HINDI pa man niya naimumulat ang kaniyang mga mata naririnig na niya ang pag-uusap ng mga taong nakatingin sa kaniya. Hawak ng manggagamot na nakaluhod sa kaniyang kaliwa ang kaniyang pulsuhan. Inaalam nito ang tunay niyang kalagayan. Sa gawing likuran naman ng manggagamot ay naghihintay ang kaniyang alalay na si Arnolfo at ang kaniyang dama na si Magdalena. Pinapahid pa ng dama ang luhang namalamisbis sa pisngi nito. Nakahiga siya sa makapal na sapin na ginagamit sa pangtulog. Ang tanging suot na lamang niya nang sandaling iyon ay ang puting pangloob na isinuot ng kaniyang alalay. Natatakpan ang kalahati ng kaniyang katawan ng kumot hanggang sa dibdin nang hindi niya maramdaman ang lamig. Ang sugat sa kaniyang kamay at paa na kaniyang natamo ay nagamot na ng manggagamot kaya nababalot iyong ng puting tela.
Matapos na suriin ng manggagamot ang kaniyang pulsuhan marahan nitong binitiwan ang kaniyang kamay. Ibinaling nito ang tingin sa dalawang tagapagsilbi.
"Ano ba talagang nangyari sa mahal na prinsipe?" ang naitanong ng manggagamot sa paglipit nito sa mga gamit nitong mga maninipis na karayom.
Nakasuot ang manggagamot ng uniporme nitong puti na panglabas at pulang pangloob.
"Hindi nga namin alam," ang sagot naman ng dama. "Mabuti ba ang lagay niya?" dugtong nito para malaman ang tunay niyang kalagayan.
"Wala namang masama sa kalusugan niya. Malusog naman siya. Dulot lang ng pagod kaya nawalan siya ng malay-tao. Hindi nga rin naman siya sanay na mabuhay ng ilang araw sa labas," pagbibigay-alam ng manggamot sa pagtapos nito sa paglipit ng gamit. Binalot niya ang mga karayom sa puting tela.
"Paano iyong wala siyang maalala?" ang sumunod na sabi ng dama.
"Marahil epekto ng mga nangyari sa kanyia. Kaya ko nga kayo tinatanong kung ano bang nangyari." Tumayo ang doktor habang nag-iinat ng kaniyang katawan. "Dapat niyong sabihin sa akin nang makatulong ako. Dahil kung hindi mapaparusahan pa kayong dalawa sa kapabayaan niyo."
Gumuhit sa mukha ng dama ang takot. Hindi na nito nakuhang magsalita kung kaya nga siniko nito ang tahimik lamang na si Arnolfo. Napabuntong-hininga na lamang nang malalim ang alalay.
Inilipat nito sa kabilang kamay ang hawak na espada't doon na ito nagsalita. "Ang sabi niya sa amin ay nagising na lamang siya sa ilalim ng bangin. Sinabi niya pang nasugatan siya sa ulo na naghilom na," pagkuwento naman ng alalay na si Arnolfo. "Mukha namang hindi siya nagkaroon ng sugat dahil kung mayroon hindi kaagad iyon maghihilom. Posibleng sinabi niya lamang iyon sa amin sa katatanong namin sa kaniya. Iyon na lamang ang lumabas sa kaniyang bibig sa kaguluhan ng kaniyang isipan."
"Nakasisigurado ba talaga kayo na wala kayong maalala? Baka naman nagpanggap lang siya na hindi kayo kilala," ang sumunod na tanong ng manggagamot.
"Hindi niya talaga kami kilala. Pinipilit nga niyang sabihn sa amin na hindi siya isang prinsipe. Sinubukan niya nga ulit na magpakamtay dahil gulong-gulo na siya. Mabuti na lamang naabutan siya namin ni Prinsipe Dermot," paliwanag ng dama. Tinakpan pa nito ang bibig nang mapagtanto nitong hindi niya dapat binanggit ang huling mga salita.
Nagbago ang tingin ng manggagamot dahil sa narinig mula sa dama. "Anong pagkakamatay ang sinasabi mo?" paglilinaw ng manggamot.
