Chapter VIII

1888 Words
Isinama muna namin si Proserphine, ang pangalan ng babaeng binihag, sa aming kuta bago siya ihatid sa kanyang bayan. Sa buong oras ay nakakapit lang siya sa akin pero paminsan minsan kinakausap na rin niya si Red. Marahil dahil sa bata pa lang si Red kaya hindi siya natatakot rito. Wala naman ako naging imik habang pabalik sa aming hideout. Mula kanina ay nakatingin lang ako sa mga mantsa ng dugo sa kasuotan nina Dervis at Blake nang kanina ay wala naman. Kahit hindi ko itanong ay alam ko na nagmula ang mga mantsang iyon sa dugo nina Klaus at Kaisel. Ngayon ko lang napagtanto na napakaraming buhay ang nawala at napakarami ring buhay ang kanilang kinitil. Batay sa kanilang mga reaksyon at kilos ay tila normal na gawain lamang nila ito. It's to kill or to be killed. Sa tingin ko ay hindi ako tatagal sa kapital kung magiging malambot ako sa pagkitil ng buhay ng iba. Napaangat naman ako ng tingin nang mapansin na nasa harapan na kami ng aming kuta. Ilang oras lang kami nawala pero pakiramdam ko ay ilang buwan na rin ang nakalipas. Akmang papasok na ako sa loob ng hilahin ni Dervis ang aking damit para mapirmi sa aking kinatatayuan. Hindi na nakakapagtaka na napunta bigla sa amin ang atensyon ng lahat. Nagpalipat lipat pa sila ng tingin sa amin na tila kinakabahan sa gagawin ni Dervis. "Primo." Seryosong pagtawag sa aking pangalan ni Dervis. "B-B-Bakit?" Kinakabahang at natatakot na tanong ko naman sa "Come with me." Seryosong sambit ni Dervis at tinuro ang likurang bahagi ng abandonadong bodega. "Gusto ko kita makausap ng pribado." Nanlaki ang aking mga mata at nag-isip ng maaaring mga dahilan para kausapin ako ni Dervis na malayo sa lahat. Iniisa isa ko inisip ang ginawa ko para magalit siya sa akin. Agad ako napatapal ng noo na maaalala ang buwis buhay kong stunt at pagpumilit na ihatid si Proserpine sa bayan ng Cadmia. Saan man anggulong tignan ay hindi ko inisip ang opinyon ni Dervis bilang lider ng aming grupo. Nilingon ko si Blake para humingi ng tulong pero tinalikuran niya lang ako saka walang paalam na pumasok sa loob. Iiling iling naman ang ulo nina Frolan at Zion na tila sinasabi na wala sila maitutulong sa akin bago sila sumunod kay Blake at nagsipasukan na rin sa loob ng aming kuta. Samantalang hinila naman palayo ni Red si Proserpine para maiwan at makausap ako ni Dervis habang inaantok na sinundan naman sila ni Gyro. Napanganga na lang ako dahil wala niisa sa kanila ang nagmalasakit na tulungan ako kay Dervis. Kahit hindi ko itanong ay mapapansin ko na galit ito. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa pintuan ng bodega tapos sa direksyon na tinahak ni Dervis. Napahugot muna ako ng malalim na hininga at malakas na pinakawalan iyon bago napipilitang sinundan si Dervis sa likuran. Alam ko na pinili niya ang lugar na ito dahil gusto niya ako makausap na mag-isa na hindi naririnig ng iba naming kasamahan. Papaalisin na kaya niya ako sa grupo? Nang makarating sa likuran ng bodega ay naabutan ko si Dervis na nakapamulsa habang nakatingin sa kawalan at tila malalim ang iniisip. Nakita ko na sumasabay sa ihip ng hangin ang hibla ng buhok ni Dervis. Nilapat ko ang aking mga kamay sa aking kaliwang dibdib. Bigla bigla na lang kasi bumilis ang t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit nagsisimula makaramdam ako nito tuwing nakikita si Dervis. Tanging sa kanya ko lang naramdaman ang pakiramdam na ito. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Nanginit ang aking magkabilang pisngi dahil biglang lumingon sa akin si Dervis at nahuli niya ako nakatitig sa kanya. Malakas na tumikhim na lang ako para itago ang aking pagkakapahiya habang walang kaemo-emosyong na tinitigan niya ako sa aking mga mata. Dahan dahan ako naglakad palapit sa kanya at tumigil sa kanyang harapan. "B-B-Bakit mo ko g-gustong m-makausap?" Mautal utal na pagtatanong ko. "D-Dahil ba ito sa balak kong ihatid si Proserpine sa kanyang bayan? N—Nagbago na ba ang desisyon mo?" Napabuga siya ng malalim na hininga bago naghalukipkip ng kanyang braso. "Prima..." Pagtawag niya sa aking tunay na pangalan na labis kong ikinagulat. "Gusto mo pa rin ba manatili rito?" Tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko sa panimulang tanong niya. "G-Gusto mo ba na umalis na ako?" Nasasaktan kong tanong pabalik sa kanya. "Alam mo na wala na akong ibang mapupuntahan, Dervis." "H-Hindi sa pinapaalis kita, Prima." Biglang ginulo ni Dervis ang kanyang buhok na tila nahihirapan siya sa kanyang dapat gawin. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinihit palapit sa kanya. "Nakita mo kung anong klaseng buhay na mayroon kami rito, Prima. Hindi kami mabuti at hindi rin masama. Nilalagay namin ang batas sa aming mga kamay. Sa ginawa namin ngayong araw ay hindi na magiging tahimik ang aming buhay dahil ipapahanap na kami ng palasyo sa kasalanang pagpatay sa pamilya ng isang opisyal nila. Kahit mga salot sila sa lipunan ay pino-protektahan pa rin sila ng batas ng palasyo." Hindi masayang pagpapaliwanag sa akin ni Dervis. "Ito ang totoong kami." Tumango ako para ipakita na nauunawaan ko ang ginagawa nila at hindi ko sila hinuhusgahan dahil roon. Aaminin ko na nagulat ako nang una. Pero hindi naman nila ako masisisi sa naging reaksyon ko dahil ito ang unang beses na nakakita ako ng p*****n. "Di ba pinag-usapan na natin ang tungkol rito bago pumasok sa kanilang kuta?" Seryosong sambit ko. "Nakapag-desisyon na ako na tahakin ang buhay na ito." "Prima, tandaan mo na babae ka pa rin. Sa takbo ng sitwasyon ngayon ay napakadelikado nito para sa iyo. Walang kasiguraduhan ang buhay mo habang kasama mo kami. Maaari rin pagdating ng araw ay mabahiran rin ng dugo ang iyong mga kamay." Dagdag na pagpapaliwanag sa akin ni Dervis. "Kaya gusto mo pa rin ba magpatuloy na manatili rito? O gusto mo nang magpaiwan sa bayan ng Cadmia?" Napanganga ako sa inaalok na pamimilian ni Dervis. Tama siya na makukuha ko ang inaasam kong mapayapang buhay kung wala ako sa kapital at magpapaiwan sa bayan ng Cadmia. Matutulungan rin ako ni Proserpine na manirahan sa bayan ng Cadmia kung nanaisin ko. Ngunit gayun pa man, may isang malakas na pwersa na tumutulak sa akin para manatili rito sa kapital. Mula pagkabata ko ay may tila naririnig akong boses na tumatawag sa akin patungo rito. Hindi ko lang alam kung ano iyon pero matagal tagal ko na rin ako tila tinatawag ako nito. "Nakapagdesisyon na ko. Sasamahan ko kayo hanggang makamit niyo ang kapayaan na hinahanap niyo. Kahit na mabahiran rin ng dugo ang mga kamay ko. Hinding hindi ko kayo iiwanan dahil itinuturing ko na kayo na aking pamilya." Lakas loob kong sambit kay Dervis at tinitigan siya sa kanyang mga mata para ipakita na desidido na ako na magpatuloy rito na mamuhay. Mahirap pero kakayanin ko ito. Nagulat ako nang isandal ni Dervis ang kanyang ulo sa aking balikat na tila ba naubusan siya ng lakas. Nagtataka naman ako lumingon sa kanyang inaakto. "Damn! Akala ko ay iiwanan mo na kami. Ibang iba kasi ang inakto mula nang umalis tayo roon..." Nakahingang komento ni Dervis. "Akala ko natatakot ka na sa amin dahil sa mga ginawa namin na hindi mo inaasahan." Inangat ko ang ulo ni Dervis mula sa balikat ko at kinulong ang kanyang mukha sa aking mga palad. "Iyon ba ang dahilan kaya kinausap mo ko rito?" Nakanguso kong sambit at tila nabunutan ng tinik sa dibdib. "Tingin mo iiwanan ko na kayo dahil sa nakita ko kayo na pumatay?" "Hindi ka sanay sa ganitong buhay kaya kahit sino ay maiisip ang ganoong bagay." Pagdadahilan ni Dervis. "Saka isang buwan mo pa lang naman kami nakakasama. Idagdag pa na gusto mong pumunta sa bayan ng Cadmia kaya akala ko sa oras na naroroon na tayo ay bigla ka na lang magpapaiwan sa amin." Napahalakhak ako at tinulak na siya palayo sa akin. "Naku! Kahit ipagtabuyan niyo ko ay hindi niyo mapapaalis 'no!" Pag-amin ko at malakas na hinampas siya sa kanyang braso dahil sa masamang iniisip niya sa akin. "Sorry naman." Paumanhin ni Dervis sa akin. "Pero aaminin ko sa iyo na naisip ko na mas makakabuti sa iyo na maiwan sa Cadmia pero sa kabilang banda ay naging malapit ka na rin sa amin kaya malamang hindi namin magugustuhan iyon." Lihim na napangiti ako sa kanyang sinabi. Ito ang unang beses na may taong may gusto na manatili ako. Inikot ko ang aking braso sa kanyang leeg at palarong sinakal siya. "Dervis, napalapit na rin kayo sa puso ko kaya huwag kayo mag-isip na iiwanan ko kayo ng basta basta 'no!" *** Pagkatapos ng aming pag-uusap ay naisipan na naming pumasok sa loob. Marahil ay nag-aabang na sila para makaalis na rin kami at magtungo sa bayan ng Cadmia. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako nang magtumbahan sa aming harapan sina Gyro at Red. Mukhang kanina pa sila nakaabang sa aming pagbabalik ni Dervis at naisipang sumilip sa siwang ng pinto. Unti unti pang dumapo ang kanilang tingin sa kamay ko na nakaakbay sa kanilang pinuno. "Ibig sabihin ba nito boss ay nakumbinsi mo si Primo na hindi umalis?" Masayang sambit ni Red. Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala naman talaga ako balak na umalis." Pagtatama ko sa sinabi ni Red. Nagulat ako ng bigla na lang napasuntok sa hangin si Gyro sa aking sinambit. "Panalo ako sa pustahan." Masayang komento ni Zion na ikinasimangot naman ni Frolan. Tinaasan ko lang sila ng kilay habang nag-aabutan sila ng kanilang mga taya kay Zion. Napailing na lang ng ulo si Dervis at nagtungo sa kanyang pwesto kaya sumunod ako na pumunta sa sarili ko na ring espasyo kung saan naroroon si Proserphine at tahimik na nakamasid lang sa aming mga kasama. "Aalis ka ba, Primo?" Nagtataka sambit niya. "Kanina pa kasi nila pinagtatalunan ang tungkol roon." Napatapal na lang ako ng kamay sa aking noo. "May hindi lang kami pagkakaitindihan kaya napagkamalan nila na sasama na ako sa iyo sa Cadmia para doon na manirahan." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Pinagdaop naman ni Proserphine ang kanyang mga kamay. "Kung sakaling maisipan mo ay malugod ako na tutulungan ka. Kapalit na rin ng pagtulong mo sa akin." Masayang sambit ni Proserphine. "E—Eh?" "Oy, oy, oy!" Nakangusong pagkontra ni Frolan nang tila marinig ang sinabi ni Proserphine. "Nagdesisyon na si Primo na manatili rito kaya huwag mo ng guluhin." Tila natakot naman si Proserphine sa pagtaas ng boses ni Frolan kaya agad siyang kumapit at nagtago sa aking likuran. Sinamaan ko naman ng tingin si Frolan dahil sa ginawa niya. "Oops sorry..." Nakangiwing sambit ni Frolan at dali dali naupo muli sa kanyang tambayan. Inalo ko naman si Proserphine para pakalmahin siya. Nanginginig talaga siya kaya hindi ko maiwasan mag-alala sa kalagayan niya. Umaasa ako na may doktor na makakatingin sa kanyang kalagayan pagpunta namin sa Cadmia. "Pagkatapos ng tatlong oras na pahinga ay aalis na tayo para magtungo sa Cadmia." Biglang anunsyo ni Dervis. "Dalhin niyo ang mga importanteng gamit niyo at huwag mag-iiwan ng anumang bakas dahil sa ating pagbabalik ay magiging kaaway na tayo sa mata ng palasyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD