Alice De Rusi
Dahan-dahan kong hinahakbang ang aking mga paa. Kakapasok ko lang sa sala. Natatakot na baka magising ang isa sa aking mga kuya.
Anong oras na kasi ng gabi. Ngayon lang ako umuwi. Mabuti na lang sana kung si Kuya Anton lang ang gising. Paano na lang kung si Kuya Arnel. Baka mapagsermunan na naman ako buong magdamag.
Silang tatlo lang kasi ang kasama ko sa bahay. At lahat sila ay napaka-over protected sa akin. Lalong-lalo na si Kuya Arnel. Masyadong strict kahit sa kaniyang gf.
Ako lang daw ang nag-iisa nilang kapatid na babae kaya lahat daw ay gagawin nila para maprotektahan ako sa mga lalaking manloloko.
Paano naman ang boyfriend kong si Rico, hindi pa nila alam na niloko ako ni Rico at wala akong balak na ipaalam sa kanila.
Kahit niloko ako ng kumag na 'yon, hindi ko pa rin magawang ipapahamak si Rico sa mga kapatid ko.
Kahit niloko niya ako, wala akong balak na saktan siya sa pamamagitan ng tatlo kong mga kuya.
Si Mama kasi ay nasa ibang bansa bilang OFW. Si mama ang bumuhay sa amin magkakapatid. Bata pa lang ako ay OFW na sa ibang bansa si Mama. Maaga kasing nawala sa amin si Papa.
Ang nga kuya ko naman ay may kaniya-kaniya na rin na mga trabaho.
Kahit anong pauwi ang gawin nila Kuya kay Mama ay ayaw pa rin umuwi ni Mama. Mag for good na lang daw si Mama kapag nakahanap na ako ng trabaho.
Paano naman ako makahanap ng trabaho, wala ngang tumatanggap sa akin. Sabagay, ngayon pa lang naman ako nagsimulang mag-apply. Ilang taon na kaya akong tambay?
Kaya ngayon, pinag-iigihan kong makahanap ng trabaho para naman makasama na namin ng tuluyan si Mama.
"ALICE!" isang hakbang na lang para makapasok sa kwarto ko ng marinig ko ang boses ni kuya Arnel.
Napapikit ako at natigilan. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Paktay na naman ako. Wala si Kuya Anton kaya walang magtatanggol sa akin kun 'di ang tanging sarili ko lang
Humanap ka ng palusot, Alice. Kausap ko sa aking sarili. Dahan-dahan akong humarap sa bandang kinaroroonan ni Kuya Arnel.
Napalunok ako ng singkatirbang laway. Ito na nga masama na ang tingin ni Kuya Arnel sa akin. Kakainin niya na yata akong buhay. Or 'di kaya ikukulong na lang para hindi na makaalis ng bahay. Pero siyempre imaginations ko lang 'yon. Hindi niya magagawa sa akin iyon.
Prescious sister kaya nila ako.
Hinawi ko pa ang buhok ko. Inipit ko sa aking taenga. Pabebe look.
"Yes, kuya," binago ko ang aking boses.
"Saan ka na naman galing?" ito na nga nagsimula na magtanong.
Humakbang pa ito palapit sa akin. Wala pang damit na suot. Naka-shorts lang ito.
"Ang gwapo talaga ng kuya ko," komento ko. Pag-iiba ko lang sa usapan. Baka kasi sesermunan lang ako nito buong magdamag.
Kumunot ang noo nito. "Huwag mong ibahin ang usapan." seryoso talaga ito.
Saan nga ba ako galing?
"Galing lang ako kina Bettina Kuya. Napabuti ang usapan kaya natagalan." 'yon naman talaga ang totoo.
Ang totoo kasi wala naman kaming ginawa ni Bettina buong maghapon sa kanila kun 'di ang mag-usap at magkwentuhan
Mabuti na lang at day off niya kaya nakapag-usap ng matagal, naabutan pa nga ng alas nuebe ng gabi.
"Nagsasabi ka ba ng totoo, Alice?" seryosong tanong ni Kuya sa akin. Kung si Kuya Anton lang sana ito kausap ko. E 'di sana iaang lambing ko lang ay papapasukin na ako sa kwarto ko at hayaan na lang ako pero hindi eh! Ang malas ko lang at ai Kuya Arnel ang nakakita sa akin.
O baka naman hinintay niya talaga ako?
"Babe!" napalingon ako sa likuran ni kuya Arnel.
Tinatawag kasi nitong babe si Kuya. Ibig sabihin iba na naman ang girlfriend ng kuya kong ito. Wala yatang permanent girlfriend ang kuya kong 'to.
"Babe, nandito ka lang pala, akala ko kasi lumabas ka para magpahangin." Kaagad naman na pumulupot ang braso nito sa braso ni Kuya.
Haller! Kapatid niya kaya ako.
Ako lang naman ang nag-iisa nilang kapatid na maganda.
Pinasadahan ko ng tingin ang babae. Tanging maikling shorts lang ang suot nito at white t-shirt na manipis.
Nabaling naman sa akin ang paningin nito. Ang hilig talaga ni Kuya Arnel sa mga babaeng merong tattoo.
"Sino siya, babe?" pinasadahan niya ako ng tingin.
"My sister, Alice." pakilala ni Kuya sa akin. Hindi ko siya gusto para kay Kuya.
Bumilog naman kaagad ang kaniyang labi.
Na-surprised ka ba dahil mas maganda ako sa 'yo? Tinaasan ko ito ng kilay.
"Hey, Alice. I'm Jasmine." pakilala nito. I'm not interested.
Hindi ko man lang inabot ang kamay nito na nakikipag-shake hands sa akin.
"Kuya, papasok na ako sa kwarto ko." tila tinatamad na paalam ko.
Pero pasalamat ako sa babaeng ito, hindi na nagtanong pa si Kuya. Hinayaan na lang niya akong pumasok na ng tuluyan sa loob ng silid ko.
Nasaan na kaya ang babaeng 'yon? Kanina ko pa tinatawagan ayaw sagutin ang tawag ko. Ring lang ito ng ring.
Naka-ilang tawag na ako kay Bettina pero walang sumasagot. Ngayon pa naman ako pupunta sa tinatrabahuan niya. Kailangan ko ng back up.
First time ko kayang mag-apply ng personal.
Noon, nag-a-apply ako pero online. Meron pa kasing kumakalat na virus noon, at ngayong wala na, face to face na ang interview.
"Ay! Palaka!" natapisod pa nga ako, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Abala kasi ako sa aking cellphone.
Nasa harapan na pala ako ng building. Pinasadahan ko muna ng tingin ito.
Matatanggap kaya ako dito?
Bilang ano? Secretary? Sexy naman ako na may malaking hinaharap, maganda at isa pa, may ipinagmamalaki naman akong talino at higit sa lahat naka-apak naman ako sa kolehiyo. Hindi nga lang nakatapos.
Kinakabahan ako habang papasok sa loob ng building. Nasaan kaya si Bettina. I need her.
"Hey, ma'am!" tawag sa akin ng isang babaeng naka-uniform. Maikli ang kanilang uniform. Above the knee ang suot nitong palda.
"Ano po ang kailangan niyo?" nang makalapit ako dito.
"Saan po dito pwedeng magpasa ng resume?" tanong ko kaagad. Pinasadahan pa niya ako ng tingin. Bago ito nagsalita.
"Ah-- mag-a-apply ka, tamang-tama may interview ngayon sa 10th floor. Dumiretso ka na doon. Kailangan na kailangan ng isang secretary at isang personal assistant," sabi nito.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Nagpaalam na rin ako kaagad dito para puntahan ang sinasabi niya.
Papasok na ako sa elevator. Ang buong akala ko ako lang mag-isa nasa loob pero hindi pala. Merong dalawang naghaharutan na nakasama ko.
Wala silang pakialam kahit maglampungan sila sa tabi ko.
"You're wet, baby," nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig mula sa aking likuran.
Wala naman ibang sasabihan ang lalaki kun 'di ang babaeng kalampungan nito.
Ano daw? Seryoso? Talagang kahit may ibang makarinig ay sasabihin ng lalaking ito ang katagang 'yon? Bastos! Kaunting-kaunti na lang sasabog na ako sa inis.
Ang babae naman ay halos humagikhik sa lakas ng tawa nito.
Bakit ba may mga staff sa building na ito. Ganito ang mga ginagawa.
"Gusto na kitang kainin."
W-whaaat?
"Huwag po kayong masyadong excited, may tao pa tayong kasabay, sir." halos naman maging pusa ang boses ng babae.
"Never mind her," saway ng lalaki.
Nanatili lang akong nakikinig pero kanina ko pa gustong sumabog sa inis. Mga lalaki nga naman.
Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki pero feeling ko ang tanda na nito. Infernes naman maganda ang boses nito. Kahit matanda na.
Gustong-gusto ko na silang sawayin pero tiniis ko lang ang inis ko. Malapit na rin naman ang 10th floor kaunting kembot na lang at hindi na ako makakasaksi sa mga kamanyakan ng mga ito.
"Ay! Nakikiliti ako diyan, sir." halos hagikhik na may kasamang ungol na ang pagkakasabi ng babae.
Sa inis ko, mariin akong napapikit at hinarap ang mga ito. Pagmulat ko nakaharap na ako sa kanila. Ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko.
Ang buong akala ko kasi matanda na ang lalaking nakikipaglandian sa babaeng naka-uniform. Isa yata ito sa mga staff dito sa building. Ang lalaki naman ay maayos ang suot naka office suit.
Nagtagal ang tingin ko sa mukha ng lalaki. Ganun din ito sa akin. Bumaba ang paningin ko sa kamay ng lalaking nakapasok pa sa loob ng palda ng babae.
"Mga wala ba kayong konsiderasyon?" Sa wakas nakabawi na rin ako sa aking pagkabigla. Naibuka ko rin ang aking bibig. Itinaas ko pa ang envelope na hawak ko.
"Kita niyo naman na may kasama kayo dito sa elevator, pagkatapos ganyan kayo kung maglandian! Mahiya naman kayo!" sigaw ko. Inis na inis na talaga ako.
"And who the hell are you?" tanong ng gwapong nilalang na ito. Erase, erase, Alice. Ang gwapong nilalang na ito ay isang manyak kasamahan ng mga manloloko. Pagkatapos magsawa ay iiwan at papalitan ka na lang. Katulad ni Rico.
"Ako? Ako si A---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"Who gave you permission to ride on this elevator? It is private. Just for the important staff in this building only." he said.
Natameme ako. Kaya ba wala kaming ibang kasama dahil para lang ito sa mga importanteng tao dito sa building na ito.
Bakit? Importante ba sila sa building na ito kaya sila ang laman ng elevator na ito?
Kaagad nitong inilabas ang phone mula sa bulsa nito.
"Bakit may ibang pumapasok sa elevator kung saan ako lang ang puwede? You are fired! I don't effin care! You are fired now!" nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Ano? Fired! Fired kaagad? Ano 'to?
Napatakip ako sa aking bibig. Ngayon nag-sink in sa akin ang lahat. Siya ba ang may-ari ng building na ito?
Nang dahil pa sa ginawa ko, may isang staff pa na natanggal.
Bigla tuloy akong nanlambot. Nang dahil sa akin natanggal ang isang staff sa building na ito.
.