Chapter One
Chapter One
ALICE DE RUSI
Nasa loob ako ng bar at hinihintay ang boyfriend ko. Ang sabi niya kasi may sasabihin siya sa akin. Ano naman kaya iyon? Si Rico ang matagal ko na kasintahan. Halos may limang taon na kami, pero wala pa rin nangyari sa amin. Buti na lang at hindi ako kasing rupok sa inaakala niyo.
Bawat may dumadaan ay napapatingin sa akin. Hindi ko naman sila masisisi. Sadyang maganda ako para tingnan nila. Halos naubos ko na ang wine pero wala pa rin si Rico.
Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon? Bakit ba pinahintay niya ako nang matagal?
Isang lagok pa ng alak ay uuwi na ako. Next time ko na lang siya kausapin. Mukhang wala naman siyang balak na puntahan ako.
Tumayo ako para sana umuwi na pero nahagip nang mga mata ko si Rico. May kasama siyang babae. Siguro ay kapatid niya.
Nanatili ang mga mata ko sa kanila, habang papalapit sa akin. Bakit ba parang ang sweet naman ata ni Rico sa babaeng kasama niya.
Napakurap ako nang tumapat na sila sa aking harapan.
"Kanina ka pa ba?"
Obvious ba? Kanina pa ako dito, halos maubos ko na nga ang bote sa kakahintay.
"Hindi naman. Actually kararating ko lang," pagsisinungaling ko. Kahit gustong gusto ko na siyang awayin dahil sa sobrang tagal niya ay nagawa ko pa rin naman ikalma ang sarili.
Nabigla ako sa sunod na ginawa ni Rico. Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa braso ng babae. Napatingin ako sa kanilang mga braso.
Ano ba ibig niyang sabihin? Parang gusto ko na magwala. Pero pilit ko pa rin maging kalmado. Hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang relasyon nila. Ako 'yung girlfriend pero bakit sa babaeng ito nakapulupot ang mga braso ni Rico. 'Di ba, dapat sa akin nakapulupot ang braso niya?
"Alice..." kumunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin. Kailanman ay hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko.
"I'm sorry," dugtong pa niya. Kinabahan ako sa tono nang pananalita niya ay may parang hindi ko magugustuhan ang karugtong na sasabihin niya.
"I'm sorry, she is Tiffy..." pakilala niya sa babaeng katabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag-so-sorry sa akin ngayon. May problema ba kami? Bakit 'di niya sabihin sa akin agad nang ma solusyunan.
"Makikipaghiwalay na ako sa 'yo," ang 'di ko inaasahan na salita mula sa kaniya. Mula kay Rico na ang alam ko ay mahal ako. Pero bakit siya nakikipaghiwalay sa akin ngayon. Tama ba talaga ang naririnig ko?
Ngumiti ako bilang sagot. Alam ko niloloko lang ako ni Rico. Bakit naman niya ako hihiwalayan? Sa huli ay sasabihin niya lang na isang prank lang ang ginagawa niya. Ganun naman siya palagi eh, lagi may pasabog.
"Prank na naman ba ito? Hindi mo na ako maloloko sa prank mo, Babe! " Nakangiti na sabi ko. Alanganin na ngiti.
"This is not a prank, Alice. Pinapunta kita dito para sabihin sa 'yo na break na tayo. Si Stefi na ang mahal ko at buntis na siya. Kaya sorry," seryoso niya na sabi.
Napalunok ako. Hindi ko alam pero natulala ako sa sinabi ni Rico. Ang babaeng nasa harapan ko ang mahal niya na ngayon at hindi na ako. Ano ba na kalokohan ito?
Nangilid ang luha ko. Mabilis na kumawala. Hindi ko lang akalain na sa huli hindi pala ito isang prank. Sana nga ay prank lang 'to. Pero hindi. Seryoso si Rico sa sinasabi niya. Paano naman ako?
Sa huli namalayan ko na lang ang sarili na nagmamakaawa sa kaniya. Pero sadyang wala na akong halaga sa kaniya. Kahit anong sabihin at makaawa ko sa kaniya ay hindi niya na ako pinakinggan. Pinili niya ang babaeng kasama niya kaysa sa akin.
"Sana makakita ka ng lalaking magmamahal at magpapasaya sa 'yo nang tunay." Tatalikod na sila sa akin pero mabilis ko nahawakan ang kaniyang kaliwang braso. Habang ang isa ay hawak naman ng isang babae. Kung hindi lang buntis ang babaeng ito ay sinabunutan ko na.
"Please! Huwag ganito. Ayusin natin 'to, Rico. Please! " pagmamakaawa ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa ito. Sa ganda kong 'to, nagagawa ko pa rin magmakaawa.
Nawalan ako ng pag-asa nang unti-unti niya iwaksi ang mga kamay ko na nakahawak sa kaniyang braso.
"This is for the best, Alice. Please, nagmamakaawa rin ako. Huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Palayain mo na ako. Huwag mo na rin akong pahirapan," iyon ang pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya.
Tuluyan na nga niya ako iniwan mag-isa.
Pasalampak ako nang upo sa sahig. Wala akong pakialam sa mga tao na nakatingin sa akin. Doon ko ibinuhos ang luha ko. Inabot ko ang isang bote ng alak at walang alinlangan na nilagok iyon.
Mariin kong ipinikit ang mga mata. Dahil sa hilo na nararamdaman ko. Naka-ilang bote na ako. Kaya naman ngayon umiikot na ang paningin ko.
"Pagkatapos nang maraming taon. Ganun-ganun niya lang ako iiwan, ipagpapalit niya ako sa kakakilala niya lang. Walang hiya siya. Abnoy siya. Hindi niya talaga deserves ang pagmamahal ko. Alak pa!" Itinaas ko ang bote sa ere sabay balik na naman sa paglagok nito.
Letse! Bakit kung sino pa 'yung matagal nang kilala siya pa iniiwan at ipagpapalit sa kakakilala pa lang? Baka nga matagal na sila naglalandian. Buntis na nga 'di ba? Walang hiya ka, Rico! How dare you! Masunog ka na! Letse ka!
Nalalasing kong sabi.
Tumayo ako para lumabas sa letse na maingay na lugar na ito. Pagiwang-giwang ako na naglakad palabas. Sa wakas ay nagawa ko rin na makalabas sa pisteng maingay na lugar na iyon. Ayaw ko na bumalik pa sa bar na iyon. Maaalala ko lang ang masakit na nangyari sa akin.
Akalain mo iyon at nagawa ko pa pumara ng taxi.
"Saan po tayo, Ma'am?"
"Sa pinakamalapit na hotel, Manong," sagot ko dito. Ayoko umuwi sa bahay. Baka kuyugin lang ako nang mga kapatid kong lalaki kung bakit ako umiiyak. At baka mapatay pa nila si Rico. Which is gusto ko mangyari. Pero dahil mabait ako hindi ko hahayaan na mangyari iyon sa kaniya.
Kusa na naman tumutulo ang luha ko. Ayoko na talaga umiyak pero talagang tumutulo na lang kusa ang lintek kong luha.