Kabanata 16

4202 Words
NAKAPIKIT lamang ang kaniyang mga mata sa kaniyang pagkahiga sa parang na kinatutubuan ng mga puting bulaklak habang patuloy ang mundo sa paggalaw. Hinahayaan niya lamang na humalik sa kaniyang katawan ang sinag na pinapakawalan ng araw, nag-iiwan iyon ng mumunting init sa kaniyang balat na kahit papaano'y naiibsan ang lamig na hindi siya sanay na nararamdaman. Naibubulong niya sa hangin na dumating na sana ang tag-init nang hindi siya magdusa sa lamig ng panahon. Sa kasamaang-palad dalawang buwan pa bago magsimulang umangat ang tag-init kaya kailangan niya pa ring magtiis. Ang tanging magandang bagay na nangyayari sa kaniya nang sandaling iyon ay ang halimuyak ng mga bulaklak na nadadala sa banayad na pag-ihip ng hangin. Sumusuot sa kaniyang ilong ang alimuson na siyang nagpapaalala sa kaniya na sa bawat pait na ibinibigay ng buhay mayroon pa ring mabuting bagay na naghihintay sa kaniya. Wala siyang dalang gitara sa panahon na iyon kaya ang nagising musika na lamang niya ay ang mumunting paghuni ng mga ibon na nagmumula sa kalapit na mga puno. Hindi rin niya naiwasang isipin na kung hindi sana naging mabilis ang pagusbong ng mundo marami pa sana ang mga ganoong parang sa kasalukuyan. Ngunit dahil mas mahalaga sa mga tao ang makadiskubre ng mga makabagong bagay na makatutulong sa kanilang pangaraw-araw na buhay nakalimutan na ngang pangalagaan ang kalikasan. Mistulang sinapian ng masasamang nilalang ang katawan ng bawat isa dahil wala nang ibang laman ang isipan kundi pangsariling kaligayahan lamang kahit na marami ang nasisira na maging tao man, bagay o lugar. Hindi siya makita sa taas ng mga puting bulaklak kung pagmamasdan siya sa malayo. Gayunman nanatiling nakabantay si Arnolfo na nakaupo sa ugat ng punong manilaw-nilaw ang dahon sa gawing uluhan niya. Hindi nito inalis ni minsan ang tingin sa kaniyang kinahihigaan sa pag-aakala nitong balak niya na namang tumakbo palayo para makalabas ng palasyo. Ang hindi nito alam napapagod din naman siya sa madalas na pagtakas kaya pinagbigyan niya na lamang ang sarii kahit paano nang makabawi siya ng lakas. Babalikan niya na lamang ang mga kailangan niyang gawin para mabago ang kaniyang buhay kapag nakapaghinga na ang kaniyang katawan. Ang hindi niya alam na mayroong isang bagay na kaniyang nakalimutan sa katauhan ng binatang prinsipe na nang mga sandaling iyon ay kararating lamang ng parang. Naglakad ito galing sa likuran ng punong maninilaw-nilaw ang dahon, pinagmasdan nito kapagkuwan ang kaniyang alalay upang magtanong sa pamamagitan ng tingin kung saan siya naroon. Itinuro ng kaniyang alalay ang dulo ng hawakan ng espada patungo sa kaniyang direksiyon na walang lumalabas na mga salita sa bibig nito. Naiintindihan nga rin naman ng kaniyang alalay kung sino ang hanap ng binatang prinsipe sa tuwing ito ay lalapit sa kanila. Kasama nito ang puting aso na magiliw na naghabol ng mga paru-parong naligaw sa parang. Hindi pansin ng alagang aso na naroon lamang siya sa likuran ng mga bulaklak. Matapos ngang malaman kung nasaan siya humakbang na nga ito patungo sa kaniya. Nahahawi ang mga bulaklak sa paglalakad nito't kumikiskis sa suot nitong umabot ang haba sa mga tuhod. Nakabihis ng simpleng kasuotan na kulay asul ang binatang prinsipe na walang kung anong disenyong bordang kulay ginto. Sa hindi nito pagtigil nakarating nga ito sa kaniyang kinahihigaan. Tumayo ito sa kaniyang uluhan na pinagmamasdan ang kaniyang mukha na nakapikit ang mga mata. Nalaman niya lamang na naroon ito nang maramdaman niyang mayroong nakamasid sa kaniya. Nang imulat nga niya ang kaniyang mga nakapikit na mata nagkasalubong na ang kanilang tingin ng binatang prinsipe, napatitig siya rito na nagtatanong ang kaniyang tingin. Napagtanto niya ngang mayroon nga naman pala silang gagawin sa pagsasalita nito. "Bumangon ka na riyan. Lalakad na tayo," utos nito sa kaniya. Sa narinig napabangon siya nang tayo na hindi inaalis ang tingin dito. "Hindi pa nga ako nakapaghahanda," saad niya rito habang itinataas ang dalawang kamay nang mapagmasdan nito ang kabuuan niya. Pinagmasdan nito nang maigi ang suot niyang berdeng kasuotan mula ulo hanggang sa paa. Nang magsawa ito sa katitig ibinalik nito ang tingin sa kaniyang mukha. "Hindi mo kailangang maghanda dahil hindi ka naman haharap sa mga demonyong mahahanap natin." Kumunot ang kaniyang noo sa narinig nang ipagpahinga niya na lamang ang kaniyang mga kamay. Pinagtagpo niya ang mga iyon kapagkuwan ay mabilis na pinagkiskis sa isa't isa nang magkaroon ng init, ibang-iba nga rin naman ang lamig na dala ng kinaumagahan. Mahahalata sa kanilang pagsasalitang dalawa ang kanilang malalim na paghinga na lumalabas sa kaniiya-kaniyang bibig at ilong. "Ano pang saysay na isasama mo pa ako kung ikaw lang naman ang gagawa ng lahat." Idinikit niya ang nag-init na mga palad sa kaniyang pisngi, ninamnam ang init na dala niyon. Nakuha niya pang itapik ang dalawang kamay sa mukha kaya mariin namang napapatitig sa kaniya ang binatang prinsipe. Itinigil lamang nito iyon nang salubongin niya ang mga mata nito na ikinaubo-ubo nito nang dalawang ulit sa hindi niya malamang dahilan. Humugot ito nang malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili sa kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling iyon. Lalo lamang niyang napansin ang matitigas nitong dibdib na bumabakat sa suot nitong damit. Nagtataka siyang pinagmasdan ito na nawala rin naman kaagaad katuald ng paglabas niyon. "Dahil kailangan lang kitang isama. Hindi ako puwedeng umalis nang mag-isa lang," hirit naman nito sa kaniya. "Gusto mo pa bang ipaliwanag ko sa iyo?" Isinuksok nito ang kamay sa likuran ng suot upang ilabas ang manipis na papel na sinulatan ng hari ng utos sa kanilang dalawa. Nang aakma na itong ilalabas ang manipis na papel nagsalita siya kaagad nang mapigilan ito. "Huwag mo nang ipaliwanag dahil naiintindihan ko naman. Akala mo ba'y mahirap akong umintindi?" Inalis niya ang kaniyang mga kamay na pinangtatapik niya sa kaniyang mukha. "Ganoon na nga," pag-amin naman nito na hindi niya inasahan. Sumama ang tingin niya rito kung kaya nga dahil doon nagkasubukan sila sa pamamagitan ng tingin. Hindi naman ito gustong magpatalo na mapapansn sa hindi nito paggalaw. Sa huli ay siya na lang ang kusang sumuko dahil nga sa wala siyang ganang makipagtaasan ng ihi rito. Siya na ang kusang pumutol sa kanilang titigan. Pinalampas niya na lamang ang nasabi