Chapter 18 Hindi magkandaugaga si Xander sa paghahanap ng kwintas niya. He’s sure that he just put it on the vanity mirror, beside the bed. Inalis niya iyon dahil nagpapawis siya sa gym kanina nang magising siya pero ngayon na hinahanap na niya ay wala na. “f**k!” mainit ang ulo na mura niya saka siya sumilip sa may gilid ng kama pero wala talaga roon. He couldn’t lose that. He can’t afford losing that thing. Mawala na ulit ang katinuan niya huwag lang kwintas na iyon ni Keziah. Tinampal niya ang kahoy gamit ang dalawang palad pero napansin niya si Misha sa may pintuan, nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang kuminang na pendant sa may dibdib ng asawa. She’s wearing his necklace, his necklace for Peter’s sake. “Are you looking for this, hon? I wore it. Nagandahan ako,” anitong hina