MINABUTI niyang pagmasdan na lamang ang paglubog ng araw habang pinag-iisipan kung tama nga bang manatili siya sa loob ng palasyo. Mamulamula ang sinag na pinapakawalan ng araw na nagkalat sa kalangitan, sumasalamin ang liwanag niyon sa kaniyang balintataw. Kung tatakas naman siya hindi lang mapapahamak ang mga taong nagbabantay sa kaniya. Hindi niya na rin masisilayan ang kaniyang ina na namatay sa kasalukuyan nang siya ay sampung taong gulang pa lamang. Kahit maraming taon na ang lumipas malinaw pa rin sa kaniyang alaala ang maganda nitong mukha na kinaiinggitan ng kanilang mga kapitbahay. Kung kaya nga nang pumasok ang reyna sa pinaglagyan niyang silid kaagad niya itong nakilala. Nasira lamang ang kagandahan ng kaniyang ina matapos siyang ipanganak. Hindi nito matanggap na isinilang siya nito na siya ring naging dahilan kaya ito nakipaghiwalay sa kaniyang ama.
Hindi na natuloy ang pagtakbo ng kaniyang isipan sapagkat naputol iyon ng pagdating ng dama. Dala nito sa dalawang kamay ang maliit na trey na kahoy na pinaglagyan nito ng panglinis sa sugat at ang puting telang pangbigkis. Nag-alangan itong lumapit sa kinauupuan niya dahil sa asong nakatitig dito.
"Abutin niyo na lang. Dito ko na lang ilalagay," sabi ng dama nang ilapag nito ang trey sa dulo ng papag. "Nakatatakot kunng paano tumingin ang aso sa akin," dugtong nito sa pag-atras nito't tumabi sa nakatayong si Arnolfo.
Inabot niya nga ang trey na dinala ng dama gamit lamang ang kaniyang paa nababalot ng manipis na bota. Hind naman siya nahirapang ilapit iyon sa kaniyang kinauupuan. Tiningnan niya nang maigi ang botilyang naglalaman ng gamot sa sugat. Nakuha niya pang buksan iyon kasunod ng pag-amoy dito na nagtulak sa kaniya paara ngumiwi dahil sa kakaibang amoy niyon.
"Ano bang klaseng gamot ito? Parang pinaghalo ang lahat ng masasamang amoy sa loob ng isang bote," ang nasabi niya sa pagsara niya sa botilya.
Binitiwan niya na lamang iyon para masuri niya ang nasugatang paa ng aso.
"Katas iyan ng iba't ibang halaman mahal na prinsipe," pagbibigay alam ng dama sa pagkuha niya ng bulak sa bilugang sisidlan.
"Kaya naman pala," ang nasabi niya't napatitig siya sa dalawa. Hindi kumikilos ang mga ito sa kinatatayuan ng mga ito. "Bakit hindi na lamang kayo maupo diyan. Ako ang nahihirapang tumingin sa inyo. Masyado namang malapad ang papag pagkatapos nakatayo lang kayo riyan. Sayang naman ang bakante."
"Huwag niyo na kaming isipin mahal na prinsipe. Simplang bagay lamang para sa amin ang pagtayo nang matagal," saad naman ni Arnolfo.
Napabuntong-hininga siya nang malalim para sa dalawang nagbabantay sa kaniya. "Kung iyan ang gusto niyo, wala na akong magagawa diyan. Huwag niyong isisi sa akin na sumasakit ang buto niyo pagsapit ng gabi."
Inilagay niya na lamang buong atensiyon sa aso para malinis ang sugat nitong sa paa. Binuksan niya ulit sa ikalawang pagakakataon ang botilya't binasa ang bulak sa isa niyang kamay. Marahan niyang kinuha kapagkuwan ang paa ng aso na nasugatan. Iyong nga lang hindi kaagad nagpalinis ng sugat ang aso na para bang alam nito ang ilalagay niya sa sugat. Binabawi nito ang sariling paa't pinapagpahinga. Ngunit hindi siya nagpapapigil kaya hinila niya ulit an gpaa ng aso't pinagmasdan ito nang masama. Sa ginawa niyang iyon bigla na lamang siya kinagat ng sa kaniyang pulsuhan. Nagulat pa ang dalawa nang masaksihan ng mga ito ang nangyayari.
"Sabi ko pa ng sa iyo mahal na prinsipe," bulalas ng dama dala pagkabigla.
Tinaas niya ng kamay na may hawak sa bulak para pigilan ang dalawa sa paglapit ng mga ito sa kaniya. Pinasmadan niya kapagkuwan nang mariin ang aso't inalis nga ng hayop ang ang ngipin nito sa kaniyang kamay. Hindi naman napano ang kaniyang kamay dahil kahit gasgas wala naman iyon. Sa nakita ng dalawa nakahinga ang mga ito nang maluwag.
"Sa susunod huwag kang mangagat. Tandaan mo iyon. Masamang tao lang ang dapat kagatin mo," aniya aso na para namang maiintidihan nito ang lumalabas na mga salita kaniyang bibig. "Puwedeng ang amo ang kagatin mo dahil mukhang masamang tao iyon."
Mabilis niyang nilinis ang sugat nito na nahiwa ng kung ano. Bahagya siyang nahirapan sa paggalaw ng aso kasabay ng pag-ungol nito nang malalim. Nagawa niya rin namang nalinisan iyon kahit ang kumapit na dugo sa maputi nitong balahibo. Ang sinunod niyang ginawa ay ang balutin ng tela ang paa nitong nasugatan.
Tinatapos niya ang pagtali nang bigla na lamang dumating ang binatang prinsipe roon. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ang matapang na saad nito sa kaniya.
Napalingon siya rito na kapapasok pa lamang sa pabilyon. Ang dalawa namay ay umatras pa nang lakad nang makadaan ang prinsipe.
Sinalubong niya ang matalim nitong titig. "Ginamot ko ang sugat niya. Nakikita mo rin naman," sabi niya rito't tinuloy ang pagtali sa tela na nagpakunot sa noo ng binata.
Matapos niya ngang balutin ang sugat sa paa ng aso nanakbo ito pasalubong sa lumapit na binata. Tumalon-talon ang aso sa pag-akyat nito sa papag. Sumipol lamang ang binata't tumigil na ang alaga. Naupo na lamang ito sa papag ilang hakbang ang layo sa kaniyag habang siya ay pinagmamasdan.
"Paano mo naman napaamo si Linus? Ano naman ang ginawa mo?" ang naitanong sa kaniya ng binata sa pagtayo nito kalapit ng harang.
Nanatili ito roon nang mapagmasdan ang papalubog na araw.
"Bagay sa kaniyang ang pangalan niya. Wala naman. Nilapitan ko lang siya," sabi niyang sabi rito. "Huwag mo na akong singilin ng naitulong mo sa akin. Nakabawi na ako sa iyo. Saka huwag mo ngang turuan ang alaga mo na mangagat ng ibang tao. Nagiging masama tuloy siya't nawawala ang pagiging mabait."
"Huwag mo nga akong turuan. Sadyang ganiyan na iyan bago ko pa iyan makita sa kakahuyan," sabi ng binata sa pag-upo na rin nito sa papag na magkatagpo ang mga paa.
"Kaya naman malapit ang loob ko sa kaniya. Pareho kaming lumaki sa gubat."
Tiningnan siya ng tuwid ng binata sa lumabas sa kaniyang bibig.
Ilang hakbang lang ang layo niya rito't pumagitna sa kanila ang lumipat ng puwesto na puting aso. Kung pagmamasdan silang dalawa sa malayo para silang magkaibigan na nilalasap ang kagandahan ng papalubog ng araw. Iisipin talaga ng mga hindi nakakilala sa kanilang dalawa na magkasundo siang dalawa.
Nang ngumuyngoy ang aso hinapo niya ang ulo nito na hindi nakatingin dito. Hindi niya inalis ang tingin sa haring araw. Napalingon lamang siya sa binata nang maipatong nito ang kamay nito sa ibabaw ng kamay sa balak din nitong paghimas sa aso. Pareho pa silang nagkatitigan na dalawa na tumagal din ng ilang mga sandali. Magkasabay din silang tumingin sa magkapatong nilang mga kamay. Nang pareho nilang mapagtanto ang nangyari kapwa nila binawi ang mga kamay. Hindi na siya nagsalita patungkol doon sapagkat wala nama niyong epekto sa kaniya ngunit ang binata ay napaubo nang isang bese sa pagsabit ng kung ano sa lalamunan nito.
Sa pananatiling tikom kanilang mga bibig bumalot sa kanilang dalawa ang katahimikan kung kaya malinaw nilang naririnig ang paghuni ng mga ibon na sinasabayan ng huni ng mga kulisap.
Nabasag lamang ang katahimikan sa pagitan ng dalawa nang magsalita ito.
"Anong nangyari diyan sa mukha mo?" ang naisipan nitong usisain.
Sa naging katanungan nito nahapon niya ang kaniyang pisngi na pagkahanggang mga sandali na iyon ay namumula pa rin. "Huwag mo na lamang itanong. Para namang interesado ka talagang malaman ang nangyayari sa akin."
"Huwag mo na lamang sagutin kung ayaw mo. Ang dami mo pang sinasabi," maktol naman sa kaniya ng binatang prinsipe. "Hindi dapat magsalita nang ganiyan ang katulad mong prinsipe."
Tinitigan niya ito dahil sa pinagsasabi naman ito. Hindi rin naman ito nagdalawang-isip na salubongin ang tingin niya kung kaya naglaban na naman sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.
"Tigilan mo nga ako sa mga ganiyang paandar mo, " aniya rito na hindi nito gaanong naintindihan na mahahalata sa pagkunot ng noo nito. "Siyanga pala, libangan mo pala ang magpapinta habang nakipagtatalik," dugtong niya nang ibalik niya ang tingin sa papalubog na araw.
"Hindi mo dapat sinasabi ang mga salitang ganoon na para bang simpleng mga salita lamang iyon," paalala naman nito na para bang isa siya itong guro na dapat niyang sundin.
"Wala namang masama sa sinabi ko," pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.
"Saan mo naman napulot ang pinagsasabi mo?"
Humarap siya ng upo patungo rito para makausap niya ito nang maayos. "Nakita ko mismo ang iginuhit na larawan mo kasama ang babae sa isang libro," pagkuwento niya.
"Ano?" ang naiinis namang sabi nito sa kaniya. "Sigurado ka ba?"
"Oo. Kasasabi ko nga lang."
"Kalimutan mo ang kung ano man ang nakita mo. Malabong magpapinta ako habang nakikipagtalik. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo katulad mo."
"Huwag ka nang mahiya. Hindi naman kita huhusgahan," pamimilit niya rito para aminin nito ang bagay na iyon.
"Makulit ka ba? Sinabi ko na sa iyong wala akong ginagawang ganoon." Tumaas na rin ang boses nito na masyadong malakas.
"Masyado namang mainit ang ulo mo," banat niya rito.
"Ikaw ang mainitin ng ulo sa ating dalawa," ganti naman ng binatang prinsipe.
"Marahil tama ka," sabi niya na lamang dahil hindi niya guston makipagtalastasan pa rito kung sino ang mayroong mali sa kanilang mga sarili.
Naubusan na rin naman siya ng sasabihin sa prinsipe dahil wala naman siyang ibang alam dito. Kung kaya nga itinikom niya na lamang ang kaniyang bibig sa paglipas ng mga sandali. Maging ang prinsipe ay tahimik lang din na nakaupo't hind na siya nito pinagmamasdan. Kapwa nakatutok ang kanilang mga mata sa nagtatago ng araw. Sa pananatili nila sa pabilyon na iyon unti-unting humalik ang dilim, tinabunan niyon ang naiiwang liwanag ng araw. Sa pagdilim nga ng paligid naglaro sa ibabaw ng lawa ang mga umiindap-indap na alitaptap ng mistulang naging mga tala. Ang ilan pa sa mga ito ay lumipad patungo sa kanilang kinauupuan. Nakuha niya pa ngang itaas ang kamay para dumapo sa kaniya ang lumapit na alitaptap na nangyari rin naman. Ngunit hindi rin naman nagtagal sa palad niya ang alitaptap umalis din nama nito kaagad.
Nabaling niya lamang ang kaniyang atensiyon sa prinsipe nang tumayo ito mula sa pagkaupo.
"Bumalik ka na sa tirahan mo," utos sa kaniya ni Dermot kapagkuwan ay tinalikuran na siya nito.
Sa paglalakad nito'y bumangon na rin ang nakatulog na aso. Hindi niya ito hinatid ng tingin sa muli niyang pagmasid sa mga alitaptap. Napatitig siya sa mga ito dahil sa lalong pagdami ng mga lumalapit sa kaniyang kinauupuan.
"Tara na mahal na prinsipe para makakain na rin kayo ng iyong hapunan," pagtawag sa kaniyang pansin ng dama.
Napapabuntong-hininga na lamang siya sa narinig. Hindi na nga rin siya nagtagal pa sa pabilyon at tumayo na siya para pagbigyan ang nagbabantay sa kaniyang dalawang umaalalay.
PAGKABALIK niya sa kaniyang silid naupo lamang siya sa sahig sa likuran nang malapad na bilugang mesa. Nakasunod lamang ang kaniyang tingin sa dama na naghahanda ng kaniyang hapunan. Sa dami ng mga inilalagay nitong mga malalim na mangkok na naglalaman ng iba't ibang luto hindi kaagad ito natapos. Malayo sa kaniyang inasahan na simpleng hapunan ang ibinigay sa kaniya nang gabing iyon. Ang nais niya lamang ay kanin na paparisan ng mainit na sabaw. Magiging sapat na iyon sa kaniya kahit isang linggo na namang walang laman ang kaniyang kawawang tiyan dahil sa mahaba niyang pagkatulog. Sadyang inihanda ang mga luto upang magbalik ang kaniyang sigla kung kaya karamihan sa mga iyon ay puro mga karne
Sa pagtitign niya sa mangkok napapalunok siya ng naipong laway sa kaniyang lalamunan. Nanlalaki na rin ang kaniyang mga mata dahil sa pagkagutom. Sa kaniyang paghapo sa kaniyang tiyan binilisan pa ng dama ang pagkilos nito. Inayos nito nang pagkalagay ang mga mangkok sa pagsiksikan ng mga iyon sa bilugang mesa upang walang mahulog sa sahig.
Itinigil niya lamang ang pagtitig sa nakahaing pagkain nang tingnan siya ng dama nang tuwid. Umayos siya nang upo para maitago niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura.
"Puwede na kayong kumain mahal na prinsipe," sabi ng dama sa kaniya nang bitiwan nito ang huling mangkok na naglalaman ng nilagang manok.
Kinuha nito ang trey na pinaglagyan nito ng mga dinala nitong pagkain mula sa sahig kapagkuwan ay tumayo na ito nang tuwid. Paatras pa itong lumayo sa kaniya dala ang trey patungo sa kinatatayuan ng alalay niyang si Arnolfo na naroon sa sulok ng silid na iyon. Nagmistula nang estatwa si Arnolfo sa hindi nito paggalaw. Tinabihan ito ng dama't kapwa siya pinagmasdan ng mga ito na para bang ang pagkain niya ng hapunan ay isang palabas.
Sa pananahimik ng dalawa sa sulok hinawakan na nga niya ang ginintuang kutsara't pinagmasdan kung alin ang kaniyang uunahin sa mga pagkain. Hindi naman siya kaagad nakasubo nang mapalingon siya sa ginang sapagkat mahalata ang paglunok nito ng laway dulot ng pagkatakam. Hindi nga rin lang naman siya ang wala pang nakakain.
Pinagmasdan niya nang maigi ang kalagayan ng dalawa na para bang mga daga itong nagtatago sa nangangain na pusa. Napapabuntong-hining na lamang siya para sa mga ito.
"Sabayan niyo na ako dahil hindi ko naman mauubos ang mga ito kahit sobrang gutom na ako," pagyaya niya sa mga ito habang isinisenyas ang hawak ng ginituang kutsara upang lapitan siya ng mga ito. "Sa tingin ko ay hindi rin kayo kumakain pa dahil sa pagbabantay niyo sa akin. Huwag niyo nang sayangin ang pagkakataon dahil hindi rin ako sigurado kung mauulit pa ito."
Sinalubong ni Arnolfo ang kaniyang tingin na isang indikasyon na mayroon itong masasabi. Hinintay niya nga na ito ay magsalita para malinawan siya sa posisyon niya bilang isa rin namang prinsipe katulad ni Dermot.
"Hindi kami pinahihintulutan na sabayan kayo sa pagkain, mahal na prinsipe. O kahit sa ano pang bagay na ginagawa mo," paalala ni Arnolfo sa mababa nitong boses. "Dahil sa nakalimutan mo maging ang bagay na iyon dapat niyo iyong tandaan nang hindi ka na magkamali sa susunod kapag kumain ka sa ibang mesa rito sa palasyo kumain. Hindi mo maaring yayain ang sino mang hindi kabilang sa antas niya. Narito kami para pagsilbahan kayo't wala nang iba pang dahilan," ang mahabang paliwanag sa kaniya ni Arnolfo.
Sinapo niya ang kaniyang batok sa pananait niyon sapagkat hindi niya nagugustuhan ang mga pinagbabawal ng mga dugong bughaw na katulad niya. Kailanman ay hindi siya matutuwa sa bagay na nahahati sa mga iba't iba antas ang bawat tao. Dahil nga sa napunta siya sa nakaraan mas matibay ang mga paniniwalang nabuo sa loob ng palasyo.
"Baguhin na natin ang kasanayan na iyon," aniya rito nang maupo na ito sa harapan niya.
"Hindi nga maaari, mahal na prinsipe. Sana ay maintindihan mong pinagbabawal ang gusto niyong mangyari," pagbibigay diin ni Arnolfo.
Pinagmasdan niya ang kaniyang alalay sa mukha. Nakikita niyang seryoso nga ito sa mga sinabi nito. Iyon nga lang hindi niya naman maatim na kumain habang alam niyang mayroong nagugutom na ibang tao sa silid na iyon.
"Kung ganoon lang din naman. Hindi na lang din ako kakain." Binagsak niya ang ginintuang kutsara na kumalansing pa sa pagtama niyon sa gilid ng mangkok.
"Kumain ka na, mahal na prinsipe. Hindi maganda sa inyo na hindi kumain," paalala sa kaniya ng dama nang ito na ang magsalita. "Tingnan mo nga ang katawan mo't nangangayat ka na nang sobra." Hinawakan nitong mabuti ang ginamit nitong trey sa paglilipat ng kaniyang hapunan.
"Gagawin ko lang ang kumain kung sasabayan niyo nga ako. Bahala kayo kung mayroon na namang mangyari sa akin dahil sa gutom baka maparusahan pa kayo." Pinagtagpo niya ang kaniyang dalawang braso sa kaniyang dibdib para ipakita sa mga ito na hindi siya magpapatibag. Nagkatinginan ang dalawa't nag-usap sa pamamagitan ng tingin. "Maupo na kayo rito. Isipin niyo na lamang na isanag lang akong normal na tao't hindi isang dugong bughaw kung naiilang kayo sa bagay na iyon."
Hindi pa rin kumilos ang mga ito kaya sinimulan niya na lamang pagligpit sa mga pagkain. Hindi niya naman naituloy sa paglapit ng dama sa mesa.
"Uupo na kami. Hindi mo na kailangang itabi ang mga pagkain," sabi ng dama sa paghakbang nito kasabay ng kaniyang alalay.
Binitiwan niya nga ang unang mangkok na kaniyang nahawakan. "Mabuit naman kung ganoon," aniya sa dalawa. Kinuha niya ang dalawang giinintuang kutsara na nakatabi't inilagay niya ang mga iyon sa gilid ng mesa kung saan pupuwesto ang dalawa. Nag-aalangang maupo ang mga ito pero tinuloy pa rin naman. "Huwag na kayong mahiya. Huwag na rin kayong mag-aalala na mayroong makakita sa inyo. Tayo-tayo lang naman dito," dugtong niya nang maalis ang kung ano bagabag na nararamdaman ng mga ito nang sandaling iyon.
"Nakakapanibago kayo talaga, mahal na prinsipe," ang naisatinig ni Arnolfo nang bitiwan nito sa sahig ang hawak na espada sa tagiliran.
Tiningnan niya ang kaniyang alalay na nasa gawing kanan niya dahil sa nasabi nito. "Hindi ko ba talaga ginagawa ang ganito?" paniniguro niya nang maintindiha niya ang pag-uugali ng prinsipe.
"Hindi," simpleng sabi naman ng Dama na napapalunok naman ng laway.
Nakapako ang tingin nito sa tinolang manok na nasa harapan niya kung kaya kinuha niya iyon. "Hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin ko dati," pagsisinungaling niya nang magmukhang siya talaga ang prinsipe na pinagsisilbihan ng mga ito. "Simulan niyo na para pareho tayong mabusog." Inilipat niya ang manok sa harapan ng dama kaya nagliwanag ang mukha nito sa saya. Naghanap pa ito ng kung ano sa kaniyang mukha para siguraduhin na ibinibigay niya nga iyon dito. "Kainin mo na. Parang gusto mong kumain niyan. Hindi ka ba nakakain ng manok ni minsan?"
"Tama kayo, mahal na prinsipe," anang dama't wala na ngang pag-alinlangan na nilantakan ang tinolak manok. Hinawakan nito ang mangkok para mahigop nito nang maayos ang sabaw.
Sa pagiging abala ng dama sa pagkain nito ibinaling niya ang tingin sa kaniyang alalay. "Sige na, Arnolfo. Ano bang hinihintay mo? Susubuan pa ba kita?" biro niya rito na ikinagulat din naman nito.
Iniling nito ang ulo para sa kaniya. "Hindi, mahal na prinsipe. Natutuwa lang ako na gusto mo kaming sabayan kaya hindi ko alam ang gagawin," sabi naman ng kaniyang alalay.
Napatango-tango siya sa narinig. "Kaya nga kumain ka na riyan bago lumamig ang mga pagkain," utos niya rito dahil mukha talaga itong hindi kikilos kung hindi niya pa uutusan. Pinili nitong unahing kainin ang insaladang gulay. Nilagyan niya rin ng mga kanin ang mga ito na nakalagay sa maliit na mangkok. Sa ginawa niya iyon nagmukha siyang siya ang tagapagsilbi sa kanilang tatlo. Nang masigurado niyang kakain nang mabuti ang dalawa sinimulan niya na rin ang kaniyang hapunan. "Siyanga pala. Sino pa ba ang ibang pamilya ko rito maliban sa ina ko?" ang naisipan niyang itanong. "Mayroon ba akong mga kapatid?"
"Mag-isang anak lang kayo mahal na prinsipe," pagbibigay-alam ng dama kahit na mayroong laman ang bibig nito.
Nang mapagtanto nitong hindi dapat ito nagsalita tinakpan nito kaagad ang bibig na nakangiti. Binalikan nito ang kinakaing manok na malapit na nitong mapangalahati kahit na kasisimula pa lamang nila.
"Pero mayroon kayong malayong kamag-anak," sabi naman ni Arnolfo na marahang sa pagkain. "Ang kapatid ng mahal na reyna na punong ministro ng digmaan."
"Sa tono ng sinasabi mo mukhang bigatin ang punong misitro," ang nasabi niya sa kaniyang alalay.
"Tama kayo riyan," ang mahina nitong sabi na malapit na pagiging pabulong na para bang mayroong mga taingang nakakabit sa dingding ng silid na kanilang kinalalagyan. "Kinatatakutan siya ng lahat. Masyado siyang makapangyarihan. Siya ang may-ari ng pinamakaraming lupain sa kaharian."
"Kaya kung makita niyo siya umiwas na kayo kung mayroong pagkakataon," segunda ng kaniyang dama na hindi inaalis ang tingin sa kinakain.
"Paano naman magagawa ng mahal na prinsipe ang umiwas? Wala siyang maalala. Hindi niya natatandaan ang itsura ng punong ministro," ang nasabi ng kaniyang alalay na totoo rin naman. Nagkipit-balikat ang dama para sa alalay. Ibinaling nito ang tingin sa kaniya para ipagpatuloy ang pag-uusap. "Bakit niyo pala naitanong mahal na prinsipe?" dugtong nito sa huli.
"Wala naman. Gusto ko lang mayroong maalala tutal mananatili naman ako rito sa palasyo. Magsisimula iyon sa mga taong malapit sa akin. Tama iyong nga ang dapat kong gawin." Sumubo siya ng kanin na mayroong halong inihaw na karne.
Sinabi niya lamang iyon nang hindi siya paghinalaan ng dalawa na nagpapanggap lang naman siya. Hindi niya naman balak na manatili sa palasyo ngunit dahil nalaman niya na ang tunay na dahilan kung bakit siya naroon nagbago ang kaniyang isip. Mananatili na lamang siya roon habang nag-iisip ng gagawin para makabalik sa kasalukuyan. Naisip niya rin kasing kung magiging prinsipe siya matutulungan niya rin ang kaniyang kaibigan na maalis ito laylayan ng kahirapan.
Natigil sa pagkain ang dama dala ng pagkagulat. Hindi nito inasahan na sasabihin niya iyon. "Tama ba ang narinig namin mula sa inyo?" ang naitanong bigla ng dama na ginantihan niya ng isang tango. Naiyak pa nga ito na ikinakunot ng noo nito. "Mabuti ngang ganoon na ang naisip niyo mahal na prinsipe. Huwag na talaga kayong umalis ng palasyo dahil mapapahamak lang talaga kayo sa labas." Humikbi na naman ito sa pagsubo nito ng tinolang manok.
"Isa lang ang dapat niyong tandaan," ang seryosong sabi ng kaniyang alalay.
"Ano naman?" pag-usisa niya naman dito.
"Mayroon dahilan kaya sinabi ko sa iyong umiwas sa punong minstro kasama ang buong pamilya nito. Iyon ay dahil kinamuhihiaan ka ng mga iyon. Tingin nila ay isa ngang salot. Kung hindi lang dahil sa mahal na hari hindi malayong pinatapon na kayo sa malayong lugar."
Hindi na siya nagtaka sa narinig na maging sa panahon na iyon ay mayroong diskirminasyon. "Huwag kang mag-aalala, itatak ko talaga sa isip ko nang hindi ko makalimutan."
Sa pag-uusap nilang iyon ng kaniyang alalay nagsalita naman ang dama.
"Siyanga pala mahal na prinsipe. Mayroon pa lang ibinilin sa iyo si Prinsipe Dermot," sabi ng kaniyang alalay. "Pinasasabi niya sa inyo."
"Ano naman ang sinabi ng taong iyon? pag-usisa niya rito.
"Sabi niya sa susunod huwag kayong basta na lamang tumakas sa amin nang hindi na maulit ang kamuntikang pagdukot sa inyo. Tama rin naman si Prinsipe Dermot. Wala naman kaming ibang hangad kundi kaligtasan niyo kaya nagiging mahigpit kami sa iyo," pagpapatuloy ng kaniyang alalay sa mga nauna nitong nasabi kasabay ng pagtapos nito sa pagkain.
"Alalahanin ko."
"Maging ang pagkawala ng alaala mo'y hiindi mo dapat ipahalata sa ibang tao," dugtong ni Arnolfo sa kaniya.
Kumagat siya prinitong hita ng manok. "Bakit naman hindi?" taka niya rin naman tanong dahil hindi niya naman makita kung bakit kailangan niyang gawin ang sinabi nito.
"Magagamit laban sa iyo ang kalagayan niyo. Maraming naghihintay na maipabagsak ka."
Napabuntong-hininga siya nang malalim sa narinig. Tinapos niya na rin ang pagkain sa pag-inom niya ng tubig. "Masyado namang mahirap tumira rito sa palasyo," ang nasabi niya't nahiga siya sa sahig kapagkuwan ay pinikit niya ang kaniyang mga mata. Hindi niya nais kumilos sa labis na kabusugan.
Sa nakikit ang dama sa kaniya huminto ito sa pagkain habang nagpupunas ng bibig gamit ang inilabas nitong panyo.
"Ihahanda ko na ang inyong higaan para makapagpahinga na kayo," sabi ng dama kaya tinaas niya ang kamay niya para mapigilan ito.
"Ako na ang gagawa. Ituloy niyo lang ang pagkain niyo riyan," aniya sa dama sa kaniyang pagtayo.
Iniwan niya nga ang dalawa sa mesa't nilapitan ang tukador na pinaglalagyan ng mga sapin sa pagtulog. Napapasunod na lang ng tingin sa kaniya ang mga ito nang ilabas niya ang makapal na sapit. Inilatag niya iyon sa isang paghabyog lamang dito't sinunod niayang inilabas ang pares ng unan at ang kumot na panglaban niya sa lamig. Nang maayos niya nga ang higaan pinagpag niya pa ang unan.
Naupo siya sa higaan habang nililingon ang dalawa. Hindi na kumain pa ang kaniyang alalay habang ang dama ay hindi pa rin nabubusog.
"Kami na ang bahalang magligpit ng pinagkainan mahal na prinsipe. Trabaho ko rin naman ito. Matulog ka na," ang nakuha pa nitong sabihin.
Hinayaan niya na nga lang ang dalawa dahil wala rin naman siyang balak ng ligpitin ang pinagkainan ng mga ito sa pagbigat ng kaniyang mga talukap. Sa narinig tuluyan na nga siyang humiga nang nakatahiya, sumuksok siya sa ilalim ng kumot nang hindi niya gaanong maramdaman ang lamig. Nang ipikit niya ang kaniyang mga mata naririnig niya pa ang dama na patuloy lang sa pagkain. Mistula itong naging preso na labis na nanabik sa mga pagkain sa labas ng piitan. Napapaungol pa ito sa sarap.
Hindi pa man nakatatagal na nakapikit ang kaniyiang mga mata bigla na lamang niyang naisip ang isang bagay. Sumagi sa kaniya na paano kung matulog siya ulit at makababalik na siya sa kasalukuyan na wala namang naghihintay sa kanya na mga kaibigan. Hindi niya gustong mangyari iyon kaagad dahil wala pa nga siyang nagagawa para mabago ang kaniyang buhay. Ngunit nang mapagtanto niyang ilang araw nga rin naman siyang tulog na wala namang nangyayari sa kaniya inalis niya sa kaniyang sarili ang pagkabagabag. Muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya talaga ay pagod na pagod ang katawan niya. Marahan ang kaniyang paghinga sa unti-unting paghila sa kaniya ng gabi para matulog nang gabi. Ang ingay na gawa ng pagkilos ng dalawa'y naglalaho sa kaniyang pandinig. Wala rin naman siyang ibang naramdaman kundi ang pagtibok ng puso sa kaniyang dibdib.