nito sa kaniyang paglalakad na umiiwas sa kinatatayuan nito na hindi niya ito nasasagi. Tanging ang suot niya ang kumiskis sa kasuotan nito. Sa kaniyang pagkatalikod dito hindi niya napansin ang pagbagsak ng balikat ng binata indikasyon ng pagkawala ng kagustuhan nitong intindihin ang mga ikinikilos niya. Hindi niya rin naman kailangan ng pang-unawa nito sa kalagayan niya dahil kilala niya rin naman ang kaniyang sarili, hindi niya kailangan ng opinyon ng mga katulad ni Dermot para malaman iyon. Hindi pa man siya nakalalayo ng hakbang mula sa binata nang malingunan siya ng puting aso. Tumigil ito sa paghabol sa mga paru-paro kung kaya nakalilipad na ang mga iyon nang malaya. Sa pagtama ng tingin nito sa kaniya matulin itong tumakbo patungo sa kanila ng binata sa likuran ng mga matataas na bulaklak. Nalalaman niya na lamang na malapit na ito sa paghawi ng mga nadadaanan nitong mga bulaklak. Nang mayroon na lamang ilang hakbang ito mula sa kaniya tumalon ito patungo sa kaniya. Tumama ang dalawang paa nito sa kaniyang dibdib na nadagdagan ng bigat dulot ng patakbo nito. Sa ginawa nitong pagbangga sa kaniya napaupo siya sa mga bulaklak kaya naipit ang mga iyon sa kaniyang ilalim. Hinawakan niya kaagad ang mukha nito nang mabilis siya nitong dinilaan sa pisngi. Nararamdaman niya ang pamamasa ng kaniyang mukha dahil sa kumapit na laway nito na kaniyang ikinapipikit ng isang mata. "Tumigil ka na. Para namang ang tagal nating hindi nagkita," aniya sa alagang hayop nang itulak niya ito palayo sa kaniya. Nagawa niya rin namang mailayo ang kaniyang mukha sa bibig nito kasunod ng pagtahol nito. Nakuha pa nga nito tumakbo sa kaliwa't kanan kung kaya nga hinapo niya ito sa ulo nang patahimikin niya ito na nangyari rin naman dahil naupo na lamang ito habang naghihintay. Itinabingi pa nga nito ang ulo sa pagtingin nito sa kanila ng binatang prinsipe. "Hindi ko pa rin magawang isipin na wala ka talagang ginawa sa kaniya para magkaganiyan iyan sa tuwing makikita ka," saad ng binata sa hinala nito sa pagiging malapit ng aso sa kaniya. Tumayo siya na inaalis ang mga kumapit na hibla ng katawan ng bulaklak sa kaniyang suot. "Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin pero wala akong ginawa sa kaniya." "Mayroong nagsasabi sa akin na ginamitan mo nang kung anong orasyon," paratang ng binata sa kaniya. "Nakapagtataka namang sa unang pagkikita niyo pa lang naging malapit na kayo na para bang ang tagal niyo nang nagkita. Samantalang hindi niya naman nakikinig sa ibang tao maliban sa akin." "Para namang maapektuhan siya niyon kung ginagawa ko man. Sa ating dalawa ikaw ang higit na nakakaalam na espesyal siya kaya huwag kang magsinungaling sa sarili mo dahil sa nagtataka ka." PInakatitigan niya ito sa pananahimik nito bigla. "Ano bang klaseng aso iyang alaga mo?" dugtong niyang tanong. "Hindi mo kaiangang malaman," ang walang ganang sabi ng binatang prinsipe sa kaniya. "Wala rin namang pipilit sa iyo. Malalaman ko rin naman sa susunod na mga araw. Kailangan ko lang maghintay," aniya dahil pakiramdam niya'y mangyayari nga iyon. Kung hindi naman ay si Dermot na mismo ang magsasabi kung ano nga ba ang aso na iyon. "Kung narito siya ibig bang sabihin nito ay isasama natin siya. Nagagawa niya nga rin namang hanapin ang ibang mga nilalang." "Hindi mo dapat ginamit ang aso. Mabuti't hindi siya napano sa pagpapasikat mo." "Para sabihin ko sa iyo siya ang kusang tumalon sa demonyo sa bulwagan. Nagulat na nga lang din ako," paalala niya sa binata sa tunay na nangyari. "Sa tingin mo maniniwala ako?" sabi nito na madalas nitong bukang bibig sa tuwing mayroon siyang masasabi rito. "Huwag kang maniwala dahil walang pumipilit sa iyo," aniya dahil hindi niya gustong patulan na naman ito. "Puwede umalis na lang tayo. Mas mabuting lumakad na kaysa ang makipag-usap sa iyong walang nasasabing maganda." Imbis na hintayin pa ito nagpatiuna na lamang siya sa paghakbang. Hindi na talaga siya magtataka kung nagagalit din dito ang prinsipe dahil nga sa pag-uugaling mayroon ito. Napapatingin sa kaniya ang puting aso sa kaniyang paglalakad kapagkuwan ay inililipat kay Dermot na nanatiling nakatayo. Hindi na rin naman ito sumunod sa kaniya kundi sumabay na lamang ito sa binatang prinsipe. Hindi rin naman nagtagal ang binatang prinsipe sapagkat naglakad na rin ito na hindi inaalis sa kaniyang likod. Kung mayroon lamang siyang mata sa kaniyang batok malalaman niyang nakatitig ito sa kaniya. Binabaybay niya ang nagawang daan sa mga tumutubong bulaklak doon na tinutumbok ang punong kinauupuan ni Arnolfo. Tumayo na ito mula sa kinaupuang ugat hindi man siya nakalalapit dito habang itinatapon ang tangkay ng bulaklak na inipit nito sa bibig. Hinintay siya nitong tuluyang makalapit bago kumilos. "Ano bang kailangan niyo? Para madala ko kaagad ko sa inyo," sabi ng kaniyang alalay sa kaniya. Wala rin naman siyang ideya kung ano nga ba ang dadalhin sa paghahanap nila ni Dermot sa mga nilalang na nakakalat sa palasyo. Unang pagkakataon iyon na gagawin niya sa panahon na iyon kaya bahagya siya natitigil sa pag-iisip. Hindi na rin siya nakapag-isip pa't naputol ang takbo ng kaniyang isipan dahil sa pagdating binatang prinsipe. "Hindi niya kailangan ng kung ano. Saka hindi mo rin kailangang sumama," ang walang buhay na sabi ni Dermot. Sa narinig nilingon niya ang binatang prinsipe. "Dapat isama natin siya para makatulong. Mas magandang tatlo tayo para kung maipit man ang isa sa atin mayroong tutulong," pang-iinganyo niya rito. "Hindi ko kailangan ng tulong. Makakaya ko ang lahat," ang buong tiwalang sabi ng binatang pulis. "Tama ang isang panggulo. Wala na akong balalk dagdagan pa." Nagsalubong ang dalawang kilay niya rito dahil hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig nito. "Hindi ko alam na isa ka rin naman palang hambog," komento niya sa binatng prinsipe. Kinuwelyuhan siya nito dala ng inis sa kaniya. Sa sobrang lapit ng bibig nito sa kaniyang mukha naghahalo na ang kanilang hininga. "Anong sinabi mo?! Ulitin mo!" mariin nitong sabi sa kaniya. "Bakit ko kailangang ulitin kung narinig mo naman?" Inalis niya ang kamay nito't marahas na binitiwan iyon. Hindi pa rin naman natigil ang binata dahil balak na naman siya nitong hawakan. Nang hindi nito maulit iyon humakbang siya nang patalikod nang makalayo rito. Samantalang ang kaniyang alalay na si Arnolfo'y hinirang ang hawak na espada sa dibdibn ng binatang prinsipe na ikinatigil nito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" ang nanggagalaiting sabi ni Dermot dahil kawalan ng galang ang ginawa ni Arnolfo sa isang bughaw sa panahon na iyon. "Alisin mo iyang sandata mo!" pasigaw na dugtong nito. Hindi rin naman nakinig si Arnolfo dahil mas mahalaga nga rin naman dito ang kalagayan niya kaysa ang iwasan ang galit ng binatang prinsipe. Sa tindi ng galit ni Dermot nabaling nito ang mga iyon sa kaniyang alalay kung kaya nga bago mahuli ang lahat gumawa na siya ng paraan nang hindi sumiklab ang apoy sa pagitan ng dalawa. Naisip niyang mapapahamak lang ang kaniyang alalay kung wala siyang gawin. Wala rin naman siyang maisip na mabilis na gawin kundi ang sipain sa paa si Dermot. Sa lakas ng sipa niya ibinaling nito ang atensiyon sa kaniya na nanglilisik ang mga mata. "Tumigil ka na nga. Para ka namang batang naagawan ng kendi," aniya sa binatang prinsipe. "Ganito ba talaga kayo rito? Kahit hindi rin naman masama ang ginawa ng mas mababa sa inyo halos patayin niyo sila dahil hindi niyo lang nagustuhan." Tiningnan niya si Arnolfo upang sabihin dito na alisin nito ang sandatang nakaharang sa dibdib ng binata. Sumunod din naman sa kaniya ang alalay kapagkuwan ay umatras na lamang ito nang makailang ulit na niyuyuko ang ulo. "Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyong dalawa," pagbabanta ng binata sa kaniya. Pinakatitigan niya ito dahil doon. "Ganoon ba? Tutal wala ka rin namang balak baliwalain na lang. Hayaan mo na lang ako sipain ka sa paa," sabi niya rito't walang sabi-sabing sinipa niya nga ito ulit sa paa kaya lalong sumama ang mukha nito para sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin nito. "Ano? Gusto mong gumanti? Gawin mo na." Lumapit siya rito kapagkuwan ay tinapik niya ang kaliwang pisngi. Kumunot ang noo niya dahil nakatitig lang si Dermot kung kaya kinuha niya ang kamay nito nilapit niya kaniyang mukha. Nakuha niya pa ngang itapik-tapik ang kamay nito. "Sumuntok ka para matuwa ka. Pagbibigyan kita dahil mukhang doon ka masaya." Imbis na ikumyos nito ang kamay nanatili lang iyong nakabuka na nadidikit sa kaniyang pisngi. Hindi naman ito gumanti sa kaniya. Binawi na lamang nito ang kamay kasabay ng pagturo nito sa kaniyang noo kaya napatingala siya mga sanga. Sa puntong iyon lumakad na rin ito kasunod ang alagang puting aso. "Bilisan mo riyan. Hindi ko gustong naghihintay," sabi pa nito na hindi tumitingin sa kaniya. Nagtataka man sa pinakita ni Dermot binalewala niya na lamang iyon. Ibinaling niya ang kaniyang atensiyon sa kaniyang alalay. "Magpahinga ka na lang muna. O gawin mo na lang kung ano ang gusto mo," sabi niya kay Arnolfo na iniyuyuko pa ang ulo. Lumakad na rin siya nang lingunin siya ng binata na masama ang tingin. Naiwan nga ang kaniyang alalay sa ilalim ng puno sa kanilang pagbaba ng parang. Kumaway pa siya rito nang lingunin niya ito sa huling pagkakataon. Nang mapagtanto niyang palayo na ang binata nakuha na niyang tumakbo upang mahabol ito sa makipot na paibabang daan. Naging mabiis ang kaniyang pagtakbo kung kaya nang madulas siya dahil sa natapakang bilugang bato hindi siya kaagad nakatigil. Isama pa na nahihirapan siyang dalhin ang katawan ng prinsipe sa gaan niyon gawa nang nangangayat ito. Sa lapit na niya sa binata nabangga na lamang siya sa likod nito, dumikit ang kaniyang mukha sa batok nito habang mga kama niya ay naipigil niya sa balikat nito. Bigla rin naman itong napahakbang nang doble dahil sa pagkabangga niya ngunit nagawa rin naman nitong huminto kaya hindi sila gumulong habang nakapigil ang kamay nito sa kaniyang tagiliran. Hindi nito kailangang siya ay lingunin kaagad para malaman kung ano ang nangyari. Nang masiguradong maari na silang gumalaw nilingon na siya nito na hindi inaalis ang kamay sa tagiliran niya. "Ano bang ginagawa mo?" ang naiinis nitong tanong sa kaniya. "Nakita mong nadulas nagtatanong ka pa. Hindi ka naman bulag," hirit niya naman dito. Tinulak niya ito sa balikat papalayo habang inaalis ang kamay na nakahawak sa kaniyang tagiliran. Sa dakong iyon tumaas na ang mga talahib kaya hindi na rin matanaw ang likuran niyo, nagsasayaw ang mga talahib sa pag-ihip ng hangin. Ang alaga naman nitong aso ay wala roon, hindi niya alam kung saan nagpunta na hindi niya na rin nakuhang itanong pa sa binatang prinsipe. Naisip niyang nasa loob lamang ng talahib na naglalaro. "Alam mo rin naman siguro kung ano iyong salitang mag-ingat, hindi ba? Gamitin mo kaya iyang utak mo." Tinuro na naman siya nito sa kaniyang noo kaya pinalo niya ang kamay nito para matigil ito. "Makapagsalita ka parang sinasadaya ko naman. Naturingan kang prinsipe masyado namang magaspang ang ugali mo." Tiningnan niya ito nang tuwid kapagkuwan ay nilampasan niya na lamang ito nang mauna siya sa paglalakad. Hindi pa man siya nakalalayo rito huminto siya dahil sa sumangang daan. Sa ibang daan sila umakyat ni Arnolfo patungo sa parang kaya hindi niya alam kung anong daan ang kukunin niya. Hinintay niya na lamang si Dermot na naging mabagal lang paglalakad. Inakala niyang nagmamadali ito pagkatapos kung makapaglakad ito ay parang namamasyal lang na kasing bagal ng s**o. Pinagmasdan niya ito sa pag-uunahan ng mga paa nito hanggang sa makarating ito sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya nito binigyang-pansin sa pagtahak nito sa daang patungong kanan, hinayaan niya na lamang itong manahimik sa paglingon niya sa puting aso dahil hindi pa rin ito bumabalik mula sa talahiban. Kung kaya inilagay niya ang kaniyang mga daliri sa pagitan ng mga labi't sumipol nang malakas na dumidikdik sa kaniyang tainga. Mayamaya nga'y lumabas ng ang aso na mabilis na tumatakbo para makasunod sa kanila. Bahagyang nanlaki ang mata niiya sa dala ng alagang hayop. Kagat nito ang bibig ang abuhing koneho na mahahaba ang dalawang tainga. Maging ang binata ay napatingin sa aso kasabay ng pandalian nitong pagtigil sa paglalakad. Huminto ang puting aso sa kanilang harapan na dalawa na hindi pinapakawalan ang buhay pang koneho. Sumisipa pa ito sa hangin habang sinusubukang kumawala sa mga ngipin ng aso. Hindi rin naman ito hinahayaan ng mas malaking hayop. "Sinabi ko na sa iyo na huwang kang manghuli. Wala ka na sa kagubatan," paalala ng binata sa alaga na paa bang bata ito na matigas ang ulo't kailangang pangaralan. Tiningnan niiya ang prinsipe sa nakikita niya rito. "Marunong ka rin namang palang mahabag," aniya sa binatang prinsipe