Chapter Fifty-eight Sobrang payapa n'ya sa loob ng kabaong. Habang pinagmamasdan ko si papa ay may isa akong nasabi kay Top na nasa tabi ko lang. "Matagal na nga talaga siyang handa, Top. Matagal na n'yang gustong magpahinga. Pero sa huling pagkakataon ay tiniyak pa rin n'yang okay ako." "Nasilayan pa n'ya si Coby." "Hinintay n'ya pa akong makapanganak at nabuhat n'ya pa ang apo n'ya." "Tignan mo, Inda. Sobrang payapa ng mukha n'ya. Para pa siyang nakangiti." Napangiti ako. Totoo ang sinabi nito. "Tiniyak lang n'ya na iyon ang huling alaala na matatandaan ko kapag siya ang nasa isip ko. Iyong nakangiti n'yang mukha, Top." "Masaya siyang umalis, Inda." "Oo. Alam ko iyon, Top." Napabuntonghininga ako. Umuwi kami ni Coby na ang inabutan namin dito sa bahay ay ang lamay ni papa.