NAKASUKBIT sa balikat ng bagong dating na mangangaso ang balat ng tigre na siyang panglaban nito sa lamig na nakabalot sa paligid kahit na mataas pa ang araw. Kasunod ng balabal nito ay ang suot nitong itim namang kasuotan na dalawang patong. Kahit na ganoon ang ayos nito kapansin-pansin pa rin ang matitigas na mga braso nito na resulta ng pagsasanay nito mula pa pagkabata. Mayroon itong nangingitim na balbas na umabot ang haba sa matigas nitong dibdib. Wala itong dala na ano mang gamit nang mga sandaling iyon kundi ang malaking tabako lamang na hawak nito sa kanang kamay.
Nang salubungin niya ang mapanuri nitong tingin iniipit nito ang tabako sa bibig nito't hinayaan doong nakabinbin na hindi hinahawakan. Matapos nitong humithit ng usok binuga rin kaagad nito iyon kapagkuwan ay inalis ang tabako.
"Hindi ba't sabi ko sa iyo ay huwag mong lakihan ang galaw mo. Paano na lang kung mayroong nakapansin sa nangyayari't magpunta rito. Ipapahamak mo ang sarili mo pati na rin ako. Nagpalabas ka pa ng mga alakdan. Malinaw na malinaw ang utos ko sa iyo. Hindi mo na naman sinunod," ang matapang na saad ng mangagasong nasa harapan niya para sa mangangasong nakatayo sa likuran ng gahigangteng alakdan.
Sa sinabi nito napalingon na lamang siya sa mangagasong nasa ibaba. Mahahalata ang pagbusangot ng mukha nito dahil sa mga narinig mula sa lider nito.
"Naniniguro lang naman ako. Kulang ang impormasyong binigay sa atin ni Sonara. Hindi siya basta mahina lang," pagbibigay-alam naman ng mangangaso na nasa ibaba.
"Kung ganoon nga man hind pa rin tamang baliin mo ang utos ko sa iyo," paalala ng lider sa alagad nito. Pinagmasdan nito nang masama ang alagad kaya napapayuko ng ulo ang huli.
Lalong sumama ang mukha ng mangangaso sa ibaba't wala na itong nagawa kundi ang iyuko ang sarili. Pinalaho na rin nito ang gahiganteng alakdan katulad sa nasusunog na papel na siyang naging dahilan upang tumalon ito paibaba ng lupa. Nadaanan pa nito ang naiwang usok ng paglaho ng alakdan bago ito makatayo nang tuwid. Pabalik nito ng atensiyon sa kanila ng lider nito inilagay na nito sa tagiliran ang latigo na nababalot ng talim.
Sa sandaling iyon ibinaling na rin niya ang tingin sa lider ng mangangaso.
"Hayaan niyo na akong umalis," aniya sa mangangaso nasa harapan niya. "Para saan at gusto niyo akong kunin?"
"Para sa ikabubuti ng buong bansa," saad naman ng mangangaso sa kaniya.
Muli nitong inilagay sa bibig ang tabako kapagkuwan ay humithit na naman ito. Kumunot naman ang noo niya sa narinig dahil hindi niya ito maintindihan.
"Sa ikakabuti nga ba ng bansa gayong pakiramdam ko ay mapapahamak ako kapag sumama ako sa inyo. Nakalimutan mong mamayan din ako ng sinasabi mong bansa," aniya sa mangangaso. "HIndi malayong mamamatay ako sa binabalak niyong gawin."
"Posible kung kakailanganin ng sitwasyon," sabi nito kahit na mayroong tabako sa bibig.
"Ganoon na lamang ba sa inyong baliwalain ang buhay ng isang tao. Isang malaking kasalanan ang pagpatay. Alam kong alam niyo iyon," paalala niya sa kausap.
Inalis ng mangangaso ang tabako sa bibig. Itinapon kapagkuwan sa ibaba kahit hindi pa nauubos iyon. Marahas iyong umikot sa hangin bago tumama sa lupa. "Huwag kang mag-alala hindi masasayang ang buhay mo," sabi ng mangangaso sa kaniya. "Pagbabago ang hangad namin kaya dapat kang matuwa na magiging makabuluhan ang buhay mong patapon na rin. Susi ang pagigi mong prinsipe sa pagbabago na iyon."
"Kung ganoon masasayang lang mga ginawa niyo dahil hindi ako isang dugong bughaw," ang naisipan niyang sabihin sa mangangaso na siya ring sinabi niya sa alagad nito. Sa palagay niya lang naman ay makakausap niya ito nang mabuti't makakahanp siya ng paraan upang malusutoan ito.
Sa mga nasabi niya napatingin ito sa mangagaso sa ibaba. "Ano ang ibig niyang sabihin?" ang malakas na sabi ng lider. "Tama ba ang naririnig ko mula sa kaniya. Huwag mong sabihing nagkamali ka na naman ng taong kinuha. Idinamay mo pa ako sa plano mo."
"Huwag kang maniwala sa kaniya. Siya talaga ang prinsipe. Sinigurado ko iyon kay Marlo na kaibigan niya," sabi naman ng mangangaso sa ibaba.
Ibinaling ng lider ang tingin sa kaniya. "Totoo bang kaibigan mo si Marlo?" ang nasabi sa kaniya ng mangangaso.
Hindi niya rin naman sinagot niyon. Tumakbo na lamang siya makipot na tuktok ng dingding patungo rito. Nang malapit na siya rito inihanda niya ang kaniyang kamao para ito ay suntukin. Nang aakma itong itataas ang kamay para mapigilan siya hindi niya tinuloy ang unang balak. Nagpatihulog na lamang siya mula tuktok ng dingding. Kumapit kapagkuwan sa malapit ng nakakabit na kahoy. Hindi siya tumagal sa unang kinapitan niyang kahoy. Bumitiw siya roon kaagad dahil sa tumatakbong mangangaso na nasa ibaba. Nagpalambitin siya sa mga kahoy hanggang makarating siya sa dulo niyon. Sa balak niyang pagtalon humarang sa harapan niya ang lider ng mangangaso na nagpalambitin sa kahoy pagkagaling nito sa dingding. Nang makaiwas siya rito nagpalambitin naman siya sa tinayuan nito't lumusot patungo sa daan sa ibaba. Sa ginawa niya naglaro ang kasuotan niya sa hangin. Pagkalapag na pagkalapag niya sa lupa'y gumulong siya ng isa na ibinabalik ang tingin sa dalawang mangangaso. Hindi siya tumagal roon nang makitang malapit na ang alagad sa kaniya samantalang ang lider ay nanatili sa kahoy na kinatatayuan nito. Agaran siyang tumayo nang tuwid kapagkuwan ay kumaripas ng takbo patungo sa pangunahing kalye.
Nag-uunahang ang kaniyang mga paa sa hindi niya paglingon. Inasahan niyang mayroong mga tao sa kalye na iyon ngunit ni isa wala siyang makita. Likas na walang tao sa dakong iyon ng bayan dahil sa mga nangyayaring madalas na pagnanakaw. Gayunman pinagpatuloy pa rin niya ang pagtakbo. Naririnig niya ang pagsunod sa kaniya ng mangangaso kaya nang lumingon siya sa kanan nakita niya itong tumatakbo sa bubongan ng mababang bahay.
Nang mayroon na lamang Ilang dipa na lamang ang layo niya rito inihamaps nito ang latigo patungo sa kaniya. Para mapigilan niya ang pagpulupot niyon kinuha niya naiwang patungang kahon ng mga tinda. Tinapon niya ang kahon patungo sa mangangaso kakya iyon ang sumalubong sa latigo nito. Sa nangyari nawasak ang kahon kasabay ng pagtigil ng latigo. Tumalsik pa ang ilang piraso ng kahon sa mangangaso. Hindi niya tiningan kung nasaktan ba ito sa kaniyang hindi paghinto.
Ilang mga bahay pa nga ang nalampasan bago niya narating ang abalang kalye kung saan nagkalat ang mga tao. Nang tingnan niya ang lugar napagtanto niyang nakabalik na siya sa kalyeng una niyang nakita nang pumasok sila sa bayan na iyon ni Dermot. Naroon pa rin ang mga nagtitinda kaya hindi rin nawawala ng ingay ng mga tao, patuloy pa rin sa pagsigaw ang mga ilan habang inaalok ang mga dumadaan. Naghalo ang mga taong naglalakad mula sa mamayang malaya at mga alipin na mapapansin sa klase ng kasuotan. Ang mga malalayang tao ay makukulay ang mga suot samantalang ang mga alipin ay simpleng kayumanggi lamang. Nakabuntot ang ilang mga alipin sa kanilang mga amo dala ang mga pinamili. Ang iba namang alipin ay mag-isang namimili para sa pinagsisilbihan nitong bahay.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa kalye nadaanan niya ang grupo ng nagbibigay ng aliw. Nakatayo ang mga ito sa harapan ng nagtitinda ng mga palamuti sa katawan. Nakilala niya man ang babaeng tumulong sa kaniya na mayroong hawak na salamin hindi pa rin siya tumigil. Umiwas siya sa mga taong nakasasalubong habang lumilingon sa kaniyang likuran para malaman kung nakasunod ang mangangaso. Naroon pa rin ang mangangaso sa hulihan niya na napatingin din sa mga babaeng nagbibigay ng aliw, lalo na sa babaeng mayroong hawak na salamin. Hinatid pa nga ng tingin ng babae ang mangangaso kapagkuwan ay inilipat sa kaniya. Nakuha pang yumuko ng mga mangangaso sa babae na para bang magkakilala ang dalawa, sa ginawa ng mangangaso sumama ang tingin ng babae.
Nagtataka man siya sa nasaksihan dumiretso pa rin siya pagtakbo. Sa makailang ulit na pag-iwas sa mga taong nakasasalubong nakarating siya sa kumpulan ng mga tao na nanonood ng pagtatanghal sa isang maliit na entablado. Naririnig niya ang ingay ng mga tambol mula rito. Sa dami ng mga tao roon humalo na lamang siya sa mga nanonood at pumagitna sa dalawang alipin na pumalapakpak kasabay ng iba pa. Humahalo ang tunog ng palakpak sa tunog ng tambol. Binibigyan iyon ng kulay ng tatlong babaeng mananayaw na makukulay ang suot sa pamamagitan ng pag-indak ng mga ito sa entablado. Nadisenyuhan ang suot ang mga damit ng mga bulaklak, bumagay naman ang mga iyon sa hubog ng katawan ng mga babae. Ngunit ang mukha ng mga ito ay hindi akma sa suot sapagkat namumuti ang mga iyon dahil sa pangkulay na inilagay. Kung kaya nga nagmumukhang multo ang mga ito sa kalagitnaan ng init ng araw.
Hindi niya naman pinako ang tingin sa mga nagsasayaw kundi sa paparating na mangangaso. Binintayan niya ang paglalakad nito habang iniisa-isa ang mga nanonood. Nang malapit na ito sa kaniyang kinatatayun yumuko na siya kaagad. Nakuha ring tumingin ng mangangaso sa entablado kaya lumipat siya ng puwesto. Tinitingnan siya ng mga nalalampasan niya dahil sa kaniyang ginagawa. Hindi niya naman nagawang maiwasan ang mangangaso sapagkat nakita pa rin siya nito. Mabilis itong lumusot sa mga tao para maabot siya.
Nag-isip siya ng paraan para mapigilan niya ang paglapit nito. Palihim niyang hinawakan niya sa puwetan ang babaeng nanonood na ikinasigaw nito't nagtago siya sa lalaking kasunod nito na isa namang alipin. Sa ginawa niya nagalit ang malayang lalaking kasama ng babae't kaagad na nasuntok ang lalaking alipin na pinagtataguan niya na hindi man lang nakuhang magpaliwanag. Dahil doon bumawi naman ang lalaking alipin ng suntok ngunit iba ang natamaan na siyang naging dahilan kaya nagkagulo ang mga ito. Imbis na sa entablado manood ang mga tao sa tatlong kalalakihan na napakot ang tingin ng mga ito na nag-aaway. Nagsisigawan pa ang ilan para lalong udyukin na mag-away ang mga lalaki. Sa nangyari naharangan ng mga ito ang daraanan ng mangangaso. Pinagmasdan niya pa ang mangangaso na masama ang tingin sa kaniya. Bago pa man makalusot ito sa kaguluhan umalis na siya sa kumpulan ng mga tao na mabibilis ang paghakbang.
HUMINTO siya sa paglalakad matapos niyang mapadaan sa aklatan. Lumapit siya sa pintuan niyon na habang lumilingon sa kaniyang pinanggalingang daan. Patuloy pa rin ang mga tao sa paglalakad sa iba't ibang direksiyon. Wala sa mga ito ang humahabol sa kaniya kung kaya pumasok na siya nang magtago roon panandalian, hinawi niya ang parihabang mga kurtinang harang sa pinto na kulay pula't dilaw. Hindi pa man siya nakalalayo sa pintuan sinalubong siya ng may-ari ng tindahan na manipis ang buhok. Nakasuot ito ng kulay magulang na pula na panglabas habang puti naman sa pangloob. Tumayo ito mula sa likuran ng kinauupuang malapad na mesa. Kumiskis pa ang upuan sa sahig na kahoy sa pag-alis nito.
"Mayroon kaming mga bago ngayon. Ano ang gusto niyong basahin?" ang sabi ng may-ari sa kaniya.
Napatitig siya sa mukha nito sapagkat sa tono ng pananalita nito sinasabi niyon na kilala siya nito. "Saan na ba?" ang nakuha niya na lamang sabihin. Pinili niya na lamang na magpanggap na naiintindihan niya ang sinasabi nito kahit wala naman talaga siyang ideya kung ano ang tinutukoy nito.
"Halika kayo. Sumunod na kayo sa akin," sabi ng may-ari sa kaniya. "Itinabi ko siya sa bodega ko para lamang sa inyo. Dahil alam kong pupunta kayo rito."
Nagpatiuna ito sa paglalakad na mayroong ngiti sa mga labi. Sumunod din naman siya na wala nang ibang tanong dito.
Sa narinig niya mula sa may-ari nalaman niya ngang nagpupunta roon ang prinsipe para bumili ng libro. Hindi naman kalakihan ang aklatan na iyon na mayroong limang maiikling estante na hindi rin kataasan. Lumampas lamang ang taas niyon ng ilang pulgada sa kaniyang katangkaran. Dumaan sila sa pagitan ng ikalawa at pangatlong estante. Hindi siya nililingon ng may-ari sa kanilang paglalakad doon. Sa kaniyang ilong ay sumusuksok ang amoy ng tintang ginamit sa pagimprinta ng libro. Hindi niya naiwasang pagmasdan ang mga nakaayos na mga libro na mayroong iba't ibang kulay ang pabalat.
Matapos nga ng estante ay ang bodega na sinabi ng may-ari. Pinasok nito iyon na tinutulak ang pinto na siya ring pagsunod niya dito. Hinayaan lamang nitong nakabukas ang pinto kaya nakapasok siya. Sa dami ng mga nakalay na mga kagamitan doon na hindi lang mga libro lumiit ang espasyong magagalawan ng may-ari.
"Pang-ilang beses ko na ngang pumunta rito?" ang naisipan niyang itanong sa may-ari nang magkaroon siya ng ideya tungkol sa prinsipe.
"Mahigit lima na," sabi naman ng may-ari. "Kumusta naman ang naging pagpunta niyo rito? Inabot ka naman ba ng ilang araw sa daan?"
"Ganoon na nga."
Sinundan niya ng tingin ang pagkilos ng matanda sa pagitan ng mga gamit na nakalagay doon. Pinagpatong nito ang dalawang kahon kapagkuwan ay tumayo ito roon.
"Kahapon lamang dumating ang mga bago kong libro. Hindi ko alam kung paano niyo nalalaman na mayroon akong mga bago. Nakapupunta kayo rito nang mas maaga." Inabot nito ang hindi kalakihan na kahon na kulay itim sa tuktok ng tukador.
"Hindi ko rin alam," sabi naman niya.
Nang makita niyang nahihirapan ang may-ari sa pagbaba ng kahon dala ng katandaan nito tinulungan niya na ito. Kinuha niya sa mga kamay nito ang kahon na mayrong kabigatan din naman. Matapos niyang makuha iyon nanatili siyang nakatayo habang hinintay ang may-ari na makababa sa inakyatan nitong dalawang kahon.
"Dito niyo na lang ilagay," sabi naman ng may-ari nang umalis na nga siya sa dalawang patong na kahon.
Tinapik nito ang ibabaw ng nasa itaas ng kahon. Sumunod naman siya sinabi ng may-ari. Ibinaba niya nga ang maliit na kahon sa malaking kahon.
Lumayo na siya roon at hinayaan ang may-ari sa gagawin nito. Pinunasan nito kapagkuwan ng kamay ang maliit na kahon, pagkaraa'y binuksan na nito iyon. Bago nito ipinanghawak ang mga kamay sa mga librong nakalagay sa loob pinahid nito ang mga kamay sa suot. Nang matapos sa pagpahid maingat nitong inilabas ang unang libro na ang pabalat ay kulay asul na para bang mahalagang bagay iyon na babasagin. Ibinigay nito sa kaniya na mayroong malapad na ngiti sa labi ang libro na tinanggap niya rin naman.
Nang mahawakan niya nga ang libro mabilisan niya iyong binuksan na ikinagulat ng may-ari. Napatigil siya nang aakma itong babawiin sa kaniya ang libro. Sa nakita niyang reaksiyon ng matanda marahan niya na lamang na binuklat ang libro nang malaman niya ang laman niyon. Walang kung anong nakasulat sa labas ng pabalat kaya hindi niya mahulaan kung tungkol saan ang laman.
Agarang sumalubong ang dalawang kilay niya nang makita ang mga nakaguhit na larawan sa bawat pahina. Tinuturo ng librong iyon kung paano anng iba't ibang posisyon sa pakikipagtalik. Napabilib pa siya sa larawan dahil kuhang-kuha niyon ang hubog ng mga katawan. Kahit ang mga ekspresiyon sa mukha ng babae't lalaki ay malapit sa reyalidad. Napapatitig sa kaniya ang may-ari kaya inilapit niya rito ang libro para makita nito sa malapitan. Nanlaki na lamang ang mata niya nang umatras ito habang ipinipikit ang mga mata.
"Sino naman ang gumawa nito?" ang naitanong niya sa may-ari nang isara niya ang libro.
"Hindi ko alam. Mayroon lamang nagdadala niyan dito," pagbibigay-alam naman ng may-ari sa kaniya. "Ano kukunin niyo ba?"
Wala rin naman siyang interes sa bagay na iyon. "Pag-iisipan ko," sabi naman niya may-ari.
Maririnig mula sa pintuan ang pagpasok ng mga kustomer kaya napalingon doon ang matanda. Nang matanaw nito ang dalawang malalayang babae na naghihintay sa harapan ng mesa ibinalik nito ang tingin sa kaniya.
"Tingnan niyo na lamang nang mabuti nang makapagdesisyun kayo," paalam sa kaniya ng may-ari. "Balikan ko na lang kayo matapos kung maibigay ang kailang ng parokyano ko."
Tumango siya sa may-ari kapagkuwan ay tumabi siya nang makadaan ito. Nakuha pa nga nitong isara ang pinto na hinayaan niya na lang. Mas mainam nga iyon nang hindi siya makita na naroon siya sa loob. Binitiwan niya ang unang libro't inilabas ang pangalawang libro mula sa kahon na pulang magulang naman ang kulay ng pabalat. Sumalubong ang dalawa niyang kilay dahil maging ang libro na iyon ay purong malalaswang larawan ang nakalagay. Habang nakatitig siya sa larawan napagtanto niya ang isang bagay sapagkat mukha ni Dermot ang nakaguhit sa lalaking karakter.
"Huwag mong sabihing gawain ng taong iyon ang magpapinta habang naglalaro ng apoy," aniya sa kaniyang sarili't binalik niya na lamang ang libro. Imbis na matuwa sa nakita sa libro nakaramdam lamang siya ng inis para sa binatang prinsipe. Sinara niya rin naman ang kahon dahil hindi niya gustong makita ang kung ano mang laman niyon.
Sa pananatili niya sa loob ng bodegang iyon iniikot niya ang kaniyang paningin. Napagmasdan niya nang maigi ang mga inukit na kung anu-anong mga maliit na estatwa na nakalagay sa pahabang mesa. Wala rin namang ibang nakapukaw ng interes niya sa mga nakatuping tela. Nang maisip niyang sapat na ang sandaling ginugol niya roon lumakad na siya palapit sa pinto. Inakala niyang hindi na siya mahahanap ng mga mangangaso. Sa kasamaang-palad nagkamali siya sa bagay na iyon sapagkat pagkabukas niya ng pinto sumalubong sa kaniyang mukha ng lider ng mangangaso. Kaagad siya nitong sinakal ng isang kamay lang kaya hindi siya nakaatras.
"Akala mo siguro ay makatatakas ka sa akin," sabi ng mangangaso sa kaniya.
Iniangat siya nito mula sa sahig nang walang kahirap-hirap sa laki nito. "Pakawalan mo ako," ang nakuha niyang sabihin dito bago pa siya mawalan ng hangin. Pinilit niyang alisin ang mga kamay nito na hindi naman niya nagawang alisin.
Mula sa likuran nito ay mabilis na lumapit ang may-ari na napansin kaagad ang nangyayari. Naging maingay ang paghakbang nito papalapit sa kanila ng mangangaso.
"Anong ginagawa mo? Bitiwan mo siya kung ayaw mong magtawag ako ng opisyal," sabi ng may-ari sa mangangaso.
Nilingon ng mangangaso ang may-ari. "Tumahimik ka. Subukan mong gawin iyon kung ayaw mong madamay," ang matapang na sabi ng mangagaso sa may-ari. "Pag-uusap lang kami. Magagawa ko ang gusto ko dahil anak ko siya. Kaya huwag mo kaming pakialaman."
"Pasensiya na," sabi na lamang ng may-ari dala na rin ng takot. "Pero hindi mo maaring gawin dito ang pagpapangaral sa kaniya rito. Mayroon iba akong kustomer na pumapasok. Makikita kayo. Hindi maganda para sa negosyo ko iyon."
"Huwag kang mag-aalala, aalis kami kaagad," sabi naman ng mangangaso.
"Sige," ang tanging nasabi na lamang ng may-ari sa huli.
Umatras ito nang makailang hakbang palayo sa kanila ng mangangaso.
Iniling niya ang kaniyang ulo para sa may-ari para sabihin dito na huwag itong maniwala. Iyon nga lang hindi naman siya nito maintindihan. Bumalik na lamang ito ng lakad sa mesang inuupuan nito. Nakuha pa nitong lumingon sa kanila dahil iyon na lamgn ang magagawa nito nang sandaling iyon.
Ibinalik ng mangangaso ang atensiyons sa kaniya mula sa may-ari. "Saan na ba tayo?" pagpapatuloy nito sa una nitong nasabi. "Mukhang naturuan ka ng magulang mo kung paano tumakas."
Sinalubong niya ang matalim nitong tingin. Tinapik niya ang kamay nito para alisin niyon nang maramdaman niyang mauubusan na siya ng hangin sa kaniyang baga. Nangingilid na luhah sa kaniyang namumulang mga mata. Naunawaan naman ng mangangaso ang gusto niyang iparating kaya pinakawalan siya nito.
Pagkaalis nga ng kamay nito sa kaniyang lalamunan napaubo siya nang makailang ulit. Nang makahinga siya nang mabuti walang sabi-sabing sinuntok niya ito sa dibdib na nasangga rin naman nito. Pinulupot pa nito ang kaniyang kamay na kaniyang ikinangiwi. Nang hindi nito magawang mabali iyon umikot siya paitaas braso nito na ipinupulupot ang dalawang paa sa leeg nito. Sa ginawa niyang iyon pinakawalan nito ang kaniyang kamao. Doon niya na rin iyon hinawakan nang hindi magamit nito. Hinila niya iyon habang nakaipit pa rin ang dalawang paa sa ulo nito.
Hindi niya ito binitiwan kaya tinulak siya nito sa dingding. Impit ang ungol niya nang maramdaman niya ang pagtama ng kaniyang likod. Gayunman hind pa rin niya binitwan ang mangangaso. Dahilan upang ilang ulit nitong itulak siya sa dingding. Sa puntong iyon pa lamang siya kumalas dito kasunod ang pagsipa sa dibidib nito na ikinaatras nito sa pagitan ng dalawang estante ng mga libro. Doon pa lamang naitindihan ng may-ari na iba na nga ang nangyayari. Hindi na rin naman ito nakalapit nang itumba niya ang estante. Sa ginawa niyang iyong naipit ang mangangaso't natamaan ito ng mga nahulog na mga libro. Nagsunod-sunod pa ng tumbahan ang dalawa pang estante na ikinasigaw ng may-ari dahil sa pagkadismaya.
Wala siyang inaksayang mga sandali sa pagkakataong iyon. Tumakbo siya kaagad sa ibabaw ng natumbang estante. Sa pagdaan niya sa gitna ng estante nahawakan siya ng mangangaso sa kaniyang na kaniyang ikinadapa. Nang mabitiwan siya nito sinipa niya ang kamay nito. Nagawa naman niyang makatakas sa kamay nito kung kaya nakatayo siya't muling tumakbo. Hindi pa man siya nakaalis sa ibabaw ng estante ng libro binuhat iyon ng mangangaso. Tumalon siya mula sa estante patungo sa harapan ng mesa ng may-ari na hindi na nakakilos sa kinatatayuan habang nakatingin sa ayos ng aklatan.
Nang tingnan niya ang mangangaso nakatayo na ito nang maayos habang tulak pa rin ang estante na dumagan dito. Tinulak nito iyon para mabitiwan nito na siya ring pagkaripas niya nang takbo papalabas ng aklatan. Hindi niya niya inisip ang may-ari dahil siya nga rin naman ang pakay ng mangangaso.
Sa puntong kalalabas niya lamang ng aklatan bigla na lamang mayroong bumangga sa kaniya mula sa kaliwa na kaniyang ikinatalbog sa gitna ng daan. Gumulong-gulong siya sa lupa hanggang bumangga ang likod niya sa pader ng bahay na nasa harapan ng aklatan. Sa pagbalik niya ng atensiyon sa aklatan nalaman niya na lamang ang isang mangangaso ang bumangga sa kaniya. Marahan itong naglakad patungo sa kaniya na para bang gusto siyang balaan nito na kahit tumakbo pa siya maabutan pa rin siya ng mga ito. Kasunod nito sa likuran ang lider nito na kalalabas lamang ng aklatan.
Tumayo rin naman siya na hawak ang nasaktang braso. Sa nakikita niya sa mukha ng mga itong blangko naiintindihan niyang wala nang pakialam ang mga ito kung mayroon mang makakita sa gagawin nila sa kaniya. Napapatingin man sa kanila ang ibang mga taong naglalakad, wala namang tumutulong sa kaniya. Sa reyalisasyon na iyon tumakbo siya papalayo sa mga ito habang hawak pa rin ang brasong nanakit.
Sa pagliko niya sa kanto kasabay ng paglingon niya sa papatakbo pa lamang na mga mangangaso bumangga siya sa matigas na dibdib. Kamuntikan siya mawalan ng balanse na hindi natuloy dahil kumapit sa tagiliran niya ang habang ang isang kamay nito'y nakakapit sa kaniyang kaliwang kamay. Nang tingnan niya kung sino iyon nabuhasan siya ng pag-asa. Iyon nga lang hindi naman natutuwa sa kaniya ang binatang prinsipe dahil kaagad na sumama ang mukha nito. Umayos siya nang tayo't muling hinawakan ang nasaktang braso na nasa palagay niya ay nabali sa lakas ng pagbangga sa kaniya ng mangangaso.
"Mabuti naman narito ka na. Wala na akong alalahanin," aniya sa binata kaya lalong sumalubong ang dalawa nitong kilay.
"Ano naman ba ang ginawa mo ngayon?" sabi naman nitong mariin.
Sa tono ng pananalita nito gusto nito iparating sa kaniya na alam talaga nito kung anong pag-uugali mayroon ang prinsipe.
"Bakit ka nagagalit sa akin? Wala akong kasalanan. Sisihin mo iyong pagiging dugong bughaw mo dahil kung hiindi wala sanang gustong dumukot sa akin."
"Kung bakit ka bakit kasi hidni ka nakikinig. Dapat nanatili ka na lang na isang duwag, hindi iyong pinapakita mo ang ganitong pag-uugali mo. Ganito ang mangyayari sa iyo kung hindi ka babalik sa palasyo."
"Kaya kong protektahan ang sarili ko. Nagkataon lang na maysadong malakas ang dalawa para sa akin kaya kailangan kong tumakbo." Napangiwi pa siya nang subukan niya pang pisilin ang brasong nasaktan.
"Paano mo magagawa iyon gayong hindi ka nga marunong humawak ng espada?" paalala ni Dermot sa kaniya.
"Noon iyon. Iba na ngayon," simple niya namang sabi. "Mukhang napabalian pa ako ng buto."
"Bagay lang iyan sa iyo."
Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa lumabas sa bibig nito. Hindi na nasundan pa ang kanilang pag-uusap dahil sa pagdating ng dalawang mangangaso. Natigil ang mga ito nang makitang mayroon siyang kasama.
"Sila ang gustong kumuha sa akin," pagbibigay alam niya sa prinsipe kaya napalingon ito sa dalawang mangangaso.
Humarang sa harapan niya si Dermot para matakpan siya nito sa paningin ng dalawang mga mangangaso. Humigpit pa ang kapit nito sa dalang espada. Sumama rin ang tingin ng binata sa mga ito na nabahiran ng pagbabanta. NIlalampasan lamang sila ng mga taong napapadaan.
"Mabuti pang umalis na lang kayo't huwag niyong ituloy ang binabalak niyo kung ayaw niyong umuwi ng bangkay sa tribu niyo," ani Dermot sa dalawang mangangaso.
Sa balak na paghakbabng ng alagad na mangangaso pinigilan ito ng lider sa balikat. Dahil doon umatras na lamang ang mga ito nagsilakad na lamang ang mga ito papalayo sa kanila. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon kaya hinatid niya pa ng tingni ang mga ito. Nang makalayo na ang dalawang mangangaso ibinaling ni Dermot ang atensiyon sa kaniya. Gumaan na rin ang hawak nito sa dalang espada.
"Kilala mo ba ang mga iyon?" ang nakuha niyang itanong sa binatang prinsipe.
"Hindi," tipid nitong sagot.
"Bakit nabanggit mo ang salitang tribu kung hindi."
"Sa itsura't ayos ng dalawa malalaman mo kaagad na galing sila sa isang tribu. Hindi ko lang ako sigurado kung sa ano," paliwanag naman sa kaniya ni Dermot na malinaw niya rin namang naiintdihan.
Hindi niya na lamang inusisa pa kung sino ang mga mangangaso dahil kailangan niyang bigyang-pansin ang kalagayan ng kaniyang braso. Muli niyang hinawakan iyon kapagkuwan ay pinisil nang malaman kung saan bata ang bali.Nalaman niyang hindi naman talaga iyon nabali't napilyan lamang siya. Lumihis lamang ang kaniyang siko. Huminga siya nang maluwag kapagkuwan ay ibinalik sa dating ayos ang siko niyang iyon. Napangiwi na lamang siya sa sakit na naramdaman na dulot ng pag-ayos niya. Samantalang ang binata ay napatitig sa kaniya nang masama. Wala namang lumabas sa bibig nito't panandalian siyang iniwan. Lumapit ito sa puwesto ng tindahan kaya napapasunod na lamang siya rito. Inakala niya pa kung mayroon itong bibilhin sa tindang mga palamuti sa bahay. Nanghingi ito ng lubid sa ginang na tindera na pinagbigyan din naman. Tinanggap ng binata ang lubid kapagkuway ay binalikan siya nito.
Pagkatayo nito sa kaniyang harapan itinaas nito ang kamay. Napapatitig siya sa palad nito't muling tiningan ang mukha nito.
"Anong gusto mong mangyari?" ang naitanong niya rito.
Huminga nang malalim ang binata na mapapansin sa pagbagsak ng baliakt nito. "Titingnan ko lang ang kamay mo mayroong sugat," sabi naman sa kanya.
Doon pa lamang niya naalala na mayroon nga siyang sugat sa kamay na kanina lamang ay hindi niya naramdaman dulot ng kagustuha niyang makalayo sa mangangaso. Ipinakita nga niya ang kamay sa kaharap para matingnan nito sa pag-aakalang titingnan lang nito ang kalagayan niyon. Ngunit nagkamali siya sapagkat itinali nito ang lubid sa pulsuhan niya't isinunod ang isa pa bago pa man siya nagkaroon ng reaksiyon.
"Nababaliw ka nga. Kalagan mo ako," sabi niya sa binata. Ngunit imbis na pakinggan siya nito hinigpitan pa nito ang pagkatali sa lubid at hinawakan ang dulo niyon.
Walang lumabas sa bibig nito't hinila siya nito para maglakad. Hindi naman siya nakahakbang nang maramdaman niya na lamang ang mariinng sakit sa likuran ng kaniyang ulo. Sa sobrang sakit nagdidillim ang kaniyang paningin. Nang tingnan niya ang likod ng binata para sabihin dito ang nangyayari sa kaiya. Hindi naman siya nakapagsalita nang bumagsak na nga siya sa lupa.