Chapter Three

1008 Words
Chapter 3 Nasa pintuan na ako ng bahay. Kailangan ko ayusin ang paglalakad. Baka kung ano nanaman ang iisipin ng mga kapatid ko. Lahat sila ay mga lalaki. They are triplets at over protective sa akin. Kapag nalaman nila na niloko ako ni Rico ay baka sumugod sila at pag susuntukin si Rico. Kailangan kong gumalaw na parang walang nangyari. Na parang walang lokohan na naganap at parang walang virginity na nawala. Lintikan na. Bakit kasi sa hotel pa ako natulog. Ito ang napala ko. Niloko na, nawala pa ang pinakaingat-ingatan ko. "Baby girl, where have you been? " bungad sa akin ni Kuya Arnel, si kuya Arnel ang pinakaseryoso sa kanilang tatlo and most of all, pinaka strikto sa lahat. Ayaw na ayaw niya na naabutan ako ng umaga sa lakwatsa. Kaya ngayon seryoso siya na nakatingin sa akin. Ganito ang nangyayari kapag lahat ng kapatid mo ay lalaki. Nakaka Tanda ko pa na mga kapatid. Sino ba hindi matakot. Unti-unti akong lumapit dito. Sinipat ang iba ko pa na mga kuya. Mabuti at busy pa sila sa paglalaro ng online games. Si kuya Arnel lang ang nasa harapan ko. Kailangan ko humanap ng palusot. Napangiwi ako. Wala akong maapuhap na palusot. "ALICE!" untag ni kuya Arnel. Sinasabi ko na nga ba hindi ako titigilan niyan kapag hindi ko sinasabi kung saan ako nanggaling. Nakuha ni kuya ang atensyon ng dalawa ko pa na kuya. Si kuya Alvin at Anton. "Oh, baby girl. Nandito ka na pala. Kamusta ang pagpapagabi?" segunda naman ni kuya Alvin na hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo. Nilingon niya lamang ako. Napakamot ako ng ulo. "Huwag niyo na ako tanungin. May pera naman ako at sa hotel ako natulog," sagot ko. 'Yon naman talaga ang totoo. Lumapit sa akin si kuya Anton. Siya ang pinaka-close ko sa kanilang tatlo. Inakbayan naman agad ako nito. "'Yon naman pala, sa hotel pala natulog ang baby girl natin. Huwag niyo na alamin kung ano ginawa ni bunso sa hotel," nakangisi na sabi ni kuya Anton sa kanila. Save by kuya Anton. Thanks to him. "Magpahinga na ako," paalam ko sa mga ito. Tinapik naman ni kuya Anton ang balikat ko. "Go ahead, bunso. Ako na bahala," nakangiti na sabi ni kuya Anton sa akin. Pasalamat na lang ako at may tagapagtanggol sa akin. Si kuya Anton. Hindi ko na hinihintay pa na magsalita sila. Tinahak ko na ang hagdan patungo sa aking silid. Mabuti na lang at hindi na sila nangungulit pa. Kanina ko pa gustong gusto matikman ang tubig sa aking balat. Kating-kati na akong maligo. Hindi ko matandaan ang mukha ng lalaking naka-one night stand ko. Paano ko ba nagawa iyon? Naibigay ko ang sarili sa hindi ko naman kilala. Habang nagpapakasawa sa tubig ay hindi ko maiwasan na isipin ang mukha ng lalaki. Hindi ko talaga matandaan ang kaniyang mukha. Sana naman ay may good news akong matanggap sa araw na ito. Oras- oras ko na ata sinusulyapan ang cellphone ko, nagbabakasakali na tawagan o itext ako ng kompanya na inaapplyan ko. Pero wala, wala ni isa ang nagtext sa akin. "Ano?" nanlaki ang mga mata ni Betina sa naikwento ko sa kaniya. Na ikwento ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Rico. Si Bettina ay bestfriend ko. Siya 'yung palagi kong sinasabihan sa lahat ng problema ko. "Nagawa ka ipagpalit ni Rico? Sa tagal niyo na magkasintahan. Mas pinili pa niya ang kakakilala pa lang niya, weirdo!" hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Rico sa akin. Dahil kahit ako hindi rin makapaniwala. Sino ba mag-aakala na ipagpapalit pa niya ako. "Walang forever! Sana may forever silang dalawa," I sighed. Hindi ko na sinabi pa ang nangyari sa gabing iyon. Nang dahil doon nawala ang p********e ko. Nasa fast food kami at kasalukuyan na kumakain. Niyaya ako ni Betina dahil kakasahod niya lang at libre niya. Sino ba hindi sasama kapag libre. "Kamusta ka naman? Masakit pa ba?" tanong niya. Teka, ibang sakit ata ang pagka intindi ko. "Masakit pa ba ang nararamdaman mo ngayon?" pag-ulit niya. Sa totoo lang masakit. Pero binabalewala ko lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Labis kong minahal si Rico. Pero ganito lang pala ang isusukli niya sa pagmamahalan namin. Ang lokohin ako at ipagpalit. Ang masakit pa ay buntis na ang babae. Ibig sabihin matagal na niya akong niloloko. Tumulo ang luha ko, agad kong pinunasan iyon. "Hays! Bakit ko pa nga ba itatanong. Obvious naman. Hay naku! Bettina," saway niya sa kaniyang sarili. Medyo natawa ako sa ginawa ng bestfriend ko. Pinunasan ko ang luha ko na naligaw sa aking pisngi at tumawa nang mahina. "Napatawa ba kita?" tanong nito. Tumango ako. "Teka, nakahanap ka na ba ng trabaho?" Speaking of trabaho. Hanggang ngayon wala pa rin akong nahanap. Dakilang tambay na nga talaga siguro ako. Umiling-iling ako. "Tamang tama, naghahanap ng secretary 'yon boss ko. Kakasisanti niya lang sa secretary niya. Masyado kasi mahilig sa babae ang CEO na pinapasukan ko. At ayaw niya na minamahal siya ng babae. Ang gusto niya lang ay s*x. Grabe, fuckboy. Hindi ko rin masisisi ang mga babae kasi sobrang gwapo naman kasi talaga," kinikilig pa na sabi ng bestfriend ko. Kumunot ang noo ko. Grabe pare-pareho na ba ang mga lalaki ngayon. Habol lang nila ay s*x. "Nakakasiguro naman ako na hindi ka magkakagusto do'n, kasi patay na patay ka sa ex mo," dugtong pa niya. Talagang hindi ako magkakagusto sa sinasabi niya, sa pag-describe pa lang niya ay bagsak na kaagad siya sa akin. "Hindi, hinding - hindi na ako magkakagusto sa mga lalaking manloloko," sabi ko dito. Nagpatuloy kami sa pagkain at nagkwentuhan bago tuluyan na umuwi. Pinagmasdan ko ang aking resume sa aking table. Sa dami na nang pinasahan ko ni isa ay walang tumawag sa akin. bukas na bukas din ay mag-aapply kaagad ako sa kompanyang tinatrabahuan ni Bettina. Mukha naman maayos ang trabaho niya kahit pa nga may usap-usapan na strikto at medyo babaero ang kanilang boss. Pero wala na akong pakialam pa, ang mahalaga ay makahanap ako ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD