bc

The Sole Princess

book_age16+
3.4K
FOLLOW
20.8K
READ
goodgirl
royalty/noble
heir/heiress
drama
bxg
magical world
disappearance
friendship
supernatural
lonely
like
intro-logo
Blurb

Si Prima ay isang bastarda at tinatagong anak ni Liliana Faustino, ang asawa ni Royzaldi Faustino na isang kilalang mayor ng bayan ng Garnetia. Sa biglaang pagkamatay ni Liliana, naiwan siya sa pangangalaga ni Royzaldi at kanyang mga anak. Ngunit bago mailibing ang kanyang ina ay napag-alaman niya ang maitim na binabalak ni Royzaldi na ibenta siya bilang isang alipin sa kabilang kaharian, ang Perdona.

Sa tulong ng kanyang nakababatang kapatid na si Lenna ay tumakas siya patungo sa kapital ng kaharian ng Calareta. Ngunit ang kanyang pinapangarap at inaasam na maganda at panibagong pamumuhay sa kapital ay gumuho lamang nang malaman niya ang kumakalat na krimen at illegal na gawain katulad ng prostitusyon at pagbebenta ng bawal na gamot sa kapital.

Paano niya kahaharapin ang panibagong buhay na ito?

Anong kapalaran ang nag-aantay sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter I
"I-Ina..." Umiiyak na palahaw ng aking mga kapatid nang makita ang mahinang mahina anyo ng aming Ina. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng lumatay siya sa higaan. Nagsimula ito nang dapuan siya ng isang kakaibang sakit. Ilang doktor ang ipinatawag ni Tito Roy para ipagamot siya ngunit niisa sa kanila ay hindi nakahanap ng lunas sa kanyang sakit. "P-Prima... A-Anak..." Mabilis ako kumilos at lumapit kay Ina saka hinawakan ng mahigpit ang kanyang kanang kamay. Pinaramdam ko roon kung gaanong ayoko siyang mawala. Paano na lang ako? Sino na ang magiging kakampi ko? Sino ang magtatanggol sa akin? "I-Ina... *huk* h-huwag niyo ko iwan... *huk*." Umiiyak na pagsusumamo kong sambit sa kanya. "P-Pakiusap Ina! *huk* Lumaban ka! *huk* *huk*" Nanghihina man ay pilit inabot ng kanyang kaliwang kamay ang aking pisngi at marahan na pinahid ang aking luha na lumalandas roon. "K-Kasalanan ko ito... A-Ako ang nagbigay sa iyo ng hindi magandang buhay at mga alaala. I-Ikaw na naging bunga ng aking pagkakamali at pagtataksil." Naaawa at umiiyak niyang sambit sa akin. "P-Patawarin mo ko, anak. Patawad anak." Iniling ko ang aking ulo at inilapit ang kanyang kamay sa aking pisngi. "W-Wala kayong kasalanan... *huk* *huk* K-K-Kasalanan ko na patuloy mabuhay mula sa *huk* pagkakamaling iyon." Umiiyak kong sambit habang inaako na ako ang nagdala ng hindi kaaya ayang karanasan sa kanya. "N-Nakita ko kung paano kayo *huk* naghirap at nagsisi dahil sa *huk* ipinanganak niyo ko." "H-H-Hinding hindi ko pinagsisihan na binuhay kita sa aking sinapupunan, Prima." Nanghihinang at kinakapos na sambit ni Ina. "P-Pinagmamalaki ko na nagkaroon ako ng anak na kasing bait mo dahil hindi ka kailanman nagtanim ng sama ng loob kina Roy at sa mga kapatid mo sa kabila ng masamang pakikitungo at hindi pagtanggap nila sa iyo." "I-Ina..." Pagbalahaw ko muli ng iyak. "S-Sa oras na m-mawala ako ay nasa sa iyo ang d-desisyon kung gusto mo pa m-manatili pa rito." Pagbibilin niya. "B-Basta h-huwag na huwag mong k-k-kakalimutan ang mga b-bilin ko sa iyo." Pagpapaalala ni Ina sa mga malimit niyang ibilin sa akin. Iyon ay huwag na huwag ko ipapakita sa ibang tao ang aking buhok. Maaari ko lang ilantad iyon kapag nakatagpo ako ng taong may parehong kulay nito. Kaya kahit ang mga kapatid ko ay hindi alam ang totoong kulay ng aking buhok. Tanging sina Ina at Tito Roy lang ang nakakaalam ng kulay nito. Sunud sunod na umubo si Ina at alam ko na hindi na siya magtatagal at nalalapit na siyang lagutan ng hininga. Kaya binigyan ko ng pagkakataon ang aking mga kapatid na makalapit sa kanya. Habang patuloy na umiiyak ay umupod ako para bigyan sila ng espasyo sa aking tabi. Ngunit tinulak ako ni Ate Mavy palayo kay Ina saka tinignan ng buong poot at pandidiri. Napayuko ako ng ulo at dahan dahan bumalik sa isang sulok para magparaya sa kanila na ibigay ang nahuhuling sandali ni Ina. Hindi ko na napakinggan ang kanilang pinag-usapan dahil na rin sa aking labis na pag-iyak at pagsinok. Narinig ko na lang ang malalakas nilang iyak habang paulit ulit na tinatawag si Ina para gisingin siya. Nanghihinang napaluhod ako nang makita nang tuluyan ng nawala si Ina. *** Tatlong araw ang ginawang lamay ni Tito Roy sa namayapa niyang asawa. Maraming kaibigan at kamag-anak ang bumisita para magbigay ng kanilang pakikiramay sa pamilyang naiwan niya. Dahil rito, hindi ko man lang magawang makalapit sa ataul ni Ina para tignan siya sa loob nito. Magtataka kasi ang mga bisita kung bakit lalapit ang isang hamak na tagasilbi sa ataul ng kanyang amo. Walang nakakaalam na may bastardang anak si Ina sa ibang lalaki bukod sa asawa niyang si Tito Roy. Ang alam ng lahat ay tanging sina Ate Mavy at Lenna ang kanyang mga naiwang anak. Habang ako ay isa lamang tapat na tagasilbi nila rito sa kanilang manor. Mabilis kong pinahid ang lumandas na luha mula sa aking mga mata habang nakatanaw sa malayong ataul ni Ina. "A-Ate P-Prima..." Paglingon ko ay nakita ko sa aking tabi si Lenna na matamlay at namamaga ang mga mata mula sa ilang araw na pag-iyak. "G-G-Gusto mo ba lumapit sa ataul ni Ina? G-G-Gusto mo ba na tulungan kita?" Pag-aalok niya sa akin. Iniling ko ang aking ulo para tanggihan ang kanyang tulong. "H-Huwag na, Lenna." Malungkot kong sambit. "M-Magagalit lang sa iyo sina Tito Roy at Ate Mavy." "S-Sigurado ka ba, Ate?" Nag-aalangan niyang sambit. "N-Ngayon ang huling lamay ni I-Ina. B-Bukas ay ililibing na siya." Tumango ako at tinalikuran siya. Akmang iiwanan ko siya nang hilahin ni Lenna ang laylayan ng aking damit para manatili sa aking kinatatayuan. "P-Pagkatapos ng libing ni I-Ina ay mas m-magandang umalis ka na, A-Ate P-Prima." Nanginginig niyang sambit. Nasasaktan na nilingon ko siya dahil sa kanyang sinabi. Bakit nga naman ako aasa na magiging mabait siya o sila sa akin ngayon na wala na si Ina? Anuman ang mangyari ay isa akong bastarda kaya hindi nila gugustuhin na patuloy na manatili ako rito. Isang tinatagong pagkakamali ni Ina sa ibang lalaki. Isang kahihiyan sa pangalan ng kanilang pamilya. "A-Ate, hindi ko sinasabi sa iyo ito dahil sa ikinakaila kita bilang kapatid ko. P-Pagbaliktarin man ang mundo ay m-magkapatid pa rin tayo." Seryosong sambit ni Lenna habang hinawakan ako sa aking magkabilang kamay at tinitigan ako sa aking mga mata. "P-Pero n-narinig ko kasi si A-Ama... n-na b-balak ka niya ibenta bilang alipin sa k-kabilang k-kaharian ngayong wala na si Ina na pro-protekta sa iyo." Napakuyom ako ng aking kamay sa nalaman na binabalak sa akin ni Tito Roy. Sa ganoon paraan niya balak ako i-dispatya. Natural lang na ipagtabuyan niya ako ngayon dahil sa hindi naman niya ako kadugo. Wala nang dahilan para manatili ako sa manor ngunit hindi ko akalain na ibebenta niya akong alipin para tuluyang itago ang kahihiyan ng kanyang pangalan. "Oo, naiinggit ako sa iyo dahil nasa iyo ang buong atensyon ni Ina mula nang ipanganak ako hanggang mamatay siya. Ngunit sa huling sandali ni Ina ay pilit ipinaunawa niya sa akin na maswerte ako na ipinanganak ako na may pamilyang mabibilangan kahit mawala siya." Pagsasalaysay ni Lenna. "Kaya kahit dito lang ay hayaan mong maging kapatid mo ko at tutulungan kita makatakas sa binabalak ni Ama." Napayuko ako ng ulo at nagpakawala ng isang buntong hininga. "S-Salamat sa p-pagbibigay alam sa akin, Lenna." Nauunawaang sambit ko. "A-Aalis na ako pagkalibing na pagkalibing ni Ina." Nagulat ako ng higitin ako ni Lenna para yakapin sa unang pagkakataon. Naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang mga luha. Alam ko na hindi kami masyadong malapit sa isa't isa ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot na mawawalay na ako sa kanya. "Umaasa ako na makahanap ka ng mga taong maituturing mong iyong pamilya, Ate. Dahil hindi namin naibigay sa iyo ang bagay na iyon." Umiiyak niyang panalangin para sa aking paglalakbay patungo sa buhay na hindi na sila kabilang. *** Tahimik ako umiiyak mula sa likuran habang unti unti binubuhusan ng lupa ang ataul ni Ina. Nasa harapan nito sina Tito Roy at aking mga kapatid na malakas na pumapalahaw ng iyak. Nang matapos ay isa isa nag-alisan ang mga bisita pati na rin sina Tito Roy. Hinintay ko muna na makaalis ang lahat bago humakbang palapit sa pinag-libingan ni Ina. Inilapag ko sa ibabaw nito ang kanyang paboritong bulaklak na kanina ko pa hawak sa aking kamay. Ito lang ang naisip kong pagkakataon na maibigay ito sa kanya at makapagpaalam na rin sa plano kong pag-alis sa puder nina Tito Roy. Marahil ito ang una at huling sandali na makakadalaw ako sa kanyang puntod. "Paalam aking Ina." Umiiyak na sambit ko saka tumingin sa kalangitan. "Sana mahanap niyo ang kapayaan kung nasaan kayo ngayon. Huwag kayo mag-alala sa akin dahil gagawin ko kapaki-kapakinabang ang buhay na ibinigay niyo sa akin." Inilabas ko roon ang tatlong araw na iyak na aking pinipigilan sa kanyang lamay. Inilabas ko roon ang labis na aking pangungulila at hinanakit dahil sa biglaan niya pagkawala. Hanggang sa halos wala na ako mailabas na luha sa aking mga mata at pagod na pagod na tumingin sa kawalan. Tumagal pa ako roon ng ilang sandali at ninamnam ang sandali na naririto pa ako. Nang makita ko na unti unti nang dumidilim ang kapaligiran ay agad na ako tumayo sa aking pagkakaupo at pinagpagan ang nadumihan kong pang-upo. Agaran kong pinahid ang aking luha bago lakas loob na tumalikod at humakbang palayo sa puntod ni Ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Traded

read
84.7K
bc

Perfect Withstander

read
110.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Mr. Childish

read
203.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook