Chapter VI

2284 Words
Magkakasama na nagtungo kami sa kilalang pinag-lu-lunggaan ng grupo ni Klaus. Hindi ko maiwasang kabahan dahil wala man lang silang pinag-usapang plano o kaya iniatas sa akin na trabaho na dapat gawin para maging matagumpay ang aming pagsugod sa kanilang kuta. Pagkaapak na pagkaapak pa lang namin sa lupa na sakop ng kanilang teritoryo ay ramdam ko na may lihim na nagmamasid at sumusunod sa amin. Kung pagbabasehan ang mga yabag ng mga paa ay masasabi ko na napakarami nila at pinapalibutan na kami ng aming mga kaaway. Tama si Blake sa kanyang sapantaha na isa itong patibong para pabagsakin si Dervis. Napag-alaman ko na matagal na pala may girian sa pagitan ng dalawang pinuno ng mga gang. Magkaiba kasi ang kanilang mga adhikain at kaisipan kaya hindi naiiwasang magkabanggaan sila sa napakaraming okasyon. Idagdag pa na unti unti lumalawak ang sakop ng teritoryo ni Dervis habang paunti unti naman lumiliit ang hawak ni Klaus. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang naging desisyon ko na sumugod rito para iligtas ang mga bihag na babae. Nagdesisyon ako na hindi ko man lang isinaalang alang ang kaligtasan ng aking mga kasama. Alam ko naman na malalakas sila pero sapat na kaya iyon para labanan ang napakaraming tauhan ni Klaus? Inaantok na napahikab pa si Red saka tumigil sa paglalakad at hinarap ang aming likuran. "They are too obvious." Walang kagana gana na komento ni Red saka bagot nilagay sa likuran ng kanyang ulo ang mga kamay. Kahit bata pa lang siya ay tila hindi niya alintana ang takot na pinalilibutan na kami ng mga kaaway. Marahil iba talaga ang tapang ng mga taong kinalakihan ang ganitong lugar at pamumuhay. Nabigla ako nang makaramdam ng tapik sa aking balikat. "Relax Primo." Pagpapakalma sa akin ni Frolan habang pinipigilan ang sarili na matawa sa aking naging gulat na reaksyon sa ginawa niya. "Nandito kaya kami sa tabi mo. Kahit si Dervis nga lang ang sumama ay sapat na." Dagdag niya na may kakaibang kahulugan. Humugot ako ng malalim na hininga saka pinakawalan iyon. Unti unti ko naramdaman ang pagkalma kaya nagpatuloy ako sa pagsunod sa aking mga kasama. Hanggang sa pagliko namin sa isang eskinita ay may pumalibot sa aming mga maaangas na kalalakihan na may dalang mahahabang patalim at malalaking pamalong kahoy. "Tsk, tsk, tsk!" Hindi nasisiyahang sambit ni Red at humarap sa kanila. "Masyado yata tayo minamaliit ni Klaus para ipadala nila ang mga mahihinang ito." Nang-aasar pa niyang dagdag. Kita ko naman na tila nagalit ang mga kalaban sa sinambit ni Red. "Oy totoy, anong ginagawa mo rito?" Mayabang na sambit ng isa sa kanila. "Hindi ito laro pambata lang kaya mas mabuti na umuwi ka na lang." Dagdag pa niya na ikinahalakhak ng kanyang mga kasamahan. "They are dead." Bulalas ni Gyro. "Ang pinakaayaw na word ni Red ay tawagin siyang totoy. Naalala ko tuloy ang araw nang binalian niya ako ng braso dahil sa tinawag ko siya ng ganoon." Nakangiwing pagkwe-kwento pa niya sa akin. "Mabuti na lang talaga ay naiayos pa ni Frolan kundi ay baldado na ang isa kong braso." Nagtayuan ang balahibo ko nang makita kung gaano kaseryoso na ngayon si Red dahil sa itinawag sa kanya ng mayabang na lalaki. May inilabas pa siya sa kanyang bulsa hanggang sa maging isa itong long stick. Binalingan ni Dervis ng tingin si Red na tila nauuhaw na ngayon sa dugo ng kanyang mga kaaway. "Ikaw na ang bahala sa mga iyan. Sumunod ka na lang sa amin." Utos niya kay Red. Nag-salute naman si Red kay Dervis habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang pinaka-target. "Okay boss. Mag-wa-warm up lang muna ako rito." Nakangising sambit niya. "Ipapakita ko lang rito kung sino ang tinatawag niyang totoy. Sisiguraduhin ko na magsisisi siya sa sinabi niya." Nagpatuloy kami nina Dervis sa paglalakad at nagpaiwan nga sa gitna ng mga kalalakihan si Red. Pagkaalis ng aking tingin ay sumambulat ang mga nasasaktan at nagmamakaawang sigawan ng mga lalaki. Hindi siguro nila inaasahan ang tinataglay na kakaibang bilis ni Red sa pakikipaglaban. Pagdaan ng halos limang minuto ay naramdaman ko na nasa tabi ko na muli si Red. Napansin ko pa na naging kulay pula na ang kanyang suot na puting pantaas mula sa dugo ng kanyang mga kinalaban. Kahit hindi ako lumingon ay nakikita ko na sa aking isipan ang kinahinatnan nila. Nakangising ikinumpas pa ni Red ang kanang kamay sa 'Okay sign'. Ibig sabihin ay sigurado siyang wala ng makakasunod pa sa amin. "Very good." Papuri pa sa kanya ni Blake na akala mo isang guro na nagbibigay ng mataas na marka sa kanyang estudyante. Napangiwi ako at pilit na isinaisip na huwag na huwag na tatawaging 'totoy' si Red kung ayaw ko matulad sa mayabang lalaki. Hindi nagtagal sa aming patuloy na paglalakad ay bumungad ang isang abandonadong at mataas na gusali. Mas hamak na mas malaki ang kutang ito sa kuta ni Dervis kaya napaisip tuloy ako kung paano kaya nila nakuha ang ganitong kalaking lugar. "We're here." Seryosong sambit ni Blake at inayos ang pagkakasuot ng kanyang salamin. "Ayon sa aking nakalap na impormasyon ay dito ngayon namamalagi ang grupo ni Klaus. Kasama niya ang panganay na anak ni Count Aereas Vernon na si Kaisel Vernon. Ang mga Vernon ay lihim na namamahala at pumo-protekta sa prostitusyon rito sa kapital at hawak nila ang dalawang malalaking grupo ng sindikato sa kapital." Count Vernon huh... Marinig ko pa lang ang pangalan niya ay tila kumukulo na ang aking dugo sa sobrang galit. Ang mga opisyal ng palasyo na binigyan ng kapangyarihan para protektahan ang mga mamamayan ay sila pa mismo ang nanakit at namamalabis sa kanilang kapwa. Hindi nararapat sa kanya ang titulong hawak at kung may kakayahan lang ako ay aalisin ko iyon sa kanya. Gusto ko na dumating ang araw na mapabagsak ang lahat ng kurakot at mapasamantalang mga opisyal. Humarang si Blake sa aming harapan. "Bago ang lahat ay binabalaan ko kayo na sa oras na salakayin natin sila ay magiging wanted tayo at habang buhay na tutugisin ng palasyo." Babala ni Blake sa amin pero tanging sa akin lang siya nakatingin. Sunud sunod na napalunok ako ng aking laway. Ngunit kung ito lang ang paraan para iligtas ang mga babae ay gagawin ko ito. "Wala ng itong urungan." Desidido kong sambit na ikinangisi nina Dervis at Blake. Pinatunog pa ni Dervis ang kanyang mga daliri. Senyales na hindi na siya makapag-antay na makipagbakbakan sa loob. "Mukhang ito na ang ating pagkakataon na bunutin ang ugat ng prostitusyon rito sa kapital. Sisimulan natin ito sa anak ni Count Vernon." Seryosong sambit ni Dervis sa kanyang mga kasama."Kaya katulad ng dati ay wala tayong plano basta ubusin niyo lang ang mga kalaban sa paraan na gusto niyo." "Maasahan mo kami diyan, boss!" Hindi makapag-intay na sambit ni Red habang patalon talon sa kanyang kinatatayuan. "Paano ba iyan? Mukhang hindi na makapaghintay ang ating bata." Naiinip na sambit naman ni Gyro at inilabas sa kanyang tagiliran ang mga dalang baril. "Halika na!" Sa isang senyas ay binuksan ni Blake ang pintuan ng gusali. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ay pinaulanan na agad kami ng mga bala. Mabuti na lang ay mabibilis ang aming reflexes at nagawa naming lahat na makaiwas saka naghanap ng pwedeng gawing harang sa sarili. Nagsimula na rin gumanti ng putok ng baril si Gyro sa loob habang nakatago ang katawan sa tambak na kahoy. Nagbigay ng senyas si Dervis at itinuro sina Red at Zion. Tumango naman ang dalawa na tila naiitindihan nila ang sinenyas ni Dervis. Hanggang sa biglang mabilis at magkasabay na tumakbo paloob ng gusali sina Red at Zion. Sumunod naman roon na pumasok sina Dervis at Gyro kaya kami na lang ang naiwan ni Frolan sa labas ng gusali. Tinanguhan ako ni Frolan para iparating sa akin na kaming dalawa ang susunod na papasok sa loob. Pagkabilang namin ng tatlo ay magkasabay na tumakbo kami paloob nito. Pagkapasok na pagkapasok namin ay naabutan namin ang madugong tagpo sa loob. Halos patong patong na sa sahig ang mga katawan na pinatumba nina Dervis habang patuloy pa rin ang pagdating ng mga tauhan ni Klaus. Saktong nakita ako ng mga ilang kalaban at nagsimula na rin silang sumugod sa aking direksyon. Gamit ang malakas na sipa at tadyak ay napatumba ko naman sila. "f**k! Anim lang sila! Anong ginagawa niyo? Paulanan niyo sila ng bala!" Natatarantang sambit ng pinaka-lider nila na sa tingin ko ay si Klaus. May katabi siyang binata na pormal na pormal ang kasuotan na hindi naaangkop sa ganitong lugar. Marahil ay siya ang tinutukoy ni Blake na panganay na anak ni Count Vernon na si Kaisel Vernon. Mukhang hindi pa nila masyado napapansin ang aking presensiya sa gitna ng kaguluhan kaya mas mabuti na hanapin ko muna kung saan nila tinatago ang mga bihag nilang babae. Agad na nilibot ko ang tingin sa buong gusali. Napag-alaman ko na may limang palapag ito at iisang hagdanan lang ang mayroon para akyatin ang bawat palapag. Ang problema nasa kabilang parte pa ang hagdanan at makakakuha ako ng atensyon kung tatawirin ko iyon sa gitna ng kaguluhan. Sinilip ko muli ang mga palapag at kada palapag ay may pahabang mga railing. Tingin ko rin ay kinulong nila ang mga babae sa pinakamataas na palapag. Kung ganoon ay nasa ikalimang bahagi iyon ng buong gusali. Umurong ako ng ilang hakbang bago mabilis na tumakbo para kumuha ng bwelo at mataas na tinalon ang railing ng ikalawang palapag. Sa unang subok ay nagawa ko ito makapitan kaya lumambitin ako at umakyat roon. Sa ginawa ko ay napabilis pa yata ako na nakarating sa ikalawang palapag. Saglit na sumilip ako sa baba bago tumalon mi para abutin naman ang railing ng ikatlong palapag. Ngunit muntikan na ako mapabitaw nang may magpaulan ng bala sa aking direksyon. Nilingon ko pa ang pinagmulan ng mga putok at nakita ko na marami ng mga kalaban na nakatingala sa aking direksyob ngayon. "May iba pa silang kasama!" Sigaw ng mga tauhan ni Klaus at ngayon mas marami ang nagpaulan ng putok sa aking direksyon. Ang iba naman ay nagsimulang umakyat na rin para sundan ako rito sa ikatlong palapag. Sinubukan kong binilisan ang aking kilos sa pag-akyat pa ng susunod na railing ngunit hindi ko nagawang iwasan lahat ng mga bala at nakatamo ako ng ilang daplis sa aking braso at binti. Masyado silang marami at kapag nagpatuloy ito ay hindi ko silang magagawang takasan pa. Wala ako nagawa kundi tumakbo at umakyat gamit ang hagdanan. "s**t Primo!" Rinig kong malakas na bulalas ni Dervis at nakita ko na tinutulungan niya ako dahil pinaulanan niya ng putok ang mga lalaking sumusunod sa akin at nagpapaputok ng baril sa aking direksyon. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon at narating ko ang pinakahuling palapag. Katulad ng aking inaasahan ay dito nila tinatago ang mga babaeng ibebenta nila sa prostitusyon. Ngunit hindi ko inaasahan na may halos dalawangpung dalaga ang makikita ko rito. Magkakayakap na umiiyak sila sa isa't isa. Nanginginig ang katawan nila. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa natatakot sila o dahil wala sila suot niisang saplot sa kanilang mga katawan. Nilapitan ko ang rehas na pinagkukulungan nila at nakita ko na may malaking padlock na ginamit roon. Sinubukan ko kumuha ng makapal na tubo na nakakalat at pwersahing sirain ito. Ngunit hindi man lang natinag ang padlock sa aking ginawa. Inis na binato ko ang tubo muli sa isang tabi. Mukhang kakailanganin ko ang susi para mapakawalan sila. Tila sinigurado ng aming mga kalaban na hindi namin maitatakas ang kanilang bihag hanggang hindi matatalo ang mismong may hawak ng susi. Mabilis na lumapit muli ako sa railing at sinilip ang pinakababa. Agad na hinanap ng aking mga sina Klaus at Kaisel. Marahil isa sa kanila ang may hawak ng susi. Hanggang sa makita ko si Klaus na nakangising nakatingala sa akin at pinaikot sa kanyang dirty finger ang isang susi. "That asshole!" Naggagalaiti kong sambit at sinamaan ng tingin ang hangal na lalaking iyon. Napatingin ako sa aking likuran dahil naririnig ko na ang papalapit na mga yabag ng mga sumusunod sa akin na kalaban. Sa oras na maabutan nila ako rito ay wala na ako matatakasan dahil ito na ang pinakahuling baitang at makipotpa ang lugar para makipaglaban sa kanilang lahat. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa aking likuran tapos sa ibaba ng railing hanggang makagawa ng isang delikadong desisyon. Humugot ako ng malalim na hininga bago lakas loob na umakyat sa railing. "What the f**k? Nagpapakamatay ka na ba, Primo!" Hiyaw sa gulat ni Red nang matanaw ako sa ganitong stunt. Narinig ko ang pagtigil ng yabag sa aking likuran. "Bwahaha! Wala ka ng takas!" Hinihingal na sambit ng aking mga kalaban bago itinapat ang hawak na baril sa aking direksyon. Bago pa sila makaputok ng baril ay agad ako tumalon mula sa ikalimang palapag patungo sa unang palapag. Hanggang sa may makapitan ako na palamuti na isinabit sa ikalawang palapag. Saglit na nakahinga ako dahil natigil ako sa pagkahulog sa unang palapag. Ngayon ay paano kaya ako makakababa sa unang palapag na walang isang bali sa katawan? Bago pa ako makaisip ng paraan at nagulat ako ng mapigtal ang palamuting sinabitan ko. Napapikit na lang ako ng aking mga mata at hinintay ang paglapat ng aking katawan sa matigas na sahig. Hanggang sa magulat ako ng may mga matitigas at malalakas na braso na sumambot sa akin at nagligtas sa akin mula sa madugong kamatayan. Unti unti ko minulat ang aking mga mata para tignan kung sino ang taong nagligtas sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD