Chapter 3 Sa sobrang kapaguran siguro ay maagang nakatulog si Keziah at kasama na rin ang paghihintay niya ng tawag mula sa clinic pero wala siyang natanggap na kung anuman. Bigla siyang napabalikwas nang kahit sa panaginip ay parang biglang sumirit ang imahe ng isang lalaking nakahandusay. Tutop ang noo na nanatili siyang nakaupo sa kama at tumingin sa bintana. Umaga na. Mataas na ang sikat ng araw at pumapasok na iyon sa ceiling to floor window ng kanyang kwarto. Ang inuukupa niyang kwarto ay ang mismong master's bedroom. Iba na iyon kaysa sa iniwan niyang kwarto ng lolo at lola niya noon. Hindi naman daw doon naratay ang matanda nang magkasakit. Sa kwarto sa ibaba iyon nagtagal mula nang maging bed ridden na dahil ang hirap na daw ipanhik sabi ng mga katulong. Pinaayos na rin daw niya