pareho na hindi n'ya iyon magagawa."
"Alam nating pareho na possible na magawa n'ya iyon. Hindi ba't nagawa na n'ya sa asawa n'ya. Umuwi ka na rito. Huwag matigas ang ulo, Nadja."
"Excuse me, ano pong sabi ng asawa n'yo? Nagawa na sa asawa n'ya? Ninang, hindi po pinatay ni papa si mama. Alam n'yo po iyan."
"Hija, pasensya ka na. Akala ko pa naman ay makakatulong kaming mag-asawa sa problema n'yo. Hindi pala. Pasensya ka na talaga." Akmang aalis na ito nang pigilan ko siya.
"Ninang, aalis na po kayo? Hindi n'yo na po kami tutulungan?" naiiyak na tanong ko.
"Narinig mo naman. Ayaw ng mister ko. Akala ko rin makakatulong ako kaya pumunta ako rito. Hindi pala."
"Ninang, ikaw na lang po ang tumulong sa akin. Baka pwede n'yong tawagan si Governor Colton Andreras."
"Hija, subukan mo na lang magtungo sa capitol. Naroon ang office ni Governor Colton. Hayaan mo, makikibalita ako sa mga Amiga ko roon. Para matimbrehan kita kung nasa office ba si gov."
"S-alamat po." Nagmamadali itong umalis. Natawa pa naman ako sa pagdating ng ginang. Hindi rin naman kasi biro ang connection ng taong iyon dito sa bayan ng Santa Dominga. Kaya umasa akong matutulungan ako nito. Pero base sa pagsasalita ng asawa nito, at kung paano siya magmadaling umalis ay alam ko nang malabo kaming matulungan.
Ayos lang. Makakagawa pa rin naman ako nang paraan. Hindi lang naman sina ang kaibigan ni papa. Marami pang iba. Dapat siguro'y isa-isahin ko silang contact-in.