PROLOGUE
Prologue
"Mother mercy," nahigit ni Keziah ang paghinga nang sa biglang pagkurap niya ay tila may nabundol siyang impakto. Bigla ang pagkakaapak niya sa preno ng kanyang sinasakyang Misubishi Mirage na puti ang kulay. Madilim ang kapaligiran at walang mga gaanong ilaw sa daan na tinatahak niya papauwi ng villa. Malapit na siya sa kanila pero hindi siya makapagpabilis ng takbo dahil sa bukod sa medyo lubak ang daan ay napakadilim sa parteng iyon ng lugar. Trees are even blocking the light that comes from the moon. It's a full moon anyway but not enough to lighten up her way to her hometown. And here she goes. She bumped something or perhaps it had bumped her car.
Did I just hit someone...or something?
Binalot ng kaba ang namimighati niyang puso. She was busy remembering her abuela because she'll be home today for the internment. What a very sad thought. Nasa gitna siya ng pagdarasal kamakailan nang katukin siya ng mother superior na si sister Gemma. Pinatapos muna ang kanyang pagdarasal bago sa kanya sabihin ang nalulungkot na balita. At the age of ninety-nine, her abuela, Doña Margarita del Mundo already passed away due to kidney failure. The old woman has been undergoing dialysis for almost 20 years now but seems like her body has already given up the fight. Looking at the brighter side of the story, Keziah wants to feel happy for her grandmother will no longer feel any pain and is already beside Heavenly Father but she's still grieving and her heart is in pain. She's very close to her abuela and the old woman was the reason why she chose to give up her other dreams just to become a nun.
Makailang ulit nagpahid ng luha ang dalaga nang mapagtanto ang pagkakabangga niya sa isang bagay. Lumingon siya sa paligid at natatakot siyang bumaba. Walang kahit anong ilaw sa paligid niya liban sa kakarampot na galing sa poste. Baka modus ang lahat at sa pagbaba niya ay biglang may umatake sa kanya, lapain siya at dukutin ang kanyang puso, kasama mga lamang loob o baka mamaya hilahin siya sa kakahuyan, gasain at patulan ng leeg.
Agad siyang napahawak sa sariling leeg. She's eyeing through her windshield. Pilit niyang inaanag ang nabundol niya pero wala siyang makita hanggang sa biglang may maiitim na kamay ang dumapo sa tagilirang bintana ng kanyang kotse.
"Aaaaahhhhh!" tili ni Ziah nang makita niya iyon. Hindi niya malaman kung magtatakip siya ng mukha o pahaharurutin ang kanyang kotse papalayo.
"Mommmmmy!" she squealed while stomping her foot.
Wala siyang humpay sa pagpadyak at pagpasag pasag hanggang sa may lumitaw na mukha sa salamin.
Lalo siyang napatili dahil maligno ang nakikita niya. Dinampot niya ang malaking krus na nakapatong sa kanyang dashboard, na gawa sa purong silver at may mga mamahaling bato na nakalubog.
"In Jesus name, I command you to stay away! In Jesus name! In Jesus name. I sue you demon! Leave me alone, in Jesus name!" makailang ulit niyang ihinarap ang krus sa may bintana bagama't hindi niya nakikita ang pinaka itsura ng nilalang na nananakot sa kanya ngayon dahil nakatakip siya ng mata.
She's quivering, badly frightened until the creature knocks at her window.
Takot man ay iminulat ni Ziah ang isang mata niya sa pagitan ng nakatakip na mga daliri. She saw a horrible being.
"Go away!"
Kinakapa na niya ang kambyo ng kotse nang muli itong kumatok. When she opened her eyes again, a blue thing sparkled against the light of her car.
Bigla siyang natigalgal nang mapagtanto niya kung ano ang bagay na iyon na kuminang sa liwanag na nagmumula sa loob ng kanyang sasakyan.
Mata!
Mata ng maligno ang kumislap sa liwanag.
Gusto ni Ziah na panawan ng ulirat sa mga sandaling iyon pero hindi niya magawa.
The creature showed his hand, as if asking for something. Napamaang na lang lalo ang dalaga sa gesture na iyon ng lalaki. Lalaki iyon natitiyak niya. She's not familiar with his look because he really looks awful. She's also sure that his hair is curly and thick. His face is so dim, covered with mud or grease perhaps. Gusto niyang isipin na sana ay isa lamang itong undercover agent na nagpapanggap na nakakatakot na nilalang pero hindi niya magawang pakakampante. She's really nervous.
Muli nitong inilahad ang palad at animo ay nanghihingi ng kung ano.
Wala siyang maisip. Takot man siya ay napilitan siyang luminga at iisa lang ang nakita niya na pwede niyang ibigay, pagkain.
She found her food wrapped in a paper bag. Order niya iyon kanina sa drive through para nga baon niya sa byahe pero dahil sa sobrang paghihinagpis niya sa pagkawala ng kanyang mahal na lola ay tila nakalimutan na rin niya kung paano ang magutom.
She grabbed the paper immediately without leaving the stranger in her sight.
Nanginginig niyang pinindot ang buton para bumaba nang kaunti ang bintana ng kanyang sasakyan at saka halos pikit niyang inilapit ang pagkain sa lalaki.
She was assuming that he'll grab it with her hand but his movement is fine. Dahan-dahan na ipinasok ng lalaki ang kamay sa bintana niya at ganoon din ang kilos nang abutin ang pagkain.
Ziah is more shocked this time. Nganga siyang napatulala nang makita ang mahahabang daliri ng lalaki na walang gaanong grasa. Kapagkuwan ay binuksan nito ang isang palad at tumambad sa kanya ang isang singsing na panlalaki.
Wala itong imik na inilapag ang singsing sa dashboard niya at mabilis na tumalikod dala ang pagkain.
Mabilis na isinara ni Ziah ang bintana ng sasakyan at walang pag-aalinlangan na pinaharurot ang kotse papaalis.
"Diyos ko, salamat po," nausal niya sa gitna ang nag-aagaw na nerbyos at tuwa.
Hindi siya napahamak.
The creature was not as bad as she thought. He just needed food and there she had it.