Chapter 2
"Thank you very much po, sisters, mother for coming. Medyo may kalayuan ang probinsya namin pero nakarating pa rin po kayo," malungkot na pasasalamat ni Keziah sa mga madre na dumating kailan para makiramay nang personal sa pamilya niya. Kilala ng mga ito personally ang lola niya dahil simula't simula pa lang ay orphanage ng Holy Family Sanctuary ang tinutulungan ng pamilya niya. Kakabit ng sanctuary ang kumbento na nag-aalaga ng mga batang iniwan ng mga magulang at walang pamilya, biktima ng mga trahedya at napag-iwanan na mag-isa.
Hinawakan ni mother Gemma ang mga kamay ng dalaga. Ngumiti ito sa kanya at saka siy tinanguan.
"Dito ka na muna. Ibibigay na namin ang pagkakataon na ito sa'yo para na rin sa tuluyan mong pagdedesisyon kung tutuloy ka ba sa kumbento o may iba ka pang gustong marating sa buhay. The door is wide open if you decide to come back. We will welcome you with all our hearts, sister Ziah. As of the moment, you may just live your life outside the convent to mourn, stay with your brothers and your family. We all know may mga naiwan ang lola mo sa inyo at baka may kailangan kang ayusin, nasa iyo na ang pagkakataon."
She nodded and smiled. She understands.
"Yes po mother. Thank you po. Ako na po ang maghahatid sa inyo sa sakayan. Nando'n daw po ang driver namin naghihintay."
"Sige iha."
Pagkahatid ni Ziah sa mga madre sa terminal kung saan naghihintay ang driver nila ay hinintay na muna niyang makaalis ang mga iyon. Ihahatid iyon pabalik ng Maynila, sakay ng van na pamana rin sa kanya ng kanyang lola. Naiwan sa kanya ang halos lahat ng mga personal na bagay ng namayapang matanda kaya siguro ganoon na lang ang inis sa kanya ni Devon. Nangangahulugan kasi iyon na sa kanya pinakamalapit ang puso ang lola niya. Bakit ba naman hindi ay halos iyon na ang nag-alaga sa kanya mula nang magka-isip ata siya? Ang Mama niya ay nasa Munisipyo naman parati dahil Municipal auditor iyon. Malakas naman ang lola niya dati kahit may edad na talaga, iyon lang ay tinamaan na ng malubhang sakit nitong huli.
Antagal din niyang hindi nakauwi sa probinsya. Halos hindi niya namalayan na ilang taon na rin pala siya sa Maynila. Doon na rin siya nagkolehiyo kasama ang yaya niya na taga roon din, at nang grumaduate siya ay diretso na siyang pumasok sa kumbento para mag madre.
Makailan ulit na inilibot ni Ziah ang mga mata sa paligid ng terminal bago niya naisipan na bumalik sa sasakyan.
Naisipan sana niyang dumaan muna sa kuya niya sa Police station pero baka makaistorbo lamang siya roon kaya hindi na. She decided to take her way back home. Malayo layo rin ang byahe na halos nasa trenta minutos. Sa daan niya papauwi ay hindi maiwasan na maalala niya ang taong grasa sa mismong lugar kung saan siya tumigil sa pag-aakalang nabunggo niya iyon. Naiiling na lamang siya ngayon at nangingiti sa weird na hitsura ng lalaki. Baka isa lamang din na guni-guni na asul ang mga mata ng lalaking iyon. That's really quite impossible. Ano iyon, amerikanong grasa?
She glanced at the rearview mirror and shook her head when she saw that man again. Ano bang meron ang lalaking iyon na hindi maitikal sa memorya niya? There's nothing so special about that man for her not to forget him.
She looked at the mirror again and to her shock, the man was there again.
"Mama!" tili niya sa pangalan ng ina sabay napaapak siya nang wala sa panahon sa preno.
Hindi malikmata ang lintik na lalaki. Totoong naroon ito sa loob ng SUV na minamaneho niya! Hindi malaman ni Ziah ang mararamdaman nang mapagtanto niyang nakatingin sa kanya ang lalaki habang prenteng nakasandal sa upuan ng sasakyan. At one instant, she thought he had a deadly knife and would s***h her neck from behind.
"Don't dare move!" She scowled and hurriedly grabbed the key of the SUV.
Daig pa niya ang isang baliw na kumaripas ng takbo papalabas ng sasakyan at nagtititili.
"Help me! There's a stranger inside my car! Help me!" Tili niya habang hindi siya matigil sa pagtalon at pagtakbo paroon at parito.
Naisip niyang tawagan ang mga kapatid niya pero laking dismaya niya na hindi niya nakuha ang bag sa loob ng sasakyan bago siya bumaba.
She weakly slouched and tapped her forehead. Nakapamewang siya sa isang baywang pero dismayado siya. Paano na nakapasok ang lalaki sa loob ng sasakyan? Literal na taong grasa ito. Ang buhok nito ay sabog na kulot at ang dungis. Para itong isang kapreng grasa sa laki. He's so tall, she's sure of that.
Wala siyang pagkain na maibibigay sa lalaki ngayon para bumaba iyon. Isa pa napakalayo na ng narating nito dahil mukhang sa terminal ito sumakay sa sasakyan niya. Wala na yata siyang maaapuhap na tulong mula sa kung kanino dahil wala ng dunaraan sa dinaraanan niya. Pribadong daan na iyon papuntang villa.
"God, please help me." Usal niya sa langit bago siya lakas loob na humakbang papalapit sa sasakyan.
Kinig ang mga kamay na hinawakan niya ang handle ng pinto ng sasakyan at buong lakas na ibinukas iyon at laking panghihilakbot niya nang makita niyang may dugo ang puting leather covering ng upuan ng suv.
Napamaang siya sa lalaking nakatingin sa kanya. Hindi rin guni guni na asul ang mga mata nito. Asul talaga ang mga iyon kaya lang hindi ganoon katingkad ngayon.
Hawak nito ang tagiliran na parang inaagusan ng dugo.
"Diyos ko po," muli niyang usal.
She looked at his face again. Mukha itong kalmado at pagod, at hindi niya alam kung kaya ba nitong makapanakit.
"Don't hurt me." Aniya rito at laking gulat niya nang umiling ito.
Naiintindihan siya ng lalaki.
"D-Dadalahin kita sa doktor." Aniya pa at kahit may pag-aalinlangan siya ay isinara niya ang pinto. Kinakabahan man ay sumakay siya sa driver's side at nanginginig pa rin na pinaandar ang sasakyan.
Bahala na kung anong kalabasan niya, kung tapang tao man. She has to help this man. Hindi niya maatim na basta ito iwan sa kung saan lalo pa at mukhang may sugat ito at nanghihina na nga. Lito siya kung sa ospital niya ito dadalahin dahil babalik na naman siya sa pinanggalingan niya. Naisip niyang sa clinic na lang ng surgeon na si Dr. de Dios niya ito dalahin. Iyon ang tagatuli sa mga pinsan niya at lalaki at Surgeon naman talaga ang doktor na iyon. May mga kwarto na rin sa clinic niyon na kung saan pwede niyang ipasok ang taong ito at doon paalagaan kahit saglit, sa isang nurse.
Halos hindi niya maitikal ang mga mata sa lalaki dahil baka bigla siya nitong sakalin pero wala naman itong kakilos kilos at wala ring kaimik imik.
Nakapikit na ito nang huli niyang sulyapan.
"H-Hey...don't die. O-Open your eyes. 'Wag kang mamatay utang na loob." Nanginginig ang boses na sabi niya rito at kapagkuwan ay nagmulat naman ito ng mga mata, konti nga lang.
Nakahinga siya kahit paano. Buhay pa ito. Ayaw niyang masangkot sa isang krimen kahit pa ba sabihin na sangkot na siya dahil nasa loob ito ngayon ng sasakyan niya. Hindi niya maatim na pabayaan ito kahit ano pang estado nito sa buhay. Tuta nga na iniwan sa kalsada ay pinagmamalasakitan niya, tao pa kaya na mas mahalaga ang buhay kaysa sa hayop?
When Ziah arrived at the clinic, she instantly hopped out of her car and ran to the door of the clinic. Walang pag-aatubili na tinulak niya ang glass door at kung may taaman man, sorry na agad.
"Dooooc," nagpapanic na siya at ang secretary ang unang humarap sa kanya.
Pareho silang nagkagulatan nang nagkatinginan. Ito pa rin pala ang sekretarya ng doktor.
"Ate Tere," aniya sa babaeng may edad na rin.
"Keziah?"
Hinawakan niya ang babae at agad na hinila, " Ate Tere, I need help. There's a man inside my car and he's wounded. Kung dadalhin ko siya sa ospital mas malayo pa, kaya dito na lang kay Doc," aniya na humahangos sa pagmamadali.
She opened the door and to her dismay, nakahandusay na ang lalaki sa upuan.
"Ate Tere, patay na siya!" tili niya at nag-umpisa na naman mag-hesterical, "Ate Tere!"
"Tulong dito! Bilis!" Nagmamadali rin ang babae na tumawag sa mga nurses na nasa clinic ni Dr. de Dios.
Agad naman na lumapit ang dalawang lalaki na kalalabas lang sa kabilang pinto ng clinic.
"Diyos kong bata ka, saan mo napulot ang grasa na ito?" ani Tere habang pinupulsuhan ang lalaki, "Buhay pa ito. Huwag kang umiyak." Anito kaya nakahinga siya nang maluwag.
Hindi niya kayang makita na may mamatay sa loob mismo ng sasakyan niya. Baka mauna siyang ilibing.
"Taong grasa ito. Dapat iniwan mo na lang ito Miss sa kalye." Anang lalaki na parang nagbibiro pa pero pinukol niya ito ng masamang tingin.
Umaalsa na naman ang pagiging masungit niya at nawawala ang gracious side bilang ulirang madre pero sa huli mas pinili na lang niyang huwag sumagot doon.
"Keziah, ano ito?" sinalubong na sila ni Dr. de Dios. Maang ito sa kanya at sumulyap sa lalaking isinakay sa stretcher.
"Tao po, doc," mali ang sagot niya kaya napangiti ang matandang duktor, "n-nasaksak po ata, I don't know. nakasalisi lang po siya sa sasakyan ko paghatid ko kina Mother sa terminal. I think he's been enduring his condition for an hour now or more. I can't just leave him, doc. I'll pay. I'll double it just please keep him safe here." Pakiusap niya rito na tinanguan naman siya.
"Try to mention this to your brother for information, too. We don't know what will happen to this man, Keziah."
She nodded right away.
"Galing naman nitong pumili ng babae," parinig ulit ng nurse pero sa taong grasa siya nakatingin.
Nakabukas nang konti ang mga mata nito at nakatingin sa kanya pero tuluyan na itong ipinasok sa loob. Nakahabol siya ng tingin sa mga iyon at ilang saglit pa siyang naghintay bago ulit lumabas si Teresa.
"Halika iha, mag-fill up ka rito at iwan mo ang contact number mo. Tatawagan ka na lang namin sa resulta ha para naman hindi na maabala pa rito." Anito sa kanya at tahimik naman siyang sumunod.
Nakalutang ang isip ng dalaga habang nagmamaneho siya papauwi. Pasulyap sulyap siya sa smartphone, umaasa na may tawag na kahit na ang totoo ay kakatalikod pa lang naman niya sa clinic. Para na siyang baliw. Natatakot siyang mamatay ang lalaki kahit hindi niya iyon kilala at hindi iyon normal. In the end, she just decided to call her brother but he seems unreachable. She just sighed, praying that the man could still be saved.
Nang makarating siya sa bahay ay wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya. Balisa pa rin siya. Kahit na makailang ulit niyang i-divert ang atensyon ay ganun pa rin. Wala naman siyang mahilang kaibigan para makapaglibang dahil simula nang mapunta siya sa kumbento ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa mga kababata niya. Wala na rin siyang balita sa mga iyon, malamang dahil may kanya-kanya na ring buhay.
Nang hindi siya mapanatag ay naisipan niyang magdasal sa loob ng mini chapel ng mansyon para ipagdasal ang lalaking mas pinili niyang tulungan kaysa takbuhan. Kung sino man ang may kagagawan ng bagay na iyon sa taong iyon ay tiyak niya na may kabayaran. Kahit ano pa man ang estado ng tao sa buhay, walang karapatan ang sinuman na manakit ng kapwa. Doon na rin niya sa mini chapel binuhos ang lahat ng dasal na ginagawa niya sa araw-araw habang nasa loob siya ng kumbento. Bigla siyang nanibago sa takbo ng lahat. Akala kasi niya ay babalik din siya agad sa kumbento pagkatapos mailibing ng lola niya, iyon pala ay ibinigay na sa kanya ang panahon para siya ay makapag bakasyon at makapag desisyon.