SA PAG-UUSAP nilang iyon lumitaw ang demonyo sa likuran lamang ng matanda na naligo sa dugo. Wala rin naman itong nagawa dahil bago pa man nito masaktan ang binatang prinsipe tumarak sa likuran nito ang isang espada. Doon na lumingon ang binatang prinsipe sa demonyo na umaatras papalayo.
"Hindi ito ang katapusan ko." Hinawakan nito ang espada na binitiwan nito kaagad dahil napaso.
"Sino ang may sabi na maari ka nang umalis?" ang sambit ni Dermot na may bahid ng pagbabanta.
Naglaho ang espada na hawak nito sa mumunting ilaw kasama na ang nakatarak sa demonyo.
Umatras pa lalo ang demonyo sa narinig habang nasusunog ang bahagi ng katawan nitong walang anyo kung saan tumarak ang espada.
"Babalikan kayo," banta ng demonyo sa binatang prinsipe na pulang-pula ang mga mata.
Naglaho ito na parang usok na nilipad na hangin.
Matapos niyon binaling ni Dermot ang atensiyon sa kaniya. Kapagkuwan ay kapwa sila napalingon sa katawan ng matanda na walang malay-tao dahil biglaang mayroong humila sa paa nito pailalim ng dugo. Sinubukan niya pang habulin ngunit nahuli na siya, tanging sahig na lamang ang nahawakan niya.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim sa kaniyang pagtayo.
"Paano naman tayo makakaalis dito?" ang naitanong niya kay Dermot nang harapin niya ito.
Hindi naman siya kailangang sagutin ng binatang prinsipe sapagkat nabasag ang kawalan na kinalalagyan nila hanggang sa huling piraso. Napapigil na lamang siya ng hininga nang mawala ang kinatatayuan niyang sahig na nababalot ng dugo, muli na naman siyang nahulog na hindi alam kung saan na naman siya babagsak.
Sa ibaba ay naroon ang baryong pinuntahan nila. Sa bilis ng pagbulusok niya lalo pang lumamig ang hanging tumatama sa kaniyang mukha. Pinag-isipan niya pa ang kaniyang gagawin dahil tatama siya sa bubongan ng bahay sa harapan ng nasirang bahay ng matandang lalaki. Hinanap pa niya pa si Dermot kung kasama niya itong nahulog. Ngunit hindi niya ito nakita. Kung kaya nga binalik niya na lamang ang tingin sa ibaba upang paghandaan ang pagbagsak niya.
Nang mahigit limang dipa na lamang siya sa bubong mayroong humawak sa likuran ng kaniyang suot. Pagsulyap niya para malaman kung sino sumalubong sa kaniya ang mukha ng binatang prinsipe. Tinulungan siya nitong maiwasan na bumagsak sa ibaba na bali-bali ang buto. Ito ang kusang nagbuhat sa kaniya sa balikat nito na para bang isa lamang siyang troso. Ang isang kamay nito ay nakapigil sa kaniyang balakang nang hindi siya mahulog. Wala itong kahirap-hirap sa daan kalapit ng dalawang kabayo. Nagsiliparan pa ang mga alikabok paikot sa kanila dahil sa bugso ng hangin na dala ng kanilang paglapag.
Pagkatayo nito nang tuwid binagsak siya nito bigla na kaniyang ikinaupo sa lupa.
Sa balak niyang pagtayo tinutukan siya ng espada ng binatang prinsipe sa leeg na inilibas nito.
"Paano ka natuto ng mga bagay-bagay tungkol sa masasamang nilalang samantalang hindi naman iyon naituro sa iyo?" pag-usisa nito kaagad sa kaniya.
"Bakit mo ako tinatanong ng ganiyan? Naiisip mo bang isang pagkakamaling nagtanong ka. Binasa ko lang sa mga aklat."
Lalo pa nitong inilapit sa kaniya ang dulo ng espada. Dumikit na iyon sa kaniyang baba kaya naramdaman niya ang lamig ng bakal, kumislap pa ang talim niyon sa liwanag na nagmumula sa kalapit na poste sa tabi ng daan.
"Hindi ako naniniwala sa iyo," matigas nitong sabi.
"Huwag kang maniwala. Wala rin namang pumipilit sa iyo. Kung gusto mo akong saktan gawin mo na nang matapos na. Akala mo naman natatakot ako sa iyo dahil sa iba ka."
"Tumahimik ka!" sigaw nito na dumagundong sa paligid. "Ang tanong ko ang sagutin mo! Paanong hindi ka sinaniban?"
Nagmadali siyang nag-isip ng idadahilan para tigilan na siya nito. "Dapat sarili mo ang tinatanong mo nang ganiyan. Simpleng tao lang ako kaya huwag mo akong pag-isipan nang masama. Wala akong ginagawang mali. Sadyang masipag lang akong mag-aral," aniya sa binata kaya tumalim pa lalo ang tingin nito.
"Isa ka talagang malaking sinungaling."
"Pero maniwala ka wala akong kinalaman sa nangyari sa matanda," pamimilit niya naman dito.
Ibinaba ng binatang prinsipe ang hawak na espada sa tagiliran kaya nakahinga siya nang maluwag.
"Hindi pa niyon nasasagot kung bakit hindi naangkin ang katawan mo," paalala ng binata sa kaniya. "Ipaliwanag mo na kaagad bago pa magbago ang isip ko."
"Hindi ko nga alam."
Sa pag-angat ng binata sa espada paatras siyang gumapang para lumayo rito.
Pinalaho na rin naman nito ang hawak na espada sa mumunting ilaw. "Inaaksaya mo lang talaga ang panahon ko. Mahuhuli ako sa pupuntahan ko. Sabihin mo na sa akin. Ngayon na," mariin nitong sabi.
Naisipan din naman nitong alisin ang espada sa harapan niya.
"Siguro dahil sa tulong ng manggagaway na kakilala ko. Baka mayroon siyang ginawang orasyon para maprotektahan ako. Hindi ako sigurado dahil hindi naman iyon man lang nagsasabi sa akin. Nagugulat na lang ako minsan," aniya sa binata kaya pinakatitigan na naman siya nito nang mataman.
"Sino namang manggagaway ang sinasabi mo?"
Tumayo siya mula sa pagkaupo habang inaalis ang kumapit na tuyong dahon sa kaniyang suot. "Alam mong hindi ko puwedeng sabihin sa iyo," pagdadahilan niya naman dito.
Napaatras siya nang isang hakbang nang maglakad ito patungo sa kaniya. Inisip pa nga niyang dapat na siyang tumakbo na hindi naman niya naituloy dahil huminto ang binata sa paglapit sa kaniya.
Pinakatitigan siya nito nang maigi kapagkuwan ay tinalikuran na siya nito matapos ang ilang sandali. Hinatid niya na lamang ito ng tingin sa paglapit nito sa sinasakyang kabayo katabi ng puting aso.
"Mabuti pang umuwi na lang muna tayo," sabi nito sa kaniya nang hawakan nito ang tali ng kabayo.
Siya naman ay napapatitig sa bahay ng matandang lalaki na natupok ng sunod. Wala nang natirang ano mang kahoy na nakatayo. Tinigilan na rin niya ang pagtitig dito dahil sa klase ng tingin ng mga taong napapadaan, nakalimutan niyang puno nga naman ng dugo ang kanilang mga suot ni Dermot.
MALAMIG man ang panahon ngunit hindi niyon naisabay ang tubig sa bilugang banyerang gawa sa kahoy na inihanda sa kaniya ng dama. Hinaluan iyon ng pinakulong tubig kaya nagbibigay ng mainit na pakiramdam sa nakalusong niyang mga paa. Nakuha pang lagyan ng mga talulot ng bulaklak na siya namang nagbibigay ng bango. Matapos ngang pakiramdaman ang tubig tuluyan niyang hinubad ang kaniyang suot na walang iniiwang saplot, kahit na ang puting salwal ay nakuha niya na ring alisin sa kaniyang katawan. Ibinigay niya ang mga hinubad sa naghihintay lamang niyang alalay sa gilid ng paliguan. Naroon sila sa paliguan na mayroong malilit na bintanang parisukat na nasa gawing kaliwa niya kung saan lumulusot ang liwanag ng araw. Nang abutin nga nito ang kaniyang nga hinubad tuluyan na siyang lumulublob sa tubig hanggang sa leeg na iniiwang tuyo ang kaniyang buhok. Nakuha niya pang tumaghoy sa sarap ng init na binibigay ng tubig sa kaniyang balat.
"Ano bang nangyari sa inyo kamahalan ni Prinsipe Dermot?" ang naitanong sa kaniya ni Arnolfo. Itinatabi nito sa lagayan ng labahin ang kaniyang mga hinubad.
Naghilamos siya ng tubig nang hayaang manuot ang init niyon sa kaniyang mukha. "Mayroon kaming nakaharap na demonyo," sabi naman niya sa kaniyang alalay. Muli siyang naghilamos ng mukha nang maalis niyon ang mga nangyari na siyang gumugulo sa kaniyang isipan.
"Kaya naman ganoon ang itsura niyong nabalot ng dugo ang kasuotan," komento naman ng kaniyang alalay. "Liban pa roon mukhang nadagdagan ang inis niya sa inyo."
Natigil siya sa paghihilamos nang mapatingin siya rito dahil sa huling lumabas sa bibig nito.
"Paano mo naman nasabi?" Pinaglaro niya ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng tubig.
Dinagdagan nito ng pinakulong tubig ang banyera mula sa batya gamit ang pangsalok na kahoy na sumisingaw pa sa lamig na hangin.
"Nakikita ko lang sa kaniya kung paano niya kayo tingnan," tugon ni Arnolfo sa pagtigil nito. Hindi nito sinundan ang unang pagsalin nito ng mainit na pinakuluang tubig.
"Dahil marahil hindi niya gustong pahalagahan ng hari na mayroon din naman akong maiiambag," aniya nang ibalik niya ang atensiyon sa tubig. Ibinaba niya pa ang kaniyang katawan hanggang sa umabot na ang tubig sa kaniyang baba. "Kung tanungin niya ako kanina para bang hindi ako dapat matuto tungkol sa iba't ibang nilalang. Parang gusto niya ring sabihin na hindi na niya ako kilala."
"Hindi niyo siya masisi sa huling sinabi niyo. Ibang-iba na talaga kasi kayo ngayon, mistula na kayong nagiging ibang tao. Hindi na kayo tulad ng dati na nanahimik sa sulok," paliwanag nito na naiintindihan niya rin naman.
"Ngayong sinabi mo iyan. Marahil nga nagbago na nga ako. Hindi nga rin naman ako puwedeng manahimik na lang."
Kinuha niya ang telang magaspang na siyang pinangkuskos niya sa kaniyang katawan. Minsan pa ay naisip niyang paano kung malaman ng mga tao roon na hindi nga siya ang prinsipe ano na lamang ang gagawin niya. Wala naman siyang ibang alam na gawin para manatili siya roon kundi ang mananatiling magpanggap na siya nga ang prinsipe. Ngunit hindi niya magagawa iyon kung kulang ang alam niya sa kung anong klaseng tao ang prinsipe. Ang tanging alam niya lamang ay ang narinig niya mula sa binatang prinsipe kung anong pinaggagawa ng kaniyang nakaraang siya. Sa pag-iisip niyang iyon natigil siya sa pagkuskos ng kaniyang katawan.
"Kamahalan, baka lamigin kayo riyan. Tapusin niyo ang pagligo," paalala sa kaniya ni Arnolfo.
Sa narinig kumilos na nga siya sa batya. Mabilisan na lamang siyang nagkuskos kapagkuwan ay umahon na mula roon. Sa dami ng tubig na kumapit sa kaniyang hubad na katawan mabilisan ding nagsitulo ang mga iyon sa batya. Sa paghakbang niya palabas niyon inabutan siya ni Arnolfo ng pamunas na siyang ginamit niyang pangtuyo sa kaniyang katawan sa kaniyang pagtayo sa gilid niyon.
"Ano bang pag-uugali ang mayroon ako bago ako mawalan ng alaala?" ang naitanong niya sa kaniyang alalay sa pagpunas niya sa kaniyang basang buhok.
"Wala namang gaano. Liban sa madalas kayong bumuntot kay Prinsipe Dermot, tahimik lang naman kayo't malupit kayo sa ibang tao kahit na sa amin ni Magdalena," pagbibigay-alam sa kaniya ni Arnolfo. Hawak nito sa isang kamay ang pangloob na kasuotang kaniyang pamalit.
"Dapat ba akong bumalik sa pagiging ganoon?" ang naisipan niyang itanong para malaman lang niya ang opinyon nito.
Inabot niya rito ang pinangpunas na tela't binigay nito sa kaniya ang bagong kansunsilyo na kaniya rin namang isinuot.
"Kayo kung gusto niyo lang naman," saad ni Arnolfo na hindi tinatanong kung bakit ganoon ang naisip niya. "Naiintindihan naman namin kung bakit kayo nagkakaganoon. Alam naming mabait din naman talaga kayo. Hindi mo lang gusto kung paano naging ang buhay niyo."
Una niyang sinuksok ang kanang paa sa kansunsilyo kasunod ng kaliwa. "Paano mo naman nasasabi na mabait ako?" pag-usisa niya rito.
"May mga pagkakataon na iniiyakan mo ang namamatay na ibon," pagbibigay-alam nito sa kaniya.
Sinunod niyang isinuot ang pantalon. "Baka naman naiinggit lang ako sa mga ibon dahil sila malaya na samantalang ako nakagagalaw nga nakakulong pa rin naman dito sa palasyo," ang nasabi niya kaya natigil ito nang iniabot nito sa kaniya ang pang-itaas na pangloob.
"Marahil tama kayo. Hindi ko rin kayo masisi kung ganiyan ang naiisip niyo," pagsang-ayon naman nito sa kaniya.
Hindi siya nagkakamali sa bagay na iyon sa sapagkat nararamdaman niyang iyon ang mga salitang dapat niyang binitiwan. Wala na ngang lumabas sa kaniyang bibig sa pagtuloy-tuloy niya sa pagsuot ng mga damit na tatlong patong hanggang sa panghuling robang kulay berde.
Itinatali niya ang iyon nang pagbuksan siya ni Arnolfo ng pinto na bahagyang sumagitsit sa kinakabitan niyon. Lumakad na rin siya palabas kung saan naghihintay sa kaniya si Magdalena bitbit ang kaniyang sapatos. Lumuhod pa nga ito sa harapan niya kaya hindi niya ito napigilan, isinuot niya na lamang ang unang pares na inilalapit nito sa kaniyang paa. Samantalang si Arnolfo naman ay naiwang isinasara ang pinto ng paliguan.
"Naghihintay na iyong palankwin niyo sa labas sa kamahalan," pagbibigay alam ng dama habang inaayos nito ang pagkasuot ng sapatos sa kaniyang paa.
"Wala naman akong pupuntahan," aniya sa kaniyang dama nang isuot na rin nito ang huling pares ng sapatos.
Tumayo ito nang tuwid matapos maisuot sa kaniyang paa ang sapatos. "Nakumbinahan kayo ng hari ng hapunan," sagot nito sa kaniya. "Hindi kayo dapat tumanggi ngayon katulad ng ginagawa niyo dati," dugtong nito sa pagtitig nito sa kaniya.
"Lumakad na tayo kamahalan," saad ni Arnolfo kaya napalakad na lang siya sa pasilyo patungo sa harapan ng kaniyang tirahan.
Hindi nga rin naman siya makapipili. Hindi siya maaring umiwas sa imbitasyon dahil kailangan niya rin iyon para matuto siyang mamumuhay bilang prinsipe. Sa likuran niya lamang nakabuntot ang dalawa hanggang sa makarating sila sa portiko ng bahay. Naroon nga sa bakuran naghihintay ang palankwin na walang bubong. Nakatayo sa bawat gilid niyon ang apat na kalalakihan na kapwa magkakasingtulad ang suot na pulang roba't puting pangloob. Natatakpan din ang mga ulo nito ng sombrerong mapusyaw na puti ang kulay.
"Mag-ingat kayo roon kamahalan," ang naisatinig ng kaniyang dama na puno ng pag-alala.
Nilingon niya ito dahil sa lumabas sa bibig nito. "Bakit?" pag-usisa niya rito dahil pakiramdam niya ay mayroon siyang dapat malaman.
"Makikita niyo na naman iyong mga kamag-anak niyo roon. Paniguradong naimbitahan din ang mga iyon," sambit ni Magdalena.
"Iyon na pala't bakit kailangan kong mag-ingat?" naguguluhan niyang tanong sa dama.
"Pinagmamalupitan kayo ng mga iyon," ang nalulungkot na sabi ng kaniyang dama. "Hindi mo dapat ipaalam sa kanila na wala kang maalala baka lalo ka lang nilang kutyain."
"Huwag kang mag-aalala. Hindi ako mapapano roon," ang buong tiwala niyang sabi sa pagbaba niya ng portiko na tinatanaw ang kalaparan ng bakuran. Ibinalik niya ang tingin sa dama nang mapagtanto ang isang bagay. "Hindi ka ba sasama?" dugtong niyang tanong dito.
Iniling ng dama ang ulo nito bilang sagot. "Hindi ako pinapahintulutan doon sa pangunahing patyo," ang nalulungkot na sabi sa kaniya ng dama.
"Hayaan mo't kausapin ko ang hari para makapunta ka rin," aniya sa kaniyang dama.
"Huwag na kamahalan. Hindi ko rin gustong pumunta," ang mabilis na sabi sa kaniya ng dama na kaniyang ikinatango.
"Kung ganoon dumito ka na lang para mayroong tao dito." Tuluyan na niya itong tinalikuran kapagkuwan ay umakyat na sa palankwin.
"Bantayan mo siya nang maigi Arnolfo," sabi pa ng dama sa kaniyang alalay.
Hindi na rin naman sumagot ang kaniyang alalay sa pagbuhat ng apat na kalalakihan sa palankwin. Hindi man lang mahihirapan ang mga ito sa laki ng katawan ng bawat isa. Sa pag-andar ng palankwin sa katamtamang bilis lamang sumasabay sa kaniyang kaliwa ang kaniyang alalay na si Arnolfo hanggang sa makalabas sila ng tarangkahan.
Maaliwalas ang panahon nang hapon na iyon kaya magandang pagmasdan ang papalubog na araw. Hindi man niya natatanaw nagunit nakikita niya pa rin naman ang tinatapon niyong manilaw-nilaw na liwanag na siyang nagpapakaganda sa paligid. Nagsimula na ring humuni ang mga kuliglig mula sa mga puno na kanilang nadaanan sa gilid ng daan. Payapa ang hangin na para bang walang nangyayaring kung anong kaguluhan sa loob ng palasyo gawa ng ibang mga nilalang. Ang mga nakasasalubong pa nilang naglalakad ay tila walang iniisip na masamang bagay, nakaguhit sa mga ito ang saya habang nag-uusap sa paglalakad. Kung sana nga maging masaya rin siya katulad ng ibang mga tao roon gunit malabong mangyari nga naman iyon sa buhay niya dahil nga nakalimutan na niya ang mga salitang mayroong kinalaman sa ligayang nararamdaman ng isang katulad niyang tao.
Natigil siya sa kaniyang pag-iisip nang bigla na lamang mayroong tumalbog na bola patungo sa kaniya. Hindi naman siya nataamn iyon sapagkat nasalo niya bago pa man tumama sa kaniyang mukha. Pinagmasdan niya ang bolang gawa sa gumapang na halaman kasabay ng pagpahinto ni Arnolfo sa apat na lalaki sa pagtaas lamang ng hawak nitong espada. Ibinaba nga ng apat lalaki ang palankwin sa kanilang panandaliang pagtigil. Naalis niya lang ang tingin dito nang mabaling ang kaniyang atensiyon sa lumapit sa kanilang babaeng tagapag-silbi at ang batang lalaki. Lumuhod kaagad ang mga ito lupa pagtama ng tingin ng mga ito sa kaniya.
"Ginoo, ipagpatawad niyo ang nagawa ng aking kapatid. Hindi niya sinasadya na matamaan kayo," ang nanginginig na sabi na tagapagsilbi sa takot nito sa kaniya.
Yumuko ito ng ulo na isinasabay ng tulak para yumuko ang batang lalaki.
Doon niya nasabing iba nga rin talaga ang epekto ng mga nakaaangat sa mas mababa ang antas ng pamumuhay, puno ng takot ang katulad ng babae sa mga katulad niya. Hindi na inaangat ng tagapagsilbi ang ulo sa paghihintay nito na siya ay magsalita.
"Kunin mo na bata para makapaglaro ka ulit," sabi niya kaya napaangat ng tingin ang batang lalaki na hibdi napabsun ng tagapagsilbi. Pinakatitigan nito ang hawak niyang bola. "Tumayo ka na riyan. Hindi ito lalapit sa iyo kung hindi ikaw mismo ang kukuha."
Nag-alangang tumayo ang batang lalaki na pinigilan pa ng tagasilbi sa kamay. Pinakawalan lang ng babae ang kapatid nang tingnan niya ito.
Dahil doon nakalapit na rin sa kaniya ang batang lalaki. Wala rin naman siyang ginawang masama malayo sa naiisip ng tagapagsilbi. Inabot niya ang bola sa batang lalaki kapagkuwan ay ginulo niya ang buhok.
"Maraming salamat, ginoo," ang mahinang sabi ng batang lalaki nang mahawakan na nito ang bola.
"Habang bata ka pa ay sulitin mo na sa pamamagita ng paglalaro. Dahil pagtanda mo iba na iisipin mo. Wala na ang paglalaro." Ginulo niya ang buhok nito kapagkuwan ay bumitiw din naman kaagad. "Alam mo rin naman ang ibig kong sabihin, hindi ba?" dugtong niya na ginantigan ng batang lalaki ng isang tango.
Sa pag-atras ng batang lalaki ibinaling niya ang tingin sa kaniyang alala. Hindi niya kinailangang magsalita para malaman nito kung ano ang gusto niyang mangyari. Tinaas lang nito ang hawak na espasa kaya muling binuhat ng mga kalalakihab ang palankwin kapagkuwan ay nagpatuloy na sila. Nakuha niya pang kumaway sa batang lalaki sa kanilang paglayo, gumanti rin naman ito ng kaway kaya umayos na siya ng nang upo.
"Maganda iyong ginawa niyo kamahalan. Madalas niyong gawin ang ganoon siguradong magbabago rin ang tingin sa inyo ng mga tao?" ang nasabi ni Arnolfo sa kaniya.
Ibinaling niya ang atensiyon dito. "Sa tingin mo?" tanong niya naman na sinagot nito ng isang tango. "Pero hindi ko naman sinusubukang baguhin ang tingin ng mga tao sa akin. Hindi naman dapat na magalit sa bata dahil hindi naman sinasadya. Nauunawaan mo ba?"
"Naintindihan ko kamahalan," tipid nitong sabi sa kaniya.
"Malayo pa ba ang pupuntahan natin?" aniya sa kaniyang alalay nang ibalik niya ang tingin sa daan. Naroong pinagmamasdan sila ng ibang mga nakasasalubong.
"Hindi naman gaano. Bakit mo naitanong?"
"Nababagot lang ako sa bagal ng pag-andar natin," aniya sa kaniyang alalay kapagkuwan ay biglang naisip ang isang bagay. "Maglalakad na lang ako para mas mabilis," aniya na ikinatigalgal ni Arnolfo. "Sandali. Itigil niyo," dugtong niya para sa apat na kalalakihan.
Nagtatakang tumingin sa kaniya ang apat kahit na ang kaniyang alalay sa paghinto ng mga ito sa pagbuhat sa palankwin. Ibinaba ng mga ito iyon kaya nakaalis siya't nakatayo sa lupa.
"Hindi ka na dapat bumaba kamahalan?" ang nasabi ni Arnolfo sa kaniya.
"Maglalakad na nga lamang ako," sabi niya naman dito.
"Pero mapapagod kayo niyan."
"Hindi iyan. Kaya ko ngang lakarin ang pitong bundok," sabi niya sa kaniyang alalay at ibinaling ang atensiyon sa apat na kalalakihan. "Kayo naman bumalik na lang kayo sa inyo. Tapos na ang serbisyon niyo. Magsilakad na kayo't tutuloy na rin kami."
Hindi pa rin naman kumililos ang apat na kalalakihan kahit na itinaboy na niya.
"Kamahalan, pinadala sila mismo ng mahal na hari. Magtataka iyon kung bakit hindi ka dinala dinala bg palankwin," paliwanag ni Arnolfo sa pag-alala nito. "Baka magalit iyon sa inyo."
"Ako na ang bahala. Lumakad na tayo," sabi niya kay Arnolfo't nagpatiuna na siya sa paghakbang. Atubiling sumunod din naman ito sa kaniya dahil wala na rin naman itong magagawa sa naging desisyun niya.
Naiwan na nga lamang ang apat na kalalakihan sa gitna ng daan sa kanilang paglalakad. Nakuha niya pang tumingin-tingin sa mga nadadaanang damuhan kung saan makikita ang ilang aristokrata kasama ang mga babaeng magaganda ang kasuotan. Nagkakatuwaan ang mga ito habang papalubog ang araw. Hindi rin naman napako ang tingin niya sa mga ito kahit nakararamdam siya ng inggit. Ibinalik niya sa daan ang kaniyang tingin nang matandaan niya ang pinupuntahan.
Inikot-ikot niya ang kaniyang braso nang maramdaman niya ang naipong lamig doob. Isinipa-sipa niya rin ang kaniyang mga paa nang maiunat-unat dahil sa matagal na pag-upo sa palankwin.
"Magpahinga na lang muna kayo kamahalan. Mukhang napapagod na kayo," ang naisatinig sa kaniya ni Arnolfo.
Nilingon niya ito dahil sa pag-alalaa nito. "Hindi pa ako napapagod. Medyo nangangalay lang kamay ko't paa," aniya naman dito na iginagalaw pa rin ang kaniyang braso. "Huwag ka nga diyang masyadong mag-alala. Hindi naman ako bata."
Inalis niya ang tingin dito sa paglapit nila sa sumangang daan. Lumabas mula sa gawing kanan ang isa pang palankwin na buhat ng apat na kalalakihan na kaparehas ng suot sa mga sumundo sa kaniya. Hindi sa mga ito napako ang tingin niya kundi sa nakaupo sa palankwin na binatang prinsipe.
Nakasuot ng pangmaharlikang kasuotan si Dermot na madilim ang asul na kulay. Mayroon iyong disenyong ginintuang dragon sa harapan at manggas na humugis pabilog. Nagbibigay ng kung anong babala kung paano ito maupo nang tuwid. Bumagay dito ang kasuotan lalo na't nagtataglay ito ng magandang mukha. Habang nakatitig siya rito kumakabog na naman ang kaniyang dibdib sa hindi niya malamang dahilan. Isa lang ang nasabi niya nang mga sandaling iyon tunay nga isa itong prinsipe. Nasapo niya pa ang kaniyang dibdib para patigil iyon ngunit hindi naman nanngyari.
Itinaas nito ang kamay na nagpatigil sa apat na kalalakigan nang makita nitong naglalakad lamang silang dalawa ni Arnolfo.
"Hindi ba dumating ang pinadala sa iyong palankwin kaya naglalakad ka ngayon?" ang naitanong nito sa kaniya.
Ibinaba niya ang kamay mula sa dibdib. "Dumating din naman. Pero nabagalan ako kaya pinabalik ko na lang," sabi niya naman dito.
"Nasisiraan ka ba ng ulo. Inaalis mo sa kanila ang prelibihiyong magtrabaho," paalala sa kaniya ni Dermot "Hindi mo dapat ginawa iyon. Responsibilidad nilang manilbihan."
"Kahit na nakikita mong nahihirapan? Dapat hinahayaan mo na lang magpahinga ang mga tagapagsilbi. Bakit kailan ko pa silang pahirapan kung puwede naman akong maglakad."
Pinagmasdan siya nito nang maigi. "Hindi mo alam ang sinasabi mo," banat sa kaniya ni Dermot.
"Sasabihin ko ba kung hindi?" hirit niya rin naman dito nang hindi siya nito maliitin. "Kung naiinggit ka bumaba ka na lang din diyan at maglakad na lang."
"Bakit naman ako maiinggit sa ginawa mo? Hindi ako naiinggit sa iyo?"
"Hindi naman pala kaya tumuloy ka na lang. Kami naman ay maglalakad lang talaga. Magpapanggap akong hindi ka kilala para kapag mayroon nakakita sa atin hindi sila mag-iisip kung bakit naglalakad ako't ikaw ay nakasakay pa sa palankwin," ang mabilis niyang sabi kapagkuwan ay pinagpatuloy ang paglalakad. Naiwan ang binatang prinsipe na masama ang tingin sa kaniya. Nakuha niya pang ilagay ang kamay sa likuran nang hindi nakababagot ang kaniyang paglalakad. Nililibang na lamang niya ang kaniyang sarili sa mga nakikita niya sa daan.
Sa kanilang paglalakad mayroon silang nadaanan na isang matandang lalaki na pilit na hinihila ang karwaheng puno ng uling. Hindi naman nito nagawa dahil pumasok ang gulong niyon sa malalim na butas sa daan. Sa nakikita niyang paghihirap ng matandang lalaki lumapit siya kaagad sa likuran ng karwahe. Tinulungan niya itong matulak nang maalis ang gulong sa butas kahit na hindi alam ng matanda. Napapasunod na lang din sa kaniya si Arnolfo na nakuha ring magtulak. Sa paghila nga muli ng matanda kasama ang pagtulong nilang dalawa ng kaniyang alalay naalis na nga ang gulong ng karwahe. Dahil sa pag-alog ng kawarhe nang bahagya, nahulugan pa siya ng uling sa mukha na tumama pa sa kaniyang balikat Nagulat na lamang ang matanda kaya napapasilip na lamang ito sa likuran. Nang makita sila nito kaagad nitong niyuko ang ulo.
"Maraming salamat sa inyo. Akala ko ay matatagalan pa ako rito sa daan," ang nasabi ng matanda na habol ang hininga.
Napapatitig siya sa ayos nito na kahit matanda na ay nakuha pang magtrabaho. "Saan niyo ba dadalhin ang itong uling para matulungan namin kayo?" ang naitanong niya rito.
"Hindi niyo na ako kailangang tulungan. Magagawa ko na itong dalhin sa bahay na pinapasukan ko. Nahirapan lang ako sa dahil lumusot sa butas," sabi naman ng natandang lalaki. Muli itong pumuwesto sa unahan ng karwahe't hinawakan ang dalawang kahoy na nakakabit roon. "Maraming salamat ulit," sabi ulit nito sa paghila na nga nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim habang pinagmamasdan ang paglayo ng matandang lalaki dahil sa ibang direksiyon ang pupuntahan nito. Nakasalubong pa nito ang binatang prinsipe sakay ng palankwin. Yumuko ng ulo ang matandang lalaki kay Dermot kaya ang binatang prinsipe ay isinenyas ang ulo indikasyon na tumuloy na ang matandang lalaki. Nakikita niya namang sa tinitirahan ni Dermot dadalhin ang uling. Sa nalaman tumuloy na siya sa paglalakad dahil wala na siyang magagawa pa para matulungan ang matanda, mas pinili nga naman nitong gawin ang trabaho na walang nakukuhang tulong sa ibang tao.