sa paglapit niya sa alagang aso. Wala siyang narinig sa binata na ganti sa kaniyang paghimas sa ulo ng aso habang ang isang kamay ay pinanghawak niya sa likuran ng koneho. "Bitiwan mo na," aniya sa puting aso kaya napapabuntong-hininga siya nang malalim. "Bakit naman hindi mo gustong pakawalan? Regalo mo ba sa akin?" dugtong niya nang maisip niyang iyon ang gustong sabiin ng alagang aso. Iginalaw din naman nito ang ulo bilang tugon. "Kaso nga lang hindi naman ako kumakain ng koneho. Pakawalan lang natin nang lalo silang dumami." Sa huling pagkakataon inalis niya ang koneho na nagawa na niya sa pagbukas ng aso sa bibig nito. Sinuri niya pa ang koneho kung mayroong sugat ngunit wala naman kung kaya ibinaba niya na ang koneho't pinakawalan na iyon sa lupa. Sa puntong binitiwan niya ang koneho mabiis iyong tumalon pabalik sa talahiban upang magtago. Nang hindi niya nakita ang koneho bumalik na siya sa paglalakad na sumasabay sa binatang prinsipe na sinimulang muli ang paghakbang, nauuna nito ng ilang hakbang dahil sa makipot na daanan. Samantalang ang alagang puting aso ay pumagitna na naman sa kanilang dalawa kaya napapatitig siya rito. Ilang sandali pa nga ay nakarating na rin sila sa malawak na puwang na kung na iniwanan ng binata ang dalawang kabayo na parehong kayumanggi ang kulay. Masyadong malalaki ang mabibilis na hayop dahil lampas sa balikat nila ang mga taas nito. Wala namang nakasukbit na mga gamit sa likuran ng mga ito maliban sa espadang itim ang kaluban kaya napapatitingin siya sa binata. "Iyan ang gamitin mo," saad ni Dermot nang ituro nitoang kabayong mas malapit sa kaniya na hindi kinasasabitan ng espada. Nilingon niya ang binata sa sinabi nito. "Akala ko ay nakapaghanda ka na. Pagkatapos wala ka namang dalang iba mga gamit,." "Hindi na kailangan. Hindi naman tao ang hahanapin natin," walang ganang sabi nito. "Sumakay na," dugtong nitong nag-uutos. Napabubuntong-hining na lamang siya dahil mayroon namang katuturan ang nabanggit nito. Umadyo na nga siya sa kabayo na inuunang ilagay ang kaliwang paa sa siya. Hindi naman siya nakatuloy dahil sa biglang paghampas ng binata sa puwetan ng kabayo. Sa lakas ng hampas nito tumakbo ang kabayo nang mabilis, nadala siya niyon dahil sumabit ang paa niya sa siya niyon. Tuluyan siyang nawalan ng balanse't impit ang kaniyang ungol sa pagkaladkad sa kaniya ng hayop, tumatama sa kaniyang likod ang mga tumatamang maliliit na bato. Liban pa roon naiipipikit niya ang kaniyang mga mata sa kapal na alikabok na nagagawa ng pagtakbo ng kabayo. Sa nangyari sumakay na rin ang binatang prinsipe sa kabayo't hinabol siyang nakaladkad ng kabayo kasabay ng puting aso. Inihampas nito ang tali ng kabayo na siyang nagtulak dito para matuling tumakbo. Nagawa naman nitong mahabol siya. Inabot nito ang tali ng kumaladkad sa kaniya na kabayo't pinatigil nito iyon sa pagtakbo. Nakuha pang humalinghing ang kabayo na itinataas ang dalawang mga paa sa unahan bago ito huminto. Sa puntong iyon napabuntong-hininga siya nang malalim dahil pakiramdam niya ay sumusobra na ang binatang prinsipe. "Ano bang problema mo talaga sa akin? Nakita mo namang hindi pa ako nakasakay nang maayos pagkatapos hinampas ang puwetan. Gusto mo atang mabalian ako ng buto," yamot niyang sabi. Hindi naman nagsalita ang binatang prinsipe na hindi niya malaman kung dahil kinakain ng konsensiya o wala lang talaga itong masabi. Sa inis niya rito hindi niya ito tiningnan nang alisin niya ang mga kumapit na alikabok sa kaniyang suot. Ipinagpag niya ang kaniyang mga kamay sa damit na siyang nagtulak sa mga alikabok na maglaro sa hangin. Nasisinghot pa niya ang mga iyon kaya npaubo-ubo na naman siya nang makailang ulit. Hindi siya tumigil hanggang mayroon siyang nakikitang puti, inisa-isa niya mula sa kaniyang balikat hanggang sa pang-ibabang pantalon at laylayn ng panglabas na roba. Naisipan niya pa ngang lalo pang bagalan ang paglilinis sa kaniyang suot nang uminit ang ulo ng binata. Hindi nga siya nagkamali dahil ito mismo ang nagtuloy sa usupang nilang dalawa. "Sumakay ka na. Masyado tayong tumatagal dito kahit wala namang gagawin," sabi nito kaya nilingon niya ito. "Matutong kang maghintay. Sino kaya ang mayroong kasalanan kaya naging ganito ang itsura ko," aniya rito dahil baka nakalilimutan na nito ang ginawa. "Kung hindi mo sana hinampas ang kabayo naroon na sana tayo." "Akala ko naman kasi magagawa mong makaakyat kahit na hampasin ko pa," pagdadahilan pa nito sa kaniya na para namang papaniwalaan niya. Sinamaan niya ito ng tingin. "Nakakahiya naman sa iyo. Ikaw na nga itong mayroong kasalanan. Nakuha mo pang magdahilan," maktol niya rito nang hubarin niya saglit ang panglabas na robang luntian ang kulay. Pinagpagpag niya iyon sa harapanng binatang prinsipe nang makailang ulit nang malanghap din nito ang alikabok. Matapos ng dalawang beses na pagpapagpag muli niyang isinuot ang panglabas na roba. Maingat niyang itinali ang tali niyon sa banda niyang dibdib kapagkuwan ay binalikan niya ang kabayo. Hinawakan niya ang tali niyon kapagkuwan ay inilayo sa binatang prinsipe dahil baka maisipin na naman nitong hampasin. Humarap siya sa binatang prinsipe nang makita niya kung ano pa ang balak nitong gawin. Maingat na inilagay kapagkuwan ang kaliwang paa sa siya, pagkaraa'y umadyo na sa kabayo na ibinubukaka ang hita paupo sa likuran ng hayop. Hinawakan niyang maayos ang tali ng kinasasakyan na tinitingnan ang binatang prinsipe. "Lumapit nga rito," utos nito sa kaniya. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "Ano na naman?" reklamo niya naman dito.. Humugot ito nang malalim na hininga na mahahalata sa pagbagsak ng balikat nito. Napapatitig na lang siya rito nang Inilapit nito ang kabayo sa kinasasakyan niya. Napalayo pa nga siya nang iiangat nito ang kamay sa pag-aakalang sasaktan siya ntio. Hindi naman pala siya nito balak na hampasin sa mukha. Inalis lamang nito ang mga kumapit na alikabok sa kaniyang buhok. Habang ginagawa nito ang bagay na iyon napatitig siya sa guwapo nitong mukha. Sinapo niya ang kaniyang dibidb dahil sa marahas na pagtibok niyon. Hindi siya nakapagsalita. Tinapos din naman nito ang paglinis sa kaniyang buhok kapagkuwan ay lumayo na ulit ito sa kaniya. Napatitig siya sa likod nito hindi lang siya naguguluhan sa pinapakita ng binata maging sa nararamdaman niya ang nalilito na siya dahil hindi niya mabigyan ng kahulungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD