Chapter 4 Hawak ni Ziah sa mga kamay niya ang reseta ni Dr. de Dios para kay Black. She already settled the bill and now bought the medicines he needs. "Ate, ate dyaryo po," alok sa kanya ng isang bata nang papasakay na sana siya sa kanyang kotse. Nakalahad sa harap niya ang isang dyaryo at kahit na wala naman siyang balak na magbasa niyon ay walang pagdadalawang-isip niyang kinuha dahil sa awa sa batang nagtitinda. "Kwarenta po, ate na maganda," anito pa kaya naman dumukot siya ng pera sa wallet niya. Sakto pa naman ang barya niya. Wala na siyang pera dahil halos puro cards na ang gamit niya sa pamimili. "Salamat po, ate," anang bata na mabilis na umalis para mag-alok na sa iba. "Sige. Mag-ingat ka," aniya roon na ngumiti naman sa kanya at sumaludo. Pagsakay niya sa kotse ay eksak