Muli namang natahimik ang dama't tiningnan ang alalay na si Arnolfo para humingi rito ng tulong. Ngunit itinikom lamang ng alalay ang bibig nito. Kung kaya wala nang nagawa ang dama't binalik na lamang nito ang atensiyon sa nakatitig na manggagamot.
"Nag-iwan siya ng sulat na magpapaalam siya matapos niyang kaming takasan," ang nasabi ng dama.
Pinagmasdan siya ng manggagamot kapagkuwan ay napabuntong-hininga rin ito nang malalim. "Sa palagay ko ay nagsasawa na siyang mamuhay bilang prinsipe," sabi ng manggagamot.
"Iyon din ang palagay namin," pagsangayon naman ng dama't muli itong humagulhol. Hininaan lang nito ang pag-ungol nang mataman siyang tingnan ng manggagamot.
"Huwag kang masyadong maingay nang makapagpahinga siya nang maayos," sabi ng manggagamot sa dama kaya humikbi-hikbi na lamang ito.
"Hindi kaya'y nagpunta sa isang mangkukulam para burahin ang alaala niya," ang nakuhang sabihin ng alalay na si Arnolfo.
"Marahil tama ka. Mainam na patingnan na rin natin siya sa babaylan para makasigurado," anang manggagamot sa pag-alis nito sa tabi ng kaniyang kinahihigaan. "Sabihan niyo na lamang ako kung magisang na siya. Ako na lang din ang magbibigay-alam sa mahal na hari nang hindi kayo maparusahan."
"Maraming salamat, ginoo," sabi naman ng dama.
"Sino pa ba ang nakakaalam sa kalagayan niya?" pag-usisa ng manggagamot.
"Maliban sa aming dalawa ni Arnolfo at ni Prinsipe Dermot, wala nang iba pa," tugon ng dama.
"Mabuti naman kung ganoon. Mas mainam ngang walang gaanong nakaaalam ng nangyari sa kaniya. Masyado na siyang maraming dinadala dahil maraming tao ang may ayaw sa kaniya," anang manggaagamot. "Huwag niyo na ring ipagsabi kahit kanino ang pagpapakamatay niya."
"Iyon nga ang balak namin," ang huling nasabi ng dama.
Tumango-tango ang mangagamot at lumakad na ito na tinutumbok ang pinto kasabay ng dama. Samantalang ang alalay na si Arnolfo ay nanatiling nakatitig sa kaniya. Pinagbuksan ng dama ang manggagamot nang ito ay makalabas ng silid. Nakuha pang yumuko pa ng dama ng ulo bilang pagpaaalam sa manggagamot na ginantihan din naman ng huli ng isa ring pagyuko. Nang lumakad na nga ang manggagamot muling sinara ng dama ang pinto nang marahan nang hindi iyon gumawa ng ano mang ingay.
Bumalik ang dama sa kinahihigaan niya't hinarap ito ng alalay na si Arnolfo. "Ano ba ang sabi sa iyo ni Prinsipe Dermot?" ang tanong nito.
"Pupunta raw siya mamaya matapos niyang kausapin ang mahal na hari. Bakit mo naman naitanong? May kailangan ka ba sa kaniya?"
"Balak kong magpasalamat sa kaniya. Aminin man natin o hindi mayroon pa rin naman siyang naitulong sa atin. Dahil kung mapahamak talaga ang prinsipe siguradong patay na tayo ngayon," paaalala ni Arnolfo.
"Tama ka rin naman diyan. Nagtataka lang ako kay Prinsipe Dermot," ang naisipang sabihin ng dama nang mapagtanto nito ang bagay na iyon. "Hindi ba't wala naman siyang pakialam kay Prinsipe Nikolai. Pagkatapos sa mga ginawa sa Ilaya sinasabi niyon mayroon pa rin naman siyang taglay na bait sa sarili."
"Marahil naawa siya kay Prinsipe Nikolai. Ikaw ba namana ang mawalan ng alaala. Para ka nang asong nauulol na hindi alam ang gagawin at kung saan pupunta."
