NAGTUNGO sila sa isang baryo sa loob ng palasyo kung saan malayang naninirahan ang mga pamilya ng tagapasilbi, kawal at mga kawani ng pamahalaan. Makikita ang lugar na iyon katabi ng kakahuyan. Mababa lamang ang mga itinayong bahay sapat lamang panglaban sa lamig, ulan at init ng araw. Nasa bukana pa lamang sila niyon kapansin-pansin kaagad ang pagiging abala ng mga tao roon: mayroong mga kababaihan na nagsasampay ng kanilang mga nilabhan; mga lalaking nagbibilad ng pipinatuyong malalaking sili; naroon ding mayroong nagsisibak ng kahoy; nagpapalit ng bubong.
Nilampasan lamang nila ang mga unang nakatira roon na nakasunod ng tingin sa kanila na walang nakaguhit na ano mang ekspresiyon sa mukha ng mga ito. Humahabol ng paglalakad sa kanila ang puting aso. Hindi niya pinigilan ang sarili na lingunin ang mga ito sa mabagal na paglalakad ng kinasasakyan niyang kabayo.
"Ano bang ginagawa natin rito?" ang naitanong niya sa binatang prinsipe nang ibalik niya ang atensiyon dito.
Itinabi niya ang kinasasakyang kabayo sa sinasakyan nito na winasiwas pa ang mahabang buntot. Tuwid lang na nakatingin ang binata sa kanilang dinaraanan. "Nabalitaan kong mayroong mga nagigising na lamang dito tuwing gabi. Ang isa pa nga ay hindi na makagalaw sa sobrang takot," pagbibigay-alam sa kaniya ni Dermot.
"Gaano ka naman nakasisigurado diyan?" paniniguro niya rito nang tingnan niya ang nadaanang bahay. Naroong nakaupo lamang sa pintuan ang isang batang babae na malayo ang tingin. Hindi nga sila nito pinansin.
"Huwag mo na ngang itanong. May mga paraan ako para malaman," anang binatang prinsipe na puno ng kompiyansa sa sarili.
Naibabalik niya ang tingin dito dahil sa narinig. "Ano namang paraan?" ang sumunod niyang tanong.
Doon na siya pinagmasdan ng binatang prinsipe na nahuhulaan niya na kung ano ang ibig sabihin. Hindi na siya nagulat na bigla na naman itong nagalit sa kaniya.
"Hindi ka ba titigil? Sumunod ka na lang," mariin nitong sabi sa kaniya na pinalusot niya lang sa dalawa niyang tainga.
Naiiling siya ng ulo na susumunod dito habang patingin-tingin sa mga bahay na hindi naman magkakaiba sa isa't isa. Maging ito ay lingon nang lingon sa paghahanap ng tamang bahay. Hindi nga nagtagal matapos tumama ang tingin nito sa bahay na mayroong mga tambak ng panggatong sa kahoy pinahinto nito ang kabayo. Sarado ang mababang pinto ng bahay at wala itong bintana sa harapan. Maging siya ay ganoon na rin ang kaniyang ginawa, pinatigil niya ang kinasasakyang kabayo karugtong ang paghalinghing nito. Nagpadulas siya sa katawan niyon nang makababa siya na siya ring pagbaba ng binatang prinsipe kaya halos nagkasabay lamang silang dalawa.
Pagkatapok nang kaniyang mga paa sa malabot na lupa napatitig siya sa bahay dahil sa kung anong nararamdaman niya mula sa labas.
"Mukhang hindi ka nagkakamali sa pinunta natin dito," ang naisipan niyang sabihin sa binatang prinsipe.
Iniabot ito sa kaniya ang lubid ng sinakyan nitong kabayo. Napatitig siya sa kamay nito kapagkuwan ay nilapat sa mukha nito. "Dito ka lang. Bantayan mo ang kabayo baka mamaya mayroong tumakbo sa mga iyan," utos nito sa kaniya na hindi pa rin ibinababa ang hawak na tali. "Huwag mo ring iiwan iyang si Linus baka mamaya kung saan na naman iyan tumakbo."
"Sasama ako sa iyo sa loob," sabi niya rin naman dito.
Hindi niya kinuha ang iniaabot nitong lubid kung kaya nga ibinaba na lamang nito ang kamay. Pinagmasdan siya nito nang maigi. "Hindi ka nga puwedeng pumasok baka mamaya'y mayroong mangyari sa loob. Hindi ka rin naman makatutulong," sabi nito sa kaniya.
"Sino ang may sabi sa inyo na hindi?" paniniguro niya naman dito. Hinapo niya ang leeg ng katabi nyang kabayo sa paggalaw niyon para umalis.
"Hindi ako naniniwala na may magagawa ka katulad ng sabi mo kay ama. Hindi na kita usisisain kung ano ang sinabi mo sa kaniya para pagbigyan kang sumama sa akin."
"Para sabihin ko sa iyo wala naman akong sinabi sa kaniya dahil nakita niya mismo ang ginawa ko," mariin niya namang sabi rito. "Iniisip mo ba talagang masyado akong pumapapel para sa posisyong gusto mo?"
Sinalubong nito ang kaniyang tingin. Kinuha na lamang nito ang kamay niya dala ng inis. "Makinig ka na lang sa akin. Naiintindihan mo?" Inilagay nito ang tali sa kaniyang lubid kapagkuwan ay tinalikuran na siya nito.
Sumama ang tingin niya sa paglalakad nito patungo sa pinto. Nang makatayo nga ito roon kumatok ito nang beses bago siya pinagbuksan ng isang matandang lalaking lumuluma na ang suot. Napapatitig ito sa binatang pulis kapagkuwan ay tinanaw siyang nasa labas mula sa loob ng bahay.
"Mabuti naman dumating na kayo," sabi ng matandang lalaki na mahahalata ang takot sa mukha nito na nahaluan ng pagod nang ilang gabi nang walang tulog.
Pumanhik nga ng bahay si Dermot na iniyuyuko ang ulo nang hindi bumangga sa itaas ng mababang pinto. Bago pa isara ng matanda ang pinto nilingon siya ng binata para balaan naman siya na manatili sa kaniyang kinatatayuan. Sinamaan niya ito ng tingin para sabihin ditong wala siyang balak sumunod. Hindi na rin naman nito nakita iyon sa tuluyang pagsara ng matandang lalaki sa pinto.
"Isinama lang ako para magbantay," ang naisatinig niya sa pag-iisa niya sa daan na niyon. Tiningnan niya ang asong puti na ang mga mata ay nakapako sa bahay. "Ano sa tingin mo?" dugton niya kaya nilingon din naman siya nito. "Ginagawa niya akong alalay, hindi ba? Dapat magkasama kaming inaalam ang nangyayari rito pagkatapos magbabantay lang ako rito sa labas. Hindi tama ito." Sa inis niya naghanap na lamang siya ng maaari niyang patalain ng mga dalawang kabayo. Mayroon naman siya nakita ngunit sa kasunod pang bahay. Naroon ang karwaheng walang bubong naglalaman ng mga dayami. Dinala niya roon ang dalawang kabayo sa pagbuntot sa kaniya ng alagang puting aso. Itinali niya ang lubid ng dalawang kabayo sa gulong na kahoy ng karwahe't binaling ang tingin sa puting asong alaga. "Ikaw na lang ang magbantay dahil pakiramdam ko ikaw talaga ang taga-bantay niya kapag naiiwan ang kabayo. Tumahol ka lang nang tumahol kung mayroong balak kumuha rito sa mga kabayo. Tatakutin mo. Walang dapat kagatin." Pinakatitigan siya ng aso na mayroong kasamang pag-ungot kaya ginulo niya ang ulo nito. "Mabuti naman naiintindihan mo. Papasok na ako."
Bumalik siya sa bahay na pinasukan ng binatang prinsipe na malalaki ang paghakbang. Nakalapit siya kaagad doon na hindi kumakatok sa pinto. Tinulak niya laman iyon para malaman kung bukas. Gayunman nagulat pa rin siya nang kaunti dahil nga hindi iyon nakasara mula sa loob. Pumanhik nga siya ng bahay na walang pag-aalinlangan at hindi iniisip kung anong magiging reaksiyon ni Dermot. Hindi pa man niya naisasara ang pinto narinig na niya ang pagsasalita ng matandang lalaki.
