2

2070 Words
"Papa!" mahigpit kong niyakap ang aking ama nang pumasok ako sa silid kung saan naghihintay na ito sa akin. Sinundo ako ni Attorney Gaille at siya ang nagsama sa akin dito sa prisinto kung saan siya nakakulong. "Inda," sobrang higpit nang yakap nito sa akin. Ramdam ko ang pangungulila nito. Pero nakangiti pa rin ito kahit nasa ganito na siyang sitwasyon. "Gaille, bakit naman ipinaalam mo agad kay Inda? Pwede naman nating ayusin ito na tayo lang." Reklamo ni papa kay attorney. "Aio, sinabi ko na sa 'yo. Mahigpit ang kalaban natin---" "Kahit pa gaano sila kahigpit ay makakalaya pa rin naman ako. Dahil hindi ako ang may kasalanan. Sana hindi mo na sinabi Kay Lucinda. Mag-aalala lang ang---" "Papa, tama lang na ipinaalam ni attorney sa akin ang sitwasyon mo. Alangan namang nagpapakasaya ako sa siyudad. Tapos ikaw eh problemado rito sa Santa Dominga? Hindi tama iyon, papa." Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa aking ama. Hindi ko na nga napigilan ang maiyak, dahil habag na habag ako sa sitwasyon nito. "Lucinda, huwag ka nang umiyak. Makakalabas din naman ang papa rito." Alo ng aking ama sa akin. Ang bigat-bigat ng dibdib ko ngayon. Habag na habag ako sa aking ama. "Pa, maging honest ka sa akin. May kasalanan ka po ba?" umiling si papa sa akin. Saka n'ya ako iginiya paupo. Alam ko, malakas ang loob ko na makakalaya ito dahil inosente ang papa ko. "Wala akong kasalanan. Maniwala ka sana sa akin, Lucinda. Inosente ako't na set-up lang. Nagkataon lang na naroon ako sa lugar at nahawakan ko iyong katawan. Inosente ako, anak." Pangungumbinsi nito sa akin. "Pa, bakit mo kasi hinawakan ang katawan na iyon? Iyong kutsilyo? Bakit mo rin hinawakan?" frustrated na tanong ko rito habang umiiyak. "Nabigla kasi ako, anak. Akala ko may buhay pa na pwede kong maisalba." Nagpipigil lang din si papa na maiyak. Pero nakaka-frustrate kasi ang sitwasyon na ito. "Inabutan ako ng mga tauhan ni gov na nasa tabi ng bangkay at hawak iyong kutsilyo. Anak, iyong dalawang witness ay tiyak kong gawa-gawa lang nila iyong statement nila. Hindi ako mamamatay tao, anak ko. Sana'y maniwala ka sa papa." Nakikiusap ang tinig nito, ang paghihirap ng kalooban nito ay bakas sa mga mata nito. "Of course, pa! Naniniwala po ako sa 'yo. Magtiwala ka po sa akin. Gagawa ako nang paraan para mailabas ka rito. Kung kailangan kong kausapin iyong mga witness pati na iyong pamilya ng namatay ay gagawin ko." Buo ang loob na ani ko sa matanda. "Anak, hindi! Mapanganib iyan. Si Attorney Gaille na ang bahala sa lahat. Ikaw, mas gugustuhin ko pang umuwi ka sa siyudad. Bumalik ka roon, anak. Susunod ako kapag naayos na ang problema rito." Panghihikayat ng aking ama pero umiling ako. Hindi ko iiwan si papa na mag-isa sa laban n'yang ito. He's innocent. Ilalaban ko ang kalayaan ng aking ama. "No, papa! I'll stay here. Sasamahan ko kayo sa laban n'yong ito rito." Tanggi ko. Buong buhay ko ay si papa ang pumasan ng lahat ng responsibility lalo na no'ng namatay ang aking ina. Ngayon na nasa ganito itong sitwasyon ay hinding-hindi ko siya iiwan. "Anak, gusto kitang bigyan nang buhay na malayo sa gulo. Itong laban kong ito, alam kong magulo ito. Kaya mas mabuting bumalik ka na sa siyudad. Ayaw kitang madamay rito. Kayang-kaya namin ni attorney ito. Mapapatunayan naming inosente ako." Pakiusap ulit ng matanda sa akin. Pero paninindigan ko ang sinabi ko. Dito lang ako. Umiling ako. "I'll stay here. Hindi mo ako mapipilit na umalis at iwan ka rito. Kung noon ay mas pinili kong lumayo kaysa harapin ang problema. Ngayon... dito lang ako. Tutulong ako. Hindi kita iiwan, papa. Itaga mo iyan sa bato." "Mapanganib!" biglang asik nito. Nanlisik ang mata, pero agad ding lumamlam iyon nang titigan ako nito. "I don't care. Hindi mo deserve ang makulong sa kasalanan hindi mo naman ginawa. Ilalaban kita, papa." Kinabig ako nito at mahigpit na niyakap. Walang tigil sa pag-iyak. Ayaw pa nga ako nitong bitiwan, pero natapos na ang oras at kailangan na naming umalis. Ang sakit-sakit sa dibdib. Pero wala naman akong magagawa sa ngayon. Mahirap ang sitwasyon. Pero titiyakin kong kakayanin ko para sa aking ama. "Hija, magdadagdag ka ng bodyguards para makatiyak tayo sa safety mo. Habang nasa kulungan ang iyong ama ay pansamantalang ako muna ang aasikaso ng negosyo ninyo gaya ng bilin n'ya. Ikaw, huwag na huwag mong babalakin iyong sinabi mo na kakausapin mo iyong pamilya at mga witness. Kami na ang bahala, Lucinda." Naglalakad na kami palabas ng prisinto. Nakaalalay ang abogado sa akin palabas. "Attorney, may contact ka ba kay Governor Colton Andreras? Kakausapin ko siya." Tanong ko rito. Saglit kaming huminto sa paglalakad. "Hija, mas mabuting huwag muna ngayon. Pero bibigyan kita ng information na kailangan mo. Pero iyon nga... hindi ka muna lalapit sa kanya. Baka kasi sa galit nila ay gumanti sila at mapahamak ka pa. Iyan ang iiwasan natin dahil tiyak na mas lalo lang mahihirapan ang papa mo sa kulungan. Ikaw lang naman ang iniisip ng papa mo. Kaya kailangan mag-iingat ka palagi." "Opo, attorney. Salamat po talaga sa inyo." Pilit akong ngumiti. Ngunit nabura ang ngiti na iyon nang sunod-sunod na pagbato ng itlog ang tumama sa amin ni attorney. Nagulat ako. Natakot. Mabilis naman akong niyakap ng matanda para protektahan. "Mamamatay tao kayo!" galit na sigaw ng isang babae na nakabelo na kulay itim. Ang mga pulis sa prisinto ay agad na lumabas para protektahan kami. Gusto ko sanang magsalita, pero hinila na ako ng abogado patungo sa sasakyan. Ang babaeng nakabelong itim ay napasalampak sa lupa. Nang tumingin ito sa akin ay punong-puno nang pagkasuklam. "Mamamatay tao ang ama mo! Demonyo. Demonyo s'ya." Luhaang umiling ako. Hindi demonyo si papa. Si papa ang pinakamabuting tao na kilala ko. Hindi tamang ibintang dito ang krimen na hindi naman n'ya ginawa. "Pinatay n'ya ang asawa ko. Tinanggalan n'ya ng ama ang dalawa kong anak. Napakasama ng ama mo. Mamamatay tao." Kahit umusad na ang sasakyan ay naririnig ko pa rin ang sigaw ng babaeng naghihinagpis. Bakit kailangan pang si papa ang malagay sa sitwasyon na iyon? Hindi nito deserve mapagbintangan. Parang winawasak ang puso ko habang papalayo na kami. Hindi naman ako pinakialaman ni attorney habang umiiyak. Si Top na siyang tahimik na nagmamaneho ay alam ko namang nakikiramdam lang. "Attorney, ano po bang mga gamit ang pwedeng dalhin kay papa? Pwede po bang foam para may maayos siyang higaan doon? Need n'ya rin po ng conforter---" "Hija, hindi mo na kailangan alalahanin iyan. Mas mabuting umuwi ka na muna. Ako naman ay aasikasuhin ko iyong mga dapat asikasuhin sa kaso ng papa mo. Huwag kang aalis dahil baka maulit iyong nangyari kanina. Hindi lang pamilya ni Dominador ang galit na galit sa pagkamatay n'ya. Mga kaibigan at supporter ni Governor Colton ay gano'n din. Kailangan mo munang umiwas. Dikdik na dikdik ang ama mo sa mga evidence na hawak against sa kanya. Pati media ay tutok na tutok din sa kasong ito. Hindi gugustuhin ng ama mo na makaladkad din ang mukha at pangalan mo sa media." "Gawin mo ang lahat, attorney. Kahit pa gumastos tayo ay ayos lang." "Magtiwala ka lang sa akin, hija." Tumango naman ang matandang lalaki. Inihatid ako sa bahay. Para akong nauupos na kandila, na kung hindi pa inalalayan ni Top ay hindi pa makukuhang pumasok sa loob ng mansion. "Top, nakita mo ba si papa? Kawawa ang sitwasyon ni papa roon. Paano kung iyong mga pulis na naroon ay tauhan din ni gov? O kaya ay malapit din kay governor? Top, baka pahirapan nila ang papa ko." Umiiyak na ani ko sa tapat na tauhan ng aking ama. "Miss, magtiwala tayo sa husay ni Attorney Gaille. Matalik silang magkaibigan ng ama mo. Hindi n'ya pababayaan si Sir Aio." "Lahat ng pwedeng gamitin evidence ay mayroon ang kalaban ni papa, Top. Kahit inosente si papa ay sa kanya pa rin nakaturo ang evidence dahil hinawakan n'ya iyong kutsilyo. Siya iyong nasa crime scene. Pati na iyong dalawang witness ay siya rin ang itinuro." "Miss, kayang-kaya ni Sir Aio iyan. Malalampasan din n'ya ang pagsubok. Ano po bang sabi ni Sir Aio sa inyo?" "Gusto n'yang bumalik ako sa siyudad at hindi makialam sa kaso n'ya. Top, hindi ko naman kayang gawin iyon. Lalo't nasa kulungan siya. Naghihirap." "Baka naman po mas mabuting sundin n'yo na lang ang ama n'yo?" "No. Bakit ko siya susundin? Para ko na siyang inabanduna kung gawin ko iyon, Top. Ako na lang ang mayroon si papa. Ako na lang iyong pwedeng lumaban para mapatunayang inosente siya." Giit ko sa lalaki. Bumuntonghininga naman ito at tumango. "Sige, nauunawaan kita. Pero kailangan mo munang mangako sa akin." Pinunasan ko ang luha ko at tumitig sa lalaki. Isa sa tapat na tauhan ng aking ama na alam kong maaasahan ko. Handang ilagay sa panganib ang buhay, maprotektahan lang ako. "Ano iyon?" "Ipapaalam mo sa akin ang magiging kilos mo. Sasabihin mo sa akin kung ano ang mga plano mo, kung saan ka pupunta, kung sino ang kakausapin mo. Magagawa ko lang ang trabaho ko bilang bodyguard mo kung magiging tapat ka sa akin, Miss Lucinda. Kaya mo ba iyon?" "S-ige, ipapaalam ko sa 'yo ang lahat ng mga plano ko, kahit mga lakad ko, para magawa mo nang maayos ang trabaho mo sa akin. Protektahan mo ako, Top. Para magawa kong ilabas sa kulungan ang ama ko." Tumango-tango naman si Top. Naglahad pa ito ng kamay sa akin. Agad kong tinanggap iyon at nag-shake hands kami nito. "Umakyat ka na muna sa kwarto. Magpapahanda ako kina manang ng pagkain. Kakatok na lang kami kapag available na." Walang kagana-ganang tumango ako rito. Walang kabuhay-buhay rin na kumilos para pumanhik sa silid ko. Pagdating ko roon ay pagod na isa-isang hinubad ang saplot sa katawan na may bakas pa ng itlog. Pumasok ako sa banyo at nag-shower. Mabilis ko lang na nilinisan ang katawan ko, nang lumabas ako ay dumeretso ako sa walk-in closet at namili ng damit na pambahay. Nang makapagbihis ay lumabas na rin ako roon. Tamang-tama lang na nagri-ring ang phone ko. Kaya dali-daling kinuha ko ang phone ko. Nang makitang si Yana iyon ay agad kong sinagot. Isa sa kaibigan ko sa siyudad ang babae. "Oh, thank God at sinagot mo na ang tawag ko. Nasaan ka ba, sis?" feeling ko'y angat na angat ang kilay nito habang tinatanong n'ya ako ng gano'n. "Nandito ako sa province." "Province? Without informing us?" "Nagkaroon lang ng emergency, Yana. Pakisabi na lang kina Maureen at Essica." "Inuutusan mo ba ako?" mataray na ani ng babae. "Hindi naman. Pero kung gusto mong gawin. Do it." Nakatikwas na rin ang kilay na ani ko. Wala ako sa mood na makipag-plastic-an dito. Sa laki ng problemang kinahaharap ko ngayon ay wala akong panahon maging mabuting kaibigan sa babaeng masyadong ma-attitude. "Tsk. Umalis ka agad ng party. Sinabi ko naman sa 'yo na ipakikilala ko pa iyong new friend ko na type ka." Oh, natatandaan ko iyon. Kasalukuyan kaming nagpapakasaya sa party no'ng mabangit n'ya sa akin iyon. "I already told you, Yana. Hindi ko type ang friend mo. Baka umasa kaya talagang umiwas ako---" "You're so rude, girl. Ipapakilala lang naman kita. Bumalik ka na ng siyudad. Magse-set ako ng date ninyong dalawa." "No. I don't like it." "But why? He's so pogi pa naman. Bagay kayong dalawa." Maarteng sabi ng babae. "I just don't like him. Period." Kung ma-attitude itong si Yana, mas malala ang attitude ko. "Obvious naman na gusto mo. Ikaw na ang makipag-date. Marami akong problema ngayon, Yana. Huwag kang sumabay." "Wow! I'm your friend. Not your problem. Nakakainis ka. Bakit ang rude mo sa akin?" "Let's end this f*****g call. Wala akong oras." Saka ko in-end ang tawag. Pero sunod na tumawag si Essica. "What?" asik ko. "I'm with Yana. Narinig namin ang lahat. You're so rude, girl. Ang buti-buti namin sa 'yo. Isinama ka pa namin sa circle namin kahit anak ka lang ng taga-province tapos hindi ka marunong makisama? You're so annoying b***h. Anak nang mahirap, lintang dumidikit sa mayayamang katulad namin." Ewan ko ba kung bakit naisabit ako sa circle nila. Iisa lang naman ang pagkakatulad naming lahat. Pare-pareho kaming mahilig mag-party. Iyon lang, kaya kong sakyan ang ugali nila. Pero kapag nasita nila iyong ugali ko... masama na ako sa paningin nila. I don't give it a f**k.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD