C1

2424 Words
Chapter 1 Makailang ulit na sinisipat ni Ziah ang singsing na hawak niya. Alanganin pa siya noong una kung hahawakan ba iyon o hindi dahil baka mamaya ay kung anong mahika ang dala niyon at mahipnotismo siya pero makalipas ang isang araw matapos niyang dumating sa villa, sa mansyon ng kanyang lola ay naisipan niyang kunin ang singsing sa dashboard ng kanyang kotse. Ngayon ay ito ang pinakamamasdan niya sa harap ng labi ng kanyang namatay na lola, sa loob ng chapel nila. Tapos na siyang mag-iiyak pagdating niya kagabi at ngayon ay ikalawang gabi na niya sa lamay. She's alone. Puro kalalakihan ang pinsan niya at mga kapatid. Tatlo ang kapatid niyang lalaki na panganay lahat sa kanya. Ang mga pinsan niya ay puro kalalakihan din. Hindi niya alam kung anong magic ang meron sa pamilya na puro barako ang lumalabas at siya raw ay ipinagsiyam pa sa simbahan. Nangako raw ang mommy niya na kapag babae siya ay magiging madre siya, ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang lola. Hindi naman sila devoto ng kung anong paniniwala dahil Diyos lamang ang sinasamba at pinaniniwalaan nila, kaya lang ay may respeto sila sa kung ano man na panatang kanilang nagawa lalo na ang mga ninuno niya. Ziah blinked, staring at the black stone. Iyon ang bato na nasa singsing. Napakalaki ng bato na korteng letter 'S' na parihaba. It has several colorless diamonds located at the edges of the gemstone. Sa loob ng singsing ay may nakaukit na letra, SVII-88. Hindi niya mawari kung totoo o hindi ang mga bato pero may kutob siya na oo. May tatak iyon na PLAT950. It is made up of Platinum. Nangunot ang noo niya nang maalala ang itsura ng lalaki. Hindi kaya panggap iyon? He has blue eyes, beautiful blue eyes correction. He has long fingers, too. Hindi niya alam kung anong totoong mukha ang nagtatago sa kulay itim na grasa katulad ng itim na kulay ng bato ng singsing na hawak niya ngayon, or it could be possible that he just got the ring somewhere. Taong grasa ang lalaki na iyon at malamang mahilig magpupulot ng mga bagay na kung anu ano. Baka may nakawala ng singsing na hawak niya ngayon sa may gubat at napulot naman ng taong grasa. He left the ring on purpose, in exchange for the food she had given him. She just hopes he'll find again to fill his stomach. Maawain siya sa mga ganoon. Kahit na takot siyang lumalapit ay inaabutan talaga niya ng makakain sa pamamagitan ng ibang tao. Isa pa, parati siyang sumasama sa mga madre kapag may mga ipinamimigay sa mga kapos palad. She personally gives her own money. She's born wealthy anyway and the villa is owned by her family. Siya lamang ang walang bahay sa villa kasi ang balita niya, sa kanya ipamamana ang mansyon ng mga del Mundo. She closed her palm as a sign that she's keeping the ring. Hindi naman niya ninakaw iyon, ibinigay iyon sa kanya at kung sino man ang totoong nagmamay-ari, ibabalik niya kung talagang kinakailangan. "Keziah, iha," tawag sa kanya ng kanyang manang Lorna kaya napalingon siya, "nariyan na si attorney dela Cruz. Hinihintay na niya kayong magpipinsan sa mansyon. Ako na muna ang bahala dito sa lola mo ha. Sige na, anak." "Sige po. Kapag po pala dumating sina Sister Gemma, pakipahatid niyo po kay Mang Teban sa mansyon." Iyon ang bilin naman niya sa matandang katulong na tagapag-alaga nilang lahat. "Oo anak," nakangiting sagot ng matanda. She stood up and walked towards the glass coffin of her grandmother. She stared at the old woman for a while before turning her back to leave. Inilagay niya sa kanyang itim na jewelry box ang singsing. Iyon ang taguan niya ng alahas na lagi niyang dala dala. Iyon ang lalagyan niya ng kanyang kwintas. Kung may suot man siyang alahas ay ang crucifix na galing din sa lola niyang aspiring maging madre kaya lang ay niligawan ng kanyang lolo at hindi na nakawala. Baby pa lang daw siya ng iiwan iyon ng kanyang lola sa kanya. Her grandmother served as her parent since her mother and father died. Her mother died due to a car accident while her father died due to military operations. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. Ang ina niya ay noong walong taon siya at ang ama niya ay noong sampung taon siya. "Bunso," tawag sa kanya ng kuya Bran niya na panganay sa lahat. Papasakay na ang lalaki sa sarili nitong sasakyan na Nissan Calibre. Napatingin siya sa driveway at naiiling na lang siya sa nakikita niyang hilera ng mga sasakyan doon. Paangasan ng sasakyan ang mga pinsan niyang lalaki at ang kotse niya ang pinakamaliit. "Sure that you'll drive on your own? Kuya misses you. Come here." Aniyon sa kanya habang nakaposing sa may driver's side ng sasakyan. Isa itong criminologist at sa batang edad ay Inspector na kaagad. Ngayon ay ang taas na lalo ng ranggo nito dahil 37 na. She just smiled and walked towards her brother. Anlaki ng agwat nito sa kanya. Kinseng taon ang nakalipas bago ito nagkaroon ng kapatid na babae. Ang kuya Timothy niya na pangalawa ay 36 at ang kuya Gregory niya ay 34. She's only 22. Ang lalaki ng hakbang niya papalapit sa sasakyan ng kapatid dahil may kalayuan ito pero nang malapit na siya sa sasakyan ay parang kusang tumigil ang mga paa niya sa paghakbang. Her heart skipped a beat. Lumingon siya sa paligid dahil parang may nakatingin sa kanya pero wala naman siyang makita. It's just so weird but she sensed a strong energy that comes from the woods. Hindi naman gubat ang villa kaya lang ay parte na may mga puno, design kumbaga. Old trees are standing tall all around the place, Narra trees, na sa sobrang tanda ay hindi na mayakap nang buo kahit ng dalawang tao pa. "Are you okay, bunso?" her brother asked. Naging alerto rin ito sa paglinga sa paligid pero napilitan na lang siyang tumango. Napakaimposible na may ibang tao sa villa. Baka meron man ay nakikiramay lang. Wala man silang gwardiya roon ay wala naman nangangahas na pumasok dahil pribadong lugar na iyon sa bayan. "Yes kuya. I thought I just saw something," aniya na lang pero makailang ulit pa siyang luminga pero wala naman talagang tao. She feels so creepy. Kagabi lang halos mapatiran na siya ng leeg kakasigaw sa loob ng sasakyan kaya ata hanggang ngayon ay kung anu ano pa rin ang nararamdaman niya sa paligid. She just didn't expect to be routed by a greasy man. Sumakay siya sa sasakyan matapos na makumpirmang wala namang tao sa paligid at noon nawala ang paninindig ng mga balahibo niya. "You need to rest, Ziah. Hindi pa naman ililibing si lola. Baka magkasakit ka. You just arrived last night and we never saw you sleep. Lagi kang nakamukmok sa harap ni lola," pangaral ng kapatid sa kanya. "Hindi pa naman ako antok, kuya." "That's my order," nakangiting sabi nito sa kanya kaya napamaang na lang siya. She just shrugged, rolling her eyes, "Fine." Bigla itong humalakhak sa harap niya, "You look better when you do that. Mas kapani paniwala na ganyan ka kesa sa mahinhin at banal," pang-aasar pa nito sa kanya kaya lalo siyang sumimangot. "Kuya ha, don't try to dislodge my practiced behavior." "Practiced behavior," lalo itong tumawa kaya natawa rin siya nang kaunti. Inaamin naman talaga niyang hindi siya ganoon kabanal. Sa totoo lang nananakit ang mga tuhod niya sa matagalang pagluhod at noong una nga ay hindi siya makatayo kapag natatagalan siya sa pagkakaluhod. May mga pagkakataong nagdadala siya ng pocket books sa kumbento at patagong nagbabasa ng mga iyon. Ilang beses siyang pinatawag ng superior at pinangaralan pero talagang sadyang makulit siya. Mga tatlong buwan pa lang ata siyang tumitino, nito na lang every week session ang kidney dialysis ng lola niya pero hindi na rin nakayanan ng matanda. Her brother started to drive following the other cars, going to the mansion. Sa paglagpas nila sa puno ng Narra na Antonio ang pangalan ay bigla siyang napa second look. Nakita niya ang taong grasa kaya ganun na lang ang pagkapilipit ng leeg niya para tingnan kung talagang may tao roon pero wala naman. Wala siyang nakita kaya ipinikit niya ang mga mata. That street beggar distracted her totally or maybe she just lacks sleep. Saka hindi naman basta basta ang experience niya kagabi. Akala niya nakabundol siya, worst is nakapatay, natakot siya nang husto sa pag-aakalang mapapahamak siya at hindi na makakauwi nang buhay. Wala pa siyang experience na ganoon sa tanan ng buhay niya at malala pa ay sa mismong daan niya papauwi sa kanila niya iyon naranasan. At ngayon ay minumulto siya ng lalaking grasa na hindi naman namatay. Buhay iyon at hindi naman nasaktan. Halos magkakasabay na nagsipasok ang mga apo ni Donya Margarita sa lumang mansyon para harapin ang abogado ng pamilya na humahawak sa lahat ng dokumento na ipinamana sa kanila ng yumaong matanda. Nananalangin si Izah na sana lahat ay patas ang pagkakahati at walang sasama ang loob. Iyon ang huling habilin ng lola nila at sana naman ay igalang ng lahat. Hindi rin kasi maiwasan na may mga pinsan siyang barumbado, mga nawalan ng bertud at nagbulakbol kaya hindi mga nakapagtapos ng pag-aaral kaya walang mga trabaho. Karamihan sa mga iyon ay anak ng Tito Simon niya na panganay ng kanyang lola. Dalawa lang sa anak na lalaki ki Simon ang nakapagtapos. Ang isa ay Beterinaryo at ang isa naman ay Dentista. Ang tatlong lalaki na bunso ay pa happy happy lang sa mga bar at adik sa mga babae. "Pumasok na kayo mga iho at kaisa-isang niña." Nakangiting bati ng abogado sa kanila nang buksan niyon ang napakalaking pinto ng gathering hall ng mansyon. Napaalibutan siya ng mga nakatatanda niyang kapatid at tabi tabi na rin sila sa upuan. Para siyang mga tinapay na nakakategorya sa lalagyan. Four seats were allocated for her and her brothers. The others were separated, too. Lima ang anak ng lola at lolo niya kaya limang grupo rin ang mga upuan. "Hindi ko matanggap, attorney!" bulalas ni Devon nang matapos ang abogado sa pagbabasa ng huling testamento. Kalmado ang matanda pero hindi ang pinsan ni Izah na halos ka edad niya. Nakatayo ang lalaki at nakatingin sa kanya. Puno ng tattoo ang katawan ng lalaki at sinira ang napakagwapong aura dahil sa mga hikaw na nakakabit sa kilay, ilong at sa tainga. Pati leeg nito ay may tattoo na, na sa halip na maging maganda ay nakakatakot ng tingnan at nakakadiri pa. Kalmadong na nagtanong ang attorney rito. "Ano ang hindi mo matanggap?" "Na mapupunta kay Keziah ang mansyon na ito! Babae siya at magmamadre pa!" bulalas ni Devon sabay duro sa kanya medyo umaalsa rin ang inis niya. "Anong problema mo sa pagiging madre niya? Ikaw pa pinakilaman niya sa pagiging tattoo artist mo?" galit na tanong ng kuya niya sa pinsan nila. Hindi niya akalain na iyon ang maglalakas loob na kumuwestyon sa huling habilin ng lola niya. Ang mga pinsan niyang walang trabaho na kakaunti rin ang ipinamana ay wala namang reklamo. Parusa raw iyon sa pagiging palasuway, na sa una pa lang naman ay ipinaalala na ng lola niya. Sabi na rin iyon sa sulat na iniwan ng matanda. "Huwag kang sumabat dito, kuya Bran." Baling ni Devon sa kuya niya. "Natural sasabat ako. Kapatid ko ang dinuduro mo, Devon baka nakakalimutan mo. Kung may reklamo ka pumunta ka kay lola at magreklamo ka sa bangkay niya." Pilosopong sagot ni Bran. "Desisyon 'yon ni lola. Igalang mo naman sana. Sa lahat ng nandito ikaw lang ang may reklamo ah," anaman ng kuya Timothy niya. "That's enough Devon!" sabat ng nakatatandang kapatid niyon, na sa isang Propesor at Dean sa Santo Tomas. "Respect our abuela's decision. Too late to regret. Malinaw naman na sinabi ni abuela at abuelo noon pa na ang mga matitigas ang ulo ay maswerte ng makakuha ng mana. Just be thankful she remembered you. May mana ka naman na condominium sa Manila, doon ka rin nakabase kaya pasalamat ka na. Stop questioning what Ziah got. Besides, sa lahat naman ng negosyo kahati ka rin. No one was left behind. The profit will be equally divided into five families." "Milyon milyon ang halaga ng alahas ni lolo at lola kuya, wala doong peke alam natin at kahit mga diamonds matataas ang karat, napunta rin sa kanya. Saan naman niya 'yon ibibigay, sa kumbento niya?" sarkastiko pang sagot ni Devon na parang pinag iinitan talaga siya. "Sa'yo na, isaksak mo sa baga mo at sa tattoos mo at sa mga hikaw mong walang diamonds." Inis na sagot ni Ziah na halos ikangiti ng kuya Gregory niya. Nakatingin ito sa kanya na parang ibig sabhin ay, ikaw talaga napakamaldita. Totoo naman. Kung pasasakitin lang ni Devon ang loob niya dahil sa mga alahas na sinasabi nito ay di bale na. Kahit wala siyang alahas ay mabubuhay siya. Kahit wala siyang mansyon mabubuhay siya. "No more questions. Pinal na ang lahat ng desisyon ni Donya Margarita. Titulado na lahat ng mga lupa at ari arian. Irespeto niyo naman ang lola niyo. She said as her final words, you reap what you sow. In other terms, you gotta face the consequences of your actions. You never listened to her words when you were still young, instead lived according to what your mind and your body desired, neglecting your studies, then here it is now. You've got what you want. Dapat kinilala niyo ang ugali ng lola niyo noon pa lang. Mabait siya sa mga taong masunurin sa kanya pero sa mga hindi, kaya niyang maging casual lang din. Kung may kwestyon kayo, my office is open for you to visit. I'll accommodate you any time of the day. Hindi rin ako magsasawang paulit-ulit na basahin ang lahat ng habilin niya sa inyo bilang sagot sa mga kwestyon niyo. Lumapit kayo sa akin." Anang lalaki na ngumiti sa kanila. Wala ng sumagot pa. Naupo na rin si Devon pero halatang hindi pa rin tanggap ang lahat. Siya tanggap niya kahit pa nga wala siyang mana tanggap niya. Hindi naman siya nagpakahirap sa lahat ng mga meron ang buong angkan nila. Utang nila iyon sa mga ninuno nila at sa mga magulang niya. They still never contributed any. Nag-uumpisa pa lang siya kung tutuusin at mare-recognize lang ang kontribusyon nila sa mga susunod pang henerasyon ng pamilya del Mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD