Kabanata 12

4507 Words
HINDI nagtuloy-tuloy ang kaniyang pagkatulog dahil naputol iyon kahit na wala namang maingay sa kinalalagyan niyang silid. Nagising na lamang siya sa kalagitnaan nang gabi kung saan tahimik ang lahat. Pagkamulat niya ng kaniyang mga mata binati siya ng disenyong dragon sa kisame na kumikinang sa pagtama ng liwanag rito na gawa ng parihabang pailaw na naglalaman ng kandila, nakalagay ang pailaw na iyon sa gilid ilang hakbang ang layo mula sa kaniyang kinahihigaan. Katabi ng higaan na iyon ang nakaupong alalay niya, nakatulog ito na nakapatong ang isang kamay sa nakatayong tuhod, ang ulo naman nito ay nakasandig sa dingding. Naamoy niya pa nga ang halimuyak ng bulaklak na pinapakawalan ng kandila. Sinubukan niya pang muling ipikit ang kaniyang mga mata upang bumalik sa pagtulog, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na siya nahuhulog sa pagkahimbing. Muli niya na lamang iminulat ang kaniyang mga mata sa kaniyang pagbangon nang nakaupo. Naghanap siya ng maari niyang gawin sa silid na iyon ngunit wala naman siyang makita. Kapag ganoong nagigising siya nang mga ganoong oras ang madalas niyang gawin ay ang manood ng mga palabas gamit ang kaniyang cellphone. Iyon nga lang wala namang ano mang makabagong teknolohiya sa panahon na iyon. Humugot siya nang malalim na hininga dala ng pagkadismaya. Liban pa sa kaniyang nararamdaman naiinis na siya sa nakabibinging katahimikang nakabalot roon. Minabuti niya na lamang na umalis sa kaniyang higaan, tinanggal niya ang nakatabong maputing kumot na mayroong mga bordang ginintuang dragon sa kaniyang katawan. Dumulas lamang iyon sa kaniyang mga kamay nang makuha niya na iyong bitiwan. Hindi na ginalaw ng kaniyang alalay ang kaniyang damit kaya suot pa rin niya ang berdeng panglabas na sinadyang inihabi para sa kaniya kahit sa kaniyang naging pagtulog. Matapos niyon dahan-dahan siyang tumayo nang hindi siya makagawa ng ingay kapagkuwan ay isinuot ang bota na nakatabi sa harapan ng mga tukador. Hinawakan niya ang unang pares ng bota't sinuksok ang paa niyang mayroong sapin na medyas. Napatigil pa siya sa pag-suot ng unang bota nang marinig niya ang pag-ungol ng kaniyang alalay. Dahil doon nilingon niya ito sa pag-aakalang nagising niya nga ito. Pagtama ng kaniyang mga mata sa natutulog na alalay hindi na siya gumalaw. Nabinbin ang kaniyang paang nakasuksok ang mga hintuturo. Sa kabutihang-palad hindi naman kumikilos ang kaniyang alalay sa kinauupuan nito. Mistula pa rin itong estatwa sa naging posisyon nito, lumalabas lamang ang mahinang ungol mula rito dahil sa panaginip na naglalaro sa isipan nito habang tulog. Nang ibalik niya ang atensiyon sa bota tinuloy niya pagsuot doon. Iginalaw-galaw niya pa ang kanang paa sa loob niyon nang hindi niya maramdaman ang sikip niyon. Nang maramdaman niya ang luwag isinunod niya na ang kaliwang paa sa naiiwang pares ng bota. Pagkaraa'y lumakad na siya na tinutumbok ang bintana na nasa gawing silangan ng silid. Muli na naman siyang natigil nang yumangitngit ang kahoy na sahig na kaniyang nilalakaran kahit sa unang dalawang hakbang pa lamang siya. Dahan-dahan niya namang nilingon ang kaniyang alalay na nang mga sandaling iyon ay nakaupo pa rin. Hinintay niya pa ang ilang segundo bago siya muling kumilos. Nang makita hindi naman nakarating sa tainga nito ang ingay tinuloy niya ang paghakbang. Kung sa simula ay buong paa niya ang kaniyang pinangtatapak, nakuha niya na ang tumingkayad na katamtaman lang ang bilis na para bang isa siyang magnanakaw na tumatakas sa bahay na pinagnakawan. Kahit na naging mabagal siya sa paglapit sa bintana nakarating din naman siya roon na hindi na nakakagawa ng ingay sa kahoy na sahig. Tikom ang kaniyang bibig na hinawakan niya ang dalawang sara ng bintana. Maingat niyang inalis ang kahoy na panara na pigil ang kaniyang hininga. Hinayaan niya lamang nakasandig ang kahoy sa dingding sa tabi ng bintana. Kapagkuwan ay tinulak na niya ang dalawang sara kung kaya nga pumasok ang napakalamig na simoy ng hangin, higit niyang naramdaman ang lamig sa kaniyang mukha. Hindi na siya nagtagal sa loob, humakbang na siya sa bintana na inuuna ang kanang paa bago pa mamalayan ng kaniyang alalay na lalabas na naman siya na hindi nagpapaalam. Pinangtampak niya ang paa sa portiko na hindi pa rin gumagawa ng ano mang ingay. Sa huling pagkakataon nilingon niya ang kaniyang alalay nang ilabas niya na rin ang isa pa niyag paa. Hindi naman niya nais na takasan pero kailangan niya talagang lumabas sapagkat kung mananatili siya roon na wala namang ginagawa para na siyang mababaliw. Pagkatayo nga niya sa portiko nang tuwid sa dalawa niyang mga paa binalik niya sa pagkasara sa bintana. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang maglapat ang dalawa sara kung kaya binitiwan niya rin iyon. Sa paglingon niya sa kadiliman ng gabi hindi niya rin naman malaman ang gagawin. Ano nga rin naman ang gagawin niya sa labas gayong nasa lumang panahon siya. Sigurado siyang walang ibang mga tao sa labas kundi ang mga nakakalat na kawal lamang na gising kapag gabi. Malayong-malayo sa kasalukuyan na kahit gabi ay mayroon kang mapupuntahang libangan katulad na lamang ng mga computer shop. Naisip niyang puntahan ang tinitirahan ng reyna ngunit hindi niya naman alam kung saan ito naninirahan sa loob ng palasyo. Sa laki ng lupain ng palasyo pihadong maguguluhan siya sa paghahanap kung gagawin niya. Mapagkakamalan pa siyang mayroon gagawing masama kung makikita siya ng mga nakakalat na kawal. Nakalimutan niyang itanong sa kaniyang dama ang tinitirahan ng reyna kaya wala na siyang ibang mapupuntahan. Hindi rin naman niya puwedeng gisingin ang kaniyang alalay dahil paniguradong hindi siya niyon papayagan. Baka itali siya nito katulad ng ginawa ng binatang prinsipe na si Dermot. Ang tanging lugar na alam niya na maaari niyang pagtambayan ay ang pabilyon na pinuntahan nila nang kinahapunan. Sa huli napagdesisyunan niyang magtungo na lamang doon dahil malapit lang din sa kaniyang tinitirahan. Para kung magising ang kaniyang alalay madali lang siya nitong mahahanap. Umalis siya portiko sa pamamagitan ng pagtalo kung kaya sumayaw ang kaniyang kasuotan sa umiihip na hangin. Hindi rin naman siya nahirapan sa paglapag dahil hindi naman gaanong mataas ang inalisang portiko. Pagkalapat ng mga bota sa lupa lumakad na siya direksiyon kung saan naroon ang pabilyon. Binaybay niya ang lupa sa gilid ng kaniyang tinitirahan na nakahiwalay na gusali, dinig na dinig niya ang kaniyang paghakbang. Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa makaalis siya nang gusali. Tinahak niya kapagkuwan ang daan na magdadala sa kaniya patungo sa pabilyon. Tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kaniyang dinaraanan. Hindi pa man siya nakatatagal sa paglalakad narinig niya ang ingay na gawa ng espadang humihiwa sa hangin, nahahaluan pa iyon ng malalim na paghinga. Paulit-ulit niya iyong narinig kaya napukaw niyon ang kaniyang interes. Imbis na tumuloy patungo sa pabilyon lumihis siya ng daan. Sinundan niya ang pinagmumulan ng ingay. Kinailangan niyang pumasok sa makakapal na halaman para makarating roon, hinawi niya ang mga maliliit na sanga nang hindi iyon tumama sa kaniyang mukha. Sa unti-unti niyang paglapit sa ingay nakikita niya na rin ang liwanag na gawa ng tulos. Ilang mga halaman pa ang kaniyang nilampasan bago nga siya nakarating sa katapusan niyon. Naroon sa likuran ng mga halaman ang bakanteng lupa na nababalot ng pinong mga damo. Hindi siya kaagad lumabas dahil sa nasisilip niya sa awang ng mga dahon ang binatang si Dermot na nagsasanay sa paggamit ng espada. Ang suot lamang nito ay ang puting pares na pangloob kung kaya kapansin-pansin ang matikas nitong pangangatawan. Pinong-pino ang pag-ikot nito kasabay ng paghampas sa espada sa harapan na para bang mayroon itong kaaway na hindi nakikita. Nanginig pa nga ang espada na umalingawngaw sa kaniyang tainga kasunod ng paghinto nito sa pagsasanay. Nang tumayo ito nang tuwid habang pinapahinga ang hawak sa espada, lumingo nito sa kung saan siya nagtatago. "Lumabas ka na riyan. Nakuha mo pang magtago," sabi nito kaya napagtanto niya ang isang bagay. "Paano mo naman ako nakilala?" Lumabas na siya mga halaman nang makaharap niya ang binata. Nagpunas pa ito ng mukha gamit lang ang manggas ng suot nito para maalis ang pawis na tumagatak kahit malamig naman ang gabi. Hinintay niya pang sagutin nito ang kaniyang tanong. Ngunit hindi naman nito ginawa. Itinusok na lamang nito ang espada sa lupa imbis na intindihin ang kaniyang naging tanong. "Ano naman ba ang kailangan mo?" tanong nito sa kaniya na habol ang hininga. "Wala lang. Napadaan lang naman ako. Nakarinig ako ng ingay kaya tiningnan ko kung sino. Ikaw lang naman pala," sabi rin naman niya rito. "Kung narito ka sa labas ibig sabihin malapit lang dito ang tinitirahan mo." "Ano sa tingin mo?" Umalis ito sa kinatatayuan at naupo sa kahong naroon kalapit ng tulos na nakalagay sa dulo ng patpat. Hindi na naalis ang tingin nito sa kaniya. Nakapatong sa kahon na iyon ang tubig na dala nito't ang isa pang espada, kasama na rin doon ang pana't palaso. Sa palagay niya naman ay tama siya ng hinala kaya hindi niya na iyon kailangang siguraduhin sa binata. Nilapitan niya ang itinusok nitong espada sa lupa. "Kailangan mo ba talagang magsanay kahit na malalim ang gabi?" ang naisipan niyang itanong dito. Tiningnan niya nang maigi ang hawakan niyon na pulido ang pagkagawa. "Mas mainam na ganitong oras ako nagsasanay para walang makakitang ibang tao sa akin," ang nasabi naman nito sa kaniya. Ibinalik niya ang atensiyon dito sa sinabi nitong iyon. Naabutan niya itong uminom ng tubig mula sa sisidlan nitong dala na gawa sa balat ng hayop. Napatitig na lamang siya pagtaas gulung-gulungan nito kaya napapalunok na rin siya na para bang umiinom siya ng tubig. Inalis na lang niya ang tingin sa pag-inom nito ng tubig na hindi niya nalalaman kung bakit siya napatitig roon. "Anong dahilan mo't kailangan mong ilihim?" sumunod niyang tanong. Tumigil ito sa pag-inom. Nilapag kapagkuwan ang sisidlan sa kahon katabi ng mga palasong nakasilid naman sa bilugang sisidlan. "Huwag ka ngang masyadong tanong. Hindi kita kailangang sagutin," sabi naman nito sa muli nitong pagtayo. Bahagyang umirit ang inupuan nitong kahon sa pagkawala ng bigat nito roon. Lumapit ito sa kaniya't tumigil nang ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kaniya. "Hindi ka ba titigil sa kasusunod sa akin?" dugtong nito. Sa lapit niya rito nasisinghot niya ang amoy na gawa ng pawis nito na hindi naman mabaho. Kung ihahambing niya ang amoy ng natuyong rosas sa kainitan ng tag-init. Sa naging tanong nito sa kaniya sumagi sa kaniya ang tagpong una niya itong nakikita. "Iyan ka na naman sa tanong na iyan," paalala niya rito. Hindi ito umalis sa kaniyang harapan kaya sinalubong niya ang mapanuri nitong mga mata na tila bumabaon sa kaniyang kaibuturan. "Inuulit ko para maging malinaw kung bakit sumusunod ka na naman sa akin. Napag-usapan na natin ang bagay tungko sa pagsunod mo kaya dapat wala ka rito," sabi naman nito na hindi niya naman maintindihan. Ang tinutukoy lang naman nito ay ang prinsipe hindi siya kaya naguguluhan siya rito. "Hindi ko maintindihan kung bakit kita susundan. Kahit wala akong maalala pakiramdam ko'y hindi ko naman ginagawa ang sinasabi mo." Kinuha nito ang espada sa gilid niya kaya napaatras siya ng isa sa pag-aakalang sasaktan siya nito. Tiningnan siya nito nang tuwid nang hugutin nito ang sandata mula sa lupa. Tumayo na rin siya nang tuwid na hinihimas ang kaniyang batok. "Sasabihin ko na sa iyo kapag mayroong pagkakataon madalas mo akong palihim na sinusundan dito sa palasyo." Pinatong nito ang talim ng espada sa isang kamay at pinagmasdan iyon nang maigi sa pagkinang niyon sa ilalim ng liwang ng buwan. "Kailan ko naman ginawa niyon?" ang naitanong niya rito. Itinayo nito ang espada't pinagmasdan ang kahabaan niyon kapagkuwan ay winasiwas patungo sa kaliwa nang maalis ang kumapit ng putik sa dulo niyon. "Wala ka na ngang maalala, sa tono pa ng pagsasalita mo'y kasalanan ko pa," ang naisatinig nito sa kaniya. "Iyon naman talaga. Saka pakiramdam ko hindi ka naman nagsasabi nang totoo." Pinagsalubong niya ang dalawa niyang kilay para rito na sinabayan din naman nito, nagkasubukan na naman sila sa pamamagitan ng tingin. "Ganito na lang. Kung nagsasabi ka nang totoo sabihin mo sa akin kung ano ang naging dahilan ko. Hindi ba't sabi mo'y nakapag-usap na tayo. Sabihin mo nga. Ano ang dahilan ko para sundan ka?" "Mabuti pang huwang mo na lamang alamin." Inalis nito ang pagsama ng mukha. Ginawa na lamang blangko ang eskpresiyon. "Isama mo na lamang din sa nawawala mong alaala. Hindi na rin mahalaga dahil sa nakaraan na." "Paano ko maiintidihan ang takbo ng isip mo kung hindi mo sasabihin sa akin?" Maktol niya sa binata. Hinintay niya pang mayroong itong masabi tungkol sa nasabi niya ngunit nakatitig lang ito't walang balak sabihin kung kaya nga sa inis niy aay tinalikuran na niya ito. "Maiwan na nga kita. Nagsasayang lang ako ng laway sa pakikipag-usap ko sa iyo." Lumakad na siya patungo sa nilabasang halaman. Pagkalapit niya roon hinawa niya ang mga sanga nang muli siyang makalusot.Hindi naman siya nakatuloy dahil sa naging katanungan ng binatang prinsipe sa kaniya kung kaya nga bumitiw na lamang siya sa mga sanga. "Saan ka na naman pupunta?" Nilingon niya rin naman ito't hindi sinabi rito ang tunay niyang balak na pagpunta sa pabilyon. "Kahit saan lang diyan. Maglalakad-lakad lang naman ako para matandaan ko ang mga lugar rito sa loob ng palasyo," pagsisinungaling niya sa binata kaya mariin na naman siya nitong tiningnan na nagsasabing hindi ito naniniwala sa kaniyang sinabi. "Hindi mo ba alam na delikadong maglakad-lakad nang mag-isa sa kalagitnaan ng gabi?" paalala nito sa kaniya. "Bakit naman? Ikaw nga narito rin sa labas," banat niya naman dito. "Mamaya mayroong pumasok sa palasyo na mamamatay-tao. Siguradong mamamatay ka kung mapagdiskitahn ka. Nakalimutan mo atang muntikan ka nang madukot. Hindi malayong magpunta ang mga iyon dito." "Kahit dito sa palasyo mayroong masasamang tao. Wala na ngang ligtas na lugar ngayon," aniya na labas sa ilong dahil wala siyang interes sa sinabi. Magagawa niya rin naman alagaan ang sarili kung sakaling maging totoo nga ang sinabi nito. "Alam ko rin naman iyon. Lalabas pa kaya ako kung hindi?" "Bumalik ka na sa tirahan mo," utos nito sa kaniya na hindi niya nagustuhan. "Hindi mo ako puwedeng utusan. Hindi ako makikinig sa iyo. Ituloy mo na ang pagsasanay mo. Ako naman ay maglalakad-lakad na." Sinenyas niya pa ang kanang kamay para bumalik ito sa pagsasanay ng espada. "Akala ko naman ay nagbago ka nang kaunti sa pagkawala ng alala mo. Pero mukhang nagkamali ako. Lalo ka lang naging sakit sa ulo," ang nasabi ng binata dala na rin ng inis na mapapansin sa pagsama na naman ng tingin nito sa kaniya. Maging siya ay napatitig na rin nang mariin para rito. Nakaramdam siya ng kung anong kirot sa kaniyang dibding sa pinagsasabi nito na para bang sinasabi niyon ng nagrereklamo ang katawan ng prinsipeng katauhan niya sa nakaraan. "Kung mayroon kang problema sa akin sarilihin mo na lamang." Pakiramdam niya nang banggitin niya ang mga salitang iyon ay hindi mula sa kaniya kundi mula sa prinsipe na nais nitong isigaw sa harapan ng binata. Iyon nga lang hindi naman iyon pasigaw, sapat nang sabihin niya nang malumanay nang mas maramdaman ni Dermot ang talim ng mga naging salita niya. "Sa pagkakaalm ko wala naman akong nagawa sa iyong masama." Hindi na rin gumanti sa kaniya ang binata na para bang natauhan ito sa narinig mula sa kaniya. Humugot na lamang ito nang malalim na hining upang pakalmahin ang kaniyang sarili. "Tutal narito ka na lang din," pag-iiba nito sa usapan. "Magsanay ka na lang na humawak ng espada para para kahit mag-isa ka na lang maproprotektahan mo ang sarili mo." Binaliktad nito ang pagkahawak espada't walang sabi-sabing tinapon ang sandata patungo sa kaniya. Umikot pa ang espada sa ere bago makarating iyon sa kaniya. Nagawa niya naman saluhin iyon sa hawakan bago tumama sa kaniyang mukha. Kung kaya nga naramdaman niya ang naiwang init ng binata sa kaniyang palad. "Paano kung hindi ko naman gagawin?" Pinagmasdan niya nang maigi ang espada't pinakiramdaman ang bigat niyon sa kaniyang kamay. "Magsasanay ka sa ayaw at gusto mo," pinale nitong sabi na hindi niya maaring baguhin. Ibinaba niya na lamang ang espada dahil masyadong mabigat iyon para sa kaniya. "Hindi mo ako mapipilit," banat niya naman dito. "Ayaw mo lang talaga? O naduduwag ka lang." Nilapitan nito ang kahon at kinuha ang naiwang espada roon. Winasiwas nito sa kaliwa't kanan ang hawak nito para maging pamilyar rito ang bigat niyon. Upang sa pagharap nito sa kaniya para sanayin siya magagawa nito ang lahat at mailalabas niya ang potensiyal ng espada na iyon. Muling nagsalubong ang kaniyang mga kilay sa sinabi nito. "Nanghahamon ka ba?" paniniguro niyda dahil iyon ang sa tingin niya'y nais iparating ng naging tono ng pagsasalita nito. "Ano sa tingin mo?" tugon naman nito kaya sigurado na siyang hinahamon nga siya nito. Hindi ito nagbigay ng kung anong hudyat sa bigla nitong pagsugod sa kaniya. Lumapit ito na hinahampas ang espada mula sa itaas. Mabuti na lamang nasundan niya ang pagkilos nito kung kaya nga nasangga niya ng espada ang hawak nito. Kumalatong ang espada sa pagtama ng mga talim niyon. Sa balak nitong pagtusok ng espada sa kaniya lumayo na siya rito, humakbang siya nang patalikod nang makailang ulit. Naglagay siya ng sapat na distansiya para mapaghandaan niya ang susunod nitong pagsugod. Tinaas-baba niya ang espada nang masanay na rin ang kaniyang kamay sa bigat niyon. "Pagsasanay ba talaga ang gusto mo? O balak mo lang akong saktan?" aniya nang maalala niya ang nasabi sa kaniya ng kaniyang alalay na si Arnolfo. Kaya mayroong hiwa ang kaniyang kanang tainga sa ginawa nitong pananakit sa kaniya. Maging ang naging panaginip niya ay nagbabalik sa kaniyang isipan kung saan tinarak nito ang espada sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay mangyayari na iyon nang gabing iyong kung magpapatuloy pa ang pagsasanay na sinasabi nito. Pinakatitigan siya nito nang mabuti sa paglalaro ng kung anong alaala sa isipan nito. Pakiramdam niya ay alam nito na mayroong siyang tinutukoy. "Tama lang na seryosohin mo ang pagsasanay na ito---" humakbang na ulit ito palapit sa kaniyang kinatatayuan "---para maranasan mo ang kapahamakang dala ng talim ng isang espada. Dahil kung alamo na ang pakiramdam na iyon matutunan mong gamitin ang espada para maprotektahan mo ang sarili mo na para bang bahagi na ng iyong katawan." Nang wala na ngang maiwan na distansiya sa pagitan nila ng binata muli nitong inihampas ang espada patungo sa kaniya na mayroong dala pang tunog. Ang ginawa niya na lamang para makaiwas siyang masugatan niyon ay ang iharang ang espada sa kaniyang tagiliran. Tumama nga ang dalawang espada't sa isa't isa ngunit dahil sa taglay na lakas ng binata nang ihampas nito ang hawak na espada napahakbang siya patagilid nang dalawang beses. "Sa palagay ko ay ginagawa mo lang na dahilan ang pagsasanay. Peo ang totoo gusto mo lang talagang masugatan ako. Huwag mo na lang ituloy ang binabalak mo." "Hindi tayo titigil hanggang hindi mo ako magawang paatrasin ng kahit isang hakbang lang," paalala nito sa kaniya. Nilamon na naman nito ang distansiyang namagitan sa kanila. Makikita sa mukhan ito na seryoso talaga ito sa ginagawa. "Nakakalimutan mo atang minsan mo na akong gustong patayin," aniya na ikinitigalgal nito. "Kaya paano ako maniniwala sa iyo na gusto mo lang akong sanayin? Sabihin mo nga." "Isang pagkakamali lamang ang araw na iyon," sabi naman nito. Humihigpit ang kapit nito sa espada. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" panunuyam niya rito dahil pakiramdam niya ay hindi ito nagsasabi nang totoo. "Imposibleng naman nagsisinungaling si Arnolfo sa sinabi niya. Para namang hindi nila magagawang magsinungaling sa akin." "Oo dahil alam tayong dalawa lamang ang nakakaalam nang tunay na nangyari sa kakahuyan. Kung maalala mo lang ang nangyari nang araw na iyon maiintindihan mo ako." Hindi pa rin ito tumigil sa pagsugod sa kaniya dahil gusto talaga nitong bumawi siya rito para doon na matapos ang gabing iyon. Papatakbong lumapit ito sa kaniya na nakahanda ang espada. Ang mukha ng prinsipe ay puno ng galit na sa nakikita niya ay mayroon itong intensiyon para siya ay patayin. Nagbibigay ng babala ang bawat paghakbang nito na kung hindi siya lalayo mula rito hindi na siya makababalik sa kasalukuyan. Kung kaya nga pinagmasdan niya ang paggalaw ng katawan nito kung saan siya sanay. Nang aakma na itong ihahampas ang espada sa kaniya kitang-kita niya kung paanong sumunod ang kamay nito sa espada. Tama nga rin naman ito mistulang naging bahagi ng katawan nito ang espada. Nagsisilabasan ang ugat sa kamay nito sa higpit ng kapit nito sa espada na isa lang ang ibig sabihin. Ibayong lakas ang inilalagay nito sa pagsugod nito sa kaniya. Nang ilang hakbang na lamang ito kaniya huminga siya nang malalim at pinakatitigan ang buong katawan nito, mistulang bumagal sa kaniyang paningin ang binata kaya nahuhulaan niya kung saan siya nito papatamaan. Pagbuga niya ng kaniyang hininga kitang-kita niya iyon dahil sa lamig ng gabi. Kapag matamaan talaga siya ng espada pihadong magtatamo siya nang malalim na sugat sa talim niyon. Inihanda niya rin naman ang kaniyang sarili para salubongin ang pag-atake nito sa kaniya. Iniatras niya ang kaniyang isang paa na bumabaon pa sa damuhan kasabay ng espada. Hindi niya naman alam kung gaano kalakas ang magiging paghampas ng binata sa kaniya kaya iyon lamang ang naisipan niyang gawin. Sa puntong magtatagpo na silang dalawa umikot siya ng dalawang beses kung kaya nga gumawa ng bilog ang iniatras niyang paa, sa dulo ng kaniyang pag-ikot inihawak niya ang isa pang kamay sa espada't buong tapang na pinasalubong iyon sa espada ng binata. Sa pagtama ng mga talim naglabas pa iyon ng dagitab karugtong ng pagalingawngaw. Nanatiling magkatagpo ang kanilang hawak na espada walang nagpapatalo sa kanilang dalawa. Nagtutulukaan sila sa pamamagitan ng espada habang pigi ang mga hininga. Maging ang kanilang mga paningin ay naglalaban, nagtapunan sila nang matatalim na tingin sa isa't isa. Nakuha na rin ng binata na ipanghawak ang isa pa nitong kamay sa espada kaya nararamdaman niya na ang bigat ng pagtutulakan nilang dalawa. Magkasabay pa silang umatras nang ilang mga hakbang na para bang nag-usap silang dalawa. Kapwa habol nila ang kanilang mga hininga na naglalaro na naman sa malamig na hangin. Kumilos lamang silang pareho nang bumalik sa normal ang kanilang paghinga. Sa pagtitig nito sa kaniya siya na ang muling sumugod dito. Inilipat niya sa kaniyang kaliwang kamay ang espada sa kaniyang pagtakbo. Nang makadikit na siya rito tumalon siya sa ere kasunod ng pag-ikot habang inililipat ang espada sa isang kamay. Inihampas niya ang espada sa binata na puno ng galit na hindi niya alam kung saan galing. Sa paghaharap nila'y nararamdaman niya ang pagkulo ng kaniyang dugo para rito. Upang mapigilan ng binata ang kaniyang pag-atake inilagay nito ang espada sa uluhan kung kaya nga nasangga niyon ang hawak niyang espada. Ngunit gayunman ang nangyari hindi pa rin siya tumigil, mula naman sa ilalim niya pinadaan ang espada kaya napaatras niya naman ang prinsipe ng illang hakbang. Iyong nga lang imbis na tumigil ito katulad ng napag-usapan gumanti ito sa kaniya. Siya naman ang sinugod nito nang mabibilis na paghampas sa espada, nagagawa niya namang masangga ang espada ngunit napapaatras din siya nang makailang ulit. Sa huling beses na paghampas nito sa espada nabitiwan niya ang hawak niya't nahulog iyon sa damuhan. "Ano masaya ka na? Ano ang gusto mong patunayan?" sabi niya na habol ang kaniyang hininga. Tinutok pa nito ang hawak na espada sa kaniya. "Pulutin mo ang espada," sabi nito sa kaniya imbis na sagutin ang kaniyang mga tanong. "Ikaw ang pumulot. Sa palagay ko'y tapos na ang sinasabi mong pagsasanay. Nakalimutan mo atang napaatras na kita." "Pulutin mo!" sigaw nito sa kaniya. "Para ano pa!?" singhal niya pabalik dito. "Huwag mong isisi sa akin kung masugatan ka na naman." Naintidihan niya naman kung ano ibig sabihin nito dahil bigla na lang siya nitong sinugod kahit na hindi niya hawak ang espada. Hindi nito ihahampas ang sandata sa kaniya. Itutusok nito iyon sa kaniyang dibding katulad nang nangyari sa kaniyang panaginip. Hindi nga siya nagkamali roon. Sa pagtusok nga nito ng espada sa kaniya humakbang siya ng isa pakaliwa upang umiwas sa talim niyon. Sinundan niya kaagad niyon ng paglapit dito kadikit lamang ng talim, humalik pa nga ang kaniyang suot sa espada. Sa puntong magtatagpo na kanilang katawan inundayan niya ito ng suntok sa dibdib na muli nitong kinaatras nang makailang ulit. Napaubo pa ito hawak ang nasaktang dibdib. Nang ibalik nito ang tingin sa kaniya nanglilisik na ang mga mata nito. Hindi pa rin ito nagsawa sa binabalak nito sa kaniya. Sa huling pagkakataon sinugod siya nito gamit pa rin ang espada. Ang ginawa niya na lamang ay ang alisin ang espada sa kamay nito. Hinuli niya ang kamay nito na may hawak sa espada malakas na tinulak ang hawak na sandata kaya nabitiwan nito iyon. Kapagkuwan ay siniko niya ito sa sikmura ngunit nasangga nito iyong ng kamay. Hindi nito pinakawalan ang kaniyang kamay. Marahas na hinawakan nito ang kaniyang kamay at iniikot siya nito upang mapilipit nito iyon sa kaniyang likuran. Napangiwi na lang siya nang pilipitin nga nito ang kamay. Nakuha pa nga siyang sakalin ng isang nitong braso mula sa likod. "Bitiwan mo nga ako," ang mariin niyang sabi sa binata. "Saan mo natutunang makipaglaban?" pag-usisa nito sa kaniya. Sa lapit ng bibig nito sa kaniyang tainga naramdaman niya ang hininga nito sa kaniyang leeg. "Bakit ko sasabihin sa iyo? Nakita mo rin naman na hindi ko kailangang magsanay." Doon pa lamang siya nito binitiwan kaya napalayo siya rito habang minamasahe ang pinulupot nitong kamay. "Kahit na marunong kang makipaglaban kailangan mo pa ring magsanay," pangaral nito sa kaniya. "Kaya magpunta ka rito sa tuwing hating gabi para magawa mo iyon. Maghihintay ako rito." "Hindi ako pupunta rito. Manigas ka." Binigyan niya pa ito ng daliring nakaturo sa kalangitan na nagpakunot sa noo nito.Kapagkuwan ay mabilisan na siyang lumakad papalayo rito. Hindi niya ito nilingon sa pagpasok niya sa mga halaman. Sa inis niyang nararamdaman mistulang naging kurtina na lamang ang mga sanga sa paghawi niya sa mga ito. Nang makalabas siya roon nadatnan niya ang naghihintay niyang alalay. "Kahit na wala kang maalala bumubuntot ka pa rin sa kaniya. Mukhang hindi nga kailangan ng alaala dahil nararamdaman mo ang kagustuhan na iyon," ang makahulugang sabi ng kaniyang alalay. Napapakunot ang kaniyang pagtataka sa sinabi nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Kung saan ang mahal na prinsipe ay naroon kayo. Katulad na lamang kapag nagpupunta siya diyan para magsanay. Hindi niyo pinalalampas na makita siya." "Ibig sabihin totoo ngang sinabi niyang madalas ko siyang sunda?" paniniguro niya sa kaniyang alalay. Sinagot naman siya nito ng isang tango kaya lalo lang siyang naguluhan. Hindi niya malaman kung bakit sinusundan ng prinsipe si Dermot gayong galit naman ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD