Kabanata 15

4504 Words
DINALA sila ng kalihim sa bulwagan ng hari na sa lawak ay hindi niya na alam kung saan siya titingin. Mapulang kahoy ang ginamit sa dingding nitong nilagyan ng mumunting parisukat na lusotan ng liwanag. Wala itong ano mang bintana sa harapan na maaring pasukan ng hangin. Naglalakihan ang mga poste na sumusuporta sa bubongan nitong ginamitan ng parahibang mga laryo. Nagkalat sa bakuran nito ang mga kawal na hindi gumagalaw hawak ang nakatayong sibat. Nagpatiunang umakyat ang kalihim sa hagdanan samantalang ang kaniyang dalawang kasama ay nagpaiwan sa ibaba kung kaya nga napapalingon siya sa mga ito. "Ano pang ginagawa niyo riyan?" tanong niya sa mga ito nang tumigil sa siya sa ikalawang baitang. Hinintay naman siya ng kalihim sa katapusan ng hagdanan na nakatingin lamang sa kanilang nasa ibaba pa. "Kayo lang ang pinapatawag," paliwanag ng dama sa kaniya. "Maari lang kaming pumasok kung maging kami ay pinahintulutan. Iiwan niyo na rin dito sa labas ang aso baka magalit pa sa inyo mahal na hari. Mahirap nang lalo kang mapasama sa kaniya. "Mag-isa lang talaga akong papasok?" ang naitanong niya rito. Inaalala niya kung paanong mayroong maitanong ang hari na hindi niya masasagot dahil nga sa wala naman siyang alaala ng prinispe. Kailangan niya ang dalawa para saluhin siya ng mga ito kung sakaling maguluhan nga siya sa maisasagot. "Tama kayo riyan," ang tugon ni Arnolfo sa kaniya. "Makakaya niyo iyan. Isipin niyo na lang na narito lang kami sa labas para hindi ka matakot." Nakuha pang itaasa ng dama ang kamao nito para pasiglahin siya nito kahit hindi naman niya kailangan. "Hindi naman ako natatakot. Hindi ko lang alam kung anong sasabihin kung makakaharap ko na siya," ang buong tiwala sa sarili niayng sabi. "Tutuloy na ako," aniya sa mga ito't humakbang na paakyat sa hagdanan. Hindi rin naman siya nakatuloy kaagad dahil sa pagbuntot sa kaniya ng aso. Sumipol siya para patigilin ito ngunit hindi naman ito nakinig sa kaniya. Mistula itong naging bingi habang mayroong inaamoy sa daan. Hindi ito tumigil sa pag-amoy paakyat ng hagdanan. Kahit pagdating sa itaas ganoon pa rin ang ginagawa ng alagang hayop kaya napatakbo na lamang siya patungo rito. Nagulat na lang na napapatingin sa kaniya ang kalihim na nabahiran ng takot ang mukha. Kahit ang dalawa sa ibaba'y nanlaki ang matang hiinabol ng tingin ang lumalayong aso. "Pigilan niyo siya mahal na prinsipe!" sigaw ng dama't muli din namang hininaan ang boses nang maalala nitong pinagbabawal ang pagsigaw sa harapan ng bulwagan. Mayroon pa itong nasabi na hindi na niya narinig sa paghabol nga siya sa puting aso. Nauna pang pumasok ang puting aso sa bulwagan sa paghahanap nito sa naamoy nitong kung ano. Matulin siyang humakbang nang makasunod siya rito samantalang ang kalihim ay hindi malaman ang gagawin, aligaga itong humabol ng hakbang sa kanila ng aso. Walang ibang gamit na makikita sa loob ng bulwagan maliban sa iilang sa mesa kinapapatungan ng mga pergamino't ang trono ng hari na nasa malayong sulok. Hindi magpapahuli ang inukit na disensyong ginintuang dragon sa kisame, kung ano kinalapad ng bulwagan ganoon din ang kinahaba niyon. "Ilabas niyo sa siya mahal na prinsipe bago pa kayo marinig ng mahal na hari," ang nauutal na saad ng kalihim. Mahina lamang ang pagkasabi nito na narinig niya rin naman. "Mapapahamak ako sa ginagawa niyo." Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Siya man ang nagdala sa alagang aso na iyon hindi nito kailangang magsalita ng para bang malaking kasalanan talaga niyon. Kahit naman siya tumingin puwede namang palampasin ang pagpasok ng aso. "Hinahabol ko na nga," ang naiinis niyang sabi para sa kalihim. Sa huli ay hindi na siya nakatiis na basta lumakad lang nang mabilis dahil hindi niya pa rin maabutan ang aso. Diretso lamang ito pag-amoy na sinusundan ang sulok ng bulwagan. Umabot na nga ito sa malayong sulok, mabuti na lamang wala pa roon ang hari. Tumakbo na lamang siya kahit na gumagawa nang malakas na ingay ang mabibigat niyang yabag, umaalingawngaw pa iyon sa kalaparan ng bulwagan dahil sa nakabalot na katahimikan doon. Nagawa niya namang mahabol ang alagang aso ngunit sa puntong mapigilan niya ito sa leeg tumahol ito nang pagkalakaslakas na nakapupunit ng tainga. Masama na naman ang titig nito sa pinakakanto ng bulwagan na hindi abot ng liwanag kaya napakunot na rin siya ng noo. Hindi niya gustong isipin na nararamdaman nito ang kung anong nilalang na hindi rin naman malayong mangyari lalo na't alaga ito ni Dermot na marunong magtaboy. Hindi niya napatahimik pa ang aso sa patuloy nitong pagtahol dahil sa paglabas ng hari sa silid mula sa likuran ng trono sa gawing kaliwa niya "Sino ang may sabi sa iyong maari mong ipasok ang aso na iyan dito?!" nanggagalaiting sabi ng hari sa kaniya. Mabibigat ang yabag nitong naglakad patungo sa kanila dala ang matulis na espada. Sa takot ng kalihim napaatras na lamang ito na iniyuyuko ang ulo habang habol ang hininga. Sa puntong nakalapit na ito sa kaniya itinaas nito ang espada't tinutok sa kaniyang leeg. Nanglilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Nang tingnan niya ito nalaman niya kaagad na hindi lang basta-basta ang hari, nagtataglay ito ng kung anong lakas na nararamdaman niya kahit na wala itong ginagawa. Napagmasdan niya nang maigi ito sa malapitan. Makakapal ang kilay nitong lumilim sa mga mata nitong matalim kung tumingin, prominente ang ilong na nakatayo sa ibabaw na nakatikom nitong bibig. Napansin niya kaagad na kamukha ito ni Dermot dahil parang pinagbiyak na bunga lang ang dalawa. Nagtataglay pa ito ng maowtoridad na presensiya na bumagay sa pagiging pinuno nito. Suot pa rin nitong ang magarbong pulang kasuotan ng isang hari. "Hindi sa indi ko kayong ginagalang pero puwedeng alamin niyo muna ang nangyayari bago kayo magalit diyan," sabi niya sa mahal na hari na lalong ikinatalim ng tingin nito sa kaniya. "Hindi magkakagantio ang aso kung walang mali rito sa bulwagan." "Ano naman sa tingin mo ang mali rito?" sabi ng hari sa kaniya. Sinalubong niya ang mapanuri nitong mga mata. Pakiramdam niya'y sinusubukan siya nito. Inalis niya ang nakatutok na espada sa hindi nito pag-alis nito roon, binaba na lang din nito ang sandata dahil sa ginawa niya. "Hindi malayong mayroong nilalang na nakapasok dito." Hinimas niya ang ulo ng aso kaya hindi na ito tumahol pero umuungol pa rin ito nang malalim na nakapako pa rin sa iisang direksiyon. "Kung mapapatunayan mong mayroon ngang nakapasok dito hahayaan kitang makalabas ng bulwagan. Pero kung hindi isang buwan kang mananatili sa kulungan kasama ng mga nagkasala." Dahil sa sinabi nito sigurado na siyang hinahamon nga siya nito. Tumayo na lamang siya nang tuwid para makausap nang maayos ang pinuno ng kaharain. "Seryoso kayo?" paniniguro niya rito. Iniabot nito ang espada sa kalihim na tinanggapnaman ng huli nang dalawang kamay. "Hindi ako nagsasalita kung hindi ako sigurado," sabi naman nito sa kaniya. Umalis ang kalihim dala ang espada para maitabi nito iyon. "Hindi iyan ang ibig kung sabihin. Ang ibig kung itanong ay kung iyong lang talaga ang kapalit. Makalalabas lang ng bulwagan, masyado namang maliit iyong kumpara sa gutong niyong ipagawa sa akin," aniya sa hari na hindi nauutal kahit na kinakabahan din naman siya paraan ng pagtitig nito. Pinanliitan siya nito ng tingin. "Ano ang gusto mo?" ang naisipan nitong itanong sa kaniya. "Hayaan niyo akong makalabas ng palasyo," aniya naman dahil sigurado siyang mayroon siyang makikitang nilalang na nagtatago ron. Hindi na dapat ito nagbigay ng kapalit dahil matatalo lamang ito. "Nakalimutan mo atang muntikan ka nang mapahamak sa labas," paalal nito sa kaniya. "Gusto mo naman bang maulit? Nawala ka na nga ng alaala naiisipan mo pang lumabas." "Nakababagot kaya rito sa palasyo. Anong gagawin ko rito?" aniya sa hari na hindi naman talaga iyon ang tunay na dahilan. Nais niya lang makalabas para mabisita niya ang kaibigan. Kakausapin niya ito hanggang maamin nito sa sarili na mali ang ginawa nitong pagbenta sa kaniya sa mangangaso. "Payag ba kayo? Ano? Natatakot ba kayo ayaw niyo?" dugtong niya para udyukin ito. "Hindi ko alam na mayroong kang pag-uugali. Iba ata ang pagkakilal ako sa iyo," komento ng hari sa pinapakita niya rito. Nagkibit-balikat siya para rito. "Pumayag na kayo. Wala namang mawawala sa inyo. Makatutulong pa nga ako," pag-uudyok niya rito nang hindi magbago ang isip. Humugot ito nang malalaim na hininga indikasyon ng pagsuko nito sa pakikipag-usap sa kaniya. "Sige pagbibigyan kita sa gusto mo. Mukha namang wala kang makikita rito," saad ng hari na puno ng kompiyansa sa sarili. Iginalaw niya ang kaniyang daliri sa harapan para sabihin dito na nagkamali ito ng akala. Lumapit na nga siya sulok na inuungulan ng aso habang pinagmamasdan siya ng hari. Pinagmasdan niya nang maigi ang dingding kung saan nakitaan niya ng kung anong pangngitim sa bandang itaas kalapit ng kisame. Sa nakita niya nahuhulaan niya na kung ano ang nagtatago roon sa dingding na iyon. "Mayroon bang nangyayari rito sa palasyo na wala sa panahon? Katulad na lamang ng tagtuyot ng mga tanim kahit na marami namang tubig sa mga batis," ang naitanong niya sa hari nang masigurado niya ang lahat. Ibinaling niya ang atensiyon dito nang hintayin niya ang magiging sagot nito. "Kumukunti nga ang ani ngayon dahil sa sinasabi mong tagtuyot," pagbibigay-alam naman ng pinuno sa kaniya. Sa narinig inilagay niya na ang buong atensiyon sa nangingitim na bahagi ng dingding, hindi gaanong mapapansin iyon kung hindi titigan dahil nga sa kaunting liwanag na nakaabot doon. "Kung gayon dapat hanapin niyo pa ang ibang demonyong bagdudulot ng tagtuyot. Wala silang nagiging epekto kapag mag-isa pero dahil sa sinabi niyo pihadong maraming nakakalat sa kabubuan ng palasyo. Sa ngayon tagtuyot lamang ng mga pananim ang naapekthan pero sa paglipas ng mga buwan hindi lang iyong ang mangyayari. Maging ang pinanggangalingan ng mga tubig ay mawawala na rin," ang mahaba-haba niyang paliwanag niya sa hari na nanatiling nakikinig naman sa kaniya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng mga sandali't kinagat niya ang kaniyng hinlalaki hanggang masugatan iyon. Tiniis niya lang nararamdaman hanggang sa mayroong lumabas na dugo. Sa ginawa niyang iyon natigil sa pag-ungol ang aso't sinundan ang kaniyang galaw. Nagtatakang tumingin sa kaniya ang hari na hindi niya pansin sa pagkatalikod niya rito. Lumapit siya dingding kapagkuwan ay gumuhit ng bilugang simbolo na mayroong tatsulok sa loob. Kapagkuwan ay itinaas niya ang dalawang daliri paitaas habang nakapikit. Habang ginagawa niya iyon unti-unting nagliyab ang simbolong iginuhit niya gamit ang sariling dugo. Nang mawala na ang simbolo winasiwas niya ang kaniyang dalawang daliri palabas pabalik sa kaniyang dibdib. Sa dinging nga iyon ay lumilitiaw ang makapal na usok na sinusundan ang kaniyang kamay na mayroong sugat. Umatras siya nang makailang ulit nang pilitin siyang abutin ng demonyong walang hugis. Hindi na rin naman niya nagawang sanggain ang demonyo dahil sa pagtalon ng aso. Kinagat nito ang demonyong humugis usok na siyang nagpalaho rito na para bang nasusunog na papel. Nakuha pa ngang umatungal ng demonyo. Nang wala nang matirang naglalahong abo nilapitan siya ng puting aso't kiniskis nito ang katawan sa kaniyang paa. Ginulo niya ang ulo nito dahil pakiramdam niya'y hindi lang basta ordinaryong aso ang kaharap niya. Kaya naman iba ang nararamdaman niya rito, kung ordinaryo lamang ito hindi nito magagawang patayin ang demonyong naghugis usok. "Saan mo natutunan ang ginawa mo? Hindi ko nga alam ang paraan na iyon," ang sabi ng hari sa kaniya nang malumanay. Nawala na ang kung anong inis sa tinig nito na naramdaman nito sa pagpasok nila ng aso roon. "Nabasa ko lang sa libro," sagot niya naman dito kapagkuwan ay inilagay sa kaniyang bibig ang hinlalaki nang tumigil iyon sa pagdurugo. "Mukha namang mabait kayong tao. Akala ko ay masama kayong pinuno." "Mahigpit lang ako na kailangan ko bilang isang hari. Hindi susunod sa akin ang mga mamayan kung magiging maluwag ako sa lahat nang bagay." Humakbang ito patungo sa trono kaya napapasunod na lang din siya rito. Inakala niya pang mauupo ito roon ngunit sa limang baitang lamang ito naupo imbis na umakyat. Kung pagmamasdan niya ang pag-upo ng hari parang hindi ito isang mukha. Nagmumukha itong simpleng mamayan lang na nakataas pa ang isang kamay kung saan pinatong nito ang kanang kamay. Tumayo lang siya sa harapan nito ilang hakbang ang layo habang ang aso'y nahiga sa sahi sa kaniyang tabi. Pinag-aralan niya nang maigi ang mukhanito kanina ay hindi niya gaanong nagawa. Malayong-malayo ito sa mga larawan sa libro ng mga kasaysayan. Maayos naman ang mukhha nito ngunit sa larawan ay pango ang ilong nito't hindi naman manipis ang kilay nito. "Yllric Sandoval Vasquez Del Fuego, ang pangalan niyo, hindi ba?" paniniguro niya nang hindi siya magkamali ng kinakausap na hari. "Mabuti naman at natatandaan mo ang pangalan ko kahit nawalan ka ng mga alala. Paano mo naman nalaman iyon?" pag-usisa nito sa kaniya. Kinamot niya ang kaniyang batok kahit wala namang makati roon. "Narinig ko lang minsan," dagdaga niyang kasingungalingan na huwag sanang mapansin na hari. "Wala ka bang ibang nararamdaman maliban sa nawala mong alaala?" Iniling niya ang kaniyang ulo. "Hindi mo rin ba alam kung ano ba talagang tunay na nangyari?" Tumango siya ng ulo bilang sagot dito dahil iyon lang namang ang magagawa niya. Humugot ito nang malalim na hininga na mahahalat sa pagbagsak ng balikat nito. "Mayroon lang akong isang tanong," aniya nang sumagi sa kaniyang isipan ang bagay pinakagusto niyang nangyari sa buhay nito matapos mabasa ang talambuhay nito. "Ano naman iyong tanong mo?" "Totoo ba talagang mayroon kayong nakilalang isang diwata nang minsan kayong maglakbay nang kabataan niyo," ang mabilis niyang sabi dala ng galak. Nanlaki ang mata nito dala ng pagkabigla na binago rin naman nito kaagad. "Nahihiwagaan na ako sa iyo. Wala naman akong ibang napagsabihan tungkol sa bagay na iyan." "Nakasulat siya sa---" pinutol niya ang pagsasalita na hindi nga naman dapat nitong malaman sa kasaysayan. "Huwag mo na lang itanong kung paano kung nalaman dahil hindi ka rin naman maniniwala." "Ikaw ang bahala," sabi nito' binago na ang usapan. "Bakit mo ba itinatago ang karunungan mo? Hindi ko na itatanogn sa iyo kung saan mo natutunan dahil sa nakikita ko hindi ka rin naman magsasabi ng totoo. Dahil ba takot sa mga responsibilidad na maibibigay sa iyo?" "Hindi naman sa ganoon. Hindi niyo lang ako nabigyan ng pagkakataon na patunayan ang aking sarili." "Marahil tama ka. Dahil lang sa nangyari sa nakaraan kaya nawalan na rin ako ng interes pa sa kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo." Tumayo ito nang tuwid na inilalagay ang kamay sa likod. "Pero hindi pa naman huli ang lahat. Marami ka pang magagawa." "Hayaan mo na," aniya na lamang dahil hindi niya gusto ang nakikinita niyang balak nitong ipagawa sa kaniya. "Siyanga pala. Ano palang dahilan at bakit mo ako pinunta mo rito? Dahil ba sa demonyong iniwan sa aklatan?" "Hindi tungkol doon ang itatanong ko sa iyo. Kailan ba nangyari iyang sinasabi mo?" "Kanina lamang. Nakatakas din naman iyong demonyo. Saka huwang kang mag-aalala mababang uri lang namang iyong demonyo. Inilagay lang sa aklatan para manakot. Katulad lamang ng narito sa bulwagan." "Dalawang beses na ngayong araw na mayroong demonyong nakita. Hindi na maganda ang ibig sabihin niyon." Humawak ito sa baba sa pag-iisip nang malalim. "Sa palagay ko'y mayroong sumisira sa katahimikan dito sa palasyo." "Kung ganoon nga dapat mo nang hanapin ang may pakana na pagkalat ng mga demonyo mababang uri. Walang naidudulot na maganda ang mga iyon kung nagsasama matapos kumuha ng mga takot sa taong nakikita nila. Mas mahiihirapan kayong mapuksa kapag nangyari iyon." Ibinaba nito ang kamay na pinanghawak nito sa baba't ibinalik sa likuran. "Huwag kang mag-aalala ako na ang bahala sa paghahanap kung sino ang mayroong pakana. May ideya na rin naman ako isa sa mga gustong angkinin ang trono." Lumapit ito sa mesang kinapapatungan ng mga pergamino't binuksan nito ang isa. Binuksan pa nito iyon kaya napapasiip na rin siya roon na hindi naman niya nabasa dahil inilayo ng hari sa kaniya. "Gusto ko lang malaman kung anong laman," aniya sa hari't muli siyang umatras dito. "Hindi mo dapat inaalaalam kung anong laman nito. Kung magkakaroon ng posisyon sa konsheo mababasa mo ang mga laman ng katulad nito." Sinara nito ang pergaminong binasa't iniabot sa naghihintay na kalihim. "Dalhin mo iyan sa punong kalihim," utos nito sa kalihim kaya umatras ito nang nakayuko. Nang mayroon na itong ilang dipa distansiya mula sa hari tumuwid na ito nang lakad papalabas ng bulwagan. Nang ibalik nito ang atensiiyon sa kaniya naisipan niya nitong tangungin nang nangnyari sa pagpasok nila ng aso roon. "Sinubukan mo lang ako kanina, hindi ba? Para malaman mo kung anong magagawa ko." "Kung noon mo pa ginagamit ang utak mo nasa magandang posisyon ka sana ngayon," komento nito na hindi niya nais marinig. "Parang ganoon na nga," pagpapatuloy nito sa naging tanong niya rito. "Pero hindi ko alam na mayroon talagang demonyo sa dingding. Saan mo naman nakuha ang asong iyan?" "Hindi ito sa akin," aniya nang tingnan niya ang nakahingang aso. "Bumunbuntot lang sa akin nang magkakilala kami. Ni minsan ba hindi mo siya nakita?" "Hindi. Kanino ba iyan?" pag-usisa nito. "Kay Dermot." "Iyong batang iyon mayroon pa lang itinatago hindi sinasabi sa akin," ang nasabi na lamang ng hari sa katotohanang nalaman. "Bakit ano ba ang asong ito?" Pinagmasdan niya nang maigi ang aso. Nang iangat nito ang ulo pinatong niya ang kamay roon. "Hindi ko rin alam pero mukhang espesyal siya. Itanong mo na lang kay Dermot" suhestiyon nito. "Papunta na iyon dito. Doon na natin pag-uusap kung bakit kita pinapunta rito." "Wala akong balak na siya'y tanungin. Kung sasabihin niya dahil madalas nang lumalapit sa akin ang aso pakikinggan ko na lang," pagbibigay alam niya rito dahil nga sa hindi sila nakakapag-usap ni Dermot na hindi nagkakainisan. "Mabuti naman nag-uusap na kayong dalawa. Hindi ko gustong nag-aaway kayo dahil para na kayong magkapatid." Sa pag-uusap nga nilang iyon dumating na nga ang binatang prinsipe. Nagsalubong kaagad ang kilay nito pagkaakyat nito sa hagdanan. Inalis lang nito ang sama ng mukha nang mapansin nakatingin din dito ang hari. Marahan siyang naglakad patungo sa kanilang kinatatayuan ng hari. Hindi pa man sila nakakapagsimula pinuna na siya nito kaagad. Tumayo lang ito isang dipa ang layo mula sa hari. "Ano ang ginagawa mo diyan?" ang takang tanong ni Dermot sa kaniya nang pagmasdan niya ang itsura ng mga pergamino na iba't iba ang kulay ng likod. Inalis niya ang tingin sa mga pergamino. "Bakit?" naguguluhan niyang tanong. "Ano naman ba?" "Hindi ka dapat nakatayo riyan. Lumipat ka rito," sabi ni Dermot na ang tinutukoy ay ang tabi nito. Napapakunot ang kaniyang noo dahil hindi niya ito maintindihan. Hindi na natuloy ng binata ang iba pa nitong sasabihin sa pagtaas ng hari sa kamay nito para pigilan ang prinsipe sa pagsasalita. "Hayaan mo na. Nakalimutan niya lang kung ano ang tama." Ibinaba nito ang kamay na itinaas. "Matatandaan niya rin ang mga natutunan niyang gawi sa loob ng ganitong lugar." "Pero ama---" "Sinabi ko na sa iyo na walang problema," pagputol ng hari. "Huwag ka namang masyadong mahigpit sa kaniya. Ikaw ang mas nakatatanda sa inyong dalawa kaya dapat mong intindihin ang kalagayan nya." "Kayo ang bahala kung iyan ang gusto niyo," sabi ni Dermot na hindi nakatingin sa hari. Nagkatinginan silang dalawa kaya nagkasamaan na naman sila ng tinging dalawa. Naputol lamang dahil sa pagpalakpak ng hari nang beses para pukawin ang kanilang mga atensiyon. "Magsimula na tayo. Hindii naman tayo magtatagal. Kailangan ko lang siguraduhin sa inyo kung sino talaga iyong mangangaso," pagsisimula ng hari sabay baling sa kaniya. "Sabihin mo nga paanong hinahabol ka ng mga mangangaso?" "HInanahap ko kasi iyong kaibigan ko. Kilala ng kaibigan ko iyong mga mangangaso," pagkuwento niya sa hari na nakikinig din naman nang mabuti. Sumama ang mukha niya nang magsalita si Dermot. "Paanong nagkaroon ng kaibigan sa labas?" banat nito sa kaniya. "Sa tono ng pananalita mo parang gustong mo sabihin na hindi nababagay sa akin na magkaroon ng kaibigan. Para sabihin ko sa iyo mayroon akong mga kaibigan. Hindi ko lang sila nakikita ngayon," ganti niya naman sa binata. Pinaglipat-lipat ng hari ang tingin nito sa kanilang dalawa ng binatang prinsipe. "Sabihin na nating mayroon ka ngang kaibigan pero nakakalimutan mo atang sabihin na tinakasan mo kami," paalala nito sa kaniya. "Hindi na kailangang ang detalyeng iyon. Doon na tayo sa pinakamahalaga." Napapabuntong hiinga na lamang ang hari sa nasasaksihan sa pagitna nila ng binatang prinsipe. "Natatandaan niyo ba ang itsura ng dalawang mangangaso?" pagsingit ng hari kaya pareho silang nanahimik. Hindi na siiya nagsalita dahil inunahan na siya ng binatang prinsipe. "Sa palagay ko'y galing sa Tribu ng Pili ang mga iyon. Natatandaan ko na ngayon ang itsura nang isa. Minsan ko nang nakita sa pagbisita ko roon," pagbibigay-alam ng binatang pulis. "Ano naman ang gustong mangyari ng mga iyon? Saka paano naman nalaman na isang prinsipe si Nikolai?" ang sumunod na sabi ng hari. "Hindi siya maingat kaya nalaman ng ibang tao kung sino siya," paratang ng binatang prinsipe. "Sigurado akong pinagmalaki niya ang pagiging prinsipe niya para bigyan siya ng pansin sa Ilaya." Posibleng tama rin naman ito. Hindi niya malalaman kung ano nga ba ang nangyari sa prinsipe bago siya nagising sa panahon na iyon. Hindi niya rin naman gustong aminin ang bagay na iyon. "Para sabihin ko sa iyo mayroong silang espiya. Alam mo ba kung ano iyon?" hirit niya naman sa binata. "Siyempre alam ko. Ano ang akala mo sa akin?" "Sa tingin ko ikaw iyong espiya," sabi naman niya sa binata kaya sumama na naman ang tingin ni Dermot sa kaniya. Sa hindi nito pagsasalita ibinaling niya ang atensiyon sa hari. "Ang sabi ng mangangaso'y balak nila akong gamitin para baguhin ang takbo ng pamumuno niyo. Hindi ko lang alam kung anong gusto nilang pagbabago talaga. Baka gusto ka nilang palitan." Muli na namang napapaisip ang hari. "Sa palagay ko ay kilala ko na kung sino ang mga mangangaso kung galing talaga sila Tribu ng Pili. Papadalhan ko na lamang sila ng sulat nang makapag-usap kami ng maayos." Naupo ulit ang hari sa baitang ng hagdanan nang makaramdam ito ng pangangalay sa mga tuhod. "Ama, walang saysay kung makikipag-usap ka pa sa kanila. Hindi ka nila papakinggan," maktol ng binatang prinsipe. "Ang lahat ay nadadaaan sa usupan. Magtiwala ka sa paraan na iyon na dapat mo ring matutunan. Hindi magandang dadaanin kaagad sa dahas," pangaral ng hari hindi lang para sa binatang prinsipe maging sa kaniya ay pinaririnig iyon. "Doon naman tayo sa nangyayari ngayon dito sa palasyo?" "Ano ang nangyayari rito sa palasyo?" ang takang tanong ng binata na nakuha pang tumingin sa kaniya na para bang makukuha nito ang sagot sa mukha niya. "Mayroong mga ikinalat na mahinang uri ng demonyo para manakot." "Saan mo naman narinig ang bagay na iyan?" sumunod na tanong ng hari. Itinaas ng hari ang nakabukang palad sa kaniya. "Kay Nikolai. Nakakita sila ng isa sa aklatan. Pagkatapos kanina lamang ay dito sa bulwagan," pagkuwento nito sa binatang prinsipe. "Dapat pinatawag niyo ako kaagad kung ganoon lang din. Saan na ba?" "Wala na. Napuksa na ni Nikolai." Lumipat ito sa mesa't naupo roon. Naglagay ito ng manipis na papel sa gitna ng mesa't nagsulat doon gamit ang panulat na isinawsaw nito sa maitim na tina. Napapatingin na lang silang dalawa ng binata rito habang naghihintay sa mga sasabihin pa nito. "Para mawala iyong mga nakakalat ang demonyo rito sa palasyo kayong dalawa ang maghahanap doon. Kung sakali mang umabot hanggang sa labas gagawin niyo pa rin." Mabilis itong nagsulat sa manipis na papel. "Paano naman siya makatutulong sa akin?" ang naiinis namang tanong ng binatang prinsipe. Naitataas na nito ang boses dahil sa inis. "Alam kong makatutulong siya dahil nakita ko na kung paano niya harapin ang demonyo. Kahit siguro hindi siya tinulungan ng aso mo madali niyang maitataboy iyon. Hindi ka na puwedeng humindi dahil naisulat ko na," sabi ng hari kapagkuwan ay binitiwan ang panulat. Ang silyo naman ang hinawakan nito't dinikdik sa pulang tinta sabay diniin sa ibaba ng manipis na papel. Binasa nito ulit ang nakasulat at nang makutento tumayo na ito. "Dalhin niyo ito nang mayroon kayong ipapakita kapag mayroong nagtanong. Aalalahanin hindi puwedeng malaman na prinisipe kayong dalawa." Nag-aalangang tinanggap ng binata ang papel. Binasa nito iyon saglit kapagkuwan ay tinupi. Pakiramdam niya ay papaalisin na sila nito kaya nagsalita na siya bago pa makalimutan ng hari ang napag-usapan nila kanina. "Iyong usapan natin kanina baka makalimutan mo," aniya sa hari kaya pinagmasdan siya nito. "Ano naman ang napag-usapan niyo habang wala ako?" pag-usisa ni Dermot nang itago nito ang papel sa likuran ng suot nito. "Puwede na akong lumabas ulit ng palasyo," saad niya na ikinasama na naman ng tingin ng binata. Nagulat na lang siya sa sumunod na sinabi ng hari na hindi niya inasahan. "Pero kailangang kasama mo si Dermot kung lalabas ka." "Ano? Hindi puwede iyon," maktol niya sa hari. "Wala ka nang magagawa," pinaleng sabi nito sa kania kaya napabuntong-hining na lamang siya sa narinig. "Sige na. Pagsuko na lamang niya. Puwede ko naman siyang takasan kung gugustuhin ko," tahasan niyang sabi kahit na naroon lang sa harapan ang binata't nakikinig sa kaniya. Sumama ang mukha ng binata. Sa huling sinabi niyang iyon bigla na lamang natawa ang hari. "Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa inyong dalawa ngayon," sambit ng hari na mayroong ngiti sa labi. "Puwede na kayong umalis dahil mayroon pa akong pagpupulong. Kayo na ang bahalang mag-usap kung kailan kayo magsisimula sa paghahanap sa mga nakakalat na demonyo." Kapwa na nga nila niyuko ang kanilang mga ulo sa hari kapagkuwan ay lumakad na sila palayo rito. Sa paglalakad nila patungo sa pintuan pumagitna sa kanila ang puting aso. "Kaya hindi mo sinabi sa akin kung bakit naroon kayo sa tirahan ko'y dahil gusto mong magpasikat sa hari. Para sabihin ko sa iyo hindi mapapasayo ang posisyon, ako lamang ang nararapat," ang biglal na lamang nitong sabi pagkalabas nila ng pintuan. Naroon pa rin sa ibaba ang dama at ang kaniyang alalay na si Arnolfo na naghihintay. Sumama ang tingin niya rito. Sa sinabi nito'y napagtanto niyang nagpasikat nga siya sa hari na hindi naman niya kailangan gawin dahil wala naman siyang kailangang patunayan, nanghihiram nga lang naman siya ng katawan ng prinsipe. "Wala akong interes sa posisyon na sinasabi mo. Sa iyo na. Lunukin mo na rin pati iyong korona nang makuntento ka," aniya nang unahan niya ito sa pagbaba ng hagdanan. "Puntahan mo na lang ako sa bahay kung kailan mo gustong lumakad,' dugtong niya sa pagtalon niya sa natitirang mga baitang. Napasigaw pa ang dama sa pag-aakalang matutumba siya matapos niyang tumalon. Hindi naman iyon nangyari dahil nakalapag naman siya nang nakatayo. Lumakad na siya na nakasunod ang mga ito na hindi nililingon si Dermot na hinahatid siya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD