Chapter 16 “Ano na, Maria Sawingpalad?” Mula sa pagkakaupo ni Ziah sa portico ay rinig na rinig niya ang tawa ng kuya Gregory niya. Ang laki ng irap niya na dati naman halos hindi niya ginagawa. Nakakainis na kasi dahil alam naman niya kung saan papunta ang bati na iyon, kay Black. That day is Sunday. Off ng mga ito sa trabaho kaya siya na naman ang kukulitin at isasama kung saan-saan. Nakagawian na iyon ng tatlo niyang mga kapatid, na isama siya sa mga lakad nitong panlalaki. “Este, Maria Keziah Umaasa?” dugtong pa nun kaya naman ang lakas na naman ng tawanan ng dalawa pa niyang mga kapatid. Binato niya iyon ng throw pillow at sapul naman iyon sa mukha. Nakitawa rin siya sa dalawa nilang nakatatandang mga kapatid. “How’s our baby?” Bran sat on the armrest and kissed the top of her