"Nakakaawa nga rin naman si Prinsipe Nikolai. Tingnan mo nga siya." Pinagmasdan nga siya ng dama kasabay ng kaniyang alalay na si Arnolfo. "Lalong namumutla ang kaniyang balat. Nangangayat na rin siya. Mabait din naman si Prinsipe NIkolai. Wala lang talaga sa kaniyang nakaiintindi. Gusto niya lang naman ng atensiyon."
Napapabuntong-hininga na lamang nang malalim ang alalay sa nakikita nito sa dama. Muli na namang naiyak ang dama't humikbi-hikbi na para bang mamatay na siya. Sa puntong iyon iminulat niya na ang kaniyang paa dahil hindi niya rin gustong marinig na mayroong umiiyak. Naalala niya lang ang mga araw na madalas na umiyak ang kaniyang ina sa pagkamtay ng kaniyang ama.
Ang unang bumati sa kaniya ay ang kisameng mayroong inukit na larawan. Nang tingnan niya iyon nalaman niyang isang ginintuang dragon. Sa kaniyang kanan naman ay ang mga mababang tukador. Nang lingunin niya ang dalawa lalong umiyak ang dama. Napaluhod pa nga ito sa kaniyang tabi't hinapo ang kaniyang kamay. Tuloy-tuloy lamang ito sa pag-iyak na hindi nagsasalita. Kahit ang alalay niya'y napalingon sa kanan nang maitago ang pangingilid ng luha nito.
"Ano bang problema niyong dalawa't naiiyak kayo riyan?" ang nakuha niyang sabihin.
Pinisil ng dama ang kaniyang kamay'. "Masaya lang kami na nagising na kayo. Ang buong akala kasi namin hindi na kayo magigising. Limang araw kayong tulog."
Napabangon siya bigla sa narinig mula sa dama.
"Nagbibiro ka lang, hindi ba?" aniya sa dama nang bawiin niya ang kaniyang kamay.
Tiningnan niya ang maigi ang kaniyang katawan sa pag-aakalang napano naman iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang hindi naman naglalaho ang kaniyang balat.
"Hindi. Totoo ang sinabi ko. Kaya nga kami nag-aalala sa inyo. Mabuti naman at nagising kayo. Masaya akong makita kayong nagsasalita."
Itinaas niya ang kaniyang kamay para pigilan ito sa iba pang sasabihin nito. "Nasaan na ba ako?" ang sumunod niyang tanong.
"Nasa palasyo ka na."
Napatitig siya sa dama sa pagkabigla. "Hindi puwedeng narito. Kalangan kong bumalik ng Ilaya."
Nagmadali siyang tumayo mula sa higaan kaya pinigilan siya sa paa ng dama. "Hindi kayo puwedeng umalis. Dumito lanng kayo. Hindi kayo maaring lumabas. Pinagbawalan na kayo ng mahal na hari. Kung susuwayin mo siya mapaparushan ka na rin," ang nasabi sa kaniya ng dama na pinalusto niya lamang sa dalawa niyang tainga.
"Wala akong pakialam sa mahal na hari," aniya nang alisin niya ang kamay nito. Nalingunan niya ang berdeng kasuotan na nakasampay sa lagayan niyon kaya lumakad na siya patungo roon. "Malayo ba rito ang Ilaya?" dugtong niya nang isinisuot niya na ang damit.
"Hindi naman gaano. Kung aalis kayo ngayon makararating kayo roon pagsapit ng katanghalian," sagot naman ng alalay niya kaya pinagmasdan nito nang masama ng dama.
"Sinabi mo pa talaga sa kaniya. Pigilan mo kaya siya, hindi iyong binibigyan mo pa siya ng ideya kung gaano katagal ang tatakbuhin ng kabayo."
"Nagtanong ang mahal na prinsipe. Tama lang na sagutin ko," pagtatanggol ni Arnolfo sa sarili kaya napasimangot ang dama.
Ibinaling ng dama ang atensiyon sa kaniya mula sa kaniyang alalay dahil hindi nga rin naman nito mapipilit ang lalaki na pigilan siya.
"Pakiusap mahal na prinsipe huwag kayong umalis. Isipin niyo naman ang magiging kalagayan namin. Kung aalis ka na naman, mapaparusahan na kami."
Natigil siya sa pagusot ng damit na siya ring pagbalik niya ng atensiyon sa dalawa. "Ano ang gusto mong gawin ko?" aniya sa dama. "HIndi ako nabibilang sa palasyong ito. Mas nananaisin ko pang tumira sa labas habang narito ako sa panahon na ito. Kailangan kong sundan ang kaibigan ko. Hindi puwedeng mawala na naman siya na wala akong nagagawa para mapigilan iyon."
Natigil ang kanilang pag-uusap dahil sa malakas na pagsasalita ng dama mula sa likuran ng pinto. "Buksan niyo ang pinto. Narito ang mahal na reyna," ang sabi ng dama na tagapasilbi ng reyna sa kaharian na iyon.
Sa narinig nagmadaling tumayo si Magdalena't mabilis na naglakad patungo sa pinto. Samantalang ang alalay niyang si Arnolfo ay umatras ng lakad patungo sa gilid ng silid. Lumingon pa sa kaniya ang dama bago nito buksan ang pinto. Pagkahila nga ng dama sa sara nanlaki ang mata niya dahil sa reynang pumasok sa silid na iyon. Hindi na niya naitali ang suot sa paglapit ng reyna. Magarbo ang suot nitong napalamutian ng mga disenyong ginto na kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw. Ang mahabang buhok nito'y natatalian sa likuran ng ulo nito na humugis ng bilog.
Nangining ang kamay niya na nakikita niya ang kaniyang ina. Dahil doon sinalubong niya ito, kusa na lamang gumalaw ang kaniyang mga paa.
"Inay," ang nabanggit niya sa kaniyang paglalakad. Salitang matagal na niyang hindi nababanggit.
Pagtagpo nilang dalawa ng kaniyang ina bigla na lamang siya nitong sinampal na umalingaw-ngaw sa kabuuan ng tahimik na silid. Tumabingi ang mukha niya sa lakas ng kamay nito. Tiniis niya lamang ang sakit sa mukha. Hindi niya rin naman pinagtakhan na nasaktan siya nito dahil kahit ang ina niya sa kasalukuyan ay sinasaktan din naman siya. Walang araw na hindi siya nasasaktan. Sa tuwing ginagawa iyon ng kaniyang ina tinitiis niya lang ang sakit ng katawan dahil iyon lamang ang gawin ng kaniyang ina.
"Mabuti naman kilala mo pa ako!" ang mariing sabi ng reyna. "Kailan ka ba talaga makikinig sa akin? Hindi ka na dapat nagbalik kung hihilahin mo lang din ako paibaba! Dapat namatay ka na lang!"
Hindi niya man alam kung ano ang ikinagagalit ng kaniyang ina sa nakaraan mas pinili niyang itikom ang kaniyang bibig. Kahit sa kasalukuyan hindi niya magawang magsalita sa harapan nito dahil hindi niya nais na mawala ang respeto niya rito.
Sa pananahimik niya'y itinaas ng reyna ang kamay para muli siyang sampalin. Hindi naman nito naituloy nang mayroong itong naalaala. Tinalikuran na lamang siya nito't iniwan na siya nitong nakatayo sa gitna ng silid. Hniatid niya na lamang ng tingin ang kaniyang ina sa paglalakad nito hanggang makalabas ito ng siild. Sumunod dito ang dama na kulay berde ang uniporme na siya ring pagsara ni Magdalen sa pinto. Umalis din naman ito sa tabi ng pinto nang sa paglayo ng ingay ng mga yabag ng kaniyang ina.
Nilapitan siya ng dama na puno ng pag-alala ang kaniyang mukha.
"Mahal na prinsipe, nasaktan ka ba?" ang naitanong ng dama sa kaniya.
Hinapo niya ang kaniyang pisngi na nasaktan. "Ayos lang ako. Sanay na akong nasasampal ni inay," sabi naman niya't tinuloy na niya ang pagtali sa kaniyang suot. "Inakala ko lang na yayakapin niya ako. Nagkamali ako ng akala. Sampal pala ang isasalubong niya sa akin."
"Pagpasensiyahan mo na ang mahal na reyna. Marami kasing iniisip iyon. Pinag-iisipan kasi ng konseho ng hari na alisin siya as kaniyang posisyon bilang reyna," pagbibigay-alam ng dama niya.
"Madalas ko rin naman siyang patawarin kahit nasasaktan niya ako," aniya pa kahit na ibang ina ang tinutukoy niya. "HIndi ko na nga pinagtakhan na sampal lang ang pinunta niya rito." Humugot siya ulit ng hininga. "Gusto kong lumabas."
"Mahal na prinsipe, hindi puwede," sabi naman ng dama.
"Nais ko lang na magpahangin habang nag-iisip," aniya habang naglalaro sa kaniyang isipan kung ano nga ba ang dahilan kaya siya naputan sa nakaraan.
Nagtinginan ang dama at kaniyang alalay na si Arnolfo. "Pagbigyan mo na. Puwede naman siya roon sa may lawa," sabi naman ng kaniyang alalay. "Mas mainam na magpahangin nga siya para bumalik ang dati niyang kulay."
"Sige na nga. Malapit lang naman iyong dito," sabi na lamang ng dama. Pinagmasdan siya nito sa hindi niya paglalakad. "Hindi ka na ba tutuloy?"
"Hindi ko alam kung saan ang lawang sinasabi niyo," aniya sa dama.
"Mauna na kayo mahal na prinsipe. Sasabahin lang namin sa inyo kung saan kayo dapat dumaan. Hindi puwedeng kami ang mauna sa paglalakad."
Naintindihan niya rin naman ang sinabi nito. Nakalimutan niyang isa nga rin naman siyang dugong bughaw sa panahon na iyon. Lumakad na nga siya patungo sa pinto na binuksan ni Arnolfo habang nasa likuran niya ng dama. Pagkalabas niya sa pasilyo'y binata siya ng mahabang pasilyo na hindi gaanong malapad. Nilingon niya ang dalawa sa kaniyang likuran dahil hindi niya alam kung saan siya dapat pumuntang direksiyon. Sinenyas ng dama ang bibig patungo sa kanan kaya pinagpatuloy niya ang paglalakad sa direksiyon na iyon. Sa sabay-sabay nilang paglalakad yumayangit-ngit ang pasilyo na gawa sa purong kahoy. Hindi niya pa naiwasang tingnan ang dingding sa kaliwa niya na gawa sa kuwadradong maliliit ng bintana na natatakpan ng papel.
HINDI pa man sila nakararating sa lawa na sinasabi ng dalawa natatanaw niya na iyon. Tama nga ang mga ito na malapit lamang iyon sa kaniyang tirahan na mahigit sampung metro lamang ang layo. Napapaikutan ang lawa ng mga luntiang puno kung saan maririnig ang huni ng mga ibon, kulisap at ng cicadas. Sa gitna ng kumikinang nitong tubig ay ang pabilyon na inaanyayahan siyang manatili roon. Nadagdagan pa ang kagandahan ng lawa dahil sa papalubog na araw.
Walang ibang taong naroon sa dakong iyon kaya malaya siyang nakapaglalakad. Tanging bubongan ng mga gusali sa lupain ng palasyo ang nakikita niya na malalayo ang mga agwat.
Binaktas nila ang ginawang daan patungo sa pabilyon sa katamtamang bilis lamang. Nang magsawa sa katatanaw sa lawa, inalis niya ang tingin sa dito't ibinaling sa mga nadadaanang halamang itinanim doon. Patuloy lamang ang kaniyang paglalakad habang binabantayan siya ng dalawa sa kaniyang likuran. Tumigil lalmang siya sa katapusan ng daan nang makarinig siya ng ungot mula sa likuran ng mga nakatanim na halaman sa gilid.
"Narinig niyo ba iyon?" ang naitanong niya sa dalawa nang lingunin niya ang mga ito.
Pareho namang nagtataka ang dalawa na nagkatinginan pa't muli siyang tiningnan. "Ano ang narinig niyo?" sabi naman ng dama sa kaniya. "Baka gawa lang ng imahinasyon mo. Wala naman kaming narinig."
Nailing niya na lamang siya sa sinabi ng dama.
"Hindi ako nagkakamali sa narinig ko kaya malabong maging gawa lang ng aking imahinasyon."
Inalis niya na lamang ang atensiyon sa dalawa imbis na ipaliwanag sa mga ito kung ano ang narinig niyang pag-ungot. Lumapit siya sa halaman kung saan nagmula ang kaniyang narinig na ingay. Pagkatayo niya roon pinagmasdan niya ang likuran ng halaman kung saan naroon ang asong ubod ng puti ang balahibo. Sa labis na puti nito higit na mapapansin ang dugo nito sa kanang paang nasa harapan gawa ng sugat. Napatitig pa sa kanyia nang masama ang aso kasabay nang malalim na ungol. Umatras ito kapagkuwan na iniaangat ang isang paa. Sa laki nito mahigit dalawang panukat ang taas nito.
Sa ginawa niyang pagmasid sa aso napapasunod na lang ang dalawa.
Hindi man niya kilala ang aso binalak niyang humakbang sa halaman nang matulungan niya ang kalagayan ng hayop. Hindi niya kaagad naituloy nang pigilan siya ng dalawa. Tumayo ang mga ito sa kaniyang kanan.
"Mahal na prinsipe, hindi niyo siya maaring lapitan," pagbibigay-alam ng kaniyang alalay na nasa kaniyang kanan lamang.
Naguguluhan siyang tumingin kay Arnolfo. "Bakit naman hindi puwede?" taka niyang tanong.
"Nangangagat ang aso na iyan. Wala iyang ibang kilalang tao kundi ang amo niya lang. Nakarami na ng iiyan ng biktima na halos mapatay niyan," pagbibigay-alam ng kaniyang dama.
"Baka naman sinasabi mo lang iyan para takutin ako?" paniniguro niya sa dama na umiling naman ng ulo.
"Hindi. Totoo ang sinasabi namin kaya huwag ka nang lumapi."
"Ano ang gusto niyo pabayaan ko iyan kahit mayroon siyang sugat sa paa?" aniya sa dalawa. "Parang tao lang din iyang aso, nangangailangan pa rin ng tulong. Hindi ibig sabihin na matapang dapat ka nang matakot. Sigurado akong kaya siya galit sa mga tao dahil hindi niya gusto siya mismo ang masaktan."
"Saan niyo naman natutunanan ng sinabi mo?" ang naitanong sa kaniya ng kaniyang alalay.
"Anong saan natutunan? Hindi mo kailangan ng paaralan o guro para malaman mo ang bagay na iyon," paliwang niya naman sa dalawa. "Dapat lang sa tao na maging mabait sa mga hayop. Likas na kaalaman ang pinanggalingan niyon. Dapat ay alam niyo rin."
"Pero sigurado ka ba na lalapitan mo ang aso na iyan?" ang nag-aalalang tanong ng dama sa kaniya.
Tumango siya bilang tugon sa naging katanungan nito. "Huwag kayong mag-alala walang mangyayari sa akin kung makagat niya man ako."
"Mag-iingat ka mahal na prinsipe," pahabol sa kaniya ng dama.
Pinalusot niya lamang ang mga salitang iyon sa kaniyang dalawang tainga.
Hindi na niya nahintay na mayroong masabi pa sa kaniya ang dalawa. Itinuloy niya na nga ang paghakbang sa halaman. Iniwan niya ang mga ito na hindi maipinta ang mukha ng dama sa pagbalot ng kaba sa dindib nito.
Nagawa niya namang makahakbang sa halaman na hindi sumasabit ang laylayan ng kaniyang suot. Hindi pa man siya nakalalapit sa aso tinahulan pa siya nito. Inilgay niya ang kaniyang daliri sa harapan ng kaniyang bibig upang masabihan niya ito na huwag masyadong tumahol.
Hindi na siya nagaskaya pa ng sandali't tuluyan na siyang dumikit sa aso. Inilapit niya ang kaniyang kamay sa ulo nito para aluin ito. Ngunit masyado talagang matapang ang aso dahil binalak siya nitong kagatin. Mabuti na lamang mabilis ang kaniyang kamay kaya naiwasan niya ang matatalim na pangil nito. Pagtigil ng kaniyang kamay pinatong niya iyon sa ulo ng aso't hinapo iyon nang makailang ulit.
"Kumalma ka. Hindi naman kita sasaktan." Hinapo niya nang hinapo ang ulo nito kaya hindi na ito tumahol sa kaniya. "Tutulungan kita," dugtong niya na para bang tao lang ang hayop.
Matapos nang mga nasabi niya napaamo nga niya ang mabangis na aso na likas sa kaniya dahil lumaki nga rin naman siya sa gubat kung saan puro mababangis na hayop ang kaniyang nakasasalubong. Umungot ito sa kamay niya't lumakad ito padikit sa kaniya para humingi ng tulong. Dahil doon binuhat niya nga aso na mayroong kabigatan. Pinakaiingatan niya ang paa nitong mayroong sugat.
"Paano mo nagawang paamuin iyan samantalang ngayon niyo lang iyan nakita?" ang nagtatakang saad ng dama nang ibalik niya ang atensiyon sa mga ito.
Nagkibit-balikat na lamang siya bilang tugon dito. "Saan ba mayroong panglinis ng sugat? Kukunin ko para magamit," aniya sa dalawa.
"Ako na ang kukuha mahal na prinsipe," pagpresinta naman ng dama. "Mauna na lang kayo sa pabilyon."
"Bilisan mo," aniya nang humakbang siya pabalik sa daan.
"Masusunod mahal na prinsipe," ang magiliw na sabi ng dama't tinalikuran na sila nito.
Mabilis nga itong naglakad pabalik sa tirahan niya nang makuha nito ang panglinis sa sugat at ang pangtaling tela.
Nang magawi ang tingin ng aso sa kaniyang alalay umungol na naman nito. Kung kaya nga inalog niya nang kaunti ang aso para patigilin iyon. Sumunod din naman ito sa kaniya sa pamamagitan pagnguyngoy. Lumakad na rin siya patungo sa pabilyon kasunod ang kaniyang alalay na si Arnolfo. NIlakad nila ang tulay para makarating sa silungan.
Naging madali lang naman sa kanila ang kahabaan ng tulay kaya nakarating sila ng pabilyon. Umakyat siya sa papag habang naiwang nakatayo ang kaniyang alalay. Pagkaraa'y maingat niyang binaba ang aso kasabay ng kaniyang pag-upo na pagkatagpo ang mga paa. Pinatong pa ng aso ang ulo nito sa kaniyang hita kaya hinapo niya ito.
Sa kanilang paghihintay napatitig siya sa tubig na kita niya mula sa kaniyang kinauupuan.
"Malaki talaga ang pinagbago niyo mahal na prinsipe," ang nakuhang sabihin ng nakatayong si Arnolfo.
Tiningnan niya ito dahil doon. "Talaga ba?" paniniguro niya rin naman.
"Oo. Dati naman kasi ay sinasaktan mo pa ang mga hayop na makikita mo."
Napatango-tango siya sa narinig. "Pakiramdam ko lang ay dapat na akong magbago," ang naisipang niyang sabi kahit wala naman talagang kahulugan iyon sa kaniya. Sa pagbalik niya ng tingin sa tubig hindi niya maiwasang mag-isip. Sumagi sa isipan niya na kaya siya nadala sa nakaraan ay para na rin mabago niya ang tingin ng mga tao sa nakaraang siya. Liban pa roon hindi niya rin maalis ang bagay na nagpapagulo sa kaniya. Marahil hindi talaga ang kaibigan niya ang tunay na dahilan kundi sarili niya mismo nang mabago niya ang takbo ng kaniyang buhay. Kung magagawa nga rin niya naman iyon pati ang nakapagligid sa kaniya ay maapektkuhan. Ang hindi niya lang alam ay kung paano siya makababalik sa kasalukuyan. "May mga bagay ka bang pinagsisihan?" ang tanong niya kay Arnolfo na hindi ito nililingon.
"Anong ibig niyong sabihin mahal na prinsipe?" ang naguguluhang tanong ng kaniyang alalay.
"Iyon bang mga bagay na kapag nabigyan ka nang pagkakataon na baguhin ay gagawin mo talaga."
Umihip ang banayad na hangin sa paghihintay niya ng sagot mula sa kaniyang alalay. Naramdaman niya ang lamig niyon sa kaniyang pisngi.
"Wala akong mga bagay na pinagsisihan mahal na prinsipe. Kung anong napagdesisyunan ko'y pinaninindigan ko."
"Kahit na nasasaktan ka?" paniniguro niya rito.
"Oo."
"Mabuti ka pa. Sana naging katulad mo na lamang ako," ang malungkot niyang sabi. "Kasi ako marami akong pinagsisihan sa buhay ko. Kinaiinisan ko ngang ipinanganak mo pa ako. Kaya marahil narito ako ngayon sa palasyo."
"Huwag kang mag-alala mahal na prinsipe magiging maayos din naman ang lahat," ang makabuluhang sabi ni Arnolfo.
"Sana nga ganoon lang iyon kasimple katulad ng pagsabi mo," aniya sa alalay kapagkuwan ay napatigil nang mapagtanto niyang kinakausap niya ito na para bang matagal na silang magkakilala. "Bakit ko sinasabi ang mga iyon sa iyo? Masyadong nakadadala ang kagandahan ng lawa."
"Kung kailangan mo naman ng kausap narito lang ako mahal na prinsipe."
"Tatandaan ko iyang sinabi mo," ganti niya naman dito.
"Siyanga pala dapat din kayong magpsalamat kay Prinsipe Dermot," ang sabi nito kaya naalala niya ang pagtali ng prinsipe sa kaniyang mga kamay.
Sa palagay niya ay hindi na dapat siya magpasalamat sa katulad ng prinsipe na marahas. "Bakit ko naman gagawin iyang sinabi mo?" tanong niya naman dito.
"Si Prinsipe Dermot ang nagdala sa iyo rito pabalik dito palasyo sakay ng kaniyang kabayo."
Pinagmasdan niya ang kaniyang alalay sa narinig. "Paano naman niya nagawa iyon?"
"Itinali ka niya sa kaniyang katawan nang hindi ka mahulog. Siguradong pupunta iyon dito kaya magpasalamat na sa kaniya."
"Bakit naman siya pupunta rito? Alam mo hindi niya ako kailangang tingnan para lang malaman kung maayos na ako."
"Hindi lang iyon ang dahilan. Aso niya iyang gagamutin mo."
"Kaya naman pala masyado ring matapang ang asong ito." Tiningnan niya ang mukha ng aso na nakatitig din sa kaniya. "Tinuruan niya sigurong mangagat ng ibang tao," aniya sa kaniyang alalay sabay baling sa hayop. "Kaya kung ako sa iyong aso ka magbago ka na. Huwag mong gayahin iyong amo mong marahas. Naintindiha mo?" Hinawakan niya ito sa mukha kapagkuwan ay pinagbangga niya ang ilong niya nguso nito. "Sayang naman ang kagandahan ng pagiging aso mo kung susunod sa kaniya."
Nailayo na lamang niya ang mukha rito nang bigla siya nitong dilaan sa kaniyang kanang pisngi. Naramdaman niya talaga ang init ng dila nito na dumikit sa kaniyang balat. Medyo basa iyon kaya kinailangan niyang punasan ng manggas ng kaniyang suot na berdeng damit.