"Nagpunta lang naman siya kakahuyan diyan lang sa likuran para kumuha ng halamang gamot pagkatapos nang bumalik siya ganito na siya. Hindi na siya makausap nang matino. Madalas na rin siyang natutulog," pagkuwento ng matanda.
"Sigurado ka ba na wala na siyang ibang pinuntahan?" ang naitanong ni Dermot.
Hindi na siya nagtagal sa pintuan kapagkuwan ay sinundan na niya ang pinagmumula ng pag-uusap. Dinala siya niyon sa isang silid kung saan naroong nakahiga nga ang isang dalaga. Sa tabi nito nakaupo ang matandang lalaki habang nakatayo lang ang binatang prinsipe na pinagmamasdan ang kalagayan ng dalaga. Kapwa napalingon sa kaniya ang dalawa nang makatayo siya sa pintuan ng silid. Sinamaan siya kaagad ng tingin ni Dermot na hindi niya pinansin dahil pinagmasdan na niya nang maigi ang dalagang nakahiga. Tumayo pa siya sa kanan ng binatang prinsipe nang makasigurado sa malapitan.
"Sino siya?" ang naitanong ng matandang lalaki sa kaniya. "Madalas kayong mag-isa na nagpupunta rito. Ngayon mayroon na kayong kasama."
Tiningnan siya saglit ni Dermot kapagkuwan ay inilipat sa matandang lalaki. "Nadaanan ko lang sa daan papunta rito. Namamalimos kaya isinama ko na," sabi naman nito na hindi rin naman totoo.
Sinipa niya ito sa paa kaya binigyan na naman siya nito ng matatalim na tingin.
"Huwag kayong maniwala rito. Nasisiraan lang ito ng isip," banat naman niya para marinig ng matandang lalaki't binaling sa binatang prinsipe ang tingin. "Anong balak mong gawin?" ang naitanong niya rito.
Huminga ito nang malalim. "Hahanapin ko iyong pinagmulan ng problemang ito para matigil na," sagot naman ito sa kaniya.
"Akala ko naman iba ang isasagot mo," sabi niya naman. "Umalis na tayo bago pa---"
Tinakpan ni Dermot kaagad ang bibig niya nang mahulaan nito kung ano ang sasabihin niya. "Aalis na kami. Sisiguraduhin kong magiging maayos na ang anak niyo ngayong araw," pagbibigay-alam ni Dermot kahit wala naman iyong kasiguraduhan.
Napatayo na lamang ang matandang lalaki dala ng tuwa. "Maraming salamaat sa inyo," anang matandang lalaki.
Nang aakmang maglalakad na ang matandang lalaki pinigilan na ito ng binatang prinsipe.
"Huwag mo na kaming ihatid sa pintuan," sabi ni Dermot sa pagtulak nito sa kaniya para maglakad.
Hindi na nito inalis ang nakatakip na kamay sa kaniyang bibig sa paglabs nila ng silid. Naiwan ang matandang lalaki na nakayuko pa rin ang ulo. Tinanggal lamang ng binatang prinsipe ang kamay nito nang nasa pinto na sila sa harapan ng bahay.
"Bakit pinigilan mo ako? Karapatan na malaman ng matandang lalaki kung ano ang mangyayari sa anak niya pagsapit ng gabi," sabi niya rito sa pagtiuna siya sa paglabas ng bahay.
"Iyon nga ang problema. Hindi mo dapat sinasabi ang ganoon sa matandang lalaki. Nakita mo na nga ang kalagayan niyang labis nang natatakot pagkatapos lalo mo pang tatakutin."
Natiigl siya sa sinabi nito. "Maruno ka rin naman palang mahabag," ang naisatinig niya sa binatang prinsipe. "Totoo ngang kahit gaano kasama ang isang tao mayroong pa ring katiting na kabutihan sa kanilang mga sarili. Hindi ka naiiba sa mga iyon. Mukhang magiging magkaibigan tayo kung ganoon ka. Dahil para na ring magkapatid tayo talaga mas mabuting maging magkaibigan talaga tayo."
"Malabo tayong maging magkaibigan. Wala akong planong makipagkaibigan sa iyo," nagpatiuna ito sa paglalakad kaya nilampasan siya nito.
"Huwag ka kung ayaw mo. Hindi naman kita pinipilit. Hindi ka kawalan. Sinasabi ko lang naman dahil mukha kang wala kang kaibigan." Humabol na rin siya sa paglalakad pabalik sa mga kabayo. Sinabayan niya ito sa pag-alis ng lubid sa gulong ng karwahe. "Kung ganoon ang kalagayan ng matandang lalaki hindi malayong ang nangbiktima rito ay mataas na klase ng demonyo. Hindi lang basta iyong mababa lang na hinahanap nating dalawa."
"Paano mo nalaman?" ang mayroong inis na sabi ni Dermot. Mabilisan itong umakyat sa sinasakyang kabayo.
Hindi rin naman siya nagpahuli't umadyo na sa kaniyang sinasakyang kabayo. "Sa dami na ng mga klase ng demonyong nakita ko nahuhulaan ko na kung ano."
Nagsalubong ang dalawa nitong kilay para sa kaniya dahil hindi ito naniniwala sa lumabas sa kaniyang bibig. Minabuti nitong patakbuhin na lamang ang kabayo kaysa ang pakipag-usap sa kaniya na tingin nito'y walang magagawa't masasabing makabuluhan.
Sinundan lang din niya ang pagpatakbo nito sa kabayo patungo sa likuran ng mga bahay kasabay ang puting aso. Nilampasan lamang nila ang taniman na hindi kakitaan ng magandang tubo ng mga tanim, karamihan sa mga tanim ay nanunuyot kahit na maganda naman ang panahon. Sa nangyayari hindi na pinagkaabalahang pang alagaan ng mga nakatira roon, iniwan na lamang na nakatiwangwang. Nagtuloy-tuloy lamang sila na hindi humihinto hanggang sa makalampas na sila sa taniman kung saan natanaw nila ang mga nakasabit na lubid at puting parihabang tela na pangtaboy sa mga masasamang nilalang na manggugulo sa baryo. Isinasayaw ng umiihip na hangin papasok ang nakasait na puting tela.
Binagalan nila ang pagpapatakbo sa mga kabayo habang naghahanap ng maari nilang lusutan papasok ng kakahuyan sa mga nakaharang na lubid. Nauna ngang pumasok ang puting aso sa paghahanap nilang dalawa. Dahil wala namang madadaanan ang ginawa na lamang ni Dermot ay inalis ang nakasukbit na espada sa likuran ng kabayo. Binunot niya ang matalim na espada't lumakad na ito palapit sa mga nakaharang na lubid. Pinauna niya ito na hindi rito nagsasalita sa pagtagpas nito sa mga lubid na pangtaboy. Inaalala niya man ang magiging epekto niyon para sa baryo hindi na lamang siya nagbigay pa ng komento para sa bagay na iyon. Hahanapin na rin naman nila ang nanggugulong nilalang sa lugar na iyon kaya hindi rin gaanong kakailanganin ang mga pangtaboy. Hindi lang basta isang hanay ang mga lubid dahil umabot pa iyon sa mga sumonod pang puno. Natapos lang sa pagtagpas ang binatang prinsipe nang makalampas na sa ikalimang puno mula sa bukanan ng kakahuyan.
Naghihintay sa kanila ang puting aso sa itaas ng malaking bato roon. Pagtama nila ng tingin dito umalis na ito sa ibabaw ng bato't lumakad na pailalim ng kakahuyan.
"Susundan natin siya," pagbibigay-alam sa kaniya ni Dermot kahit hindi naman nyia kailangan.
Naiintindihan niya rin naman kung anong ibig sabihin ng puting aso sa kanila kahit hindi ito nagsasalita. Sumunod din na lang siya rito sa katamtamang bilis na paglalakad lamang ng kabayong kanilang kinasasakyan na tikom ang kaniyang bibig. Iniikot niya lang ang kaniyang paningin sa mga nakapaligid na puno sa kanila. Lumilingon sa kanila ang puting aso sa pag-amoy nito sa lupa para malaman kung nakasunod sila rito.
Nabalot ng katahimikan ang loob ng kakahuyan dahil wala siyang marinig na ano mang huni ng mga ibon at pag-sumyap na mga kulisap. Hindi sila huminto sa paglalakad doon.
Ilang mga puno pa ang kanilang nilampasan nang tumigil na ang aso ilang hakbang bago ang paibabang lupa. Umungol pa ito nang malalim kaya alam na nila pareho ni Dermot kung ano ang nakita nito. Sa paglapit nga nila sa alagang aso natanaw nga nila ang nilalang na nasa dulo ng paibabang lupa, wala itong hugis kaya mistula lamang usok ang nakikita nila. Napapakunot ang noo niya nang makitang hindi ito gumagalaw, napansin niya rin ang ilang pares ng mga mapuputing mata na palipat-lipat sa iba't ibang parte ng nilalang.
"Hindi ito maganda," pagbibigay-alam niya sa binatang prinsipe. "Naghalo ng ang ibang mga demonyo. Siguradong hahanapin niyan ang iba pa para magsanib. Kung hindi natin pipigilan ngayon iyan mahihirapan na tayo lalo na kung madagdagan pa ang pagsasanib ng mga demonyo."
"Hindi mo kailangang sabihin dahil alam ko rin naman," sabi nito sa kaniya na mayroong pagkadisgusto sa tinig. "Huwag kang aalis dito kung ayaw mong mapahamak ka." Inalis nito ang espada sa kaluban niyon na gumawa ng matinis na tunog.
"Ano ang gusto mong gawin ko rito? Manood lang?" reklamo niya naman dito.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya sa pagbaba nito ng kabayo. "Bantayan mo siya Linus. Matigas pa man din ang ulo niyan," sabi pa nga nito sa puting aso kapagkuwan ay tumakbo ng paibaba ng lupa upang makalapit sa nilalang naroon sa dulo niyon.
Madilim ang nilalang kasing dilim na gabing langit na walang ano mang tala. Ang nadadampian ng walang hugis nitong katawan ay nabubulok kaya wala ng tuyong dahong at mga kahoy na makikita sa paligid nito. Buong tapang na lumapit ang binatang prinsipe rito na walang ano mang dala kundi ang espada. Hindi niya rin pinilit ang kagustuhang tumulong. Nanatili na lamang siya ibabaw ng paibabang lupa habang nakamasid sa ibaba katulad ng nais na mangyari ni Dermot. Hindi pa man nakalalapit ang binatang prinsipe sa nilalang sumugod na nito patungo rito. Maririnig mula sa nilalang ang pinaghalong mga atungal na ilang bilang ng mga demonyong nagsanib.
Sa pagharap ng binata sa nilalang itinagpas nito ang espada sa harapan na siyang bumawas sa walang hugis na katawan ng kampon ng kadiliman. Umatras saglit ang nilalang kapagkuwan ay muli itong sumugod ngunit katulad sa simula napaatras pa rin dahil sa pinapanghampas ng binata ng sandatang puno ng orasyon. Lumalamang man ang binatang prinsipe hindi pa rin naman nagpapigil ang nilalang, umikot ito nang mabilis sa paligid ng kinatatayuan ni Dermot. Hindi ito huminto hanggang sa naging ipo-ipo ang katawan nito na ikinukulong ang binatang prinsipe. Sinubukan pang makabawi ni Dermot ngunit kahit tumatama ang sanda nito hindi pa rin nawawala ang katawang usok na nawawala dahil napapalitan iyon kaagad ng pag-ikot ng nilalang. Nang mga sandaling iyon napagtanto niyang hindi marunong umusal ng kung ano mang orasyon ang binatang prinsipe sapagkat dahil kung alam nito ang paraang iyon nagawa na sana nitong makalabas sa nagawang ipo-ipo ng demonyo. Masyadong binigyang--pansin ng binatang prinsipe ang pisikal na aspento ng pagiging tagapagtaboy nito. Kung kaya nga naiintindihan niya kung bakit pinagsama sila ng dalawang hari kahit simpleng bagay pa lang naman ang naipakita niya rito, marahil hinulaan na lamang nitong nakagagamit siya ng ibang paraan panglaban sa ibang mga nilalang na makatutulong sa binatang prinsipe kung hahayaan siya nito. Sa kapal ng ipo-ipo hindi na niya makita kung ano na ang nangyayari sa binatang prinsipe.
Hindi na rin naman siya nakakilos sa balak niyang pagbaba ng kabayo nang lumusot ang mga ginintuang liwanag mula sa loob niyon. Sinundan iyon ng pag-ikot ng mga ginintuang magkakamukhang espada na siyang gumulo sa ipo-ipo. Lalo lamang pumalahaw ang nilalang na walang hugis sa paglayo nito sa binatang prinsipe. Pinanliit niya ang kaniyang mata kay Dermot dahil sa paglutang ng mga ginintuang espada sa likuran nito na gumawa pa ng hugis bilog. Ang unang espadang ginamit nito ay hawak pa rin naman nito sa kanang kamay. Hindi ito nag-aksaya ng mga sandali't itinaas ang kaliwang kamay, sa ginawa nito nagsiliparan ang mga espadang nakalutang sa likuran nito na siyang bumubutas sa nilalang nang paulito-ulit. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang nilalang maging buo ulit kung kaya para hindi ito tuluyang mawala naghiwahiwalay ang tatlong mga demonyong nagsanib-sanib. Nagsiliparan ang mga iyon papalayo sa iba't ibang direksyon. Hinabol ni Dermot ang isa samantalang ang isa ay hinabol naman ng puting aso. Hindi naisip ng binatang prinsipe na ang isang nilalang na walang hugis ay patungo sa kaniya at iniwan siya ng puting aso na siyang magtatanggol sana sa kaniya. Dahil dito kinailangan niyang tumalon ng kabayo paitaas nang hindi siya niyon madikitan. Sa pananatili niya sa himpapawid sumunod kaagad paitaas ang nilalang kung kaya kinagat niya ang hindi pa man naghihilom niyang hinlalaki. Paglabas na paglabas ng kaniyang dugo winasiwas niyang ang kaniyang kamay kung kaya ang dugo niya'y lumapad sa harapan na siyang naging harang niya sa papasugod na nilalang. Sa puntong bumangga ang nilalang sa ginawa niyang pananggalang ikinumyos niya ang kaniyang kanang kamao na siyang nagtulak sa kaniyang dugo na gumawa ng bilog na nagkulong sa nilalang. Sinubukan pang umatras ng nilalang ngunit nalamon pa rin nito ng bilugang kulungang gawa sa kaniyang dugo. Nang lumapag siya sa lupang nababalot ng mga tuyong dahon lumutang sa harapan niya ng bilugang kulungan. Bago pa man iyon makita ni Dermot inalis na niya iyon. Sa paglagay niya ng kaniyang daliri sa kaniyang bibig nilingon niya ang direksiyong pinuntahan ng binatang prinsipe. Naghintay pa siya nang ilang mga sandali sa pag-aakalang pabalik na ito ngunit lumipas na lamang iyon na wala pa rin ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na lamang ito na hila ang dalawang kabayo sa mga tali. Maingat siyang bumababa ng paibabang lupa kaya nakarating siya sa dulo niyon na hindi siya nadadapa.
Hinanap niya si Dermot sa kakahuyang iyon na nakita niya rin naman na kasama ang alaga nitong puting aso. Nang tingnan siya nito ibinalik nito ang espada sa kaluban nito.
"Mabuti naman walang nangyari sa iyo," sabi pa nito sa kaniya. "Nagiging matigas na rin ang ulo ni Linus. Nakukuha sa iyo."
"Huwag mo ngang isisi sa akin kung hindi siya nakikinig sa iyo. Ang sabihin mo hindi ka lang marunog mag-alaga," ganti niya naman dito.
"Wala akong panahon para makipaglaro sa iyo," pag-iwas naman nito sa kaniya. "Hahanapin ko pa iyong isang demonyo."
"Hindi mo na kailangang gawin pa iyon. Nawala na iyon."
"Paano naman nangyari sa sinasabi mo? Ano ang ginawa mo?" ang naitanong nito sa kaniya nang magkasunod.
Mas pinili niyang huwag na lamang sabihin kung paano nga ba nagawa niyang puksain ang nilalang. "Huwag mo na lamang itanong kung paano. Maging masaya ka na lang na nawala na dahil hindi na magugulo ang baryo."
Pinanliitan siya nito ng tingin bago ito humakbang patungo sa kaniya.
"Akin na iyan kabayo---"
Hindi nito naituloy ang sasabihin sa bigla nitong pagkawala sa harapa niya dahil sa patibong na natapakan nito. Sa lalim ng patibong lumampas ang taas niyon sa tangkad ng binatang prisipe. Binitiwan na lang niya muna ang tali ng dalawang kabayo't tumayo siya sa tabi ng patibong. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dermot na hindi na maiguhit ang mukha sa inis nito. Kahit na ang alaga nitong aso ay nakamasid din.
"Umakyat ka nga rito nang ikaw lang. Hindi ba sabi mo'y hindi mo kailangan ng tulong ng ibang tao," hirit niya rito sa nang-aasar na tinig. "Ipakita mo sa akin ngayon. Hintayin na lang kita sa kabayo. Kapag nagawa mo kakausapin ko na lang ang mahal na hari na baliin na lang niya ang utos niya."
Inalis na nga niya ang kaniyang sarili sa tabi ng patibong. Hindi pa man siya nakaiilang hakbang pabalik ng mga kabayo. Tumalon na mula sa patibong ang prinsipe kapagkuwan ay lumpag ito sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito nagkasalubong ang kanilang mga tingin.
"Siguraduhin mong kakausapin mo si ama," sabi pa nito nang lumakad na ito sa kabayo.
Hindi ito kaagad umakyat sa kabayo sa pagpagpag nito sa mga kumapit na lupa't tuyong dahon sa suot. "Alam mo ang gulo mo masyado. Ayaw mo akong makasama sa paghahanap ng mga nilalang. Pagkatapos gusto mo akong magsanay kasama ka."
"Magkaiba ang dalawang bagay na iyon," sabi nito sa kaniya nang makuha na rin itong ayusin ang suot. "Mapapahamak ka sa paglabas-labas. Samantalang sa pagsasanay ay hindi naman."
"Hindi nga ba? Samantalang halos patayin mo ako nang magkita tayo nang gabi. Ako ba niloloko mo?" bawi niya naman dito.
Napapabuntong-hininga na lang ito nang malalim habang nag-iisip.
"Sige kung gusto mo pa ring sumama sa akin sa paghahanap sa mga nilalang. Bahala ka. Pero huwag mong asahang tutulungan kita kapag maipit ka," paghahamon nito sa kaniya.
Naiintindihan niya rin naman na sinusubukan siya nito't tinatakot sa mga posibilidad na mangyayari sa kanila. "Walang problema. Kaya ko naman ang sarii ko." Lumapit siya sa sinakyan niyang kabayo't inunahan ito sa pagpapatakbo.
Hindi niya ito nilingon nang iwanan niya ito habang iniyuyuko ang ulo nang hindi siya matamaan ng mga sangang madadaanan niya kung mayroon man. Tumingin lamang siya sa kanan nang makita niyang pilit na sumasabay sa kaniya ang puting aso. Dahil doon lalo pa niya pang binilisan ang pagpapatakbo sa kinasasakyang kabayo. Pagkadaan niya sa malaking bato pinaliko niya ang kabayo roon samantalang ang aso ay inakyat iyon. Tumalon doon kapagkuwan. Nadaanan pa siya ng alagang hayop sa kaniyang uluhan bago ito lumapag sa lupa. Humarang ito sa harapan niya kaya bigla niyang napatigil ang kabayo, tumayo sa dalawang paa ang hayop kaya napakapti siya sa lubid na may kasamang paghalinghing bago ito huminto. Sa puntong iyon hinintay nila ang binatang prinsipe na kararating lang din.
Pinahinto nito saglita ang kinasasakyang kabayo para lamang pagsabihan siya.
"Huwag ka ngang basta na lang umalis. Paano kung mayroong mangyari sa iyo?" ang naiinis nitong sabi sa kaniya.
"Ano naman ang mangyayari sa akin? Wala na rin namang demonyo rito."
"Hindi lang sa mga nilalang ka dapat mag-ingat," ang mariin nitong sabi sa kaniya. "Kamuntikan ka na ngang madukot hindi mo pa rin isinasaisip mo ang kaligtasan mo."
Pinalakad na lamang nito ang kabayo imbis na makipag-usap sa kaniya. Hindi na rin namans siya nagtagal sa kakahuyan na iyon. Bumuntot na rin siya rito't hindi na sila nag-usap pang dalawa kahit nang makabalik sila sa pinasukan nilang bahagi ng kakahuyan. Hindi pa man sila nakalalabas natatanaw na nila ang matandang lalaki na naghihintay sa bukana ng kakahuyan na nakaguhit ang saya sa mukha nito. Napapatingin siya rito sa paglabas nila ng kakahuyan.
"Kumusta naman ang anak mo?" ang naitanong ng binatang prinsipe sa matandang lalaki.
"Mabuti na ang kalagayan niya." Pinahid nito ang nangilid na luha kapagkuwan ay yumuko ito ng ulo. "Maraming salamat ulit. Hindi ko na alam kung paano kayo mapapasalamatan."
"Huwag mo na lang alalahanin iyon. Responsibilidad naming tulungan ang kahit sinong nangangailangan. Alagaan mo na lang ang anak mo nang hindi na maulit ang nangyari sa kaniya," sambit ng binatang prinsipe sa pag-alis nito ng tingin dito. "Lalakad na kami."
Hindi na nakuha ng matandang lalaki na iangat ang ulo nito dala ng pag-iyak. Dahil wala na rin naman silang gagawin pa roon bumalik na sila sa daan na dinadaanan ulit ang mga taniman. Hindi pa man sila nakararating sa daan, naroon pa lamang sila sa pagitan ng dalawang bahay, hindi na niya napigilang magsalita.
"Ako nga ayaw mong tulungan. Hindi mo rin gustong tinutulungan. Ano na lang ba ang nakita ko sa iyo? Puro pakitang tao lang?" komento niya sa binatang prinsipe na siya ring paglingon nito sa kaniya. Hinarang nito ang kabayo sa harapan niya para pigilan siya sa paglalakad. "Ano?" paghahamon niya naman dito pero wala rin naman itong sinabi't tumuloy na lamang. "Pero sa tingin ko magiging mabuti kang hari. Basta maging malinaw lang ang isipan mo kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman nito na hindi nakatingin sa kaniya.
"Sa ngayon kasi sa napapanasin ko sa iyo hindi ka sigurado sa sarili mo. Hindi mo kilala ang sarili mo. Alam mo ba kung bakit ko nasabi kasi iba iyong sinasabi ng bibig mo sa ikinikilos mo." Nilapitan niya ito't tinapik sa balikat nang dalawang beses. "Kung ano man iyang nagpapagulo sa isipan mo hayaan mong makawala nang maging malinaw sa iyo kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo."
Mataman siya nitong pinagmasdan sa kaniyang mga mata na para bang mahahanap nito roon ang kasagutan sa mga tanong nito sa sarili. Nang wala naman itong mahanap humugot ito nang malalim na hininga kaya sigurado na siyang mayroong ngang gumugulo sa isipan nito.
"Wala kang alam sa akin kaya huwag kang magsalita ng ganiyan," sabi nito na nabahiran ng inis. "Umuwi na lang muna tayo dahil wala na rin naman tayong iba pang mapupuntahan. Mayroon pa akong gagawin."
"Iyon sinusubukan mo na nga lang tumulong napasama ka pa," ang naisatinig nito kaya sumama na naman ang tingin nito sa kaniya. Kung nakabubutas lamang ang tingin nito pihadong bumagsak na siya. "Huwag masyadong mainit ang ulo. Hindi ka magiging masaya kung ganiyan ka."
"Bakit ikaw ba naging masaya ka na?" ang naging banat nito na kaniyang ikinabigla.
Hindi niya inasahan na masasabi nito iyon sa kaniya. "Hindi," simple niyan tugon dahil kailanman ay hindi siya tunay na maging masaya. Tumatawa man siya minsan kasama ang mga kaibigan ngunit walang kahulugan iyon. Pinipilit niya lang sumabay nang hindi malungkot ang mga ito para sa kaniya.
"Iyon naman pala. Kaya huwag mo akong sabihin ng kung anu-ano dahil ikaw ang rason kaya hindi ko magawang maging masaya." Inalis nito ang tingin sa kaniya't iniwan siya nitong takang-taka.
Pakiramdam niya tuloy mayroon pang mas malalim na dahilan kaya para silang aso't pusa ng prinsipeng siya sa nakaraan bago pa siya mapunta sa panahong iyon. Hindi siya nito nilingon sa paglalakad ng kabayo sa daan. Humabol na siya rito kasabay ng puting aso bago pa siya nito mapag-iwanan.