Chapter 17 After driving for so many hours again, finally Ziah is back in Manila. Nasa harap siya ngayon ng mataas na building kung saan naroon ang kanyang condo unit. Pinarentahan niya ang condo sa loob ng napakaraming taon, at kailan lang ay pinaalis na niya ang umuupa, with warning of course. Hindi naman siya basta-basta nagpalayas. Binigyan naman niya ng palugit ang mag-asawa na makahanap ng bagong titirhan. Pinapalitan niya ng kulay ng pintura ng loob ng condo at ginawa na lamang na puti, with an accent of candy pink. Nag-iisip pa siya kung babalik na siya sa kumbento. Sa oras na pumasok siya roon, wala ng atrasan yun. Tama ang may sabi nun sa kanya, but becoming a nun is at the uppermost top of her list. Nag-apply siya ng trabaho bilang isang nurse. Part-time lamang iyon. She app