Chapter Fifty-nine "Mama!" malakas na sigaw ni Coby. Abala ako sa pagtatanggal ng tuyong dahon sa garden nang marinig ko ang tinig nito. "Coby, nandito ako." Tugon ko rito. Bahagya akong tumayo at sumilip para makita ng anak ko. "Mama, may pasalubong ako sa 'yo." Hindi pa man ako nakikita nito pero nakita ko na siya. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko itong sakal-sakal ang isang manok na parang hindi na humihinga sa higpit nang hawak nito. "Mama!" ani nito nang makita ako. "Saan galing iyan, Coby?" taas ang kilay na tanong ko sa aking anak. Agad kong kinuha ang pamunas ko na nakasabit sa balikat at agad na sinalubong ito. Nagyayabang ang uhog ng anak ko. "Mama, sabi ko kay Ninong Pogi na arbor ko na lang itong manok n'ya." "Coby, ang mga ganyang bagay ay hindi pwedeng basta na l