Chapter 5- Ruthless

1618 Words
Alice De Rusi Wala sa sariling naglalakad ako patungo sa room kung saan ang interview. Hindi ko naman akalain na dahil pa sa ginawa ko ay may isang taong mawawalan ng trabaho. Kung sino man 'yon. Sana ayos lang siya. Natameme lang ako kanina habang dumaan sa aking harapan ang dalawa. Wala akong nasabi. Nabigla lang naman ako. Ganun na lang ba kadali ang magtanggal ng taong nagtatrabaho sa kompanya. Nanggigigil at naiinis ako sa lalaking iyon. Kung sino man ang lalaking 'yon. Sana makatulog siya ng mahimbing dahil sa ginawa niya. "Next..." hindi ko namalayang ako na pala ang tinatawag. "Miss, ikaw na!" naiinis na sabi ng isang babae sa akin. Alam ko. Ito nga nga gumagalaw na. "Interview pa lang wala ka na sa sarili. Sigurado ka bang nag-aaply ka? Baka mamaya kapag tinanong ka tameme ka na." tumaas ang kilay ng babaeng katabi ko. Umirap pa sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin. Problema nito. Iniwan ko na lang ito. Wala akong pakialam kung tarayan niya ako. Kinakabahan akong lumapit sa lalaking may edad na. "Your name is? Nasaan ang resume mo? tanong kaagad nito. Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala hawak ang aking resume. Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Hinanap sa sahig baka nahulog lang ito. Pero wala. Napangiwi ako. Paano na? Nasaan ang resume ko? Hawak ko pa lang 'yon kanina. "Miss, sigurado ka bang mag-a-apply ka? Wala kang dalang resume, tanging sarili mo lang ang dala mo." sabi ng interviewer na ito. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. "May dala po akong resume, sir. Hawak ko pa kanina pero hindi ko namalayang wala na pala ito." kaagad na sagot ko. Totoo naman kasi. Napailing-iling ito. Naririnig ko ang munting tili ng kababaihan pero binalewala ko dahil ang isip ko ay nasa aking resume. "Is this what you are looking for?" Isang baritonong boses ang bumungad sa aking likuran. Kaagad din tumayo ang interviewer at nagbigay galang dito. "Good afternoon, Mr. Guttierez!" bati kaagad ng interviewer sa lalaking dumating. Kaagad din akong napalingon dito. Napalunok ako nang makilala kung sino ang dumating. Siya lang naman ang lalaking kasabayan ko sa elevator kasama ang babaeng kaharutan nito. Dumako ang paningin ko sa envelope na hawak niya. "Is this what you are looking for, Miss ALICE DE RUSI?" Oh, god! Bakit napakaguwapo naman ng lalaking ito. Kilala niya na ako. Ibig sabihin pinakialaman niya ang resume ko. "Resume ko ba ang hawak mo?" matapang na tanong ko. Kahit tingin pa lang ng lalaking ito ay nakakaakit na. "What do you think?" tila mapang-asar pa na sabi nito sa akin. Umikot naman ito sa akin at lumapit sa interviewer. "Sa una pa lang bagsak ka na. Are you really interested in applying here? You didn't even realize you had lost your resume. For me, you are not suited on this job. Hindi kita puwedeng tanggapin. Puwede ka ng umuwi." striktong sabi nito. Hindi pa nga ako nakakapagsalita, pinapaalis na kaagad ako. Kumukulo ang dugo ko. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Hindi naman yata magandang ganito ang gawin niyo sa mga aplikante? Pumunta ako dito para mag-apply, hindi niyo pa nga nakikita kung ano ang kaya ko. Hindi niyo pa ako tinatanong, pinapauwi niyo na kaagad ako. Baka naman ng dahil sa nangyari kanina kaya dinamdam niyo. Kasalanan ko bang hindi na kayo makapaghintay na makarating muna sa hotel bago maglampungan?" Napapikit ang striktong lalaki. "Enough! Ms. De Rusi. I have nothing to explain to you!" Itinuro nito ang pintuan. "Lumabas ka na." namumula na yata ito sa inis. Inirapan ko na lang ito at tumayo. Wala na akong magawa kun 'di ang lumabas na lang. Napakamalas ko naman at ganito ang nangyari sa first interview ko. Sumakit lang ang utak ko kakaisip. Pagdating sa bahay halos maglumpasay ako sa kama. Nanggigigil ako, parang gusto kong balatan ng buhay ang lalaking 'yon. Nakakainis sobra. Pabalang akong humiga sa malabot kong kama. Napapikit at napamulat sa pag-ring ng aking cellphone. Si Bettina tumatawag. Bakit ngayon lang nagparamdam ang babaeng ito? Hindi ko nga nakita kanina sa building. Nasaan kaya ang babaeng 'to kanina? Pagsagot ko sa tawag niya. Narinig ko kaagad ang mga munting hikbi nito. "Umiiyak ka ba?" tanong ko kaagad dito. Ilang segundo pa itong natahimik hindi kaagad nakasagot. "Hoy!" untag ko. "Wala na kasi ako sa tinatrabahuan ko." sumbong niya. Walang'ya talaga. "P-paanong wala? Bakit anong nangyari? Bakit ka naman tinanggal? Alam mo 'yang boss mo. Wala talagang pinapalampas 'yan eh! Walang manners and right conduct." gigil na sabi ko. "Paano mo nasabi? Pumunta ka ba sa interview kanina?" tanong naman niya. "Oo, pumunta ako. And guess what? Pinahiya lang naman ako ng sinasabi mong boss mo. Iyon ba yung boss mo yung manyak na nakikipaglampungan kahit saan? At alam mo kung anong ginawa niya sa interview ko? Hindi pa ako tinatanong pinauwi na ako. At ito pa, meron din kaagad itong tinanggal sa trabaho nang dahil lang sa walang kwenta nilang elevator." sunod -sunod na sumbong ko kay Bettina. "Anong ibig mong sabihin, Alice? Nandun ka ba nung time na yun na tinanggal ako ng boss ko?" "Wala siyempre, nasa interview nga ako 'di ba?" "Paano mo nalaman about sa elevator? Ako lang naman yung tinanggal ng dahil sa buwesit na elevator." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Bettina. Hindi ko alam na ang kaibigan ko pala ang tinanggal ng striktong lalaking 'yon. Mas doble pa ngayon ang nararamdaman kong konsensya, nang dahil pala sa akin, nawalan ng trabaho si Bettina. Paano ko masasabi sa kaniya na ako ang dahilan ng pagkatanggal niya? "T-tinanggal ka dahil sa elevator?" nauutal na tanong ko pa sa kaniya. Paano kapag nalaman ni Bettina na ako ang dahilan kung bakit siya natanggal? Baka magalit na lang ito sa akin. "Oo, naku! Kung sino man 'yong walang modong pumasok sa private elevator,nang dahil pa sa ginawa niya nawalan pa ako ng trabaho. Hindi ba niya nakita napakalaking sign na for VIP only." ramdam ko ang inis na pagkasabi ni Bettina. Napangiwi naman ako. "Baby girl!" mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko na tawag ng isa sa mga kuya ko. "Baby girl! Lumabas ka na kakain na!" Alam kong si Kuya Anton iyon. "Sino yun? Si Kuya Arnel mo ba yun?" kinikilig naman na tanong sa akin ni Bettina. "Hindi, si Kuya Anton 'yon." sabi ko. Natahimik naman siya sa kabilang linya. Ini-expect niyang si Kuya Arnel iyon. Malaki kasi ang pagkagusto ng kaibigan ko kay Kuya Arnel. Kahit anong sabi kong pwede naman sila Kuya Alvin at kuya Anton ang magustuhan niya kasi magkakapareha lang naman ng mga mukha, pero ayaw niya. Mas gusto niya pa talaga yung masungit kaysa sa mababait. "Sayang naman akala ko si Kuya Arnel mo." bakas sa boses nito ang kinikilig. "Sige na ibababa ko na itong tawag, baka magalit na naman si Kuya Arnel kapag nagtagal pa ako rito sa kwarto. Ayaw na ayaw pa naman nun na pinaghihintay ang pagkain." paalam ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Bettina. Pinatay ko na kaagad ang call. Nakonsensya rin ako dahil sa akin nawalan ng trabaho ang kaibigan ko. Paano ko magagawang ibalik si Bettina sa tinatrabahuan niya. Gagawa na lang ako ng paraan. Bahala na basta gagawa ako ng paraan. ******* "Kleinton Guttierez is a 28 years old. At the age of 28 he is now the CEO of a well-owned Company. His girlfriend cheated on him." Laman ng news paper. Matagal na ito sa kwarto ko pero ngayon ko lang ito binasa nang makita ko ang familiar na mukha ng lalaking pervert. Kleinton pala ang pangalan ng CEO na iyon. Muli kong sinulyapan ito. Napatitig sa napakaguwapo nitong mukha. So, kaya ba siya nagkakaganito dahil sa girlfriend niya nanloko sa kaniya? Hindi naman dahilan ang panloloko ng girlfriend niya para maging strikto siya sa mga employee niya at mapaglaro siya sa mga babae. Hindi lahat ng babae ay manloloko. Baka gusto niyang isampal ko rin sa pagmumukha niya ang katotohanan na minsan na rin akong niloko ng kapwa niyang lalaki. THIRD PERSON ABALA sa mga files sa office table si Kleinton nang may kumatok sa pintuan ng office niya. "Ayaw ko ng disturbo ngayon! Kung ano man 'yan, bumalik ka na lang mamaya!" sigaw niya sa loob ng office niya. "Sir! Gusto ko po kayo makausap." boses ng isa sa mga empleyado niya. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago sumagot dito. "Okay, come in!" walang gana na sabi niya dito. Pumasok ang isa sa mga employee niya. Kung hindi siya nagkakamali ito yung tinanggal niya nang dahil lang sa elevator. "Pasensya na po, sir. Makulit ako. Gusto ko lang po sana bigyan niyo ako ng isa pang pagkakataon." pagmamakaawa nito sa kaniya. tinitigan niya lang ito habang takot na nakatayo s akaniyang harapan. "You know I'm not giving another chance. What is my decision, nothing will change there." Abala na ulit siya sa mga files. Hindi niya na ito tinapunan pa ng tingin. "Sir, please! Bigyan niyo pa po ako ng isa pang chance. Nag-cr lang po ako sandali no'n kaya po hindi ko napansin na mayroon na palang pumasok sa elevator" sabi nito. Muli niya itong sinulyapan. "Kahit anong sabihin at pagmamakaawa mo Miss Hernandez, hindi na magbabago pa ang desisyon ko. In fact, may pamalit na ako sa 'yo. Hindi na kita kailangan. Pinapasahod ko kayo para ayusin ang trabaho niyo. Hindi ko na kasalanan ang pagiging tanga mo!" masakit ang mga binitawan niyang salita. Natameme lang ang kaniyang dating employee. Hindi na ito muling nagsalita pa. Hindi na rin niya ito tinapunan pa ng tingin nang makaalis ito sa kaniyang harapan at lumabas sa office niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD