Kabanata 14

4388 Words
MARIIN siya nitong pinagmasdan sa pagkagat nito sa hawak na mansanas na lampas ang sukat sa bibig nito. Bumaon ang mapuputing pantay nitong ngipin sa prutas na siyang pumunit roon. Dumikit ang mapupula nitong pisngi sa mapula niyong balat habang bahagyang sinisipsip ang tumatakas na katas. Pagkababa nito sa kamay tuluyan ngang nabawasan ang mansanas, lumitaw ang manilaw-nilaw niyong laman kung saan sumisilip ang katas. Nagdala pa nga iyon ng pinpunit na tunog na malinaw na maririnig sa katahiimikan ng likurang bakuran. Nanatiling tikom ang bibig ng prinsipe sa mabigat na pagnguya nito sa bahagi ng nakagat na mansanas. Ang ngipin nito ang tanging gumagalaw habang sinasabayan ng dila nito, pinipino ang kinakaing prutas. Mapapansin na lamang iyon sa bumubukol nitong kaliwang pisngi. Hindi kaaagad sinundan ng prinsipe ang pagkagat sa mansan dahil sa pagtitig nito sa kaniya. Pinagpahinga na lamang nito ang prutas sa tagiliran dahil mahalaga nga namang malaman kung ano bang ginagawa nila roon ng kaniyang alalay. Mahigpit nga rin namang pinagbabawal na makapasok sa tirahan ng prinsipe ang kahit sino maliban sa kasalukuyang namumunong hari't reyna. Kasama na rin sa pinahihintulutan ang tagapagsilbi sa tirahan na iyon. Kung gugustuhin nito na huwag patuluyin maging ang mga tagapag-silbi magagawa nito na walang nagtatanong dito. Malayong-malayo sa tinitirahan niya dahil kung sinu-sino lamang ang nakapapasok, kahit na hindi niya pagmamay-ari ang tinitirahan niya mayroon pa rin naman siyang karapatan na isarado ang pinto sa iba. Ngunit dahil isa lang naman siyang kapirasong tingting na basta na lamang itatapon kung hindi na kailangan nawalan na siya ng kontrol para baguhin kung ano ang nanaisin niya. Isa na siyang tau-tauahan na nilagay lamang doon para masabing mayroon pa ring kabuluhan ang kaniyang buhay, makakakilos lamang siya sa kung anong gustong mangyari ng palasyo. Alam na alam ng alalay niyang si Arnolfo ang pinagbabawal kaya hindi ito makapagsalita dulot ng nararamdaman nitong kaba, tumabi pa nga ito sa kaniya nang ibalik nito ang dalang espada sa asul na kaluban kapagkuwan ay mahigpit na hinawakan iyon. "Paano kayo nakapasok dito?" mariing tanong ng binatang prinsipel. Mayrooong dalang babala ang bigat ng pagsasalita nito ng kung makuha nilang magsinungaling pihadong pagbabayaran nila iyon. PInagmasdan siya nito nang tuwid sa paghihintay nitong siya ay sumagot sa naging tanong nito. Ngunit dahil wala naman siyang balak na ito'y sagutin nanatili siyang nakatingin lamang dito. Kung kaya nga ibinaling na lamang ng prinsipe ang tingin sa kaniyayng alalay. Nang aakma na itong magsasalita kaagad niya itong nilingon kasabay ng paglagay niya nang daliri sa bibig upang huwag nitong ituloy ang mga sasabihin. Napatitig na lamang sa kaniya si Arnolfo dala ng pagtataka. Gayunman sinunod pa rin naman siya nito. Hindi na nga ito nagsalita sa kagustuhan niya kahit na higit na nasusunod ang binatang prinsipe. Hindi niya pansin na tinatapunan na siya ng binatang prinsipe nang matatalilm na tingin. Kung nakasusugat lamang iyon hindi malayong nagtamo na siya nang maraming sugat sa katawan. Ibinalik niya ang kaniyang atensiyon sa binata dahil nagsisimula na namang sumama ang mukha nito. "Sa tarangkahan siyempre," simple niyang sabi na para bang hindi siya nagsisinungaling. Hindi na bago sa kaniya ang pagsisinungaling sapagkat iyon ang bumuhay sa kaniya mula pagkabata hanggang sa kaniyang pagbibinata. Sa tuwing mayroong nagtatanong sa kaniya tungkol sa paano siya alagaan ng kaniyang ina ang madalas niyang isinasagot ay katulad lamang ng ibang mga magulang: pinapakain siya nang mabuti; binibihisan ng malilinis na damit; pinapaaral sa magandang paaralan; ipinapasyal sa mga pasyalan. Nabuo niya ang mga magagandang kasinungalingan na iyon sa murang edad. Tanging siya lamang ang nakaalam ng tunay na nangyayari sa loob ng kanilang bahay. Kahit sa dalawa niyang kaibigan nakukuha niya ring magsinungaling sa mga ito lalo na kung hindi siya sumasangayon sa binabalak na gawin ng mga ito. "Halata namang hindi kayo sa tarangkahan nagsisinungaling ka pa," puna sa kaniya ng binatang prinsipe. "Kagagaling ko lamang doon." Madali rin sa kaniyang aminin ang isang bagay kahit na kasalanan niya pa. "Alam mo rin naman pa lang hindi ako nagsasabi nang totoo kaya huwag mo na lang hintaying mayroon kaming maisasagot sa iyo. Hindi mo malalaman kung paano kami nakapasok dito. Bahala ka nang umisip kung paanong nangyaring narito kami sa likuran ng tirahan mo. Para naman mayroong pagkaabalahan." "Kung ayaw mo namang sagutin lumabas na lang kayo bago ko kaladkarin," babala nito sa kanila ng kaniyang alalay. Humigpit ang kapit nito sa mansanas kaya napipi iyon, bumisirit pa ang katas niyon sa mga kamay nito bago pumatak sa lupa. Nang mapagtanto nito ang nagawa tinapon niya na lamang sa halamanan ang hindi na nito mapakinabangan na mansanas. Pinunasan na rin nito ang kamay ng panyong galing sa likuran ng suot nitong asul na kasuotan. Marahan nitong pinunasan ang bawat daliri nang hindi na nito maramdaman ang naiwan na lagkit ng katas ng mansanas. Hindi naman niya binigyang-pansin ang sinabi nito, pumasok lamang iyong sa kaniyang isang tainga't lumabas sa kabila dahil sa pagbulong sa kaniya ni Arnolfo. Maging ang pagpipi nito sa prutas ay hindi niya nasaksihan. "Baka si Prinispe Dermot ang nag-iwan ng demonyo sa aklatan kaya tumakbo papunta rito," ang naisipan nitong sabihin. Sapat lamang ang lakas ng tinig nito upang kaniyang maliinaw na marinig. Doon niya nasabing mabilis tumakbo ang isipan nito para sa mga posibilidad ng mga mangyayari pagdating sa isang bagay. Pinagmasdan niya ang naghihintay na prinsipe. Ibinalik nito ang ginamit na panyo sa likuran ng kasuotan nito. "Hindi naman siguro," ang nasabi niya na lamang. Hindi niya rin naman kasi makitang gagawin nga ni Dermot na mag-iwan ng demonyo sa aklatan nang siya ay matakot. "Posible iyon dahil siya ang pinakamahusay na tagapagtaboy dito sa palasyo," paliwanag ni Arnolfo nang paniwalaan niya ang naiisip nito. "Sa isang pitik niya lang ng daliri madali lang niyang mahuhuli ang demonyo. Hindi malayong napaamo niya ang iyong demonyo't inutusanng takutin ka." Sinalubong niya ang tingin nitong kakitaa pa rin ng takot. "Tanungin na lang natin siya para malinaw na ang lahat," suhestiyon naman sa kaniyang alalay. "Sa tingin mo aaminin niya na siya nga ang nag-iwan. Siyepre hindi niya gagawin. Ipapahamak niya ang kaniyang sarili kung mangyari iyon." Sa pag-uusap nilang iyon sumingit sa kanilang ang binatang prinsipe. "Ano naman ang binubulong-bulong niyo riyan? Gusto niya atang maparusahan na dalawa. Sa harapan ko pa talaga kayo nagbulungan na parang walal ako rito," magktol ni Dermot. "Gusto mo bang malaman kung ano ang pinag-usapan namin?" ang nakuha niyang itanong dito. Bahagyang kumalma ang mukha nito dahil sa naging katanungan niya rito. "Sige, sabihin mo na," utos naman nito sa kaniya na para bang responsiblidad niyang sabihin dito ang lahat. Magsasalita na sana siya kung hindi lang sa pag-iling ng kaniyang alalay nang maalala nito ang isang bagay. Ibinaling niya na namang ang atensiyon dito. "Huwag na pala, mahal na prinsipe," pigil nito sa pagbago ng isipan nito. "Mapapahamak lang tayo kung direktang paghihinalaan mo si Prinsipe Dermot. Baka ituring pa tayong kaaway nang palasyo." "Bakit naman mangyayar iyon?" paniniguro niya sa kaniyang alalay. "Nagtatanong kaya siya. Kaya dapat kung ano mang marinig niya mula sa atin hindi niya mamasamain iyon dahil naniniguro lang naman tayo." "Sasabihin mo ba o hindi," pagatawag nito sa kaniyang pansin. Wala na siyang nagawa't muli itong tiningnan. "Masyado ka namang nagmamadali. Nag-uusap kaya kami." Mayroon na naman itong narinig mula sa kaniya na hindi nito nagustuhan. Mahahalata iyon sa pagsalubong ng dalawa nitong kilay. "Sumusobra na iyang pagsasalita mo nang ganiyan," paaalala nito kaya nagbalik sa kaniyang isipan ang naging usapan nila na katulad nang sandaling iyon. "Wala namang mali sa pagsasalita ko," banat niya rito. "Ito na naman tayo." Pinaglipat-lipat ng kaniyang alalay ang tingin sa kanila ng binatang prinsipe. Nakaguhit sa mukha nito ang pag-aalala para sa kaniya kung kaya bago pa tuluyang sumabog ang binatang prinsipe nagpaalam na ito. "Mauna na kami, mahal na prinsipe," sabi nito kay Dermot kapagkuwan ay nagsenyas ng ulo nito sa kaniya para lumakad. Sa paghakbang nga nito'y sumunod na siya rito dahil hindi niya rin gusutong makipag-usap pa sa binatang prinsipe. Magkakainitan lamang silang dalawa. Habang tumatagal siya sa palasyo na iyon nagsisimula siyang magalit sa prinsipe na kung hindi sila magkakasunod nito siguradong magiging poot. Sinundan lang sila nito ng tingin sa kanilang paglalakad. Niyuko ng kaniyang alalay ang ulo nito sa pagdaa nito sa kinatatayuan ng prinsipe bilang respeto sa pagiging bughaw nito. Hindi siya nakalampas dito nang pigilan siya nito sa braso. Sa higpit ng kapit nito sa kaniya nakararamdam siya ng kirot mula roon. Sa ginawa ng prinsipe inalis niya ang kamay nito sa kaniyang braso. Hinintay niya na lamang ang kung anong sasabihin nito nang maisip nitong hindi naman siya ganoon kasama. Sadyang ibang-iba lang ang pag-uugali niya. "Hindi ko pa sinasabing maari na kayong umalis," ang may bigat nitong sabi. Pumanting ang tainga niya para sa binata sa pag-aakalang maganda ang sasabihin nito sa kaniya. Iyon na pala'y namaling akala na naman siya para rito. Hindi pa rin niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito. "Hindi namin kailanga ng pahintulot mo para umalis," ang nainis niya rin namang sabi. Nagiging mabigat ang kaniyang paghinga sa nararamdaman niyang inis para rito. "Hindi mo kami mga alipin," dugtong niya pa nang maalala nito ang kanilang mga posisyon sa buhay. Inalis niya ang kamay nito sa kanyiang braso nang maramadaman niya ang sakit ng kapit nito. Nagawa niya rin namang maalis ang kamay nito na kaniyang binitiwan nang marahas. "Oo nga't hindi kayo mga alipin pero isa akong prinspe," sambit naman nito na mayroong buong pagmamalaki. "Ano ngayon kung prinsipe ka?" paghahamon niya rito. Pinantayan niya ang tingin nitong nakatututunaw. "Nakalilimutan mo atang prinsipe rin namana ko." Nagtagpo ang kanilang mga mata sa paghugot nila nang malalim na hininga. Walang gustong magpatalo sa kanila kaya ganoon na lamang katagal na nagkatitigan sila pareho. Ang tensiyon sa pagitan nila'y lalong kumapal na naputol lang sa pagsasalita ng kaniyang alalay na si Arnolfo. "Ipagpaumanhin niyo ang prinsipe," sabi ni Arnolfo kaya tiningnan niya ito. "Nagugulumihanan lamang siya." Hindi niya nagugustuhan na humihingi ito ng pasensiya sa prinsipe gayong hindi naman kailangan. Muli nitong isinenyas ang ulo para maglakad. Sa hindi niya pagkilos sinimulan na naman nito ang paglalakad kaya tiningnan niya ang binatang prinsipe para iwanan ito nang masasamang tingin. Huminga ito nang malalim para pakalmahin ang sarili na mahahalata sa pagtaas-baba ng balikat nito. Wala na siyang sinabi rito't tinalikuran niya na lamang ito. Sinundan niya ang kaniyang alalay sa paglalakad na para bang alam nito ang dnaraanan nito gayong ang sabi nito ay nang araw lang ding iyon ito nakarating sa tirahan ng binatang prinisipe. HInanap nila ang daan sa gilid ng malaking gusali sa tirahan ng binatang prinsipe hanggang sa binaybay nila ang lupa sa pagitan ng nakahiwalay na imbakan ng mga pagkain at ng kusina, naroon pa nga sa labas ang malapad na papag na kinapapatungan ng mga biloang naglalaman ng mga pinapatuyong mga dahon. Nalaman na lang nilang pareho na nagkamali nga ito nang marinig niyang magsalita si Dermot sa kanilang likuran na hindi niya namalayang bumuntot sa kanila. "Hindi riyan ang daan," ang malumanay na sabi ni Dermot kung kaya magkasabay silang natigil ng kaniyang alalay sa paglalakad. Nilingon nga niya ang binatang prinsipe na nang mga sandaling iyon ang mukha'y hindi na kakitaan ng ano mang galit para sa kaniya. "Saan naman?" ang naitanong niya rin naman dito. Imbis na siya ay sagutin ito na lamang ang nagpatina sa paglalakad. Nagkakatingin sila ni Arnolfo sa pagsunod nila rito, nadaanan pa nila ang ilang mga nakatanim na halaman doon. Matapos makalayo sa kusina't imbakan nilakad nila ang lupang nababalot ng mga maliit na bato, umabot ang palamuting iyon sa harapan ng bahay. Nag-iingay na lamang ang maliliit na bato sa kanilang mabibigat na yabag suot ang bota. Dahil sa likuran sila nito napapatitig siya sa likod nito na natigil lang nang makarating na sila tarangkahan. Wala silang nakasalubong na ibang tao. Sa paghinto ng binata'y tumuloy-tuloy lang siya ng lakad samantalang ang kaniyang alalay na si Arnolfo'y nakuha pang iyuko ang ulo sa binata. Nilampasan niya lamang ito habang nakatayo ito. Naunang makalabas ng tarangkahan ang kaniyang alalay habang siya naman ay natigil na naman dahil sa binatang prinsipe. "Sandali," pagpigil nito sa kaniya. Nawawalan ng gana niya itong nilingon. "Ano na naman?" maktol niya rito. "Nagpunta ka ba rito para bisitahin ako?" Kumunot ang noo niya sa narinig. Hindi niya malaman kung anong pinanggalinga ng sinabi nito. Ang sigurado lang siya'y hindi niya iyon nagugustuhan. "Nagpapatawa ka ba? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" ang sunod-sunod niyang turan nang hind siya nito mapigilan sa pagsasalita. "Para sabihin ko sa iyo. Ito ka lang." itinaas niya ang kaniyang hinliiit na nakadikit ang hinlalaki para makita nto ang halaga nito sa kaniya. Sa pananatii niya roon umihip ang banayad na hangin na siyang nagdala sa mga tuyong dahon nabinbin sa tuktok ng tarangkahan. Nagsiliparan ang mga tuyong dahon at naglaro paikot sa kanila bago mahulog sa napapalamuting lupa. Dahil sa ipinakit niyang hinlilit dito nagbalik sa pagiging masama ang mukha nito. Hindi na siya nagtagal pa sa harapan nito nang makaiwas na muli na naman silang magkairingan. Binilisan niya na lamang ang paghakbang para kaagad siyang makalapit sa naghihintay na kaniyang alalay sa labas lamang ng tarangkahan. Nang magtagpo silang dalawa binilisan pa nila ang paglalakad na para bang nagkakaintindihan sila na kailangan agad na silang lumayo roon. Hindi na nga nila nagawang hanapin pa ang tumakas na demonyo dahil sa binatang prinsipe. Dumaan sila sa daang kalapit ng pader ng tirahan ng prinsipe. Sa kanilang paglalakad nakasalubong nila ang kaniyang dama na humahangos, kasama nito ang dalawang kawal na itim ang uniporme. Mayroong mga dala ang dalawang kawal na espada. "Saan kayo nagpunta," ang sabi ng kaniyang dama na habol ang hininga. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Nang balikan ko kayo sa aklatan wala na kayo roon kaya sinabihan ko kaagad ang mga kawal na hanapin kayo. Akala ko'y mayroon nang nangyaring masama sa inyo. Natakot akong kinuha kayo ng demonyo." Matapos nitong magsalita'y humugot ito nang malalim na hininga. Mahahalata ang pawis nito sa sentido gawa ng pagtakbo nito sa paghahanap nito sa kaniya. Pinaliwanag ng mga sinabi nito kung bakit mayroon itong kasamang dalawang kawal. Napuna niya kaagad ang pagdisgusto sa mukha ng mga kawal na walang pakudangang pinapakita ng mga ito sa kaniya. "Lumabas na lang kami dahil wala naman doon ang hinahanap namin," aniya sa kaniyang dama. Tumango ito bilang naiintidihan naman nito ang sinabi niya. Ibinaling nito ang atensiyon sa dalawang kawal na naghihintay. "Puwede na kayong umalis. Pakisabihan na lang din ang iba pa na tumigil na sila sa paghahanap," sabi ng kaniyang dama na habol pa rin ang hininga. Umalis na nga mga ito palayo sa kanila. Hindi na nawala ang pagkadisgusto sa mukha ng mga ito kaya hindi niya napigilang magsalita para punahin ang mga iyon. "Bakit ganoon makatingin ang mga iyon?" ang naisatinig niya nang ihatid niya ng tingin ang dalawang kawal. "Hayaan mo na ang mga iyon," sabi naman ni Magdalena nang ibalik nito ang atensiyon sa kanila ni Arnolfo. "Ang mahalaga ay ligtas kayo." Hindi niya naman magawa ang sinasabi nito dahil hindi niya talaga nagustuhan kung paano siya tingnan ng mga kawal na para bang mayroon siyang nagawang hindi maganda sa mga ito. Kung nanahimik ang dama tungkol sa bagay niyon ang kaniya naman alalay na si Arnolfo ay hindi. "Tingin kasi ng mga tao rito sa palasyo sa iyo ay wala ka nang ibang gawin kundi puro kalokohan lang. Ginagawa mo iyon para magpapansin," sabi ni Arnolfo na ikinakunot ng kaniyang noo. "Bakit mo sinabi? Nanahimik na nga ako," reklamo ng dama sa kaniyang alalay. Sinalubong ni Arnolfo ang tingin ng dama. "Karapatan niyang malaman iyon nang hindi na siya magulat kong sakaling hindi siya pakikitunguha nang magand ng mga tao rito sa palasyo," sabi nito sa dama't ibinaling ang tingin sa kaniya. "Hind naman ganoon, mahal na prinsipe, hindi ba?" dugtong nito para sa kaniya. "Oo naman," simple niyang sabi dahil hindi niya naman alam kung anong dapat sabihin sa mga ito. "Saka hinuhusgahan kayo ng mga tao rito kahit hindi ka naman nila lubos na kilala," ang huling nasabi ng kaniyang alalay na hindi niya makalilimutan. Napaisip siya tuloy nang malalim kung ano nga ba ang pinaggagawa ng prinsipe para tingnan siya nang hindi maganda ng mga tao roon sa palasyo. Nakatatanggap tuloy ito nang hindi magandang pakikitungo kahit na isa siyang prinsipe, nagmistula itong isang salot sa lipunan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot nang malaman ang bagay na iyon. Kaya marahil naiinis sa kaniya ang binata, wala nga sigurong nagagawang matino ang prinsipe. Hindi ito naging kapakipakinabang sa palasyo. PABALIK na sila ng kaniyang tirahan nang makarinig siya ng pagtahol mula sa kanilang likuran. Dahil doon napalingon siya sa kanilang pinanggalingan kasabay ng kaniyang dalawang alalay. Tumatakbo nga patungo sa kaniya ang puting aso ng binatang prisipe. Sa takot ng dama nagtago ito sa likuran ni Arnolfo. Hindi naman pinansin ng aso ang dalawa dahil dumiretso ito patungo sa kaniya. Pagkalapit na pagkalapit ng alagang aso'y tumalon-talon ito sa kaniyang harapan kasabay ng pagtahol Tumayo pa nga ito sa dalawang paa't pinatong ang mga sa unahan sa kaniyang suot. Hinapo niya ang ulo nito para pakalmahin ito dahil masyadong maligalig. "Ano naman bang ginagawa mo rito? Sumonod ka ba sa amin?" ang naitanong niya sa alagang aso. Nag-ikswat siya harapan nito ginulo ang balahibo sa leeg nito. Umungot ito sa kaniya't dinilaan siya sa kaniyang pisngi. Napapatingin na lamang ang dalawa sa kaniya dahil hindi makalapit dahil sa alagang aso ni Dermot. "Alam mo bang hindi kami magkasunod ng amo kaya hindi ka dapatl lumalapit sa akin." Tinahalun siya nito na para bang naiintindihan nito ang sinabi niya. "Makulit ka rin talaga. Hindi mo iniisip ang bagay na iyon. Gusto mo bang makipaglaro?" dugtong niya sa muli niyang paghimas sa ulo nito. Dinilaan siya nito sa ikalawang pagkakataon kapagkuwan ay tumakbo ito patungo sa malapad na damuhan. Hinatid niya ito ng tingin sa kaniyang pagtayo nang tuwid. "Bumalik na tayo sa tirahan niyo," sabi ng dama sa kaniya sa paghinga nito nang malalim. "Hindi makabubuti sa iyo na madalas dito sa labas." PInunasan niya ang kaniyang pisngi ng laylayan ng kaniyang suot. "Mamaya na tayo bumalik. Gustong makipaglaro ni Poco," ang sabi niya sa dama na itinuturo ang kaniyang kamay sa tumatakbong aso. "Paano niyo naman nalaman na iyon ng ang gusto ng aso? Hindi naman siya nakapagsasalita katulad ng tao," pag-usisa sa kaniya ni Arnolfo. "Hindi ko alam basta nauunawaan ko na lang ang kinikilos niya," aniya na hindi niya nasundan dahil sa pagtahol ng aso sa kanila. Nilingon nga niya ito nang ito'y tumakbo kaliwa't kanan na may kasamang pagtalon. Ibinalik niya rin ang tingin sa dalawa. "Kita niyo. Gusto niya talagang makipaglaro. Tara na para naman matuwa siya." "Kayo lang mahal na prinsipe. Papanoorin lang namin kayo," sabi naman ng dama sa kaniya. "Kung iyan ang gusto niyo. Bahala kayo." "Makipaglaro na kayo nang maging masigla ka rin naman," dagdag pa ni Arnolfo na ikinailing niya ng kaniyang ulo. Lumakad na nga siya naghihintay na alagang aso sa pagtakbo nito nang paikot sa punong tumubo sa bukana ng damuhan. Nanatili sa kaniyang likuran ang dalawa. Wala naman siyang ibang naisip kung paano makipaglaro sa aso. Pumulot na lamang siya ng sanga na nahulog mula sa puno, pinutol niya iyon gamit lamang kamay kaya tumunog pa iyon. Nag-iwan siya ng patpat na sapat lamang para maibato niya nang malayo. Napapatingin na lamang sa kaniya ang dalawa dala pagtataka sa balak niyang gawin kasama ang aso. Sa paglapit niya sa aso'y tumakbo naman ito papalayo patungo sa gitna ng damuhan kaya nailing na lang siya ng kaniyang ulo. Sumunod din naman siya ng takbo sa aso't naiwan ang dalawa sa lilim ng puno habang siya ay binabantayan. Sa paglapit niya rito'y tumakbo naman ito nang mautlin palayo sa kaniya. Hindi niya naman magawang sumunod dito ng takbo dahil nga sa suot niyang bota kung kaya tumayo lamang siya sa damuhan. Huminto rin naman ang aso nang mapagtanto nito hind siya nakasunod, tumakbo na naman ito kaliwa't kanan upang hamunin siya nito. Ngunit hindi naman siya papayag na maging sunod-sunoran sa aso. Kung kaya nga'y inilagay niya ang hintuturo't hinlalalki sa kaniyang bibig. Pinuwesto niya nang maayos iyon kapagkuwan ay malakas siyang sumipol. Sa ginawa niya'y napatitig ang aso sa kanya. Habang sa ganoong ayos ito tinaas niya ang hawak na patpat, pinakita niya iyon dito na nakuha pang iwasiwas. Mukhang naintindihan din siya ng aso dahil tumakbo ito kaliwa't kanan katulad ng mga una nitong ginagawa para magyaya. Nang makita niyang handa na ang aso itinapon niya na iyon papalayo. Mabilis na umikot ang patpat sa ere na sinabayan ng aso ng takbo, mayroon kalayuan ang inabot ng patpat kaya ganoon din ang itinakbo ng alagang aso. Nang babagsak na ang patpat sa damuhan tumalon ang aso't kinagat iyon kapagkuwan ay lumapag nang walang kahirap-hirap sa dalawang paa nito sa unahan. Nakuha niya pa ngang pumalakpak dahil hindi niya inasahan na magagawa ng aso na masalo ang patpat sa unang pagkakataon pa lang. Hindi nito malaman kung anong gagawin kaya nanatili lang itong nakatayo na kagat pa rin ang patpat. Sumipol siya rito nang lumapit ito sa kaniya na mayroong kasama pang pagwasiwas ng kamay. Bumalik nga patungo sa kaniya ang aso dala ang patpat. Kinuha niya naman ang patpat dito ngunit parang ayaw naman nitong ibigay dahil kinakagat lang talaga nito. Sumuko din naman ito sa huli nang himasin niya ito sa ulo. Tiningnan niya ito nang maigi sa kaniyang pagtayo para sabihin ditong uulitin nila ang unang nagawa. Pinakita niya ulit ang patpat sa aso't tinapon naman iyon nang mas malayo pa kaysa sa una. Sa puntong binitiwan niya ang patpat tumakbo na ang aso pasunod dito. Hindi niya nakontrol ang pagtapon niya dahil pumasok ang patpat sa kakahuyan sa katapusan ng damuhan. Gayunman sumunod pa rin naman anng aso roon. Hinintay niya pang lumabas ang aso kaya lang hindi ito lumalabas doon. Napapalingon na lamang siya sa dalawa sa kaniyang paghihintay. Sumenyas siya sa dalawa sa pagturo niya sa sarili't itinuro ang daliri sa kakahuyan. Hindi na niya inalam kung ano ang magiging reaksiyon ng dalawa sa balak niyang gawin. Lumakad na siya patungo sa kakahuyan dahil baka kung ano naman ang nangyari aso. Nang una nga rin naman niya itong makita'y mayroong sugat ito sa paa. Bago pa man siya pumasok sa kakahuyan pinagmasdan niya ang mga punong nakatanim doon. Wala naman siyang kung anong nararamdaman mula rito kaya tumuloy na siya. Ngunit nang makalampas na siya kahit sa unang hanay pa lamang ng puno doon na niya naramdaman ang kakaibang lamig na sumususuksok sa kaniyang balat. Dahil doon binilisan niya ang paghahanap sa aso. Mayroon namang ligaw na mga halaman doon na hindi naman kataasan kaya makikita niya ang aso na hindi siya nahihirapan. Hindi na rin naman siya nakalayo pa mula sa katapusan ng damuhan nang makita niyang nakatayo lang aso. Sa bibig nito'y nakaipit ang patpat na itinapon niya. Ang mga mata nito ay nakapako sa likuran ng mga puno na para bang mayroon itong nakikita roon na hindi nakikita ng kaniyang mga mata. Lumingon ito sa kaniya nang lumapit siya rito't muling ibinalik sa pinagmamasdan nito. Tumayo nga siya sa tabi nito't sinundan ang tingin nito ngunit wala rin naman siya nakitang kakaiba sa likuran ng mga puno. Kung kaya nga hinimas niya na lamang ang aso sa ulo para lumabas na ito ng kakahuyan. Ngunit nanatili itong nakatayo sa pagpatiuna niya, sinipulan niya na lamang ito kaya nagising na nga ito. Doon na nga ito sumabay sa kaniya na dala pa rin ang patpat sa bibig nito. Wala rin namang nangyari sa kaniya sa paglabas nila ng kakahuyan. Pagkalabas na pagkalabas nila ng kakahuyan natanaw niya ang kaagad na mayroong kausap ang dalawa na kalihim ng hari. Tinaas ni Arnolfo ang kamay nito para lumapit na siya sa mga ito. Iyon nga ang ginawa niya. Huminto lang siya saglit nang makitang tumigil ang aso. "Kailangan mo nang umuwi," aniya sa aso nang lapitin siya ito. Kinuha niya ang patpat sa bibig nito na hindi na naman nito pinakawawalan. "Sa susunod na naman tayo maglaro." Pinilit niyang alisin ang patpat kaya nabali iyon. Napapabuntong-hiinga na lamang siya nang itapon niya ang pirasong nakuha niya. Maging ang aso'y pinakawalan na rin ang naiwang patpat. "Bumalik ka na baka hinahanap ka na naman ng aso mo. Magalit pa sa akin iyon," aniya rito ngunit tinitigan lang siya nito na may kasamang pagnguyngoy. Inilalagay pa nito ang isang kamay sa mukha kaya napabuntong-hininga siya nang malali indikasyon ng kaniyang pagsuko. "Sige, sumama ka na." Sa puntong binitiwan niya ang mga salitang iyon tumalon-talon na naman ang aso kaya nailing na lang siya ng kaniyang ulo. Sinabayan siya nito sa paglalakad pabalik sa naghinintay niyang alalay at dama. Napapatitig siya sa nakayukong kalihim, hindi nito iniaangat ang ulo para siya'y pagmasdan. "Pinapatawag kayo ng mahal na hari," pagbibigay-alam sa kaniya ng kaniyang alalay. "Bakit naman daw?" taka niya naman tanong. "Hindi ko alam. Baka iyong tungkol sa nakita natin sa aklatan," ani nito kaya napatango-tango siya. "Iwanan niyo na iyang aso para makauwi na iyan." "Isama na natin dahil hindi niya gustong umuwi pa," sabi naman niya kay Arnolfo. "Pero mahal na prinsipe pinag---" Tinaas niya ang kaniyang kamay para pigilan ito sa pagsasaita na nangyari rin naman. "Huwag kang mag-aalala. Nakikinig naman sa akin," sabi niya sabay baling sa kalihim na nakayuko pa rin pagkahanggang sa sandaling iyon. "Wala namang probema hindi ba?" tanong niya rito. Hindi naman magawang tingnan siya ng kalihim kundi mabilis na pagtango lang ang naisagot nito. 'Kung ganoon pumunta na tayo. Gusto ko na ring makilala ang hari dahil sa libro ko lang nalaman ang tungkol sa kaniya. Maganda iyong nakaharap ko siya mismo para masabi ko kung anong klase talaga siyang tao." Nagkatinginan na lang ang kaniyang alalay at dama sa pinagsasabi niya. Sumipol siya sa aso kaya lumakad na ito katabi niya. Nahuli naman ang tatlo sa kaniyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD